Chapter 08


CHAPTER EIGHT

~✡~


WHAT IN THE HELL did even happen?

I woke up with my head throbbing and wanting to puke. I was so sure something happened but I couldn't recall anything strange that happened. Sobrang bilis pa ng oras, parang kanina lang nasa labas kami ng room ng kapitbahay para makisabay sa kanilang party, pero ngayon umaga na naman.

I was standing in front of the cafeteria's buffet table, holding my tray of food, as I scanned the whole area. Parang normal lang naman, everyone smiling, enjoying their food, chatting with their friends and all. Nababaliw na ba ako?

Bumaba ang paningin ko sa hawak na tray, at tumagal doon sa baso ng lemon water. Something was nudging my brain, and it's making me so frustrated because I couldn't tell what it was.

Napapikit ako at napabuga ng hangin.

Baka nababaliw na nga ako. Sa dami ba naman ng pinapagawang activities at quizzes sa isang araw lang.

“Hindi mo ba gusto ang pagkain?”

Bahagya akong napaigtad at napapihit kaagad paharap sa likod. Nakatitig na sa 'kin ang serbedora, may hawak pa siyang sandok, ready na kung sakali mang sasabihin kong gusto kong palitan.

Mabilis akong umiling. “Uh, hindi naman po gano'n. Pagod lang po.”

Tumango siya. “Punta kang clinic agad kung may dinadamdam ka, ha. Mahirap na kung magkakasakit ka pa.”

She went back to putting food on students' trays, and I couldn't help but stare at her. Wala namang siyang ibang intensyon sa sinabi niya, pero iba ang naramdaman ko.

I shook the thought out of my head. Naisip kong baka gutom lang dahil hindi ako nakapag-agahan kanina. Hinanap ko na lang sina Anderson para makakain na ako kasama sila.

“Monday na naman,” panimula ni Ellaine habang nginunguya ang salad niya. “Ano na naman kayang balita today?”

“Sabi no'ng iba sa kabilang section, may iba rawng nakauwi na yata,” sagot ni Anderson.

I was silently eating and just listening to them, but his answer made me raise my head.

“Nakauwi?” Nagbaling sa kaniya ng tingin si Ellaine. “How? I thought hindi tayo pwedeng umuwi hangga't hindi natatapos ang special class?”

Anderson shrugged. “Malay ko. Basta 'yon narinig ko. Sa ibang section din, may umiyak kasi nag-iwan ng farewell letter ang kaibigan niyang pinapauwi na raw ng nanay.”

“But do you think may bago tayong classmate today?” Ellaine clasped her hands together. “Last week, hindi ba may nadagdag, kaya naging twelve tayo.”

Hindi ko alam kung paano ba ang pamamalakad sa school na 'to. Noong mga naunang linggo, consistent na sampu kami. Last week, may nadagdag na dalawa. Naga-announce sila palagi, kahit minsan hindi pa Friday, na suspended na naman ang klase dahil binago nila ang class arrangements after ng assessments daw. I was guessing the assessments they mentioned were the brain-wracking quizzes and activities we did.

Dinampot ko ang baso ng tubig para uminom. At habang sumisimsim ako, hindi ko maiwasang mapatingin kay Azrail na nakaupo sa tapat ko. He was oddly silent today. Mabagal naman siyang kumain pero dahil madaldal ang mga kasama namin, sabay pa rin siya sa 'ming natapos.

“Azrail,” I called him. Hindi agad siya tumingin kaya tinawag ko siya ulit. Saka lang siya nag-angat ng tingin noong nilakasan ko boses ko.

He blinked. “Hmm?”

Magtatanong na sana ako pero tumunog bigla ang bell. Napakurap ako nang mabilis siyang tumayo, dinampot ang tray niya, at nagmartsa paalis.

“Woah.” Napansin na ni Ellaine ang inasta ni Azrail. “Anong nangyari do'n? Nag-away ba kayo?”

“Malay ko ro'n,” simpleng sagot ko. Inubos ko muna ang pasta bago ako tumayo at umalis na rin ng table dala ang tray ko.

