Speak Then Die
Sumilip na ang haring araw sa kalangitan. Pati ang mga huni ng ibon ay naririnig na hudyat na mataas na ang sikat ng araw. Pagpatak ng alas-siyete ng umaga, ang mga mag-aaral ng Johnson Academy ay isinagawa na ang kanilang palagiang seremonya tuwing magsisimula ang klase. Ang sabay-sabay na pag-awit ng Lupang Hinirang at ang pagbigkas ng Panatang Makabayan.
Sa dulo ng pila ng Grade 6-A ay mapapansin ang isang mag-aaral na nakayuko na tila ba nagtatago sa lahat.
"Hoy Joseph! Tumabi ka nga! Ako nakapweso d'yan! Tabe!" Itinulak ng isang matabang lalaki ang payat na katawan ni Joseph dahilan upang mapaupo ito sa lupa. Late kasi ang matabang iyon at upang hindi mahalata ng kanilang guro ay sumingit siya sa unahan ng kawawang bata. Ngunit dahil sa lakas ng pagkakatulak niya ay napa-aray si Joseph dahilan upang mapalingon ang iba. Sa halip na tulungan ito ay tinawanan lamang siya ng kaniyang mga kaklase, binigyan pa ng mapang-asar na tingin at pag-iling-iling dahilan upang mapakagat ng labi ang bata. Yumuko na lamang ito sa kahihiyan.
"Hoy Joseph! Bakla ka ba? Tumayo ka nga d'yan! Parang hindi ka lalaki ah!" Sigaw ng isang babae at tinulungan siyang tumayo.
"Pambihira naman 'tong si Geraldine! Huwag mo ngang tulungan ang baklang 'yan! Dapat hindi 'yan pinapansin!" Pang-aasar pang sabi ni Andrew, ang matabang lalaking tumulak kay Joseph kanina.
"Loko! Anong Geraldine? Wala kang respetong baboy ka! Binabastos mo talaga ako no? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na Gerald lang ang pangalan ko! Sapakin kita, e!"
Akmang sasapakin nga ni Geraldine si Andrew ngunit inawat na siya ni Joseph. Hindi naman maitatangging gustong maging kaibigan ni Geraldine si Joseph ngunit talagang ang batang lalaki ay mailap sa mga tao.
Nang matapos ang flag ceremony, isa-isa nang bumalik ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom. Samantalang si Joseph ay nahuhuling naglalakad at ni isang beses ay hindi inangat ang ulo.
"Hoy Joseph, para kang sira. Nasa bunbunan ba ang mga mata mo? Bakit ka ba laging nakayuko?"
Tanong ni Geraldine at tumigil ito sa paglalakad sa harap ni Joseph dahilan upang madanggi ng lalaki ang dibdib niya. "Ah pucha, bastos mo!"
Napaangat ng ulo si Joseph nang mapagtanto ang nagawa niya. "Hala, s-sorry." Tiningnan lang nang masama ng babae ang lalaki.
"Buti na lang hindi ka nauntog, pader 'to eh. Hahaha! Tara na nga!" Inakbayan ni Geraldine si Joseph hanggang sa makapasok sila sa classroom. Nasa dulo ng kwarto ang upuan nila kaya bago sila makaupo napasadahan muna sila ng tingin ng kanilang mga kaklase.
"Good morning class!" Bati ng guro sa kaniyang mag-aaral.
"Good morning Sir Mark Anthony!" Sabay-sabay na tumayo ang mga bata at binati ang kanilang guro bago sila muling umupo.
"Okay class, sino na ang reporter ngayon? Anong group ang natapos kahapon?" Tanong ng guro bago nilapag ang kaniyang lesson plan at umupo sa kaniyang desk.
"Group 7 na po ang reporter ngayon, Sir." Sabi ng presidente ng classroom officer.
"Tapos na kami uy! Group 8 na!" Sambit ni Andrew.
