Kabanata 7

"Those memories on your mind will fade someday, but it's already carved in your heart, honey." -Mapait na Author.

Ikapitong Kabanata•

REVEKA POV;

"Papa, di mo naman po kami iiwan di ba? tsaka di mo po papaiyakin si mama, right?" masayang saad ng isang batang babae sa kanyang papa.

"O-oo naman, love na love ko kayo ehh. O siya, matulog ka na." saad ng papa niya.

"Dapat paggising ko, andito ka pa din po." saad ulit ng bata at natulog na.

Kinabukasan ay nagising siya.....na wala na ang kanyang ama. Iyak siya ng iyak ng malaman na iniwan na sila ng papa niya dahil may iba na itong pamilya.

-

"PAPA!" sigaw ko at nagising sa isang napaka-sakit na panaginip. Napaiyak nalang ako sa sobrang sakit.

Ipinalibot ko ang tingin, at andito na pala ako sa kwarto namin ni mama. Pero wala si mama sa tabi ko, dahil mukhang bumili siya ng agahan.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa ang kuya ko.

"Baby, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

-

MARK POV;

"Susunod kami ni Reveka sa hospital, kapag nagising na siya, kuya. Alagaan mo muna si mama habang wala pa kami dyan. Salamat-

"PAPA!" sigaw ng kapatid ko sa kwarto nila ni mama.

Naputol ang sasabihin ko sana, at tumakbo kaagad kung nasaan ang kapatid ko.

"Baby, okay ka lang ba?" tanong ko at tinignan kung may sugat siya. Pero wala naman.

Hindi siya umimik. Kaya lumapit ako sa kanya para patahanin siya.

Ako nga pala si Mark Raney Zoe. High school graduate, at hindi na ako nakapag-kolehiyo dahil naisip kong mas maganda kung magtrabaho na kaagad ako, para naman makatulong sa mga gastusin sa bahay. 20 years old pala ako, at gwapo pa rin sa edad na yan. Yung lalaking kausap ko kanina, siya ang kuya ko. Actually, 2 sila and isa lang ang kapatid kong babae, yun ay si Reveka.

"Uhm, may sasabihin pala ako, baby." saad ko na may pag-aalangan.

Mukhang mas lalo siyang iiyak kapag nalaman niyang sinugod sa hospital si mama bago pa siya makauwi sa bahay.

"Ano po yun kuya? bat parang nag-aalangan kang sabihin?" saad niya na may pagtataka sa mata.

"Kase baby ko....si mama...ano...nasa hospital si mama-

"SAANG HOSPITAL KUYA?! PUNTAHAN NA NATIN SIYA."

-

REVEKA POV:

Di ko alam kung ano ang uunahin kong gawin, bukod kase sa kakagising ko lang, ehh di ko alam kung ano ang dadalhin ko papuntang hospital. Balak ko sanang dahil ang bahay namin kaso pinigilan ako ni kuya. Funget niya ka-bonding.

"Bunso, okay na yan. Parang dadalhin mo na ata lahat ng bagay na nandito sa bahay. Halika na." saad ni kuya at hinila na ako palabas ng bahay.

Sumakay kami sa motor niya. Yes, may motor siya, pero sarili niyang pera ang ginamit niya para makabili ng ganyan. Kaya proud na proud ako sa kanya.

"Kuya ano ba ang nangyari kay mama?" nag-aalalang tanong ko habang nasa byahe kami.

"Sabi nila kuya, sobrang nahihilo daw si mama kaya isinugod kaagad sa hospital." saad ni kuya.

-

NAKARATING na kami sa hospital, bumaba kaagad ako at nagtanong doon sa isang nurse, kung saan ang kwarto ng mama ko. Pero sabi niya hindi pa daw pinapasok sa kwarto, at nandoon pa sa parang waiting area nakahiga sa isa sa mga hospital bed doon.

"ANO?! BAT DI NIYO MANLANG ASIKASUHIN?!" inis na saad ko.

"Ma'am, kalma lang po. Ginagawa po namin ang lahat para maipasok na po siya sa kwarto niya." mahinahong saad ng nurse.

"Pano ako kakalma? at ano kamo? GINAGAWA NIYO ANG LAHAT?! NANG-IINIS KA BA? EHH NAGTITIPON-TIPON LANG KAYO DITO AT NAGTATAWANAN?" sarkastiko kong saad.

"Pag may mangyaring masama sa mama ko, lagot kayo sakin. Naiintindihan niyo?! di porket mahirap kami, ay mananatili kaming pipi, sa mga katulad niyong unfair ang serbisyo para sa aming mahihirap." dagdag ko pa at pinuntahan ko na ang mama ko.

Mukhang nauna na ang kuya ko, at hinayaan na ako na ang kumausap sa mga walang kwentang tauhan ng hospital na ito.

Ano ba ang nangyayari ngayon sa mga doctor at nurse? nagiging pabaya na sila. Iniisip kase nila na baka may Covid daw. Eh gago ba sila? para saan pa, at may mga pamproteksyon silang suot?!

"Mama, kamusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang saad ko at pinisil-pisil ang kamay niyang hawak ko.

"Okay lang ako, wag kang mag-alala." mahinang saad niya at ngumiti ng tipid.

"Ma, pakatatag ka ha? pray lang tayo. Lalakas ka din." saad ko at hinalikan ang noo niya.

Tumingala ako saglit, dahil alam kong tutulo na naman ang mga luha ko. Ayaw kong nakikita ako ni mama na umiiyak dahil for sure manghihina siya.

