CHAPTER 7
CHAPTER 7
Bumuntong hininga ako saka siya tinitigan. "Ewan, ikaw bahala." I waved my hand, lazily. "And besides, you already claimed that you are my bestfriend kaya bahala ka na d'yan. You're such a self-proclaimed bestfriend jerk."
Natawa siya dahil sa sinabi ko. "Yown, oh!"
I was about to get back to my seat when he suddenly snaked his arm around my shoulder and messed up my hair.
"Hunghang ka talaga!" sigaw ko. "Stop messing up my hair, you jerk!" I exclaimed.
Tawa lang ang isinagot niya sakin. It's a good that he stopped so I immediately went back to my seat.
Nakabusanggot akong naka-upo habang hinihintay ang susunod naming teacher.
Hindi nagtagal ay dumating na din si Sir Michael, ang PR 2 subject teacher namin. Binati kami ni sir kaya bumati din kami sa kanya pabalik saka kami bumalik sa pagkakaupo.
"Huy, Hermmy, 'di ba ngayon tayo mag-gu-groupings para sa research?" I asked her without taking a glance at her seat.
"Ewan, pero kung ngayon man, dapat piliin mo ako kasi bff na tayo."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Xenus. Gulat ko siyang nilingon saka napamura.
"Putangina mo ka, hunghang!" Bulalas ko. "Anong ginagawa mo d'yan sa upuan ni Hermmy?"
"Uh, nakaupo?" Parang tangang sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam ko, punyeta ka!"
He pouted his lips then uttered, "Eh, ikaw kasi. Parang tanga magtanong. Tinanong mo kung anong ginagawa ko dito, e'di malamang naka-upo. Ayos-ayos din kasi ng tanong kapag may time."
"Eh, kung ingudngod ko itong kamao ko sa nguso mo?" Inis na tanong ko sabay pakita ng nakakuyom kong kamao.
"Ito namang si BFF, masyadong highblood. Kalma, Yhetty!" He chuckled. "Tumabi kasi si Hermmy kay Dannie kaya lumipat muna ako dito. Kawawa ka naman kasi mag-isa ka na lang dito sa row niyo kaya tinabihan ka na ng gwapong siako." Mahanging sambit niya.
Well, he's right. Lumipat kasi si Mai at Gheli sa kabilang row kaya dalawa lang kami ni Hermmy ang natira pero ngayong lumipat din si Herm, talagang mag-isa na lang ako.
Umismid ako. "E'di thank you sa awa mo." Sarkastikong ani ko.
"Ah, nga pala. Ngayon tayo mag-go-groupings para sa research ninyo. First, we will choose five leaders." Kaagad akong tumingin sa harap nang marinig ko ang boses ni Sir Michael.
I fixed my glasses and fixed my posture. Inayos ko din ang ibang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
"Ang ganda pala ng mga mata mo."
Halos mapaigtad ako nang marinig ko ang bulong ni Xenus.
Kunot noo ko siyang tinignan. "What?"
Narinig ko naman ang sinabi niya but I just want to make sure kung tama ba ang pagkarinig ko.
"Kako, ang ganda ng mga mata mo. Amber eyes. I just noticed din na kapag ngumingiti ka, mas sumisingkit ang mata mo tapos kapag nae-excite ka, palaging nag-i-kumikinangina."
Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Kumikinangina talaga?"
Natatawa lamang siyang tumango.
Muling nabaling ang atensyon ko kay Sir nang magsalita itong muli. "So, sino 'yung mga honor students last year?"
Nagtaas naman ng kamay si Angie, Dannie, Hermmy at Xian. Nagtaas na rin ako ng kamay.
"Okay, sakto limang honor students kaya limang leaders din. Ang gagawin natin, ang leaders ang pipili ng magiging members nila." Paninimula ni Sir Michael.
"Wow, honor ka pala? Leader ka din." Tipid lamang akong tumango. "Piliin mo akong member mo, ah?"
Nilingon ko siya. I saw him smirking.
"Paano kung ayoko?" Taas kilay kong tanong.
Sumimangot naman siya sabay humalukipkip. "Wala, peyk prend." Sumandal siya sa upuan niya tila nagtatampo. Salubong din ang dalawang kilay niya.
Nagtampo pa nga.
I rolled my eyes and poked his shoulder. "Hoy, an'yare sayo?" I asked but he didn't respond.
"Hoy, tampo yarn?" Pang-aasar ko.
But still, wala pa ring sagot.
Napahilamos ako ng mukha at akmang muli na namang magsasalita nang bigla akong tawagin ni Sir kaya napatayo ako kaagad.
"Harietth, sino ang gusto mong maging members mo? Choose 4 girls and 5 boys." Saad ni Sir.
I puckered my lips and roamed my eyes around the room.
Gusto ko sanang piliin sila Rica at Thean kaso nakuha na sila ni Angie.
"For the girls, I choose...Yzza, Queen, Gheli, and Mai." Sabi ko.
"Okay. Sa boys naman? Sino-sino ang pipiliin mo?" Tanong ni Sir.
Napaisip muna ako bago sumagot. "Si Cole po sir. Then si Zane, Dover, Jonziel." I paused.
"Sino pa 'yung isa?" Sir Michael asked.
I took a glance at Xenus. Nakabusanggot pa rin ang mukha niya at magkasalubong ang mga kilay.
Nagtatampo nga talaga.
Humugot ako ng isang malalim na hininga bago sumagot. "Si Xenus po, Sir." I answered while pointing my finger at Xenus' direction without looking.
"Okay, then! It's settled!" Masayang saad ni Sir.
Umupo ako at sumandal.
"Yieee, 'di ako matiis ni bff." Masayang saad ni Xenus.
I looked at him with bored expression. "Yeah, right. Whatever." I lazily waved my hand at him.
"Dapat lagi na tayong magkasama kasi mag-bff na tayo." Masigla pa nitong saad.
"Ang daldal mo, 'no?" Ngiwing tanong ko.
Natawa lamang siya. "Madaldal lang naman ako kapag kaibigan ko kausap ko. Pero dahil bff kita, mas magiging madaldal ako sayo." Nagulat ako nang bigla nitong hawakan ang kamay ko.
Para akong nakuryente nang dahil sa hawal niya kaya mabilis kong binawi ang kamay ko.
"E-Ewan ko sayo, ulul!" Nauutal na saad ko.
Why the heck did I stuttered?
"Dapat masanay ka na sa pagiging makulit ko dahil hinding-hindi kita titigilan." Ngising saad niya.
I stared at his face, admiring his handsome face while he was grinning. Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. It's not normal. The beating was loud, fast, and this feeling is unfamiliar.
"T-Tangina mo." I looked away.
What the hell is wrong with me?
"Bakit ba ang hilig mong magmura?" Tanong pa ng hunghang.
Ang daldal talaga! Nakakapikon! Kailan ba siya titigil kakadaldal?!
Napipikon ko siyang nilingon but to my shock, his face was just two to three inches far away from mine.
What the...my heart...it's beating fast. I...I can't breathe.
"L-Lumayo ka! B-Bwisit ka!" Halos nagpapanic na saad ko saka malakas na itinulak ang mukha niya.
Ramdam ko ang pamumula at pag-init ng pisngi ko. Sinapo ko ang aking mukha.
What the heck is happening to me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top