"Di pa kaya kayo tapos!"
"Tapos na kami! Kayo na! Group 8!" Paulit-ulit lang na nagtatalo ang dalawa hanggang sa matulili ang guro.
"Teka nga muna! Sino ba talaga ang reporter ngayon?" Sigaw ng guro.
"Actually Sir, tapos na rin kami. Group 9 na po." Pagtatama ng babaeng presidente. Nagtawanan naman ang klase dahil sa kalokohang ginawa ng kanilang presidente. Bakas man ang inis sa mukha ng guro ay hinabaan niya ang kaniyang pasensya. "Sino ba ang Group 9?"
"Kami Sir! Kanina pa kaya ako nakataas ng kamay!" Sagot ni Geraldine habang nakataas ang kanang kamay. Kinuha nito ang visual aids na inihanda nila ng kaniyang ka-grupo.
"Tara na sa unahan, Joseph." Yaya nito sa kaniyang kasama. Nag-aalangan pa ang lalaki kung tatayo ba siya o mananatiling nakaupo sa kaniyang desk. Ngunit wala na siyang nagawa nang hilahin na siya ni Geraldine sa unahan.
"Ka-group mo pala ang baklang 'yan, Geraldine. Kawawa ka naman baka siya pa magpababa ng grades mo." Komento ng isa nilang kaklase. Hindi na lang nagpaapekto ang kawawang bata at pinagpatuloy ang pagdidikit ng visual aids sa pisara.
"Makapagsalita ka naman 'kala mo kung sino kang magaling. Ikaw nga 'tong nangangatog at nauutal habang nagrereport kahapon." Pambabara ni Geraldine sa lalaking nang-aasar dahilan upang mapahiya ito sa kaniyang sarili.
"Handa na ba kayong makinig?" Paunang tanong ni Geraldine sa kaniyang mga kaklase nang mailagay na nila ang sunod-sunod na cartolina sa pisara.
"Handa na kami, eh 'yung kasama mo handa na bang mag-report? Nagtatago pa sa likod mo 'yang gunggong na 'yan parang sira! Mas lalaki ka pa yata d'yan eh!" Puna ng isa at sabay-sabay na nagtawanan.
Napahawak na lang ng sentido ang kanilang guro dahil kahit siya hindi niya alam kung paano pigilan ang ingay na nililikha ng kaniyang klase.
"Sige na class, tumahimik muna upang makapagsimula na ang dalawa sa kanilang report." Saway ng guro. Ang ilan ay tumahimik na ngunit ang iba ay patuloy pa rin sa pagdadaldalan. Animo'y may kaniya-kaniyang mundo na para bang hindi nila naririnig dahil wala silang pakialam sa nangyayari sa unahan. Ngunit ganunpaman ay inumpisahan na ni Geraldine ang kaniyang parte.
"Philippine Art (Pre-colonial Period) The Stone-Age Filipino or Tabon Man is the oldest human fossil found in the Philippines. It was discovered by Dr. Robert B. Fox, an American anthropologist of the National Museum inside Tabon Cave Palawan on May 28, 1962."
"Tabon? 'Di ba 'yan 'yung 'pag naliligo ka? 'Yung pinangsasalok mo ng tubig?" Tanong ni Andrew habang tumatawa.
"Ugok, tabo 'yon! 'Yung tabon 'yung ginagamit din sa paliligo. 'Yung kinukuskos mo sa katawan tapos bumubula! 'Yun 'yon!" Entry din ng isa.
"Mga abnoy! Tabon, 'yung tumatahol! 'Di ba walang connect? Parang 'yung mga pinagsasabi niyo lang! Mga wala kayong respeto sa nagrereport lalo na kay Sir! Umayos nga kayo!" Litanya ni Geraldine at saka ipinagpatuloy ang kaniyang report.
"Sige Andrew, tutal nagmamagaling ka at ang dami mong alam. Alin sa tatlong migrant races ang unang naglakbay papunta sa Pilipinas?"
