CHAPTER 8

CHAPTER 8

A month had beenna passed. I can say that my new section is great. I enjoyed being with my new classmates but I won't deny the fact that I missed my annoying friends.

Naging busy na rin kasi ang mga kaibigan ko lalo na't may mga kalandian na sila.

Si Charlotte at Lexus palaging magkasama every break time. Si Beatrix at Leinard naman, sa tingin ko may namamagitan sa kanila. Actually dati ko pang napapansin but hindi ko lang sinasabi dahil gusto ko na sila mismo ang magsabi sa amin.

Si Arvy naman may nililigawan na din na kaklase niya ngayon. Galing ding pumili ng hinayupak na 'yon. Kaklase ang pinuntirya para landian every second, every minute. Kidding.

Well, wala naman na kaming magagawa dahil mukhang pinana na siya ni kupido. Patay na patay ang loko, eh.

Si Ark naman, palaging missing in action. Hindi ko alam kung anong nangyayari do'n sa loko na 'yun. Ang huling balita ko lang sa kanya ay pinauwi daw siya noong nakaraang linggo ng adviser nila kasi sumasakit daw ang t'yan, ayon kay Leinard.

But it's a good thing na kahit busy ang mga kaibigan ko, hindi pa rin nila ako nakakalimutan. They would always passed by sa classroom namin. Minsan niyayaya akong pumunta sa Canteen pero madalas nangangamusta lang. Charlotte would always shout my name kapag hinahanap ako kaya madalas nasasaktan ko ang babaitang 'yon.

Si Cole naman, tahimik pa rin pero minsan kinukulit ako. Mas naging close kami ngayon dahil madalas nakikisabay siya sa amin nila Dannie pumunta sa Canteen.

And Xenus? Well, he's still a jerk and aroganteng hunghang. Just like now.

"Harietth!" Pagtawag niyo sa pangalan ko.

I looked at him boredly then asked, "What is it this time?"

Papunta akong Canteen ngayon since wala pa namang teacher. Bigla kasi akong nakaramdam ng uhaw. Kamalas-malasan nga lang at hindi ko nadala ang tumbler ko.  Hindi rin malamig ang tinda nilang tubig but I have no choice.

I'm thirsty as fuck.

"Tara canteen!" Inakbayan niya ako. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko dahil parang ibinigay niya sakin ang bigat niya. Muntik pang malaglag ang salamin ko mabuti na lang at kaagad kong nahawakan.

Nginisian ko naman siya. "Sige, tara basta libre mo ako."

"Sige ba, ano bang gusto mo?" Mayabang na sagot niya.

Mas malawak akonf napangisi saka siya inakbayan kahit na medyo hirap ako kasi mas matangkad siya sakin. "'Yan ang gusto ko sa'yo, eh! Okay na ako kahit tubig lang"

"Syempre, bff tayo, eh. Lilibre kita pero pautangin mo muna ako." Natatawang saad niya.

"Letche." Iritang saad ko saka tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya.

Nauna na akong naglakad pero ramdam ko pa rin na sumusunod siya.

"Yhet, joke lang! Hoy!" Natatawang sigaw nito. "May pera ako dito!"

Nang maramdaman ko siya sa tabi ko, I looked at him and raised an eyebrow.

"Ito naman, hindi mabiro." He said. "Tara libre na kita, bibili na lang tayo ng C2 mo. May tubig ako sa tumbler, may ice pa kaya malamig pa 'yun." He wiggled his eyebrows.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Again, I felt the familiar electric shock. Ilang beses ko na itong nararamdaman pero unti-unti rin akong nasasanay kaya hinahayaan ko na lang.

Nang makabalik kami sa classroom, I felt someone staring at me. No, it's more like glaring at me.

I roamed my eyes around the room. Ilang kaklase ko naman ang nakatitigan ko kaya nginitian ko na lamang sila.

Who the heck was that?

Ipinagkibit balikat ko na lamang 'yon. Kinalabit ko si Ash na nasa harapab ko. Simula nang maging close kaming magkakaibigan, sila na ang lumilipat ng pwesto. Pati ang iba naming kaklase nakikigaya na rin.

"Ash, 'yung attendance pala?" Tanong ko.

Nakaramdam din ako ng hiya dahil almost one week na siyang nag-a-attendance. Siya na ang gumagawa ng trabaho ko bilang secretary. Gustuhin ko mang gawin ang responsibilidad ko kaso madalas kasi maraming pinapasuyo si ma'am. Madalas rin kaming magkasama ni Angie na presidente dahil may mga inuutos sa amin si Ma'am.

Ash took a glance at me and grinned. "Tapos na, boi." He gave me a thumbs up.

Napanguso naman ako. "Sorry, ah. Naiistorbo tuloy kita." Mahinang saad ko.

His grin grew wider and he messed up my hair. "Okay lang, alam ko namang marami ka ding ginagawa. Kaya from now on ako na ang assistant mong gwapo." He winked.

I chuckled. "Wow, ngayon lang ako nakarinig ng secretary na may assistant." I said. "And mind you, mas pogi ako sayo."

Natawa na lamang si Ash nang dahil sa sinabi ko. "Syempre. Unique ka, eh."

"Tama!" I agreed while giggling.

"Ako din! Assistant mo din ako!" Biglang sulpot ni Xenus na asungot.

"Hunghang ka talaga." Turan ko.

"Dali na, Harietth! Assistant mo din dapat ako!" pamimilit pa niya.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumayag. Nagdiwang naman ang hunghang na akala mo nanalo sa lotto.

"Yown! 'Wag kang mag-alala dahil tutulungan kita, Harietth. Lalo na't ulyanin ka pa naman."

With that, I gave him a glare.

"What did you just said?" Mariing tanong ko.

Ngumisi siya ng malaki. "Sabi ko ang pangit mo. Abnormal ka pa." Natatawang sagot niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya't sinapok ko siya ng malakas.

"Tigil-tigilan mo ako, Xenus! Kanina pa ako napipikon sa'yo." I gritted my teeth.

Nilabas naman niya ang dila niya na tila mas lalo pang nang-aasar. "Abnormal kang tomboy ka!" Pang-aasar pa niya.

Sa sobrang inis ko, tinanggal ko ang sapatos ko saka siya binato. Pero sa kamalas-malasan, nakaiwas siya. I stood up and chased him around the room while cursing his name nonstop.

Samantalang ang hunghang na Xenus, tawa lamang ng tawa at patuloy akong inaasar.

Hindi ko alam pero instead na makaramdam ako ng inis, I felt happy. And I don't know why.

"Hoy, dito pa talaga kayong naglandian na dalawa!" Natatawang sigaw samin ni Cole.

"Yieee shiiip!" Pang-aasar naman nila Hermmy at Dannie.

Huminto ako sa paghahabol kay Xenus saka sila pinandilatan. "Kadiri kayo! Anong ship? Suntukan gusto niyo?" inis na saas ko pero sa kaloob-looban ko, para akong masaya dahil sa pang-aasar nila.

And I don't fucking know why! Damn it!

"Maiissue talag kayo. Parang kapatid ko na 'tong tomboy na 'to. Tanggap ko na kahit abnormal siya. No to incest. No to family stroke." Lumapit sakin si Xenus saka padamba akong inakbayan.

"Punyeta Xenus ang bigat mong lintik kang hunghang ka!" binatukan ko siya at hineadlock kaya napadaing naman ang hunghang.

On my peripheral view, I saw someone glaring at us. I can feel the anger, jealousness, and frustration coming from her.

Reina Bella Fardio.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top