Chapter 06

CHAPTER SIX

~✡~


I KEPT MUTTERING curses as I adjusted my jacket's hood. Maingat at halos walang ingay ang paghahakbang ko sa tahimik na hallway ng floor. We were told not to go outside our rooms after that announcement earlier, but some troublemaker hasn't come home yet; we have no idea where he is in this damned school. Kapag nahanap ko siya makakatikim talaga siya sa 'kin.

Pagkababa ko sa hagdan, napahinto na ako. Beyond the staircase, was a dimly lit lobby, it's shadows pierced only by the faint, eerie glow of the natural light outside.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Kanina habang pinapakinggan ko ang announcement, may sumilip na mga nakakapanghinalang mga tao. Baka nasa paligid lang sila, hinihintay akong kumilos bago sila gagalaw.

“Bwiset na Anderson,” mura ko bago pinasok sa magkabilang bulsa ng jacket ko ang mga kamay, at saka nagsimulang lumakad.

The last time I saw him, he was at the cafeteria. Ilang oras na ang lumipas kaya baka wala na siya ro'n, but I wanted to start there. 

I was halfway through the cafeteria nang naramdaman kong may nakatitig sa 'kin mula sa gilid kaya napabaling na ako ng tingin doon. Even though I believe supernatural beings exist, I wasn't scared of them. But we're not in a place where supernatural beings should be my concern at a moment like this.

Marahan akong bumuntonghininga bago  binilisan nang bahagya ang paglalakad.

Kung may cellphone lang kami o kahit anong gadget na pwedeng gamitin for communication, mabilis kong mahahanap ang isang 'yon.

I was starting to get tired of searching for Anderson. Nakaabot na akong second floor ng building. This was starting to annoy me kaya naisipan kong babalik na lang ako sa dorm at bahala na siya. We weren't even close to begin with.

“Status? Is it done?”

Napahinto ako nang may narinig akong nagsasalita sa loob ng isa sa mga nadaanan kong silid. It wasn't that loud, it was more of like a whisper, but I still heard it.

“Yes. Payag sila. We're sending the gift tomorrow.”

“Good.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. The voices didn't sound like they're my age. I tried listening more to know which room it came from, and it lead me to the room just three doors from where I stopped. It was the principal's office.

Nag-uusap pa rin sila. So I tried taking a peak through the small gap on the glass window.

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang makita kung ano ang nasa loob. The room's lightning was dim, every window were covered with a curtain, but I still clearly saw the thing that was sitting on top of the principal's table inside a glass box.

It was a damned human heart!

Napaawang ang mga labi ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. What the fuck were they gonna do with that!? And where did they even found it in the first place!?

My mind instantly thought of Anderson whom I still couldn't find him. It made my heart race more.

“Shit!” I cursed silently.

Before I could even turn around to go back to the dorm, someone grabbed my arm and pulled me. At bago pa makalabas ang kahit na hangin mula sa bibig ko, tinakip niya na kaagad ng palad niya.

“'Wag kang maingay,” he whispered. Sa sobrang hina, parang hangin na lang na dumaan sa tenga ko ang boses niya.

Napakurap ako.

Makalipas ang ilang segundo, unti-unti niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko.

“Azrail?” bulong ko sabay lingon sa kaniya. Siya nga. “Anong ginagawa mo rito?”

The hoodie from his dark gray jacket was covering his head.

“I should be asking you that,” sagot niya. “Narinig mo naman na bawal na lumabas ng dorm, hindi ba?”

“Hinahanap ko si--” Natigilan ako nang maalala na naman ang isang 'yon "--si Anderson! Nakita mo ba siya?”

“You shouldn't be worrying about him right now.” Hinawakan niya ang braso ko at sabay akong pinatayo sa kaniya. “We should go now.”

Hindi na ako umangal nang marahan niya akong hinila para umalis na kami ro'n. We were trying our best to walk as silently and as slowly as we could.

Napasinghap ako nang marinig namin ang pagpitik ng lock sa pinto mula sa principal's office.

