prologue

"Makmak, bumaba ka na nga dito, hapunan na!" Rinig naming sigaw ni Kuya Doyoung sa baba.

"Makmak ampota." Singhal ni Donghyuck sa tabi ko, tinampal ko nang mahina 'yung pisngi niya at umirap. "Wala kang pake, ha."

Tumawa siya nang mahina, umiwas ako ng tingin kasi baka mamula ako. Tangina naman kasi, ang cute. Nakakairita naman 'tong kabadingan ko.

Hindi ko nga alam paano pa ako nabubuhay ngayon na limang taon na in love sa bestfriend ko nang hindi nabubuking, sabi nga ni Jeno sa'kin nung nakaraan, "Baka kasi sobrang madasalin mo, binigyan ka ng dalawang guardian angel ni Lord." tapos umakto si Chenle na kukunin na ako ng liwanag.

Siguro magaling lang talaga akong magtago ng sikreto, kasi hindi lang 'yun 'yung sikreto kong hindi pa nabubuking.

Ako si Spiderman.

Walang nakakaalam, syempre lalo na si Kuya Doyoung. Baka liparin ako ng tsinelas kapag nalaman niya.

Bumaba ako para tignan 'yung niluto ni Kuya Doyoung. "Uy shet, ramen?"

"Bibig mo, tangina kang bata ka."

"Gagalet." Ngumuso ako nagkamot ng ulo. Highblood amputa, daig mo pa may menopause.

Umakyat na lang ako pabalik sa kwarto para ayain si Donghyuck na makikain sa amin. Baliktad din talaga ata ang utak ni kuya, pero hindi ko na kinwestyon.

Ang dami ko na naman kasing tanong na hindi masasagot, kagaya ng bakit ang pogi ni Kai ng EXO, o kaya naman kapag nagpakasal ba kami Donghyuck, macacancel out 'yung apelyido namin kasi parehas kaming Lee?

O kaya bakit kaya hawak ni Donghyuck 'yung Spiderman suit ko na galing sa bag-teka putangina saglit.

"Mark, bakit nasa bag mo 'yung suit ni Spiderman? Ikaw ha, crush mo siya noh?"

"Putangina."

🕷

Mark Lee as Mark Lee/Spiderman
Lee Donghyuck as Lee Donghyuck
NCT DREAM as NCT DREAM

hi badings. halong epistolary at narrative 'to, okay. enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top