02
narrative.
-
"Bwiset naman o." Inis na tumalon si Mark papuntang kabilang building, sabay nang pag-shoot ng web sa mga matataas na lamp posts.
May nakita kasi siyang nagnakaw ng bag, tapos ayon tumakbo. Bobo pa nung magnanakaw, tanghaling tapat saka mangssnatch. Wala tuloy kawala kay Spideyboy.
"HOY!" Sigaw ni Mark- este Spiderman pala sabay kuha nung bag gamit ng mahiwaga niyang webs. Gulat naman 'yung magnanakaw saka tumingin sa taas.
"S-Spiderman?"
"O-Oo a-a-ako 'to. Tanga." Nanatili si Spiderman sa taas ng lamp post habang masamang nakatingin sa magnanakaw. "Pangalawang beses mo na 'to sa isang linggo ah. Sabi ko sa'yo kuya, magbago ka na. Hanapan kita ng trabaho, gusto mo?"
"Huwag mo nga akong pakielamanan!"
"Aba-"
Napatigil si Spideyboy sa pagsasalita nang may narinig siyang sumigaw ng, "KUYA MAY TRUCK!" sa kabilang street.
Putangina, si Donghyuck.
May hawak na hotdog sa isang kamay, tapos cellphone sa kabila.
At may rumaragasang truck na parang nawalan ng prenong malapit na siyang masagasaan.
"Shit." Agad siyang lumipad papunta sa direksyon ng bestfriend slash crush slash mahal niya (pero secret lang daw sabi ni Mark, pabebe pa si ulol), sabay yakap dito saka ulit nagshoot ng web sa isang building at lumipad, dahilan para kumapit nang maiigi si Donghyuck sa bisig ni Spideyboy.
"PUTA 'YUNG HOTDOG KO!" Rinig niya pang sigaw nito.
Muntik ka nang mamatay, 'yung hotdog pa galing 7/11 'yung inalala mo. Bulong ni Mark sa sarili.
"T-Teka, takot ako sa heights.." Narinig niyang bulong ni Donghyuck habang itinatago 'yung mukha niya sa leeg ni Mark.
Shit oo nga pala, pero tangina kinikilig ako.
Agad binaba ni Spiderman si Donghyuck sa sidewalk, gulo na ang kaniyang buhok (pero maganda pa rin, sabi ni Mark) at mukhang nakakita ng multo.
"Okay ka lang?" Hindi napigilan ni Mark na hawakan ang mukha ni Donghyuck sa sobrang pag-alala, tila sinusuri kung may daplis ba ng sugat o ng gasgas. Agad naman niyang binawi 'yung mga kamay niya. O, tanga. Si Spiderman ka, hindi ka si Mark.
"A-Ah, anong nangyari.." Malumanay na sabi ni Donghyuck na para bang wala pa siya sa sarili niya. Kumirot naman ang puso ni Mark kasi gagu amg cute ikaw na ba ang paboritong anak ni Lord.
Nakakita na si Spiderman ng mga media na papalapit, malamang sa malamang, hihingi na naman ng interview o kaya navideohan na naman siyang may iniligtas.
"Saan ka nakatira, hatid na kita."
-
"Uy, Spidey, thank you ah.." Inilapag ni Spiderman si Donghyuck sa balcony ng bahay nilang ilang beses na niyang napuntahan at natulugan, pero syempre kunwari first time niya 'tong makita kasi you know tamang pagpapanggap lang.
"Sa susunod mag-ingat ka." Lumapit si Mark at hindi napigilang yakapin ulit ang bestfriend niya. Napatawa naman si Donghyuck nang kaunti. "Crush mo ako, Spidey? Oo nga, sorry na. Ibibigay ko lang naman kay Chenle dapat 'yung hotdog eh."
Kumawala si Mark sa yakap pero hindi lumayo sa harap ni Donghyuck saka bumuntong-hininga.
"Pero seriously, thank you." Biglang humina ang boses ni Donghyuck. "Kung hindi dahil sa'yo, baka wala na ako. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, kay... kay Mark.."
Nagdasal na lang si Mark sa loob-looban niyang hindi marinig ni Donghyuck kung gaano kalakas 'yung tibok ng puso niya, pero kumalma din agad nung nakita niyang nakatulala si Donghyuck sa ibaba, para bang malalim ang iniisip.
Tinanggal ni Mark 'yung kalahati ng kaniyang mask, para ipakita lang 'yung labi niya at kalahati ng ilong. Sana lang hindi niya makilala, kasi kung oo, edi talon na lang ako ng building pota.
"Donghyuck, kumalma ka, okay? Ang mahalaga nandito ka. Naligtas kita, at sisiguraduhin kong ligtas ka palagi."
Napatingin nang marahan si Donghyuck sa kaniya, mukha pa ring wala sa sarili pero medyo namumula ang mga tenga. "H-Ha?"
"Ligtas ka hangga't nandito ako. Pangako 'yan."
Napatingin si Mark sa labi ni Donghyuck na medyo nakabukas, at lalo lang siyang kinabahan nung nakita niyang nakatingin din si Donghyuck sa labi niya.
Para bang may nagtulak kay Mark na hawakan ang mukha ni Donghyuck at halikan ito, sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam saan siya nakakuha ng lakas ng loob, pero eto siya ngayon, nahahalikan 'yung taong matagal niya nang tinotorpehan.
Ang lambot ng labi ni Donghyuck, ang lambot ng labi ni Donghyuck. Tangina, gusto kong gawin 'to araw-araw. Kahit hindi na ako kumain basta nakikiss ko si Donghyuck puta okay na ako.
Pumikit si Donghyuck at humalik pabalik na siyang ikinagulat ni Mark, dahilan para bumalik sa katinuan ito at humiwalay sa halik. Pulang-pula naman si Donghyuck at nakatitig lang sa kaniya.
"A-Ah, haha, bye alis na ako. Ingat ka." Agad ibinalik ni Mark sa ayos ang kaniyang mask saka tumalon sa balcony, dali-daling dinala ang sarili niya malayo kay Donghyuck.
Si Donghyuck naman ay nakatitig lang sa anino ni Spiderman sa malayo saka bumulong ng, "Paano niya nalaman 'yung pangalan ko?"
-
"Shet, 'yung bag hindi ko nabalik." Sinampal ni Mark 'yung sarili niya pagkahiga niya sa kama, mas mapula pa sa suit niyang kakatanggal niya lang.
-
nakalimutan kong may wattpad pala ako hshahahahatdog
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top