"Anong migrant races? Hindi ba si Magellan ang unang nakadiskubre sa Pilipinas? Eh baka siya rin ang una." Sagot ng lalaki habang kinakamot ang batok.
"'Yan! D'yan ka magaling." Inirapan ng babae ang matabang lalaki.
"Anyway, there are three migrant races: Negritos, Indonesians and Malays. Dumating ang Negritos noong Paleolithic Period or Old Stone Age. Sila ang mga tinatawag na 'nomads' na ang ibig sabihin ay 'no permanent shelter'. Ang sumunod naman ay ang Indonesians. They are the first-sea-immigrants. Dumating sila noong Neolithic Period or New Stone Age gamit ang balangay. Alam niyo naman siguro 'yung balangay no? 'Yun 'yung malaking bangka. Doon din nanggaling ang salitang barangay dahil, sa malaking bangka na 'yon marami ang nakasakay. Pangatlo namang dumating ay ang mga Malays noong Iron Age. May lima silang kontribusyon sa bansa. Ang Baybayin, Ati-atihan Festival, Maragtas Chronicle, The code of Kalantiaw at Black Smith." Tumingin ang babae sa lalaking nasa likod niya upang sabihing tapos na siya sa kaniyang report at ito na ang susunod.
Agad na pinagpawisan ng malamig si Joseph dahil hindi siya sanay na magsalita sa harapan dagdag pa lalo ang pressure dahil ang kaniyang mga kaklase ay nakatingin sa kaniya.
"A-ang r-rep-port k-ko a-ay t-t-tungkol s-sa---" Naghagalpakan sa tawa ang kaniyang mga kaklase.
"Ayan ba ang pinagmamalaki mo Geraldine? Bakla 'yang kaibigan mo!" Pang-aasar ni Andrew habang nakahawak sa tiyan dahil sumasakit na ito sa katatawa.
"Paano nga naman ba makakapagreport 'yan? Eh parang hindi nga 'yang marunong magsalita! Hoy Joseph! Marunong ka bang magsalita? Gusto mo turuan pa kita! Simulan natin sa abakada!" Halos mapaiyak nang sabi ng isa.
"Lintek hindi ko talaga kinaya! Ano 'yung r-rep-port m-mo?" Pang-aasar ng isa habang ginagaya kung paano nagsalita si Joseph kanina.
"Class, magsitigil na kayo!" Sigaw ng guro ngunit patuloy pa rin ang mga bata sa pag-iingay at pang-aasar kay Joseph.
"Sir, wala naman tayong matututunan d'yan! Huwag na 'yang pag-report-in!"
"Hindi! Huwag na tayong magklase tutal wala naman tayong matututunan! Hahahaha!"
"Oo nga, Sir! Wala naman kaming natututunan, attendance na lang tayo!"
"Oo nga! Attendance na lang tapos uwian na!"
Hindi na nakapagtimpi pa ang guro. Tila ba sinaniban ng masamang espiritu at nilabas ang nakatagong baril sa ilalim ng table niya. Napatahimik ang lahat nang marinig ang malakas na pagkasa ng baril.
"Hindi kayo marunong makinig! Pinakikiusapan ko kayong tumahimik, ayaw niyo! Pwes, ang magsasalita, patatahimikin ko gamit 'to!"
Napatingin sila sa isang lalaking nasa likuran dahil tumatawa ito. "Hindi ako naniniwala sa 'yo, Sir! Peke 'yan! Props lang! Hindi mo afford bumili ng totoong baril, Sir!"
Ngumiti na parang demonyo ang guro tsaka itinutok ang baril sa nagsalita, walang an-ano'y kinalabit nito ang gatilyo dahilan upang mapasigaw ang lahat. Umusbong ang takot sa mag-aaral. Hindi nila inaasahan na gagawin iyon ng kanilang guro.
