Kabanata 9
"Treat your mother, as a treasure that deserve to be kept." —Mapait na Author.
•Ika-siyam na Kabanata•
REVEKA POV;
"Ma, say ahh~" saad ko at isinubo kay mama ang pagkain na kailangan niyang kainin para makabalik ang lakas niya.
"Masarap po ba?" nakangiting saad ko.
"Oo, anak. Sino ang nagluto nito?" mahinang saad niya ng nakangiti.
"Si kuya Raney po, mama." sagot ko.
—
TAPOS ko nang pakainin si mama, kaya napagdesisyunan kong bihisan siya para naman kahit papaano ay maging mapresko ang pakiramdam niya.
Habang binibihisan ko si mama, merong kumatok sa kwarto.
So, it means hindi sila kuya ang nasa labas, kase ang mga mokong na yun, hindi marunong kumatok.
"Ma, buksan ko lang ang pinto ah? baka si Doc ito." paalam ko kay mama, ng maisuot ko na ang damit niya.
"Hello po Doc—
Naputol ang sasabihin ko dahil nakilala ko kung sino ang taong kumakatok.
"Reveka—
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na saad ko kay Austin.
Oo mga EVECTOUS! si Austin nga.
"Uhm, bibisitahin ko sana si tita—
Pinutol kong muli ang sasabihin niya. Pake niyo ba? wala akong respeto sa mga ulol eh.
"Ha? Nagpapatawa ka ba? dahil base sa kaalaman ko, ang huli nating pag-uusap ay yung tinawagan kita kase kailangan namin ng pera para maipagamot si mama, and that time, imbes na tulungan ako— KAMI, tinawag mo kong mukhang pera di ba? remember?" seryosong saad ko.
Napayuko siya.
"I'm sorry Eve." hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan din ako ng seryoso.
"Sorry? haha, di na maibabalik ng sorry mo, ang paghanga ko sayo. Kase alam mo? that time, ikaw kaagad yung naisip kong "TAO" na pwedeng makatulong sa amin. Dahil mabait ka? at the same time, k-kapatid kita." saad ko.
—
AUSTIN POV;
Mukhang mali ang desisyon ko na pumunta dito sa hospital.
She's angry at me, and I'm receiving a cold treatment from MY GIRL.
"I'm sorry Eve." saad ko at hinawakan ang kamay niya.
Seryoso ako sa paghingi ko ng tawad, pero mukhang balewala iyon sa kanya. Napaka-ewan ko kase, alam kong nasaktan ko siya 2 months ago. Dahil sa mga masasakit na salitang sinabi ko.
"Sorry? haha, di na maibabalik ng sorry mo, ang paghanga ko sayo. Kase alam mo? that time, ikaw kaagad yung naisip kong "TAO" na pwedeng makatulong sa amin. Dahil mabait ka? at the same time, k-kapatid kita na tumanggap sa akin kahit mahirap ako."
Parang may bumara sa lalamunan ko, at parang sinakal ako dahil sa huling sinabi niya.
Kapatid niya ako.
Napangiti ako ng mapait dahil sa katotohanang iyon.
Pero bat ko siya minahal ng higit pa sa kapatid?!
"Pwede mo ba akong bigyan ng kaunting oras para naman makapagpaliwanag ang K-kuya mo sayo?" utal na saad ko.
Pinilit kong wag ipahalata sa kanya na nasaktan ako sa sinabi ko.
Huminga siya ng malalim. At pinapasok ako sa loob ng kwarto ng mama niya.
Napangiti si tita ng makita ako.
"Hello po tita. Kamusta ka po?" nakangiting saad ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Okay naman Austin anak." tita said.
Sinenyasan niya ako na umupo kayo naupo ako sa may tabi niya. Habang si Reveka, ay nakatayo sa harapan namin na parang nagtataka.
"Sa pagkakaalam ko, dapat kang magalit sa Austin na yan, mama ko." masungit na saad ni Eve.
"Bakit naman anak? dapat nga tayong magpasalamat sa kanya dahil siya ang nagbigay sa kuya mo ng panggastos dito sa hospital." nakangiting saad ni tita at hinawakan ang kamay ko.
"A-ano?!" hindi makapaniwalang tanong ni Eve.
—
REVEKA POV;
Minsan talaga kahit matalino ka, mabobo ka.
