Kabanata 11
"Your sweetest smile, matter the
most." —Mapait na Author.
•Ikalabing-isa na Kabanata•
THIRD PERSON POV:
"Hays, ano bang gagawin ko?! aishh! nakakainis." saad ni Austin habang nagpapaikot-ikot sa loob ng kwarto nito.
Yes, andito pa din siya. At hindi siya lalabas ng pintong ito hanggat wala siyang desisyon.
Mas naguguluhan siya dahil baka ipagpilitan na naman siya ng mom niya sa babaeng yun. Walang iba kung hindi si Myller Anastacia Ferrer, ang dati niyang fiancee. Yes, dati. Pero hindi pa rin maka-move on sa kanya ang babaeng ito kaya kapag may nagtatanong ay sinasabi nitong sila pa.
"Utak naman! gumana ka! akala ko ba matalino ka?! bat parang ang obob mo ngayon?" inis na saad nito.
Parang nababaliw na ito habang sinasabunutan ang sariling buhok.
Bigla itong napaayos ng tayo, at mukhang may naisip na. (Di tulad sayo na, siya lang ang iniisip. Tss.)
"I need to be with her. That's my decision." nakangiting saad nito at kinuha ang cp at susi ng kanyang sasakyan.
—
AUSTIN POV:
Habang nagmamaneho ay kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit pero siguro ay dahil makikita ko na naman ang babaeng patuloy kong minamahal kahit na mali.
Mabuti nalang at umalis sila Dad and mom kaya nakalabas ako ng bahay ng walang pinoproblema.
—
NAKARATING din agad ako sa hospital.
Pinuntahan ko kaagad ang kwarto kung nasaan si tita (Eve's mother) You know what? I idolized her mom, so much. She's kind and a lovable person. Hindi ko alam kung bakit pa siya pinakawalan ni Dad.
Humugot muna ako ng lakas bago kumatok.
Bumukas naman ito kaagad at bumungad sa akin ang kapatid ni Eve. Which is Raney.
"Oh, bro? bat ka andito— I mean, napadalaw ka ata?" nakangiting saad nito.
Medyo close kaming dalawa dahil same age kami.
"Pre, kamusta si Tita?" saad ko.
"Sigurado ka bang si Mama yung ipinunta mo dito? o may iba pa?" nanunuksong saad nito.
Hindi man nito sabihin, alam niyang napapansin na nito mula noon na may pagtingin siya kay Eve.
"Pre naman eh, btw asan si Eve?" saad niya.
"Psh, pasok ka, andito si Eve sa loob." saad nito at pumasok na sila sa loob ng kwarto.
"Tita kamusta na po ang lagay niyo?" nakangiting saad niya dito at hinalikan ito sa pisngi.
Parang mas malapit pa siya dito kaysa sa totoong ina niya.
"Okay lang ako iho. Hinihintay nalang namin ang sasabihin ng doctor para makalabas na kami." nakangiting sagot nito sa kanya.
Hindi na ako magtataka kung sa kanya namana ni Eve ang magandang ngiti. Yun nga lang, minsan ko nalang makita na ngumiti si Eve, siguro dahil sa mga problema na kinakaharap niya.
"H-hi Eve." nahihiyang saad niya.
"Hello? bat ganyan ka magsalita? para kang ewan." saad nito at tumawa ng mahina.
Hays, wala na. Hulog na hulog na ako.
Napangiti ako ng matamis habang pinagmamasdan ko siya.
"Ganyan din makatingin sa akin noon, ang asawa ko." saad ni tita habang nakatingin sa akin.
Napatigil siya dahil sa biglang pagsasalita ng mama ni Eve.
"Po?" nagtatakang tanong niya dito.
Ngumiti lang ito at umiling.
"Sana wag mo din siyang saktan at iwan." malungkot at mahinang saad nito na siya lang ang nakarinig.
