CHAPTER 9
CHAPTER 9
"Yhetty, I miss you!" Kaagad na bungad ni Charlotte nang makita niya ako.
Nandito kami ngayon sa Plaza, isang parke kung saan madalas kaming nakatambay.
Sinalubong ko si Charlotte at Beatrix ng mahigpit na yakap. Sabado ngayon kaya mabuti na lang at wala silang gagawin ngayon.
Hindi din muna namin inimbita ang boys because we need a girls hangout. And also, I need help.
I'm confused as fuck.
"Na-miss ko din kayo," ngiting sambit ko.
"Tara, bili muna tayo ng makakain saka tayo mag chikahan," saad ni Beatrix. "May ichi-chika din ako." Tumaas-baba ang kilay niya.
Her news sounds exciting.
"Same, may gusto rin akomg sabihin." Humugot ako ng isang malalim na hininga.
Malakas namang napapalakpak si Charlotte na parang bata. "Yey, chismis!"
Bumili lang kami ng pizza at milktea. Nag-ambagan na lang kami dahil pare-pareho kaming broke as fuck ngayon lalo na't pasukan, maraming bayarin at projects na bibilhin.
Pakiramdam ko nga, pumapasok lang kami para magbayad ng magbayad. Emz.
Kaagad kaming bumalik sa Plaza nang mabili na namin ang gusto naming kainin.
"Kainan na!" Masayang saad ni Charlotte saka sinunggaban ang pizza saka humigop ng milktea.
Natawa naman ako sabay komentong, "Para kang patay-gutom."
Napanguso naman siya habang ngumunguya. "Hindi ako kumain kaninang umaga, eh. Wala kasing tao sa bahay. Saka alam niyo namang bawal akong tumapak sa kusina."
"Susunugin mo daw kasi kusina niyo." Pang-aasar ni Beatrix.
"Hoy, aba, akala ko ba chismis ang pag-uusapan? Bakit inaasar niyo ako?" Nakasimangot na reklamo ni Charlotte.
"Nagchi-chismisan naman tayo. Pero tungkol nga lang sa katangahan mo." Ngising saad ko.
"Foul! Walang ganyanan!" Napapadyak sa inis si Charlotte habang nakaupo.
Para talagang bata. Seventeen na ba 'to? Ba't utak seven years old?
"Oo na, oo na. Hindi na." Suko ko na lang.
Mahirap na. Baka magtantrums ang bata.
"Yhetty, ikaw na lang ang single sa ating tatlo." I looked at Beatrix with confusion.
"What do you mean?" Takhang tanong ko.
"I'm in a relationship." Beatrix announced.
Malakas namang napatili si Charlotte at mahigpit na niyakap si Beatrix. "Oh my gosh, I'm so happy for you, besty!"
While I, on the other hand, just stared at them blanky.
"Who...who's this lucky guy?" I asked. Pero pakiramdam ko kahit hindi ko na tanungin, kilala ko na ang tinutukoy niya.
"Si Leinard." Maikli ngunit nakangiting sagot niya.
Ilang beses akong napakurap bago sila maliit na nginitian at tumango.
Dumampot ako ng isang slice ng pizza at tahimik na kumain.
Hindi naman ako against sa kung anong meron nila. I just felt a little bit jealous. Sa aming magkakaibigan kasi, ako na lang ang NBSB. Both Charlotte and Beatrix already had an ex before their current lovers. Kaya hindi ko din maiwasang mainggit dahil I want to experience that too. But I'm scared.
'Yung feeling na gusto mong pumasok sa isang relasyon pero natatakot ka dahil baka mapabayaan mo ang pag-aaral mo. I mean, depende naman sa tao 'yun pero natatakot ako na magka-boyfriend dahil ang mga lolo't lola ko ay istrikto.
Ayaw muna nila akong magka-boyfriend dahil gusto muna nila akong makapagtapos sa pag-aaral. Wala naman akong reklamo doon dahil 'yun din ang gusto ko pero...madalas nakaka-pressure din.
They expect a lot from me. To the point na madalas nag-do-doubt na ako sa skills ko. I'm doing my best but I think it's still not good enough so I'm still pushing myself kahit mahirap.
Tahimik ko lamang na pinapanood sila Charlotte at Beatrix na nag-aasaran. Mapait akong napangiti.
How I envy them. Sana maranasan ko din 'yung mga nararanasan nila. Ano kayang feeling ng magka-jowa?