Hayss. Di ko mainitindihan kung bakit dapat kaming magpasalamat sa gagong to?! Aha, papasalamatan ba namin siya dahil di niya kami tinulungan at sinabihan niya ako na mukhang pera?
Yun nga ata! Ang talino ko naman! HAHAHAHA
"Okay. Thank you. Maraming salamat." saad ko in a sarcastic tone.
I heard him chuckled, kaya tiningnan ko siya ng masama.
Aba ang gago, kinindatan pa ako. Baka mabuntis mo ko! grrrr
"Bat ka kumikindat? batuhin kita ng kaldero eh!" inis na saad ko.
"Anak, pinalaki kitang may magandang kalooban. Tandaan mo yan." saad ni mama, at hinawakan ang kamay ko.
Austin chuckled. Tinignan ko ito ng masama kaya napaayos ito ng upo.
"Opo nga po mama, pero noong tinawagan ko siya para humingi ng tulong—
"Anak, tungkol dyan, tumawag siya sa kuya mo after niyong mag-usap. And he apologized, at nagpadala kaagad siya ng pera." saad ng mama ko, habang pinipisil ang kamay ko.
Pinipisil talaga ng mama ko ang aking kamay para pakalmahin ako.
"Excuse lang po mama ah?" saad ko at hinalikan si noo si mama.
Hinila ko kaagad palabas ng kwartong iyon ang mukhang unggoy na lalaking to.
"BAT SA KANILA KA NAG-SORRY?! AKO YUNG SINABIHAN MO NG MUKHANG PERA EHH!" inis na saad ko.
Di ba tama naman ako? ang sakit kaya ng mga sinabi niya two months ago.
"Ahm, I'm really sorry, Eve. Ginawa ko lang yun kase—
Naputol ang pagpapaliwanag ni Austin dahil dumating si kuya Raney na galing ata sa trabaho at dumeretso lang dito sa hospital para makita si mama.
"Kamusta si mama, baby ko?" saad nito at niyakap ako.
Ang sweet ng kuya ko, mainggit kayo.
"Ayos lang po, kuya. Nakakakain na ng maayos, tsaka nabihisan ko na din." nakangiti kong sagot.
"Mabuti naman, oh siya sige, kayo na muna ang bahala kay mama, uuwi muna ako sa bahay at maglilinis ako don." saad nito.
Bago siya umalis, pumasok muna siya sa kwarto ni mama at hinalikan ito sa noo.
"Pano yan, Eve? kailangan mo ang tulong ko este ni tita. Lets go, pumasok na din tayo sa loob." saad ni Austin at pumasok na sa kwarto.
"Hi, tita. Gusto niyo po ng orange?" tanong nito sa maganda kong mama.
Ngiti lang ang isinagot ni mama, kaya nagsimula nang magbalat si Mr. Band-aid.
Sinenyasan ako ni mama na lumapit sa kanya, kaya lumapit ako. Alangan naman tumakbo ako palabas? psh.
"Anak, kung magkakagusto ka sa isang lalaki, gusto ko, na katulad yun ni Austin." nakangiting saad nito habang nakatingin kay Austin na nasa may pinto.
Mahina lang ang boses ni mama kaya for sure di kami naririnig ni Austin.
"P-po? bakit naman, mama?" mahinang tanong ko habang nalilito.
"Kase, sa nakikita ko, mabuti siyang tao. Tsaka alam ko na kapag katulad niya ang lalaking mapapangasawa mo, hindi ka nito papabayaan at lolokohin. Bagkus ay aalagaan ka nito at rerespetuhin." makahulugang saad nito habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.
Napatingin tuloy ako kay Austin at napangisi.
"Bat pa ako maghahanap ng katulad niya? kung pwede namang SIYA NA MISMO." saad ko sa aking isipan.
AUTHOR'S NOTE;
Helloooo! kamustaa kayoo? 。◕‿◕。 nag-enjoy ba kayo habang binabasa ang Ikasiyam na Kabanata? */smiles; Btw, wait for my next updateeeee! mwahh! mwahhh! Have a nice dayyyy aheaddd!
—Ateng_Queen💙
—Muling Paalala—
This story is based on my own experience with a combination of my BEAUTIFUL imagination. Name of places, persons, etc. are full of fiction.
(pere keng seryese ke se behey me, eke neleng seryesehen me, ekey?)
—Mapait na AUTHOR.
(pere keng seye, tatamis ako */wink;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top