Sumasakit na nga ang ulo ko, dumagdag pa si Azrail sa frustration ko. Kaya naman hindi ko na nahintay sina Anderson at Ellaine, nauna na akong bumalik sa classroom.

Pagkarating ko ro'n, tahimik na nakaupo na si Azrail sa upuan niya. Nakatitig lang siya sa board. Napabuga ako ng hangin bago umupo na rin sa upuan ko.

He's not talkative, but he's not this silent. Hindi ko alam kung may nangyari ba, o sinusumpong lang siya dahil may mga araw talagang wala ka sa mood makipag-usap kahit kanino, kaya hinayaan ko na lang siya.

Nakapasok na rin sina Anderson at Ellaine. We have five minutes extension sa time para hintayin ang ibang estudyante na papasok. Pero naubos na ang five minutes, anim pa lang kaming naa sa loob.

“Hmm? Kulang tayo?” binoses na ni Ellaine ang nasa utak ko. “Mukhang may nakauwi rin sa 'tin.”

I checked each classmate. 'Yong dalawang bagong transfer sa section, nandito. Pero 'yong ibang nakasama namin sa simula, wala pa.

'Yong mga nawala, sila ang palaging nasa hulihan tuwing rankings ng daily scores ng quizzes at activities. Nakakasabay naman sila sa answers, sa time limit lang sila hindi makasabay.

Pumasok na ang teacher kaya naman nawala na sa mga kaklase ang atensyon ko. And for the next hours, I was fighting for my life to get the right answers during the given time limit.

Noong natapos ang klase, si Azrail ang naunang lumabas. Nauubos na ang pasensya ko sa pagiging attitude niya ngayong araw, kaya naman tumayo na rin ako at sinundan siya.

“Azrail,” I tried calling him but he didn't even look at me. “Az!”

Mabilis ang paghakbang niya, at dahil matangkad siya, tumatakbo na ako para makahabol sa kaniya. I kept calling him, but he was ignoring me it made my blood boil.

Lumiko siya papunta sa may library. Noong lumiko rin ako ro'n, napakurap ako kasi nawala siya bigla. Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

I stopped in front of the glass sliding door na palabas na ng school, dahil nakita ko si Azrail na nasa tapat ng fountain. Nakatabon na sa ulo niya ang hood ng jacket na suot niya, at nakatago sa magkabilang bulsa ng jacket niya ang mga kamay. He wasn't wearing any jacket earlier, but he's a big fan of hoodie jackets kaya hindi na nakakapagtakang may dala siya palagi.

I sighed. Malalaki ang hakbang na lumakad ako papalapit sa kaniya.

“Azrail, may problema ba?” tanong ko habang papalapit. “Kanina pa naming napapansing ang tahimik mo, at palagi kang nagmamadali. Hindi ka naman ganito--”

Napahinto ako nang bigla siyang lumingon sa 'kin. Nakaangat ang isang kilay niya. Mabilis lang, pero nahuli ko siyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha.

“Problema? Wala akong problema,” sagot niya.

Napakurap ako. “Kung ganoon, bakit hindi mo kami kinakausap? Iniiwasan mo kami?”

Hindi agad siya sumagot. Binalik niya ang paningin sa tubig sa fountain, kaya naman napasilip na rin ako ro'n. Kaunti na lang ang lumalangoy na tadpoles doon, ang iba ay patay na at lumulutang na lang at dumidikit sa moss at molds ng fountain.

I swear, I heard him laugh. But it was so subtle and quick, it made me think I might be imagining things again.

“Mamaya na kita kausapin,” aniya at mabilis na lumakad paalis.

Nakaawang ang mga labing napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya.

What the hell's wrong with him?

Okay. Fine. If he doesn't want to talk to me, then I won't!

Padabog na lumakad na ako pabalik sa loob. Wala naman na kaming klase at malapit na ang curfew, kaya dumiretso na ako sa room namin.

Pagkarating ko sa room, nadatnan ko si Azrail na nasa kusina. Suot niya pa rin ang uniform namin, pero wala na siyang suot na jacket. Nakaharap siya sa kawali na umuusok. Napansin niya ang pagdating ko kaya napabaling siya ng tingin sa 'kin.

