CHAPTER 6

CHAPTER 6

"Hoy," pagtawag ko sa atensyon ni Xenus pagkalapit ko sa pwesto niya. "O-Okay ka lang?"

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa walang kwentang tanong ko.

Tangina, ang tanga ko! Tanungin ba namana ng obvious na sagot. Malamang hindi siya okay!

Napangiwi ako nang binalingan niya ako at pinukol ng masamang tingin.

"Talagang tinanong mo pa 'yan, ha?" Sarkastikong aniya.

"E'di sorry!" Medyo naiinis na sabi ko.

"Oh, tignan mo, ikaw pa galit!" Singhal niya.

Ay...sorry naman. Hindi ko na naman napigilan emosyon ko.

Napaismid naman ako at umiwas ng tingin. "S-Sorry..."   I muttered.

"Nandito sa harapan mo ang kausap mo, wala sa gilid mo." He stated. "And you don't look like you're not sorry at all. Parang hindu genuine 'yung pagso-sorry mo."

Demanding nitong hayop na 'to.

Napakuyom ang kamay ko at nagngitngit ang mga ngipin ko.

Kumalma ka, Yhett. May kasalanan ka din naman. Hindi mo na namam nakontrol ang emosyon mo.

Tinignan ko siya sa mata. I also soften my expression and offered him a warm small smile.

"Sorry, I forgot to control my anger." I uttered again, genuinely this time. "I...I didn't mean to kick you." I raised my hand and showed him a peace sign.

Ilang minuto kaming nagtitigan pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.

I was about to speak again when our next teacher arrived. Nag-iwas lamang siya tingin habang hawak ang tenga niyang namumula.

Mukhang napuruhan ko din ang tenga niya.

Napanguso na lamang ako at bumalik sa upuan ko.

He didn't say anything. Mukhang hindi pa niya ako pinapatawad.

"Woi, 'te. An'yare sa'yo? Mukha kang pato kakanguso mo d'yan." Pagpuna ni Hermmy.

Gumagawa kami ng essay ngayon. Bahagya kong sinilip ang papel niya at nakita kong tapos na pala siya. Samantalang ako, maski title wala pa. Bumuntong hininga ako at binitawan ang ballpen na hawak ko.

"Nagu-guilty kasi ako, Herm." Malungkot na saad ko.

Aba, kahit maldita ako, nako-konsensya pa rin ako.

"'Yan kasi, ba't kasi sinipa mo?" Natatawang tanong niya.

"Napikon ako, eh." Sagot ko.

"Umatake na naman anger issue mo," pagbibiro niya na kinatango ko naman.

Gusto kong maiyak dahil unti-unti na akong kinakain ng konsensya ko. I may looked like a mean, rude bitch but I'm a softie on the inside. Kahit madali akong magalit, madali din akong maiyak kahit na sa maliit na bagay lang. Call me sensitive, pero wala eh, gano'n talaga.

Bumuntong hininga na lamang ako. Pinagtuunan ko muna ng pansin ang papel ko dahil wala pa akong nasisimulan. Ilang minuto na lamag ay ipapasa na  namin ang papel namin.

Halos kinse minutos bago ko natapos ang essay. Pinasa ko kay Angie, ang president namin, 'yung papel ko dahil siya ang naka-toka na mag collect ng papel namin. Nang matapos ang klase, nagpaalam kami sa guro namin saka ito umalis.

I grabbed my phone inside my bag and opened my camera. I smiled and posed then took a picture.

I actually don't like taking pictures. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sakin at ginusto kong mag-picture ngayon.

I went to my gallery at tinignan ang litratong kinuha ko kanina. Napanguso ako.

Feeling ko ang pangit ko sa picture na 'to.

Akmang ide-delete ko na ang picture nang may mapansin ako. I zoomed the photo.

My lips parted when I saw Xenus looking directly at my phone. Parang biglang tumahimik ang paligid ko. It was like, I can't hear them. The classroom was in chaos but I couldn't hear them. And my heart...it was beating rapidly.

Tinitigan ko ng maayos ang picture niya. Halata pa rin ang pamumula ng ilong at noo nito, namamaga pa rin ang pisngi at labi. But overall, he's still handsome.

"What the heck is happening to me?" takhang bulong ko sa sarili.

Ilang beses akong umiling at itinabi na lamang ang cellphone ko.

