Chapter 01

CHAPTER 01

~✡~

WHENEVER PEOPLE ASK if I have dreams or goals, my answer's always a straightforward 'no'. And I would receive mixed reactions--confusion, sympathy, and sometimes a laugh. I, too, think it's kinda funny. Kasi may tao pa palang nag-eexist sa mundo na walang pangarap, basta humihinga lang.

Maybe I've lost the ability to dream. My hopes died with my parents twelve years ago.

Mabilis at alerto ang galaw ng mga mata ko habang tinitingnan ang paligid, naghahanap ng mga kalaban na nag-aabang. I pressed the shift key to muffle my character's footsteps as I walked slowly.

Ako na lang ang natira sa team, lahat sila namatay na at pinapanuod na lang ako. Isa na lang din ang natira sa kalaban, at naghahanapan kaming dalawa. There was only a minute left, and I haven't planted the bomb yet, kaya binobomba na ng teammates ko ang chat box.

I took a deep breath, trying to focus on the game. Noong nakalapit na ako sa plant area, pinindot ko kaagad ang key para matanim na ang bomba. At noong natanim na, mabilis akong umalis doon at mula sa baril, pinalitan ko ng kutsilyo ang weapon ko.

I suddenly heard footsteps from my right ear through the headphones, kaya mabilis kong pinaikot ang character ko at bago pa ako makapag-switch ng weapon, nabaril na ako at humandusay na kaagad ang character sa sahig.

Napaawang na lang ang mga labi ko habang tinitingnan ang kalaban na dini-diffuse na ang bomba, at pinapaulanan naman ng teammates ko ang chat box at tinatawag akong bobo.

I cursed. Mabilis kong binuksan ang chat box at nagtipa ng reply na mababasa nilang lahat. “Ako pa ang bobo ngayon, eh kayo itong five minutes pa lang sa laro naubos na. Kalahati sa 12 nating kalaban, ako nakapatay.” Then I pressed the Enter key.

“Mission Failed. The enemy wins.”

Napaawang ang mga labi ko nang makita 'yong lumabas sa screen ko. Napamura ulit ako, lalo na noong nakita kong nagsimula nang mag-vote kick ang mga kasama ko, at ako ang kini-kick paalis.

Binuksan ko ulit ang chat box para magtipa ng huling message para sa kanila, “Mga bobo. Tangina n'yo!” then I hit the Enter key.

“You have been kicked out by the host.”

I scoffed after that messaged popped up just after I sent my farewell message to my teammates. Ang hirap naman maglaro nang solo. Ikaw na nga bumubuhat sa kanila, sila pa may ganang magalit. Mga walang utang na loob.

Marahas kong tinanggal ang headphones ko at padabog na nilapag sa tabi ng keyboard. Naihilamos ko na lang ang mga palad sa mukha. Kanina pa ako naglalaro, pero ni isang laro wala pa akong naipanalo.

Napabuga na lang ako ng hangin bago tumayo at saka nakapaang lumabas ng kwarto ko. Bumaba ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig sa ref.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasalin ng tubig sa baso, nang napakunot ang noo ko dahil may napagtanto.

May sarili akong water dispenser sa kwarto ko, so bakit ako bumaba na para bang sanay ang katawan kong bumaba para uminom ng tubig?

Natigilan ako nang may narinig akong pagkasa ng baril. Kasunod noon ay umalingawngaw ang napakalakas na dagundong ng kulog at kidlat.

It seems like the cold from the water was transferred to my body. I froze, as my eyes started to widen. Bumilis ang tibok ng puso ko, at nanginig ang kamay kong nakahawak sa pitsel.

I heard a familiar sob and whimper. Mabilis akong napaangat ng tingin sa may sofa, at napaawang ang mga labi ko nang makita si Mama na umiiyak, habang may taong naka-hoodie, naka-cap, at may takip ang buong mukha, ang nakahawak sa leeg niya at may hawak itong baril na nakatutok sa kaniyang sentido.

Bumaba ang mga mata ko sa lalaking nakahandusay sa sahig sa harap nila, na naliligo sa sariling dugo at wala na ring buhay. Si Papa 'yon.