He smiled. “Hi! Do you want--”

Napairap ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papasok at dumiretso ako sa kwarto ko. Pinagsarhan ko siya ng pinto.

Padabog akong naligo, pati sa pagbihis. Naiinis ako dahil naiinis ako sa inaasta niya. Gusto ko lang naman kasi magtanong kung may problema siya, at kung meron man, baka pwede akong makatulong. Kaso, nag-attitude siya!

Pinapagpagan ko na ang kumot ng kama ko nang marinig ko ang katok mula sa pinto na nasundan ng boses ni Azrail.

“Hanabi? Pwede ka bang lumabas muna?”

Napairap ako. Ayaw niya naman akong kausapin, kaya hindi ako sumagot at nagpatuloy sa ginagawa.

Napahinto na ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Pumasok si Azrail.

“What's wrong?” tanong niya kaagad.

Inangatan ko siya ng kilay. “Lakas ng loob mong magtanong ng what's wrong.” Gamit ang unan, pinagpag ko ang kama, at doon binubuntong ang inis ko sa roommate ko.

He sighed. “I'm sorry.”

Napaangat na ako ng tingin sa kaniya. “Ikaw, ano ba kasing problema mo? Nagmamagandang loob lang 'yong tao, ginaganon mo?”

He stared at me, confused for a second, before he sighed again and scratched his head.

“Look, I'm sorry,” ulit niya. “Hindi... Hindi ko sinasadya. It's just... pagod lang ako. Alam mo naman, 'di ba, kung gaano karami ang sinasagutan natin araw-araw. Napagod lang ang utak ko. Okay na ako ngayon. I'm sorry, Hanabi.”

Napasimangot ako. “Hindi talaga kita maintindihan. One second, you're nice. The next, you're fucking rude. No wonder na mahilig kang mag-jacket kahit mainit ang panahon!”

“What?” aniya, sabay bahagyang inanggulo ang ulo.

“Wala! Sabi ko, lumabas ka na dahil matutulog na ako.”

Lumapit ako sa kaniya para itulak siya palabas ng kwarto ko. Ni-lock ko na ang pinto bago ako humiga sa kama dahil matutulog na ako. Pagod ako, at baka masuntok ko pa siya kung hindi siya titigil.

Ang kaso, kahit pagod ako, hindi pa rin ako makatulog. I kept changing positions, even had to cover my eyes, but I still couldn't sleep. Siguro kasi maaga pa, eh hindi naman ako maagang natutulog.

Napabuga ako ng hangin. Nagugutom din ako.

Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Tahimik na sa living room at kusina, siguro nakatulog na rin si Azrail.

Tahimik akong lumakad papuntang kusina. Nang buksan ko ang ref, nandoon ang isang bowl ng tinolang manok. Nang hawakan ko, medyo warm pa siya. Napanguso ako.

Nilabas ko na 'yon at saka nakatayong kumain sa harap ng lamesa. Ang sarap ng pagkain, bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sinisigawan ko si Azrail. Eh, kasalanan niya, inunahan niya.

Nakarinig ako ng kaluskos mula sa labas kaya napahinto ako. Akala ko may tao sa labas, o baka si Ellaine na naman dahil mahilig siyang pumunta rito kahit curfew na, kaya naman tinabi ko muna ang pagkain para sumilip sa labas.

Pagkabukas ko ng front door, sumilip kaagad ako sa labas. Wala namang tao. Iisipin ko na sanang baka hangin lang, kaso pagtingin ko sa staircase sa dulo ng hallway, may nakita akong taong nakaputing hazmat suit ang patakbong bumaba. Ulo hanggang balikat niya na lang ang nakita ko at mga ilang segundo lang.

Napakunot ang noo ko. Sila ba ang in charge ngayon para magbantay? Pasaway pa naman ang iba, lumalabas pa rin kahit curfew na.

I was about to close the door when I heard a muffled scream coming from that same direction. And it was a girl.

Napaawang ang mga labi ko, at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

I was debating wether I'd get out of the room and follow them, or just ignore it and go back to eating, but in the end I followed what my mind was telling me.

I took a step out of the room before closing the door.

***

[EDITED: 01/31/2025]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top