"Muret, waeyo ka naman nakasimangot d'yan? Naba-bother tuloy si watashi." Biglang sumulpot si Dannie.

"Guilty, 'te." Sambit ni Hermmy.

Maarteng napapaypay naman si Dannie gamit ang kanyang kamay saka naupo sa tabi ni Hermmy.

"Waeyo mo kasi sinipa ang otaku na 'yun? Muntik mo na tuloy siyang mapa-fly away." Natatawang saad ni Dannie. Pati si Hermmy ay napatawa rin.

Sinimangutan ko naman sila. "Imbes na i-comfort niyo ako, mas lalo niyo akong inaasar."

"Oh, tara na, sasamahan ka na lang namin kumuha ng gamot para sa new BFF mo." Ngising pang-aasar pa ni Hermmy.

Napaisip naman ako sa sinabi niya bago pumayag. Maybe this is a good way para bumawi sa paninipa ko.

Nagpaalam muna kami sa teacher namin bago nagtungo sa clinic. Tanging si Hermmy at Dannie lamang ang nagku-kwentuhan habang naglalakad kami papuntang clinic.

Madalas kasi ay silang dalawa lamang ang nagkakaintindihan sa pinag-uusapan nila. Lalo na sa mga pinagsasabi ni Dannie. I know few gay language but not all kaya madalas nahihirapan pa rin akong intindihin si Dannie. Si Hermmy naman, kapag nagsasalita kailangan may hinahampas. Madalas ring tumatawa kapag nagku-kwento kaya ending hindi rin namin maintindihan.

Matapos naming kumuha ng cold pads, kaagad kaming bumalik sa classroom. Wala na kaming naabutan na teacher pagkabalik namin.

I roamed my eyes around the room but I didn't find Xenus.

Where could that bastard be?

Kinuha ko muna ang folder na naglalaman ng attendance sheet sa table ko saka nagtungo sa pwesto ni Ash.

"Ash, favor!" Nginitian ko siya. "Pwede ba?" Inilahad ko sa kanya 'yung folder. I wiggled my eyebrows and smiled widely.

"Ako mag-check?" tanong niya.

Tumango ako. I giggled when he agreed. Kaagad ko namang ibinigay ang folder sa kanya.

"Thank you, boi!" I gave him a small pat on his shoder.

Pagkatalikod ko, sakto namang pumasok ang aroganteng hunghang.

"Hunghang—" napatigil ako. "Mali pala...Xenus!" I called him.

Kaagad naman siyang napatingin sa pwesto ko at tinaasan ako ng kilay. Naglakad ako papalapit sa kanya.

I extend my arms as I offered him the cold pads I got sa clinic. I slightly bowed my head.

"Pangsuhol—este pang peace offering ko." Sinilip ko ang mukha niya. "Sorry sa pagsipa ko sa'yo." I cutely apologized.

Tinanggap naman niya 'yon na ikinatuwa ko. "Thank you dito."

"You're welcome—"

"But apology not accepted." pagpuputol niya sa sinabi ko.

Halos manghina ang tuhod ko nang dahil sa narinig ko.

"What?!" I exclaimed.

Ngumisi siya. "I will accept your apology...sa isang kondisyon."

What the heck?

Gusto kong humindi pero hindi ko magawa dahil paniguradong kakainin ako ng konsensya ko kapag hindi pa ako nakipag-ayos sa hunghang na 'to.

"F-Fine!" Napipilitang sambit ko. "Ano ba 'yang pesteng kondisyon mo?"

Tumaas ang kilay niya. "Ayaw mo 'ata, eh. Mukhang napipilitan ka lang kaya 'wag na." Pag-iinarte pa niya.

Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko at seryoso siyang hinarap. "Look, I'm being genuine and patient here as much as possible. Gaya ng sabi ko noon, wala akong mahabang pasensya kaya sabihin mo na 'yang pesteng kondisyon mo bago ko pa dagdagan 'yang ginawa ko sayo. Wala na akong pakialam kahit kainin ako ng konsensya ko." Masungit na ani ko.

Malakas naman siyang tumawa bago siya sumagot. "I'll accept your apology if..." he paused.

"If ano?" napipikon kong tanong.

"...if you agree to become my bestfriend." he smirked and wiggled his eyebrows.

Say what?!

***

Dannie's Dictionary

Muret - Babae
Waeyo - Bakit
Watashi - Ako
Otaku - Lalaki
Fly away - Lumipad

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top