I slapped myself because of that stupid thought.
Hindi muna 'yon ang dapat kong isipin. I need to priotize my academic responsibilities first lalo na't sunod-sunod ang project namin and next month will be our first periodical exam.
"How about you, Yhetty? Ano pala 'yung ichi-chismis mo?" Nabalik ako sa ulirat nang dahil sa tanong ni Charlotte.
I looked at her, confused. "P-Pardon?" I blinked a couple of times.
Napairap naman si Charlotte. "Ang lutang mo, 'te. Kako ano 'yung ichi-chika mo sa amin?"
"A-Ah, ano..." napakagat ako ng pang-ibabang labi.
I don't know kung dapat ko bang i-kwento ito sa kanila or hindi. But then, I remembered, we don't keep a secret to each other.
"I...I think I have a crush on someone." Kinakabahan at namumulang saad ko.
"W-Wait, what?" Nauutal na tanong ni Charlotte.
Napasinghap naman si Beatrix kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. "Oh my gosh! Sino 'yang swerteng lalaking 'yan?" Beatrix asked excitedly.
"Tangina, Yhetty! Dalaga ka na! Nagmamahal na ang nanay namin! May tatay na tayo, Beatrix!" Umakto si Charlotte na parang naiiyak.
"Hoy, 'namo! Wala akong anak na naglalandian!" I joked.
"Luh, grabe siya, oh. Tinatakwil mo na ako?" Reklamo ni Beatrix.
"Hindi." I smiled. "Dahil si Leinard ang itatakwil ko."
"Ay, bet. Para hindi incest at family stroke." Pagbibiro ni Beatrix.
"Tama na nga 'yang nonsense na usapan!" Singit ni Charlotte. "Gusto kong malaman 'yung tungkol sa lalaking gusto mo!"
Umirap ako. "Gaga, crush lang." Pagtatama ko sa kanya.
"Oh, e'di crush na kung crush! Now, tell us something about that man!" Na-e-excite na sigaw ni Charlotte.
"Boses mo nga. 'Apaka-ingay." Reklamo ni Beatrix saka mahinang tinampal ang bunganga ni Charlotte dahilan kaya napanguso ito.
"Fine, shush-shush muna kayo, okay?" Mabilis namang tumango ang dalawa at umayos ng upo.
"Well, to be honest, I don't know kung crush ko ba talaga siya or hindi. But everytime na magtatama ang mata namin, I would always feel nervous kaya umiiwas ako ng tingin." Panimula ko.
"Then, when he touches my hand, para akong nakukuryente. Kapag naman lumalapit siya, parang hindi ako mapakali sa pwesto ko. 'Yung feelimg na gusto mo siyang layuan pero ayaw mo. Ang gulo right?" I slightly chuckled.
"And kapag kausap niya ako, para akong nawawala sa wisyo. Like 'te, para akong kinakabahan kaya madalas hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya." Napanguso ako.
"But what I hate the most is 'yung the way kung paano niya ako itrato. He would always assist me with something kahit madali lang naman. He would always be there to support me, make me laugh, and most of the time, to annoy me, of course. But worse,kahit naiinis ako sa kanya, hindi ko mapigilang mainis." Dagdag ko pa.
"The way he treat me...parang isang prinsesa gano'n. Akala ko nga sakin lang siya gano'n pero gano'n rin pala niya itrato 'yung ibang babae." Tumikhim ako. "Nalaman ko din na may ka-talking stage din pala ngayon ang gago. Mixed signals amputa." Napairap akong muli
"So tell me, is this crush thing...it's normal, right?" Kinakabahang tanong ko.
"Oh my gosh, 'te! Hindi na crush 'yan!" Tili ni Charlotte saka ako pinaghahampas.
"Correct si Charlotte, Yhetty. Hindi mo siya crush. You like him, perhaps, you love him."
"W-What? N-No! That's impossible!" Marahas akong napailing.
Saka hindi rin pwede. No, I can't be in love.
"Ay no, 'te, it's possible. Nangyayari na nga, oh." Beatrix agreed with Charlotte.
"Now tell us, Yhetty. Who's this lucky guy?" Pang-iintriga ni Charlotte.
Bago ko pa man siya sagutin, I saw a familiar figure of someone. My heart ached nang makita kong may kasama itong iba.
"I-It's...him."I pointed somewhere.
"It's Xenus." Bulalas ko.
And he's with Reina, ang babaeng ka-talking stage niya ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top