"Sino-sino 'yong mga sumigaw? Ha? Sabihin niyo sa 'kin! Ano? Bakit hindi kayo magsalita?" Tumawa ang guro.
"Lester, isara mo nga ang pinto."
"Yes, Sir." Pagkasara ng bata sa pinto ay agad siyang bumulagta sa sahig. Nagkalat ang dugo sa pintuan. "Hindi kasi kayo marunong makaintindi. Simpleng instruction lang, gusto niyo ba inglesin ko pa? Whoever, in this four corner of room, speak will die! I don't care if I will be in hell because of killing you all but I am tired of all of you. You're not listening... You didn't respect me as your teacher... I just want you to obey me but no, you all didn't.."
Lalaki man ang guro ay nagawa nitong umiyak sa harapan nila dala na rin ng sakit at pagkasuklam sa kaniyang sarili dahil sa ginagawa niya.
"This is the only thing I want you to do... if you all really respect and love me, obey me. I want you all to speak then die together with me. Can you do that for me even just for today?"
Para bang nawawala na sa sarili ang guro. Animo'y isang baliw na inuutusan ang kaniyang klase na mamatay.
Hindi alam ng mga bata kung ano ang gagawin-kung susunod ba sa kanilang guro o hindi.
"Mahal ka namin, Sir." Sambit ng tatlong magkakaibigan at kasabay no'n ay ang sunod-sunod na putok ng baril na tumama sa kanila.
"Bakit kayo Sir, hindi niyo binabaril ang sarili niyo? Kanina pa kayo nagsasalita?" Lakas-loob na tanong ni Geraldine.
Napatingin sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga kaklase, ganoon din ang kaniyang guro.
"Mamaya, 'pag naubos ko na kayong lahat!" Ang akala ni Geraldine ay maiisahan niya ang kaniyang guro ngunit agad siyang isinunod nito sa kaniyang mga kaklase na nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo. Napasigaw ang iba dahil sa katakot-takot na itsura ng kanilang guro na tila ba isang demonyo ang nakakaharap nila.
Naglabas ng maraming bala ang guro at sunod-sunod na pinaulanan ng bala ang kaniyang mga estudyante. Ang mga batang unang hinamak ang kanilang guro ngayo'y nakatanggap na ng malupit na kaparusahan. Ang gurong naubusan na ng pasensya dahil sa hindi pagsunod sa kaniya ng mga itinuturing niyang anak.
Ang kaninang ingay na hindi masaway ng kaniyang bibig ngayo'y ipinakausap niya sa bibig ng kaniyang baril.
"Ngayon, siguradong kapag nagkita-kita tayo sa kabilang buhay matututo na kayong sumunod sa akin. Hindi niyo na susubukan pang gumawa ng kahit anong walang kwentang ingay."
Malakas na tawa ang pumuno sa apat na sulok ng kwadradong silid na iyon.
Muling ikinasa ng guro ang kaniyang baril at isinubo sa loob ng kaniyang bibig at walang pagdadalawang-isip na ipinutok iyon sa pagaakalang wala nang natitira pang estudyanteng humihinga ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay mayroong isa pang batang nakadapa sa isang sulok habang hawak-hawak ang kamay ng kaibigan niyang babae.
"G-geraldine..."
Nang mapagtanto sa sarili ang nagawa ay agad niyang kinuha ang baril na hawak ng kaniyang guro. Ipuputok niya na sana ito sa kaniyang sarili nang biglang magbukas ang pinto at pumasok ang kanilang principal.
"Anong nangyayari dito? Bakit may mga narinig akong putok ng baril?"
Itinapat ni Joseph ang baril sa lalaking nasa harapan niya at agad ikinalabit ang gatilyo bilang pagsunod sa rule na naging sumpa ng kwartong iyon.
Kung kausapin ka ng baril, magsasalita ka pa ba?
Wakas
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top