Kabanata 4
"Let's do it before it's too late."
- Mapait na Author
•Pang-apat na Kabanata•
CHARVI POV;
Holaaa! Holaa! Magandang......ako este magandang araw mga kababayan. Sa likuran ko po ay makikita niyo-
Ayt nagiging reporter na naman ako. Sarap tuloy manabunot ng kalbo.
Naglalakad ako habang iniisip kung masasabunutan ko ba ang isang kalbo, ng biglang tinamaan ako sayo. De joke lang. May tumama na bagay sa ulo ko.
"AY KALBO! Arayy ko pooo!" saad ko at napaupo dahil sa sobrang sakit.
"C-charvi, o-okay k-ka l-lang?" saad ng isang lalaki na nasa harapan ko at umupo siya para mapantayan ako.
Mukhang familiar ang boses pero di ko masyadong natatandaan kung kanino.
"Okay lang ako noh. Hindi masakit. Natamaan lang naman ako ng bato sa ulo. Kaya OKAY NA OKAY AKO. Common sense naman oh-
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakilala ko na kung sino ang lalaking nasa harapan ko.
"Rence?! Ikaw ba ang bumato sa akin?! animal ka ba?!" inis na saad ko.
Tumayo ako na parang nanghahamon ng suntukan, kahit medyo nahihilo pa ako.
-
RENCE POV;
Nakaupo ako sa isang upuan malapit sa garden ng school namin. Nandito ako palagi kapag gusto kong makita si Charvi.
Speaking of my girl. Nakikita ko siyang naglalakad papunta ata sa room nila. Pero mukhang may iniisip na kung ano.
"Baka ikaw ang iniisip yieee." saad ng aking isipan.
"AHA!" saad ko habang nakangiti ng malawak dahil sa aking idea.
Kumuha ako ng maliit na bato. Bato, na kayang makakuha ng kanyang atensiyon.
Naniniwala kase ako sa kasabihang,
"Kapag binato mo siya ng bato, pagmamahal niya ay makukuha mo."
And I........love her since then. */bow my head in front of her parents;
Pero mukhang nagsisisi na ako, after ko kaseng maibato ang bato sa kanya. Napaupo siya.
Ang tanga mo Rence!
Lumapit ako sa kanya, at tinanong kung okay lang siya, pero sarkastiko ang isinagot niya.
"Rence?! Ikaw ba ang bumato sa akin?! animal ka ba?!" inis na saad ko.
Tumayo siya na parang manghahamon ng suntukan.
Sh*t! mukhang kakainin niya ako ng buhay.
"A-ah, s-sorry. Hindi ko s-sinasadya." saad ko habang nauutal.
Pero kahit na naiinis siya sa akin ngayon, sobrang saya ko pa rin. Dahil for the first time, nakausap ko siya ng ganito katagal. At tanda pa niya ang pangalan ko. Ackkk! nakakabakla tol.
Wala akong pake kung nawiwirduhan na siya saakin dahil pulang-pula na ata ang mukha ko dahil sa kilig.
"Teka nga, bat namumula ka? HAHAHAH mukha kang kamatis na ginawang tomato sauce BWHAAHAHAHA." saad niya habang tumatawa.
Mas lalo kong naramdaman ang init sa aking mukha dahil ang ganda niya kapag tumatawa o kaya naman ay nakangiti.
Alam niyo ba dati? palagi ko siyang pinagmamasdan mula sa malayo. Nakikita ko siyang nakatawa at nakangiti parati. At maniwala man kayo o hindi, ngayon ko lang na realize na mas maganda kung ako yung magiging dahilan ng kanyang kaligayahan.
Btw, I am Rence Vicente Garcia. Matalino, mayaman at Gwapo daw ako sabi nila, kaso di daw ako nag-aayos. Maraming nagsasabi na baka raw di na ako magkaroon ng asawa in the future HAHAHA. Di nila alam, naka-reserved na ako para sa babaeng patuloy kong minamahal, at yun ay si Charvi Tuazon. Soon to be, Charvi Tuazon Garcia hehe.
"Hoy! kinakausap kita pero di ka nagsasalita. Mabaho ba talaga ang hininga mo?" inosenteng saad niya.
Bumalik ako sa realidad dahil sa sinabi niya.
