EPILOGUE

EPILOGUE

Xenus Clester Villaluz

Matapos naming mag-usap ni Sam, isinabay ko na siya pabalik sa school.

"Mauna na ako, Sam. I still need to find Yhetty." Pagpapaalam ko.

Sam nodded then smiled. "Sige, ingat."

Halos libutin ko na ang buong senior high school area kaso hindi ko pa rin siya mahanap. I tried calling her multiple times but still, hindi pa rin niya sinasagot.

"Tangina naman, Yhetty. Nasaan ka na ba kasi?" Nawawalang pasensya na saad ko.

"Uh, excuse me?"

Napalingon ako sa aking kanan nang may kumalabit sa akin. Bumungad sa akin ang isang babae.

"Uh, hi...are you looking for Harietth?" She asked.

Saglit ko siyang tinitigan nang mapagtango kong pamilyar siya.

"Do we know each other? You look familiar." I suddenly blurted out.

She flashed a small smile. "I guess...not? I mean, palagi kitang nakikita around the campus but I don't know your name."

Tinitigan ko lang siya at hindi sumagot. Tumaas ang kilay ko nang may maalala ako.

"Oh, I remember now. You're the drummer, right?"

Tango lang ang isinagot niya bago ibinalik muli ang tanong niya. "As I was saying, if you're looking for Harietth, I was with her a while ago. I told her na uuwi na ako bago kami umuwi but I saw her going to the junior's building before we part ways. That's all I know. I just want to inform you since it looks like you've been searching for her for awhile now." Huling sabi niya bago tumalikod at naglakad palayo.

Kaagad din akong kumilos at nagtungo sa junior high building para hanapin si Yhetty.

And there, I saw ny best friend crying. I instantly approached her and comforted her. I told her that she can tell me what's bothering her.

Handa na siyang mag-open up nang biglang dumating si Samantha. She was asking for my help. It looks urgent so I didn't think twice to follow her.

"Thank you for your help, Xenus!" Masayang saad ni Samantha matapos kong tulungan ang kaklase niyang hinimatay.

"Nah, I'm happy to help." I answered.

"Sorry, wala na kasi akong ibang mahihingian ng tulong kaya ikaw ang tinawag ko. Naudlot tuloy ang pag-uusap niyo ni Yhetty." Nakangiwing saad niya.

"Wala 'yon. Besides pwede naman naming ituloy pinag-uusapan namin kanina, 'di ba, Yhetty?" Tumingin ako aa gilid ko. Laking gulat ko nang hindi ko makita si Yhetty sa tabi ko.

"Fuck! Si Yhetty! Nasaan si Yhetty?!" Nanlalaki ang mga matang napasinghap ako.

"Huh? Naiwan siya kanina doon." Nagtatakhang saad ni Sam.

"What?! Akala ko nakasunod siya sa akin!" Ilang beses pa akong napamura bago tumakbo palayo. "Una na ako, Sam!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Nang makarating ako sa lugar na pinag-iwanan namin kay Yhetty, kaagad akong lumapit sa kanya.

Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa pagtatampo ni Yhetty. Akala niya siguro iniwan ko na siya.

She's cute.

Ngunit kaagad ding naglaho ang tuwang nararamdaman ko nang makita kong umiyak si Yhetty. She looks vulnerable right now.

"Lintik na 'yan! Xenus, pwede ba? Utang na loob! Tigilan mo muna ako! Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sayo. Naiinis ako sa mga nangyayari. Naiinis ako sa lahat!" she suddenly burst out. "Kaya please...utang na loob, manahimik ka muna."

"Harietth..." pagtawag ko sa pangalan niya.

"Please, pabayaan mo muna ako. K-Kung gusto mong m-makipagkulitan, humanap ka muna ng iba. P-Pagod ako ngayon..."

Hindi ko kayang makita na umiiyak si Yhetty. Nakakapanghina. This is the first time I saw her looking weak and vulnerable.

Hinila ko siya at sinalubong ng isang mahigpit na yakap. With that, she cried.

"Sorry, Yhetty. Makikinig naman talaga sana ako sa rants mo kanina k-kaso tinawag ako ni Samantha, eh-" hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin nang muli siyang magsalita.

"-Okay lang, a-ano ba. S-Si Samantha 'yun, eh. Nililigawan mo. I'm just your friend...I-I can rant with someone else n-naman."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I'm confused.

But then, I remembered. Hindi ko pa pala nasabing tumigil na ako sa panliligaw kay Samantha.

Bumuntong hininga ako bago sinabi ang nangyari kanina. I explained to her everything so that she won't misunderstood.