Sasagutin niya sana ito ng "Wag ka pong mag-alala tita, hindi ako tutulad kay Dad." pero sumingit si Eve.
"Bat ka pala naparito Austin? di ka ba busy? buti hindi nagalit yung mom mo at si p-papa?" nag-aalangan nitong tanong.
"Uhmm, g-gusto sana kitang makausap. Y-yung tayong dalawa lang? pwede ka ba?" kinakabahan siya at baka hindi ito pumayag.
"Uhm, sure? Ma, mag-uusap lang po kami ni Austin, saglit lang po ah? pwede po ba?" paalam nito kay tita.
"Oo naman anak, take your time. Andito naman ang kuya Raney mo." nakangiting saad nito at sumenyas na pwede na silang umalis.
Para akong mauupos na kandila habang naghahanap ng pwedeng lugar para makapag-usap kami ng masinsinan.
—
REVEKA POV:
TAKANG-TAKA ako kung bakit biglaan ang pagdalaw sa hospital ni Austin.
Ano kaya ang pag-uusapan namin? Baka yung kasal namin? tapos sasabihin niyang, 4 na anak ang gusto niya tapos kapag mag-asawa na kami at may mga anak na, ay mambababae siya. Then malalaman ko yun, makakalbo ko yung kabet niya at maghihiwalay kami. HUHU mawawalan ng ama ang mga anak namin—
Ayt! ano ba itong naiisip ko.
Btw, napansin kong parang di siya mapakali at palinga-linga sa paligid. Ehh mag-uusap lang naman kami? Hala, wait.
Baka mag— hays ang dumi na naman ng isip ko. Kailangan ko na naman magpalinis. Pero duhh, normal lang siguro na kabahan ako noh? at isipin yun dahil isang gwapo, matipuno, matalino, parang anghel lang naman ang kasama ko at—
"Kapatid mo." singit ng aking isipan. Hoy tumahimik ka dyan, kung kailan hindi ka kailangan tsaka ka naman gagana. Psh, katayin kita eh. Wait, so parang sinabi kong mukhang biik ang isip ko? (ikaw? may isip ka ba?).
Napansin ko ring namamawis ang noo at ilong ni Mr. Bandaid. Natural? nakikita ko siyang punas ng punas, parang tanga. Ewan ko ba sa isang to, parang natatae mwehehehe.
"Hoy! saan ba tayo maguusap?" saad ko at tumingin-tingin din sa paligid.
Andito na pala kami sa tagong lugar sa Hospital na ito. May mga abandonadong kwarto dito, pero malinis naman. (mas malinis pa kaysa sa utak mo, chereng baka di mo na tapusin ang kwentong ito).
"D-di ko alam." tipid na sagot na hindi tumitingin sa akin.
Seryoso? nautal pa siya ah. Psh, sarap niyang kalbohin ehh. Pishtea siya!
"What the?— gago ka ba? ikaw itong nag-aaya na makipagusap tapos di mo din alam kung saan tayo mag-uusap? Nagpapataw—
Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong..........
(to be continued, sa ikalabing-dalawa na kabanata.)
AUTHOR'S NOTE:
Ohaeyoohhhh! my reader/s! */smiles; kamustaaa kayooo? shout out sa inyo */laugh; kiddingggg. So, ayon nga, ano kaya ang ginawa ni Austin na naging dahilan kung bakit naputol ang pagsasalita ni Reveka? */smirk; Bitinnn ba? */chuckles; abangan niyo nalang sa susunod kong update. Byeee, havee a greattt day ahead mwahh mwahh! 。◕‿◕。
—ATENG_QUEEN💙
—Muling Paalala—
This story is based on my own experience with a combination of my BEAUTIFUL imagination. Name of places, persons, etc. are full of fiction.
(pere keng seryese ke se behey me, eke neleng seryesehen me, ekey?)
—Mapait na AUTHOR.
(pere keng seye, tatamis ako */wink;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top