"Huh?" nagtatakang tanong ko.
Duh? mabaho daw ang hininga ko? eww
"A-hh, k-kase....ano. Sabi kase nila, hindi ka marunong mag-ayos ng sarili kaya baka di ka rin nagto-toothbrush?hehe" nahihiyang saad niya.
Grr, ang cute niya kapag ganyan siya. Mukhang sasakit na naman ang katawan ko mamaya. Dahil paulit-ulit akong nahuhulog sa kanya.
"Ganon ba? HAHAHA, ang bango kaya ng hininga ko. Lapit ka dito, hahalikan kita." lutang na saad ko.
Namula siya sa sinabi ko. Pero di nagtagal, nakatanggap ako ng isang malakas na batok mula sa kanya.
"Arayy! para saan yun?" saad ko habang hinihimas ang aking alaga este ang aking ulo (yung sa taas auh).
"Dami mong alam! hmmmp! halika ka na nga!" saad niya habang namumula.
Kinikilig kaya siya? ihhhhh
"Tangeks! inis yan sayo. Wag kang obob." saad ng aking pakening brain.
Nagulat ako kase hinawakan niya ang kamay ko.
"Uy, sabi ko tara na." saad niya.
"h-huh? s-saan tayo pupunta?......pwede bang sa simbahan nalang?" saad ko, pero mahina lang yung bandang huli.
"Syempre sa room ko.....ihatid mo ko.uhm. K-kase di ba ikaw yung may kasalanan kung bakit andito pa rin ako sa labas? at mukhang late na ako, kaya ikaw na ang magpaliwanag kay prof." defensive na sagot niya.
I smirked secretly, d*mn! you're so cute my Mrs. Garcia. hihihi.
"Yes ma'am!" saad ko habang nakasaludo at nakangiti ng matamis.
Hinawakan ko na ang kamay niya at nagsimula nang maglakad.
"Try natin yung sa temple run? kunwari pagmamay-ari kita at di ko dapat hayaan na maagaw ka ng iba." seryosong saad ko.
Hindi ko na siya hinayaang makasagot, bagkos ay hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay at nag-umpisa na akong tumakbo.
"O-oyy! walang ganyanan- aray ko po!" saad niya kaya napahinto kami sa pagtakbo.
"B-bakit? may masakit ba sayo? Tell me. Should I bring you in the clinic? Please tell me, I'm worried." saad ko habang chine-check kung may galos ba siya o ano.
-
CHARVI POV;
Nakatingin lang ako sa lalaking kasama ko ngayon.
Hindi ko naiwasang mapangiti dahil nakikita ko sa mga mata niya, ang pag-aalala.
Chine-check niya talaga if may galos ako or kahit na ano.
Geez! mahuhulog ata ako sa gwapong losyang na ito- wait! may GWAPONG LOSYANG BA?! hays ang gwapo niya kase, kaso di siya marunong mag-ayos.
"O-okay lang ako, parehhh~" saad ko at tinapik siya sa kanyang balikat.
"Sure ka? pwede naman kitang idala sa clinic-
Gamit ang aking hintuturo, pinatigil ko siya sa pagsasalita.
"Shhh! if you keep doing things like this, I might fell for you in the future." seryosong saad ko, habang nakatingin sa mga mata niya.
Hinawakan niya ang kamay ko na humaharang sa bibig niya.
"Then, be ready Mrs. Garcia. I'll keep doing this things to make sure that you'll fall for me in the future." he said and kisses my forehead.
Geez! Wala na, deads na deads na me.
AUTHOR'S NOTE:
Ohaeeyooooh! So ano na? HAHAHAHA. Deads na deads na raw si MRS. GARCIA pffft. Ihanda ko na ba ang kabaong? just kidding. Wait for my next update honeyyyyy's! Hope y'all are enjoying this story of mine.
Vote nemen dyennn~ HAHAHAH.
-Ateng_Queen💙
-Muling Paalala-
This story is based on my own experience with a combination of my BEAUTIFUL imagination. Name of places, persons, etc. are full of fiction.
(pere keng seryese ke se behey me, eke neleng seryesehen me, eke?)
-Mapait na AUTHOR.
(pere keng seye, tatamis ako */wink;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top