"Bahala ka sa buhay mo." Umiirap na sabi ni Yhetty bago naglakad paalis pero kaagad ko siyang sinundan.

Buong akala ko magiging maayos na ang mga pangyayari sa mga susunod na buwan, pero nagkamali ako.

"Fuck," I hissed.

"Kanina ka pa mura ng mura. Kumalma ka nga." Kunot-noong saad ni Yhetty.

"Sa tingin mo makakakalma ako kung trinato ka ng gano'n?" Iritadong sambit ko.

"Hayaan mo na lang." Sagot ni Yhetty na mas lalo kong ikinainis.

"The Fuck? That asshole disrespected you, Yhetty! Nilait ka na tapos sasabihin mong hayaan na lang? Are in you in your right mind?!" I raised my voice.

Imbis na sumagot, nagkibit balikat lamang siya.

"Hindi mo man lang ba naisip na gumanti? Tangina naman, Yhetty! Hindi ka man lang ba nakaramdam ng inis o galit? For fuck's sake! That bastard called you whore kahit na hindi 'yun totoo! Hindi mo man lang ba dedepensahan ang sarili mo?" Hindi ko na maiwasang magalit.

"Why would I even defend myself kung kayo na mismo ang gumawa no'n para sakin?" I was cut off guard with what Yhetty uttered.

"Honestly, naisip kong gumanti. Nagalit ba ako? Oo naman. Galit na galit ako. But my anger instantly vanished when you and Ash came into the picture. Bakit ko pa iisiping bumawi kung kayo na ang gumawa no'n para sakin?" Saglit akong natulala dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang bilis at lakas na kabog ng puso ko nang ngitian niya ako.

Damn it. Anong ginawa mo sa akin, Yhetty?

***

"Hermmy, nakita mo ba si Yhetty?"

Hermmy looked at me then spoke. "Oo, nasa room."

Tumango ako. "Sige, salamat."

Akmang maglalakad na ako paalis nang bigla niyang hablutin nag braso ko.

"Pupunta ka sa room?" Tanong niya.

"Oo, bakit?"

"Samahan mo nga muna ako aa canteen," nakangusong pakiusap niya.

Napangiwi ako saka itinaas ang dala-dalang bag ni Yhetty sabay sabing, "Makakapaghintay ka ba? I still need to give this to Yhetty. Baka mapatay ako no'n ng wala sa oras."

Hermmy scoffed. "Mas mapapatay ka no'n kapag nakita mo siya ngayon. Kaya dapat sumama ka muna sakin." Inangkla niya ang kanyang kamay sakin saka ako hinila papuntang canteen.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha? Bakit naman?"

"Nagpapalit siya ngayon sa room." Sagot niya.

"Ah..." tanging saad ko.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa canteen.

"Xenus, libre mo ako." Hermmy pouted. She looks cute.

Natawa ako saka ginulo ang buhok niya. "Oo na, kunin mo na ang mga gusto mo. Para ka ding si Yhetty, eh."

"Yay! You're the best! No wonder why Yhetty likes you. Masyado mo kasing ini-spoil!" Natatawang sambit niya at nag-umpisa nang dumampot ng pagkain.

Sumunod ako sa kanya. "Kilabutan ka nga. Yhetty? Likes me? Damn, creepy." Napangiwi ako

Hermmy laughed. "Gaga, iba ang ibig kong sabihin. I mean Yhetty likes you...as a friend, ganern. Gusto niya yung platonic relationship niyo."

I stared at her for a minute. "Buti naman because Yhetty and I are just friends."

Hermmy looked at me then smiled. "Sabi mo, eh." aniya saka nagkibit balikat.

Napailing na lamang ako. Binayaran ko lahat ng mga kinuha niyang pagkain bago kami pumunta sa classroom. Naabutan namin si Yhetty na nakasuot ng dress. Napangiwi ako dahil sa paraan ng pag-upo niya. Naka-stretch at nakapatong ang dalawa niyang paa sa isa pang upuan, mabuti nablang at hindi siya nasisilipan.

"Parang lalaki talaga." Naiiling kong bulong.

"Hoy," pagtawag ko sa atensyon niya saka ibinato ang bag niya.

"Putangina mo!" Gulat na aniya saka sinalo ang bag.

"Back to you." Pang-aasar ko pa.

Inirapan lang niya ako at muling bumalik sa pagce-cellphone.

Napailing ako at tinanggal ang suot kong coat na gagamitin ko mamaya para sa pictorial. "Umayos ka nga. Para ka talagang lalaki." Ipinatong ko ang coat sa binti niya para hindi siya masilipan.