Bumigat ang paghinga ko. Hindi na ako makagalaw. Umaatras ang dila ko.

“H-Hanabi...” I heard my mother call me breathlessly. Mariin siyang napapikit nang idiniin nito ang baril sa kaniyang sentido.

Mas lalong bumigat ang paghinga ko, pakiramdam ko ay hinihigop ang hangin mula dibdib ko at inuubos. Nabitawan ng nanginginig kong kamay ang pitsel, at bumagsak ito sa sahig. Nanginig ang mga tuhod ko, dahilan para mawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig, nakatingin pa rin kay Mama.

Napasinghap ako nang kinasa nito ang baril at sa isang iglap ay umalingawngaw ang putok ng baril sa taenga ko. Nakabuka ang mga mata na nakatingin pa rin sa direksyon kong bumagsak ang wala nang buhay na katawan ni Mama.

Hinabol ko ang hininga ko. Gusto kong gumalaw at hawakan ang dibdib ko dahil hindi na ako makahinga, pero hindi ko maigalaw kahit daliri ko. Gusto kong sumigaw at manghingi ng tulong, pero walang lumalabas sa bibig ko, na para bang nawalan ako ng dila.

Inangat niya ang kaniyang baril, at sa 'kin naman itinutok. Unti-unti siyang lumakad papalapit sa 'kin. Nang ikasa niya ang baril, tumulo na ang luha ko sa isang mata, walang magawa.

He pulled the trigger and I quickly closed my eyes. Before I could feel the bullet drill through my skull, I jolted awake, instantly gasping air.

Nanginginig ang buong katawan ko. Natagalan pa ako bago matanggal ang headphones ko. Mabilis akong tumayo at humakbang papalapit sa water dispenser kong nasa tabi lang ng kama. Kinalkal ko ang drawer sa nightstand para hanapin ang gamot ko at noong nahanap, nagbuhos ako ng iilang tableta sa kamay at saka sinalampak sa bibig ko. Masyado na akong nanghihina at nagmamadali para kumuha ng baso, kaya nilapit ko na lang ang bibig ko sa dispenser at pinaagos ang tubig.

Noong nalagok ko na ang gamot, nanghihinang napasandal ako sa dispenser, at saka napapikit. Ilang minuto lang, huminto na rin sa pagnginig ang buong katawan ko, at bumabalik na sa normal ang paghinga. Napabuga na lang ako ng hangin.

It fucking sucks. Years later, it still haunts me. I couldn't sleep without pills on nights like this. Without my medication, baka matagal na rin akong patay.

Napaangat ang tingin ko sa pinto nang bigla itong bumukas. Pumasok kaagad ang pinsan kong si Lawrence, at napahinto siya nang makita ang kalagayan ko.

“What the!?” Mabilis siyang lumapit sa 'kin at saka lumuhod sa harapan ko para i-check ako. “Anong nangyari sa 'yo!?”

Hindi ako sumagot dahil masyado pa akong nanghihina.

“Ito na ba ang resulta ng once a day mong meal? Hindi mo na kinaya ang panginginig  sa gutom?” Hinawakan niya ang mga braso ko at saka ako marahang inangat patayo. Biglang nakunot ang mukha niya at bahagya siyang lumayo. “Yuck! Amoy putok ka! Naligo ka ba!?”

Tinipon ko lahat ng lakas sa katawan ko para mag-angat ng middle finger sa kaniya.

Napabuga siya ng hangin. “Maligo ka nga muna! Pagkatapos mo, bumaba ka na para kumain, at para maarawan ka naman kahit galing na lang sa bintana ng bahay!”

Tinulak ko siya papalayo, at saka ako lumakad papuntang banyo dito sa kwarto ko. Inamoy ko kaagad ang sarili pagkapasok ko sa C.R. Amoy putok nga ako. Siguro kasi ilang araw na akong hindi lumalabas ng kwarto, at halos buong araw pa akong tulog ngayong araw. Ni hindi ko nga namalayang nakatulog pala ako habang naglalaro.

