Chapter 07

CHAPTER SEVEN

~✡~


“HANABI? EARTH TO Hanabi!”

Napakurap ako. Napabaling kaagad ako ng tingin sa kaharap kong si Anderson. He was smiling at me, but you could see in the way his brows were slightly furrowed that he's also concerned.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Naka-school uniform na ulit kami at nasa loob na ng classroom sa second floor. Sampu lang kami rito sa loob, at by partner ang pagkakaupo namin na magkakatapat. Hindi namin alam anong gagawin namin, inutusan lang kaming sundin ang sitting arrangement na ito.

Binalik ko ang paningin ko kay Anderson na nakatingin kay Ellaine, na ang ka-partner naman ay si Azrail. Sinundan ko ang paningin ni Anderson, pero naagaw ni Azrail ang atensyon ko nang makitang nakatingin din siya sa 'kin.

“Ano kayang gagawin natin?” tanong ni Anderson kaya napabaling ulit ako ng tingin sa kaniya. Malawak siyang ngumiti. Tinapik niya ang dibdib niya. “Kung group work, don't worry, Hanabi. I gotchu!” Kumindat pa siya.

Napatitig na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam bakit may kung ano sa loob ko na gusto siyang kutusan, hindi dahil sa banat niya ngayon lang. Parang may nag-uudyok sa 'king sermonan siya, pero hindi ko naman alam kung anong isesermon ko. Ang gulo.

May pumasok na babaeng naka-itim na mask. Itim din ang suot niyang blouse at pencil skirt.

Dumukwang si Anderson papalapit sa 'kin. “She's hot!” bulong niya.

Sinipa ko ang tuhod niya sa ilalim ng lamesa. He groaned at tinapunan ako ng matalim na tingin.

The woman stopped in front large white board at the center. “For today's assessment, you'll be completing a puzzle...” panimula nito.

“Puzzle daw. Mas okay 'to kaysa sa puro masakit sa utak na math last week--” Hindi na natapos ni Anderson ang komento dahil sa sunod na sinabi ng babae.

“But in order to get a piece of puzzle, you'll have to answer a math equation correctly during the given time limit.”

Parehong bumagsak ang baba at balikat ni Anderson. I wanted to laugh.

A math equation was projected on the white board. After five seconds, biglang nawala kaya napakurap ako at napaawang ang mga labi.

“Five seconds to answer that equation. Five...”

Nag-angat ako ng kamay. “W-Wait... ni hindi ko man lang natingnan ang numbers? Paano ko sasagutan--”

“Four...” she continued counting.

I scoffed. What the hell?!

“Negative 1250,” mabilis na bulong ni Anderson kaya napayuko ako sa kaniya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa 'kin. “800+200×6−850−900×3+300 equals negative 1250. Isagot mo, bilis.”

“Two...”

Kaagad kong inangat ang kamay ko. “Negative 1250!”

“Correct.” May nilabas siyang box at binuksan niya. “Get one piece here.”

That actually made the side of my lips stretch a bit. This damn asshole wasn't lying when he said he has photographic memory.

Mabilis akong tumayo at kumuha ng random piece. Pagkabalik ko, ang lawak ng ngiti ni Anderson.

“Sheesh!” aniya sabay angat ng first niya. Masaya ako kaya naki-fist bump ako sa kaniya.

“Next,” anunsyo ng babae at nag-flash na naman ang kasunod na equation na medyo mas komplekado kaysa sa nauna.

Nag-focus kaagad ako sa pagmemorize ng numbers. Hindi pwedeng si Anderson lang sasagot lahat.

Nawala na ang numbers. “Five...”

Nag-angat ako ng kamay at sasagot na sana.

“Negative 16 squared,” biglang nagsalita si Azrail kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. Nakaangat ang isang kamay niya.

“Correct.”

Masayang tumayo si Ellaine at kumuha ng piece sa box.

“Hmm. Competitive ang roommate mo,” ani Anderson. Finold niya ang sleeves ng kaniyang uniform. “Hindi tayo papatalo, syempre.”

It went on for two hours. Kami palagi ang nag-uunahan sumagot. Nakakasagot naman ang iba pero ang bilis kasi ni Azrail, ni hindi niya na pinapabilang bago siya sumagot.

They ended up completing the puzzle first, while we were missing three pieces. Two hours lang ang klase kaya hindi na namin nabuo ang puzzle namin. We were dismissed after that game.

The class today just revived the competitiveness in me. Kaya naman diretso na kaagad ako sa library habang hindi pa lunch break. Hinanap ko kaagad ang library at nagbukas ng math textbook para subukang hasain ang solving skills ko.

Nasa cafeteria ngayon sina Anderson dahil mas gusto nilang kumain. Sanay naman akong hindi kumakain. My hunger for winning and getting the scores faster was more important to satiate than physical hunger.