Knowing Yhetty, mas lalaki pa 'tong umupo kesa sakin.

"Pake mo ba?" Pagsusungit niya.

"Sungit mo." Komento ko.

"Alam ko." Walang pakialam niyang sagot.

Napailing na lamang ako at pinabayaan siya.

Ilang saglit pa kaming tumambay sa room habang hinihintay naming matapos ang kabilang section sa pictorial nila.

During our pictorial, dumating ang iba naming kaibigan na galing sa ibang section. Humingi pa kami ng pabor sa photographer at nagpapicture ng groupie. We took a lot of pictures but then, I realized that I don't have a solo picture with Yhetty.

"Kuya, last na po. Papicture kaming dalawa!" Hinila ko si Yhetty habang malawak na nakangiti.

"Teka lang naman, naneto." Reklamo niya.

Naka-ilang shots kaming dalawa bago tuluyang natapos ag pictorial. Kaagad na hinila ni Charlotte si Yhetty mukhang inaasar na naman nila.

"Para kayong mag-jowa ng best friend mo, pre." Saad ni Ash na katabi ko.

Kumunot ang noo ko at bahagyang napatawa. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na kaibigan ko lang si Yhetty?"

Nagkibit balikat lang si Ash.

"Magkaibigan lang kayong dalawa pero iba ang nakikita ng ibang tao." Puna din ni Leinard.

"Anong pakialam ko sa pananaw ng iba? Is it that bad na magkaroon ng bestfriend na babae? 'Di kasi uso ang platonic friendship sa kanila kaya lahat na lang binibigyan nila ng malisya." Saad ko.

Tumango lang ang dalawa sa sinabi ko.

"Saka hindi kami talo ni Yhetty. Para ko na siyang kapatid." Natatawang saad ko.

"Oo, para kayong magkapatid na palaging nag-aaway kahit na sa maliit lang na bagay." Arvy laughed.

"Siya lang naman ang palaing nang-aaway sakin. Niloloko ko lang naman siya, eh." I smirked.

"Niloloko mo nga kaya kayo nag-aaway." Ark uttered.

Malakas akong napatawa sa sinabi niya. "My day wouldn't be completed if I won't annoy her."

Naging masaya ang buong maghapon namin ngunit nang sumapit ang gabi, Charlotte called. She dropped a news that made me panicked. Yhetty ran away from home.

"Kuya, are you okay?" My little brother, Nexus, asked.

Napangiwi ako. "Don't mind me, I'm fine. Maglaro ka na lang d'yan."

Nagkibit balikat lang ang kapatid ko saka muling bumalik sa panonood. Sinipat ko ang orasan at nakitang alas onse na ng gabi.

I was anxiously tapping my foot on the floor and started sweating bullets. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang sinabi ni Charlotte. Maraming katanungan ang pumapasok sa utak ko.

"Kuya, kung may gagawin ka pong iba, you can go now." Napalingon ako sa kapatid ko.

"H-Ha? W-Wala...w-wala akong gagawin." Umiiling na sambit ko.

"But you look anxious. Is there something bothering you po?" My little brother looked at me.

"A-Ano...si Ate Y-Yhetty mo daw kasi...a-ano." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Sige po, kuya. Puntahan mo na po si Ate. Baka need ka po niya."

"Ha?" I stared at my innocent brother.

"Go na po, kuya! I can manage na po." Mahina pa ako nitong tinutulak.

"P-Pero..."

"Go, kuya! Baka Ate Yhetty needs you!" My lityle brother shouted.

Mabilis akong tumayo at dinampot ang susi ng motor ko. Bumaba ako at nakita sila Mama at Papa sa sala na nanonood ng TV.

"Ma, alis muna ako!" Paalam ko habang nagmamadali tumakbo palabas.

"T-Teka saan ka pupunta?" Pahabol na tanong ni Mama.

"Sa kaibigan ko!" Sagot ko.

"Mag-iingat ka, Xenus!" Paalala ni Papa.

"Opo!" Sigaw ko.

Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa bahay nila Charlotte. Nakarating na rin pala ang iba naming kaibigan.

Sabay-sabay kaming pumunta sa basement at naabutan namin si Yhetty na mahimbing na natutulog ngunit mababakas sa mga mata nito ang pamumugto.

Akmang lalapitan ko siya nang bigla akong hilain ni Charlotte.

"Gago ka ba? Kitang natutulog ta's iistorbohin mo lang." Naiinis na saad nito.