Biglang may nagsalita kaya natuon sa kanya ang mga tingin namin.

"Ma'am? sir? kailangan po namin i-swab test muna ang pasenyente at ang isang magbabantay sa kanya habang nandito siya sa hospital. But before we do the test, 3000 po ang total nang babayaran. I'll be back, kukuha lang ako ng gagamitin ko." saad ng doctor at umalis.

"Ako nalang ang magbabantay kay mama. Wag kayong mag-alala. Kaso wala akong dalang pera ngayon. Di pa ako nakakasahod." saad ng pinakamatanda kong kapatid.

"Kuya...uhmm..may tatawagan lang po ako auh. Baka po matulungan niya tayo." saad ko.

"Wag mong tatawagan ang lalaking yun! parang awa mo na." pakiusap ni Kuya Mark.

"O-opo kuya. Sige po, lalabas muna ako. Ma labas muna ako auh? babalik din ako kaagad." nakangiti kong paalam sa mama ko, at hinalikan muli ang noo niya.

Tinawagan ko kaagad si Austin, pano ko nalaman ang number niya? noong hiningian ko siya ng pera para sa street foods, kasama niyang ibinigay ang calling card niya.

"Please, sagutin mo. Kailangan kita ngayon." saad ko habang nakatingin sa cp ko.

Salamat naman at sinagot niya.

"Hello?" boses ng isang babae ang narinig ko.

At sigurado akong boses yun ng mommy niya.

"H-hello po, andyan po ba si Austin?" saad ko na kinakabahan.

Matagal bago may magsalita sa kabilang linya. At si Austin na mismo ang kumausap sa akin.

"Uhm, Reveka. Can you do me a favor? stay away from me. Magkaiba tayo ng mundo. Mahirap ka, at m-mayaman ako. Wag mo din sana isipin na kapatid mo ko, dahil sa una palang never kitang itinuring na kapatud. So please, wag mo na akong guluhin pa." saad niya.

H-ha? ano daw? parang bigla akong nanghina pero isinantabi ko muna yun, kase kailangan kong kapalan ang mukha ko para kay mama.

"Austin kase ano...kailangan ko ng pera para-

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya..

"HAHAHA, d*mn! Reveka, I knew it. My mom was right, when she said, mukha kang pera! So, please.....g-get l-lost. Bye."

"Aus-

Bago ko pa siya matawag sa pangalan niya, pinatay na niya ang tawag.

"No....Austin! please. I really need you, right now." saad ko at napaupo nalang ng biglaan.

Umiyak ako ng umiyak, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"B-baby? bat ka umiiyak?!" saad ni kuya Mark at itinayo ako.

Hindi ako nagsalita kaya nagsalita ulit siya.

"Kung ang iniisip mo, ay ang babayaran natin, wag kang mag-alala, nabayaran na namin nila kuya ang para sa swab test, okay? tahan na, papangit ka niyan." saad niya at pinunasan ang aking mga luha.

"T-talaga po kuya? napasok na po ba sa kwarto si mama?" saad ko.

"Oo, bunso ko. Kaso bawal natin siyang puntahan don eh. Kaya kung gusto mong mag-stay dito sa hospital, dito lang tayo sa waiting area. At yung kuya mo pala, umuwi muna dahil may trabaho pa siya. At ako naman, kailangan ko na din umuwi, dahil maghahanda pa ako ng kakainin nila kuya dito sa hospital. Okay ka lang ba na mag-isa dito?" mahabang saad ni kuya.

"Opo kuya, dito nalang po muna ako. Gusto ko, ako ang unang makikita ni mama sa oras na ilabas siya sa kwartong iyon." nakangiting saad ko.

Ngumiti lang si kuya at ginulo ang buhok ko, nagpaalam na siya sa akin at umalis na.

Ng mapag-isa ako sa waiting area, naalala kong muli ang mga masasakit na salitang sinabi sa akin ni Austin kanina.

"Austin, I'm disappionted with you. Akala ko iba ka sa kanila. Haha, how foolish I am. Akala ko kase kakampi na kita simula noong binigyan mo ako ng band-aid, kase akala ko, ayaw mo akong nasasaktan. Pero yun pala, kaya mo ibinigay yun, dahil sasaktan mo din pala ako balang araw. Pangako, di na kita guguluhin, kung yun ang gusto mo." bulong ko habang nakatitig sa kisame ng hospital.

Ramdam kong may mga tumutulo na namang luha sa mga mata ko. Kaso biglang umurong yung iba, ng may maalala ako.

Sa tingin niyo mga EVECTOUS, magkano kaya yung band-aid na ibinigay niya dati? siguro mahal yun dahil iba ang brand nun ehh.








AUTHOR'S NOTE;

Good day Everyone! ( ╹▽╹ ) I admired Reveka, kase kahit may problema siya or kahit nasasaktan siya, nakakapagbiro pa din siya. Btw, alam niyo ba, na habang sinusulat ko to, namatay ang mama ko. Ang hirap tanggapin pero kailangan. Stop with this drama! Thank you for readingggg, honey's! */smiles; I love youuuu all.

-Ateng_Queen💙

-Muling Paalala-

This story is based on my own experience with a combination of my BEAUTIFUL imagination. Name of places, persons, etc. are full of fiction.
(pere keng seryese ke se behey me, eke neleng seryesehen me, ekey?)

-Mapait na AUTHOR.
(pere keng seye, tatamis ako */wink;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top