Ako lang naman

Isa......Dalawa...Tatlo simulan natin sa salitang Ako......

Ako......ako lang naman yung babaeng naghihintay sayo
yung babaeng pinangakuan mo
yung babaeng sinabihan mo na Hindi
mo iiwan pero nasan ka ngayon?
Nasan ka nung kailangan kita?

Eto para ako tangang naghihintay sayo
naghihintay sa isang taong alam kong iniwan na ako
Sana kung napagod ka sinabi mo
Pilit kitang iintindihan basta wag ka lang bumitaw mahal ko.

Bawat Segundo.....minuto iniisip kung bakit ka bumitaw
Saan ba ako nagkulang sayo?
Binigay ko naman ang pagmamahal at oras ko.
Minahal kita pero iniwan mo parin ako

Nagmakaawa ako na sa buong buhay ko di ko ginawa
Nagmakaawa ako sayo na sana bumalik ka
pero hindi ka nagpaawat iniwan mo parin ako

Sana masaya ka sa naging desisyon mo
kahit ang dulot non ay sakit sa puso ko
Isa lang ang masasabi ko
Sana masaya ka kahit wala na ako
 At ngayon malaya ka na mahal ko......

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top