Hindi na lang ako sumagot at sumunod sa kanila. Pumwesto kami 'di kalayuan kay Yhetty, baka kasi maingayan siya sa amin at biglang magising.

"What happened?" Ako na ang unang nagtanong.

Charlotte sighed. "I still don't know the full details pero ang huling niyang sinabi ay umalis siya sa bahay nila and I don't know the reason why." She uttered, feeling frustrated.

"Do you think Yhetty's problem is serious?" Tanong ni Ash.

"Tangina, bobo ka ba? Malamang!" Naiinis na sambit ni Charlotte.

"Bakit nagagalit ka? Nagtatanong lang naman ako, ah!" Ganti ni Ash.

"'Yang tanong mo pambobo, eh!" Charlotte glared at him.

"Kumalma nga muna kayong dalawa." Pagpipigil sa kanila ni Cole.

"I'm sure this is nothing serious. Baka stress lang si Yhetty." Angge uttered.

Sa knaya naman dumapo ang mata ni Charlotte. "Stress? Are you for real?" Hindi makapaniwalang saad niya.

"Charlotte, pagpahingahin mo muna si Yhetty. Uuwi muna kami dahil may kailangan pa akong asikasuhin na importanteng bagay." Saad ni Thean.

"Same here." Rica raised her hand.

The rest also agreed as well, but not me.

Charlotte scoffed in disbelief. "I can't believe this! So gano'n na lang? Aabandunahin niyo si Yhetty?"

Pilit namang pinapakalma ni Lexus si Charlotte.

"What the heck are you talking about? Charlotte, we already told you na may importanteng bagay kaming aasikasuhin. Can't you understand that?" Naiiritang tanong ni Dannie.

"Hindi ba importante sa inyo si Yhetty?" Naiinis na tanong ni Charlotte.

"Ano ba namang tanong 'yan, Cha. Nakakabobo ka naman. Alam mo namang kaibigan din namin si Yhetty tapos tatanungin mo kami ng ganyan." Nagsisimula na ring mainis si Arvy.

"Oh, yun naman pala! Then why can't you spare a time for your friend?" Charlotte gritted her teeth in anger.

"Hindi naman kasi gano'n kadali, Cha. Busy tayong lahat ngayon lalo na't malapit na ang graduation." Malumanay na saad ni Beatrix.

"That's bullshit!" Naiinis na saad ni Charlotte.

Nag-uumpisa na silang magkainitan at magkasagutan hanggang sa unti-unting tumayo ang iba at akmang aalis pero bago pa man sila tuluyang makaalis, nagsalita ako.

"Go on, leave." I uttered. "The moment you stepped out of this place, kalimutan niyo nang magkakaibigan tayo."

"Tangina, ikaw din, Xenus? Ganyan na ba kakitid ang mga utak niyo at hindi niyo maintindihang busy din kami?" Napipikong saad ni Ash.

Mabilis akong tumayo at kinuwelyuhan siya. "Hindi kami ang may makitid na utak, Ash. Kayo 'yon." Mariing sambit ko at pabalibag nabinitawan ang kwelyo niya.

Isa-isa ko silang tinignan saka muling nagsalita. "Lahat kayo...tinulungan kayo ni Yhetty. All of us knows that. Yhetty did her best to help us all. Kahit na punong-puno na ang plato niya, she's willing to leave a space for all of us sa tuwing kailangan natin ng tulong. Tapos ngayong si Yhetty ang may kailangan, papabayaan niyo na siya? I understand that you have a lot of things to do but can't you spare some time for her?"

Natahimik silang lahat sa sinabi ko.

"Yhetty...is our friend. Siya 'yung tipo ng tao na tutulungan ka sa lahat ng bagay kahit na sobrang busy siya. At siya rin 'yung tipo ng tao na hindi humihingi ng tulong dahil mas gusto niyang kimkimin ang lahat. Palagi niyong sinasabi sa kanya na kapag kailangan niya ng tulong nandyan lang kayo. Tapos ngayong nilalapitan niya tayo, aalis lang kayo? That's bullshit." I gritted my teeth.

"Tinawag niyo pa ang sarili niyo nakaibigan ni Yhetty kung hindi niyo man lang siya mabigyan ng kahit na kaunting oras." Dagdag ko pa.

Hindi sila nakaimik at mukhang pinag-iisipan ang lahat ng sinabi ko.

"Yhetty..." Charlotte uttered then immediately stood up. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang gising na pala si Yhetty. Sumunod ako kay Charlotte. Mabuti rin at sumunod ang iba, mukhang nagising sila sa sinabi ko.