“Shit!” sabay na sabi namin ni Azrail.

Pareho yata kami ng iniisip. Mabilis kaming tumakbo at lumiko sa hallway para makapagtago. Saktong pagtago namin ay lumabas ang isang lalaking naka-hazmat suit mula sa office. Akala namin aalis na ito agad, pero bigla itong nagbaling ng tingin sa direksyon namin.

Napasinghap ako at kaagad na nagtago sa likod ng pader. “Nakita niya kaya tayo?”

“I don't know,” sagot ni Azrail. “But I do know we have to leave right now.” Bumaba sa kamay ko ang pagkahawak niya. “Dito tayo. May daanan dito papuntang dorms.”

Tahimik lang akong sumunod sa kaniya habang naglalakad kami. Maya't maya ang paglingon ko at paglilibot ng tingin sa paligid dahil baka may nakasunod sa 'min.

“Kung ano man ang nakita mo ro'n, kalimutan mo na lang,” sabi niya kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya.

“Azrail, a human heart! A damned human heart! Sa tingin mo makakalimutan ko 'yon? At ngayon pang may isang nawawala sa 'tin?”

Huminto siya sabay lumingon sa 'kin. “He's safe. Don't worry,” he assured. Hindi ako sigurado sa sinasabi niyang kaya nagsalubong ang mga kilay ko. “Ako ang naghatid sa kaniya pabalik ng dorm bago ang curfew.”

Napakurap ako. “What?”

Before he could even answer me, we suddenly heard footsteps. It wasn't just from a single person, kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

“Tara na!” natataranta kong sabi at ako na ang naunang tumakbo kahit hindi ko alam saan dadaan.

May hagdan pababa sa dulo ng hallway at doon kami dumaan. I was starting to gain hope when I finally saw the tiled floor of the ground floor, but that hope was shattered when a figure in a hazmat suit was already standing in front of the stairs.

Pareho kaming napahinto ni Azrail sa pagtakbo. Lumakad papalapit sa 'min ang tao kaya napaatras na kami. Lumiko kami at tumakbo paakyat pero nahinto rin nang makitang naabutan na kami no'ng dalawang nakasunod pala sa 'min!

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Azrail. “Shit!”

Hinila niya ako at pinapwesto sa likuran niya habang papalapit sa 'min ang mga naka-hazmat suit.

“Azrail...” I called, my breathing was starting to shake.

“No student should be roaming around after classes,” sabi ng isa sa kanila. “You're not following the rules. You'll be given a punishment.”

Hinawakan no'ng isa ang braso ni Azrail at hinila siya papalayo sa 'kin. Napasinghap ako nang may humawak din sa braso ko at hinila ako.

I groaned. I tried resisting but physique wise, he was stronger and bigger than me.

“Anong gagawin n'yo sa 'min!?” Sinubukan kong pumiglas ulit pero pinulupot niya na ang mga braso niya sa 'kin at inangat ako na parang sako ng bigas. Napasinghap ako.

“Hanabi!” sigaw ni Azrail. Tinapunan niya ng matalim na titig ang nakahawak sa kaniya. “Don't hurt her!”

Pinagsisipa ko na ang taong bumuhat sa 'kin habang sinusubukan ko pa ring pumiglas. “Ibaba mo 'ko! Bitiwan mo 'ko!”

I groaned when I felt something sharp dug into my arm. Nang balingan ko ng tingin ang isa pa, nakita kong may tinurok pala siya sa braso ko.

Bago pa ako maka-react biglang umikot ang paningin ko. Parang hinigop ang lakas ko at hindi na ako makagalaw. Ilang segundo lang, nawalan na agad ako ng malay.

I didn't know how long I was unconscious. I couldn't even tell if I was already awake or not.

The moment I opened my eyes, I was already inside my room in the dorms.

I stared blankly at the boring ceiling of my room.

My head was feeling light, and it was throbbing at the same time.

I couldn't remember anything.

***

[Rewritten: 01/10/2025]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top