“Why are you here? Lunch break na.”

Napaigtad ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Nang lingunin ko, napatayo kaagad ako nang makitang ang principal pala.

“Oh, uhm... Good morning, Ms. Principal,” bati ko. “Hindi po ako nagugutom kaya mas pinili kong mag-aral na lang kaysa walang gawin.”

Bumaba ang paningin niya sa mga libro at papel na nasa table, bago niya binalik sa 'kin. A small smile appeared on her lips. “You're in Class 1-A now, right?”

Tumango ako. “Yes po.”

“Relax, hija.” Lumapit siya sa 'kin at saka tinapik ang balikat ko. “You shouldn't overdo it. It might take a toll on your body. Remember, health is wealth. It's more important to stay healthy... lalo ka na.”

Napakurap ako. For a second, I thought I saw something flashed in her eyes. But when she smiled, it disappeared.

Nagpaalam na siyang babalik na sa paglilibot ng campus. Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya noong umalis na siya.

Nawalan na ako ng gana mag-aral kaya niligpit ko na lang ang mga librong ginamit ko at binalik sa shelves. Finold ko naman ang mga scratch paper at binulsa bago ako lumakad papuntang cafeteria. Hindi ko alam na lunch break na pala dahil tutok na tutok ako sa pag-aaral.

Napahinto ako sa tapat ng pintuan pagkapasok ko. Marami pa rin namang estudyante, pero pakiramdam ko mas kumonti na sila kaysa last week. Baka kagaya ko, mas pinili rin nilang mag-aral kaysa kumain.

“Hey...” biglang may bumati mula sa likuran ko kaya napalingon ako. It was Azrail. His hands were inside the pockets of his dark gray hoodie na hindi naka-zip para makita ang uniform niya sa ilalim. “Library?” tanong niya.

“Library,” sagot ko sa tanong niya na sa tingin ko ay tinatanong niya kung galing ba akong library.

Tumango siya. “Let's eat.”

Hinawakan niya ang pulsuhan ko at marahan akong hinila pasabay sa kaniya sa pila. Kaunti lang naman ang pila kaya makakaabot pa kami bago matapos ang lunch break.

“You can't focus well if your stomach is empty,” aniya sabay lingon sa 'kin.

“I can, though,” sagot ko naman. “Sanay naman akong hindi kumakain.”

“That doesn't mean your body won't need food anymore, silly.” Gamit ang hintuturo niya, tinulak niya ang noo ko.

Napakurap ako at napasinghap. Napahawak kaagad ako sa noo ko. “Sinisermonan mo ba ako?”

He just smirked before turning his back on me. I scoffed.

Pagkakuha namin sa aming pagkain, umupo na kaagad kami sa pinakamalapit na bakanteng table na nahanap namin. We were eating silently, and I couldn't help but look at his tray.

Hindi ko alam kung ginaya niya ba ako, pero ako sure akong hindi ko siya ginagaya. Except for the amount, we got the same foods on our trays. Tubig nga lang ang inumin niya, habang orange juice ang sa 'kin.

To test it, I tried picking up the carrot and I stopped when he also picked up the carrot in his tray and stuffed it into his mouth.

“Ginagaya mo ba ako?” hindi ko na maiwasang magtanong.

Habang ngumunguya, inosenteng nagbaling siya ng tingin sa 'kin. “What?”

May sasabihin pa sana ako pero biglang dumating si Anderson na hindi ko alam bakit tumatakbo na para bang hinahabol siya. He instantly sat beside me. Kahit malaki ang space, umusog pa siya papalapit kaya dumikit na siya sa braso ko.

Napaawang ang mga labi ko nang inagaw niya mula sa 'kin ang tinidor ko. Tumusok siya ng isang chicken nugget at saka sinubo.

“Sarap,” aniya habang ngumunguya. Nagbaling pa siya ng tingin sa 'kin at nginitian ako.

Inagaw ko mula sa kaniya ang tinidor at umamba akong tutusukin ang leeg niya pero nahuli niya kaagad ang kamay ko.

“Calm down, girlie!” natatawang sabi niya. Inagaw niya ulit sa 'kin ang tinidor. “Anyway, sama kayo sa 'min mamayang gabi?”

“Saan naman?” tanong ni Azrail na nagpatuloy sa pagkain.

“'Yong taga Class 1-C na katabi lang namin ng room, nag-aya...” He clicked his tongue and moved his hand as if he was drinking from a glass.

Umangat ang isang kilay ko. “It's allowed?”

“Siguro?” Nagkibit-balikat siya. “Kanina kasi no'ng sinubukan niyang manghingi ng alcohol, binigyan siya ng isang case!”

