Kabanata 3


•Pangatlong Kabanata•

AUSTIN POV:

"Dad naman! bat mo siya ginanon?! ipapaalala ko lang sayo, anak mo yun sa una mong asawa!" inis na saad ko.

Kakapasok ko lang ng bahay namin, dahil hinatid ko sa labas si Eve- I mean Reveka.

Pero bat ko ba siya binigyan ng band-aid? hays! nevermind.

"Wag mong tinataasan ng boses ang daddy mo, Austin!"

Biglang sabat ni mom, at sinenyasan si Nay Nelly (katulong namin) na idala si Nica (bunsong kapatid ko) sa kwarto niya.

"Mom! isa ka rin eh! bat mo siya pinagsalitaan ng ganon?! ikaw na nga yung kabet tapos ikaw pa yung may ganang maliitin siy-

Hindi ko na natapos ang aking pagsasalita dahil naramdaman ko na ang sampal ni mom.

"How dare you, Austin! how dare you to say that words on me?!" galit na saad niya.

Si Dad naman ay nakatingin lang sa amin, at naguguluhan kung sino ang kakampihan niya.

Pero as usual....

"Austin, son. That's enough. Ayusin mo yang ugali mo, habang nakakapagtimpi pa ako. Go back to your room. At mag-aral ka, para naman matuwa kami ng Mommy mo sayo." he said in a serious tone.

Tsk.

"Sino ka ba sa akala mo?! eh kaya mo lang naman pinatulan ang mommy ko, yun ay dahil mayaman siya."

Saad ko habang may galit sa aking mga mata.

Magsasalita na sana si Mom. Pero kinuha ko ang gitara na hawak ko kanina at sumakay na sa sasakyan ko.

By the way, let me introduce myself, first. I am Austin Lawrence Azai, 19 years old. Architectural Student in Nesahera University. So it means, I want to be an architect in the future. Reveka's father, is my Dad, pero may hinala akong hindi talaga siya ang daddy ko. I believe, that my biological father died because of depression, nalaman kase niya na pinagtataksilan siya ni mom. He's too kind, to be angry. Kaya mas pinili niyang umalis and nalaman nalang namin na nagpakamatay siya. I cried that time, gusto ko ring patayin ang lalaking kasama noon ni Mom, sa libing ni Dad. Pero sabi naman ni mom, hindi siya ang ama ko, she even gave me a copy of DNA.

Sabi nila, nasa akin na daw ang lahat ng kailangan ko. They said, I'm almost Perfect. Pero di nila alam, simula noong bata pa ako, hanggang ngayon, hindi ako nagkaroon ng masayang pamilya. I missed my biological father, so much. Pero wala akong magawa kahit gusto ko siyang makita.

Katulad din ako ni Eve (Reveka), maraming expectation and pressure ang nakapaligid sa amin. We can't even escape on that. We tried to gave our best, but that's not enough to make our family complete or for us to be happy.

Hays! enough with this drama of mine.

Andito na pala ako sa labas ng bahay
nila Chris. He's my best friend. Siya lang ang natatakbuhan ko kapag may nangyayaring ganito.

"Oh, bud. Kumusta? napadalaw ka ata? o may dalaw ka? you know, red blood day ba natin ngayon? HAHAHA o kaya naman na-miss mo ako? sorry auh, pero di kita na-miss."

Yan agad ang sinabi ni Chris, pagkabukas pa lamang niya ng pinto.

"Tigilan mo ko sa kabaklaan mo. Wala ako sa mood." inis na saad ko.

Pumunta agad ako sa kwarto ni Chris. Dahil gusto kong magpahinga.

"Wow naman. Nakahiga ka na naman sa higaan ko, baka sa susunod niyan, pakasalan mo na ako? HAHAHAH." pabirong saad niya, at umupo sa gilid ng kama.

"Alam kong may problema ka. Kase hindi ka hihiga diyan, kung wala. Spill the tsismis, makikinig aketch." saad niya at umupo ng naka-dekwatro.

Hays. Isa nalang talaga. Iisipin ko nang bakla, ang abno na to.

"Dad and Mom." tipid na sagot ko.

Alam kong alam niya kung ano ang ibig kong sabihin.