That night, Yhetty told us everything. She cried her heart out as she was telling us her story. Pakiramdam ko rin ay naninikip ang dibdib ko nang makita ko siyang umiiyak.

Kinausap naming lahat si Yhetty at sinabi ang mga sarili naming opinyon. Unti-unti namang napangiti si Yhetty at nagbalik ang masaya niyang aura.

Madaling araw na at nakatulog na ang lahat ng kasama namin, pwera sa amin ni Yhetty. Tahimik lamang siyang nakaupo sa sofa at nakayuko ang ulo.

Tinabihan ko siya at kinalabit. "Hey..."

Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan ako. "Xenus..." she flashed a small smile.

Inihilamos ko sa mukha niya ang palad ko. "Tigilan mo nga 'yan. Halata namang peke 'yang ngiti mo. Nagmumukha kang plastic." Saad ko.

Iniwas naman ni Yhetty ang kanyang paningin. I stared at her.

"B-Bakit nakatitig ka?" Ibinalik ni Yhetty ang kanyang paningin sakin.

"Nag-aalala ako sayo." Mahinang saad ko.

Yhetty chuckled softly. "Bakit naman? Look, I'm fine now."

"No, you're not. You're lying. Nakikita ko sa mga mata mo na hindi ka okay." Kunot noong sambit ko.

Saglit siyang natigilan kapagkuwan ay napailing. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at ibinaon ang kanyang mukha sa dibdib ko.

"I just need a hug. Sorry, if this is too much. Itulak mo na lang ako kung hindi ka komportable." Mahinang bulong niya.

Instead of pushing her, I pulled her close and wrapped my arms around her.

"Nah, take your time." I uttered.

"Thank you, Xenus. You're the best."

***

Graduation day. It’s surreal. The thrill, the nostalgia—it all hits like a wave, crashing and steadying me at the same time. We’ve been counting down to this moment, excited, but now that it's here, it feels strange. Like a door closing, marking the end of high school and the beginning of something new.

I'm at the entrance with our friends, and we’re waiting for Harietth, who, of course, is late. Just as I’m about to make a comment about it, she arrives, breathless and full of fire, snapping at us for teasing her about it. She’s only five minutes late, and she’s giving us hell for it—classic Harietth.

Our parents get along like they've known each other forever, and watching them laugh, I can’t help but feel grateful. It's a moment I didn’t realize I needed.

Ilang saglit lang ay nagsimula na ang ceremony. Hindi nagtagal at unti-unti na ring tinatawag ang mga pangalan ng may mga awards, and when Harietth's name gets called, our group loses it. Everyone’s yelling and clapping like maniacs—Arvy, Charlotte, even the usually quiet Angie. It’s tradition at this point. And Harietth, of course, shoots us a pleading look, but we keep cheering her on anyway. She deserves it.

Later, after the ceremony, we all take photos and head to lunch together with our parents. The restaurant is filled with laughter and teasing. The way our parents join in makes it feel like one big family, and I wonder if we'll ever get another moment like this.

Then, just when I think the day couldn’t get better, our parents agree to let us go to the amusement park. The pure excitement on everyone’s faces is contagious, and I can feel that familiar thrill of adventure as we head off together.

When we get there, everyone’s rushing toward the roller coaster, but Harietth and I hang back. We’re not exactly roller-coaster fans, and I can’t help laughing as we exchange a look that says, “Yeah, this ride is not for us.” We opt for the bumper cars instead, racing and crashing, letting loose in a way that only Harietth and I can.

The day flies by, and soon it’s 6 PM, with the sky turning a breathtaking shade of pink and orange. Our friends suggested that we should watch the sunset from the Ferris wheel, and before I know it, I'm in a cart with Harietth. It’s quiet up here, just us, away from the noise below, and it feels… different. Peaceful.

As the sun dips lower, painting everything in gold, I notice her gaze shift, and for a second, I feel that familiar warmth whenever she’s around. Then the fireworks start. It’s like the universe is putting on a show just for us, and I find myself caught up in the moment, watching the sky and feeling strangely vulnerable. This is one of those moments that’ll be hard to forget.

"Xenus?" Her voice breaks the silence, and I turn to find her looking at me, a seriousness in her eyes that I haven’t seen before. There's something in her expression—nervous but determined—that gets my attention, makes my heart race a little faster.

“I… I like you, Xenus.”

The words hit me like a punch, yet somehow they feel right. All the teasing, the shared moments, every small look—it all clicks into place. I realize, in this moment, how much she’s come to mean to me, and that the feeling has always been there, just waiting for the right time to surface.

I meet her gaze, and I don’t need fireworks or sunsets to know that this is real.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top