Hindi ko na lang sinuklay hanggang bewang kong buhok pagkatapos kong maligo. Nagsuot lang ako ng puting oversized t-shirt at ang shorts kong five years old na pero kasya pa rin sa 'kin. Bumaba na ako papuntang kusina pagkatapos.

Nakahanda na ang pagkain pagkarating ko. Nakaupo na sila at hinihintay na lang ako, pero nang makita ni Tita na hindi ko man lang pinatuyo ang buhok ko, mabilis siyang tumayo.

“Hay! Jusko kang bata ka! Magkakapulmunya ka sa ginagawa mo!” aniya habang hinihila ako paupo sa tapat ni Lawrence.

Habang nagsasandok ako ng kanin at ulam at nilalagay sa plato ko, tinutuyo ni Tita ang buhok ko.

“Ang putla-putla mo na nga, balak mo pang magkaroon ng pulmunya. Kung ayaw mong suklayin buhok mo, patuyuin mo na lang sana!” sermon niya pero magaan naman ang pagkakadampi ng towel at kamay niya sa ulo ko. “Jusko!”

Tinuro ako ni Lawrence gamit ang kutsara niya. “Ano pa bang maaasahan mo d'yan, Ma? Eh, sa video games lang naman yata may pakialam 'yan! Hindi na rin ako magugulat kung aamin siyang bampira siya at nagkakaroon  lang siya ng gana kapag nakakainom ng dugo.”

Inirapan ko lang siya bago ako nagsubo ng kanin at ulam.

“Naku naman...” Napabuga ng hangin si Tita. “Sabay sana kayong naga-apply ni Lawrence ngayon para sa college entrance exams. Kung kailan nasa huling taon ka na ng senior high, hindi mo naman sineryoso ang pag-aaral mo.”

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Inabot ko ang tubig at saka ako lumagok.

Just like I said, my hopes and drams died along with my parents twelve years ago. Wala na akong gana sa lahat, at video games na lang ang tanging distraction ko para hindi wakasan ang sarili kong buhay kahit gusto kong matapos na nga ang lahat. Pinagpatuloy ko na lang itong pag-aaral dahil 'yon ang gusto ni Tita.

“Hindi ba bukas na ang simula ng summer class mo? Pumunta ka para mahabol mo pa ang grades mo at maka-graduate ka at college ka na sa pasukan. Gusto mo ihatid ka na ni Lawrence?”

“Hindi na po,” maagap kong sagot. “May schedule ng entrance exam si Lawrence bukas, 'di ba? Mahuhuli pa siya kung ihahatid niya pa ako.”

Umiling si Lawrence. “Mga ala una ng hapon pa naman ang sched ko, pwede pa kitang maihatid. Alas nuwebe, right?”

Umiling ako. “'Wag na nga,” medyo iritado kong sagot.

Napanguso siya. “'Di wag!”

“Sure ka, hija?” Tapos na sa pagpapatuyo ng buhok ko si Tita. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

“Kaya ko po ang sarili ko. Hindi po ako bata na kailangang alalayan palagi. Salamat, pero 'wag na.” Nilapag ko na sa ibabaw ng plato ang kubyertos. “Tapos na po ako. Babalik na ako sa kwarto ko.”

“Ano? Eh hindi ka pa nangangalahati--Hanabi!”

Tumayo ako at nagmartsa na pabalik sa kwarto ko. Narinig kong pinapabalik ako ni Tita, at sinabihan naman siya ni Lawrence na hayaan na lang ako.

I failed almost every subject, at pinakiusapan ni Tita ang teachers namin na pakuhain ako ng summer class para masalba pa ang grades ko. Ano pa ba kasi ang silbi ng pagbalik ko sa school, kung ayaw ko nga? Magsasayang lang kami ng oras. Pero dahil mapilit si Tita, kailangan kong pumunta at ipakita sa kaniyang may pake ako kahit papaano.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, ibinagsak ko kaagad ang katawan sa kama. Pumikit ako, at saka nagbuga ng hangin.

****

[Chapter Edited: 4/10/2024]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top