"Hays. 2021 na, yan pa rin ang issue na kinakaharap mo. Tsk tsk tsk. Baka, kapag di pa yan matapos, eh di ka na magkajowa at mamamatay kang walang nadidiligan. Naiiyak tuloy ako bessy. Pero wag kang mag-alala, malaki ang ibibigay kong abuloy kapag nangyari yun HUHU."

Mahabang saad ni Chris, habang hinahagod ang aking likuran.

Sinikmuraan ko nga para tumigil sa kagaguhan niya.

"Tang- bat mo ko sinikmuraan?! di mo na ako lab? sorry auh, ganito lang kase ako. Sorry kung nahanap mo sa kanya, ang wala sa akin. Sorry din kase isang malaking hotdog at dalawang itlog lang ang meron ako. Pasensya na-

Tinignan ko siya ng masama, dahilan para tumigil siya sa pagsasalita. Hays sa wakas, tumigil din sa pagiging sad boi niya.

Ganyan talaga siya, kapag may problema ako. Imbes na i-comfort niya ako, o kaya bigyan ng advice. Mas binibigyan pa niya ako ng sakit ng ulo.

"Pasalamat ka at naging kaibigan kita, kung hindi-

"Kung hindi?" saad niya habang nakangisi.

"Kung hindi, matagal na kitang pinakain sa mga alaga kong aso." seryosong saad ko.

"Woahh! ror baby! I wuv youu! Namumula ka na diyan HAHAHA, let's go to the kitchen. Magluluto ako." saad niya at kinindatan ako.

"G*go ka! alam mo talaga kung ano ang kahinaan ko." saad ko.

Nauna na akong bumaba, dahil adik na adik ako sa kahit anong pagkain. Basta't pagkain ang pinaguusapan, nakakalimutan ko ang inis or galit ko sa isang tao.

Naniniwala kase ako na....

"Kung may problema ka, bat ka magpapagutom? wag mong idamay yung tiyan mo sa kadramahan mo."

And I.........am Single, pwede manligaw? so tayo na? or uupo lang? sige. salamat. paalam.

Nagmamahal,
Gwapong_bataS

"Bud! matanong ko lang auh. Kumusta na yung babaeng nakukwento mo sa akin noon? di ba sabi mo, same kayo ng problema? ano nga ang name niya? Evec? Revec? aishhh! nakakaloka auh. Tumatanda na talaga ako." saad ni Chris.

Nagsasalita siya, habang ngumunguya. Talent niya yan ehh. Napaka-daldal.

"Ah, si Reveka ba? sa tingin ko, hindi siya okay." saad ko at bumuntong hininga.

"Mukha nga. Gusto mo ba yun?" inosenteng saad niya.

Muntik na akong mabulunan dahil sa tanong niya.

"Tanga ka ba? step-sister ko yun! kaya h-hindi ko siya pwedeng magustuhan.....kahit gusto ko siyang mahalin." mahina lang ang pagkakasabi ko sa bandang huli.

"Woah, wag masyadong defensive, napaghahalataang may gusto ka nga talaga sa kanya. Pero alam mo, para sa akin, kailangan mo siyang layuan. Kase hindi malabong magustuhan ka din niya, at sa huli, parehas kayong masasaktan. Sa katotohanang, MAGKAPATID KAYO." seryosong saad niya.

Tama siya. Pero kakayanin ko kayang ihinto ang pagkakagusto ko sa STEP-SISTER KO? hays. Kase kahit ako, hindi ko alam kung paano at kailan ito ihihinto. Or kung papayag ba ang GWAPONG si AKO, na pakawalan siya?


AUTHOR'S NOTE;

Goodddd dayy everyoneeeee! Tulungan niyo si ebeb Austin, na magdesisyon */smiles; Mukhang marami ang magiging problema ng MAGKAPATID auh? */smirk; Btw, thankkkk you po for reading. Your vote and comments will be appreciated by me.*/smiles;

- Ateng_Queen💙

-Muling Paalala-

This story is based on my own experience with a combination of my BEAUTIFUL imagination. Name of places, persons, etc. are full of fiction.
(pere keng seryese ke se behey me, eke neleng seryesehen me, eke?)

-Mapait na AUTHOR.
(pere keng seye, tatamis ako */wink;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top