“Wala namang sinabing bawal no'ng first day,” sabat ni Azrail. “And they said we can ask anything we want and need here. Kaya siguro binigyan agad.”

“So?” Naglipat-lipat ang paningin ni Anderson sa 'min ni Azrail. “Sasama kayo?”

“Nope,” sabay na sagot namin ni Azrail.

Napanguso si Anderson. “Mga KJ!”

But even though we both declined Anderson's invitation, we found ourselves standing in front of the door where the noise from the whole floor came from.

Naka-jacket pa rin si Azrail at naka-pajamas sa ilalim. Habang ako naman ay naka-puting t-shirt lang at checkered na pajama pants.

Bumukas ang pinto at mas lumakas ang ingay. Dumiretso sa loob ang paningin ko, at parang gusto ko na kaagad umuwi kahit hindi pa ako nakakapasok.

Ellaine smiled widely. “Guys! Hello! Akala ko hindi kayo pupunta? 'Yon sabi ni Anderson kanina.”

I smiled awkwardly. “Akala ko rin.”

“Come in!” Hinila niya na kami papasok.

Walang kahit anong music sa loob dahil walang mga gadget na pwedeng gamitin. Laughters and screams from the students inside this small room were what made the room more suffocating.

I instinctively held the sleeve of Azrail's jacket kaya napatingin na siya sa 'kin. I cleared my throat at binitawan na lang ang damit niya.

She guided as to the only vacant sofa at the corner of the room. Parang mga batang naligaw na umupo kami ni Azrail doon. Makalipas ang ilang minuto, dumating si Anderson na may bitbit na dalawang baso, at may lamang kulay blue.

“Sabi na pupunta kayo, eh!” aniya sabay tawa. Inabot niya sa 'min ang mga baso.

Kaagad akong umiling. “Hindi ako umiinom.”

“Same,” segunda ni Azrail.

Umirap si Anderson. “It's just blue lemonade. Come on.”

Napatingin na lang ako kay Azrail nang tanggapin niya ang baso at saka sumimsim doon. When he confirmed the taste, he looked at me, too. Kaya naman tinanggap ko na ang baso at sinubukan ding uminom. It's really blue lemonade.

Anderson laughed and clapped his hands. Umalis din siya kaagad kasi may humila sa kaniya at nag-aya na makipaglaro ng pogs na gawa-gawa lang nila para may kaaaliwan.

We just sat there, as if we were parents watching our kids getting more chaotic and noisy as time passed by. May mga bumagsak na at hindi na makabangon, meron namang nakatulala na nakaharap sa pader. May nakita pa kaming naghalikan sa gilid kaya napangiwi ako.

Si Ellaine at Anderson ay nagtitinikling sa invisible na kawayan na hawak daw ng dalawa pang lasing na rin.

May bote ng alak sa tapat ko na ginamit nila kanina sa truth or dare. Dinampot ko 'yon at tiningnan kung ilang percent ng alcohol ang meron at napabuga na lang ako ng hangin. Kaya naman pala bagsak sila kaagad, ang laki-laki ng percent.

“CR lang ako,” paalam ko kay Azrail bago ako tumayo.

Pahirapan pa lumakad papuntang CR kahit malapit lang. Parang mga bangkay sa massacre na nakahiga ang mga lasing sa sahig, may iba pang pasuray-suray na kaya nababangga ako.

Pagkapasok ko sa CR, napabuga kaagad ako ng hangin. Wala naman ang ginagawa bukod sa umupo rito, pero pakiramdam ko naubos ang energy ko. Umupo na ako sa toilet bowl at umihi na. Pakiramdam ko rin nasama sa ihi ko ang energy ko, dahil mas lalo akong nakakaramdam ng panghihina.

At noong tumayo ako, muntikan na ako matumba kaya napahawak ako sa pader. Ilang segundo lang, biglang nagiging blurry ang paningin ko at nagiging dalawa na ang nakikita.

What's happening? Lemonade lang naman ang ininom ko. Don't tell me may nilagay ang gagong 'yon sa lemonade?

Natahimik na sa labas kaya sinubukan kong lumakad palabas ng CR. Paglabas ko, tulog na ang lahat, pati si Azrail na nakasandal sa sofa. Ang sina Anderson na nagtitinikling kanina, nakahiga na rin sa sahig.

“Shit!” Nahihilo na ako at hindi ko na makontrol ang pag-ikot ng paningin ko. Nanginig ang mga tuhod ko noong hinakbang ko kaya bumagsak ako sa sahig katabi ng iba.

Masyado na akong nanghihina. Hindi na ako makatayo, ni hindi ko na maigalaw ang kamay ko. My vision was hazy, spinning, and was starting to dim.

The last thing I saw were three people in hazmat suits coming in and one of the students standing up before I totally blacked out.

***

[Rewritten: 01/12/2025]




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top