CHAPTER 5

CHAPTER 5

Lumabas na ang resulta ng eleksyon na naganap sa loob ng classroom.

I'm not the president, which is a good thing. Si Angie ang naging president at si Hermmy naman ang naging Vice President. But the bad thing is...I'm the fucking Secretary!

Tangina naman! Mas marami pang trabaho ang secretary!

Nagngingitngit ang ngipin ko habang nagchecheck ng attendance sheet na kabibigay lang ni Ma'am kanina matapos ang election.

Saglit akong napalingon nang may maramdaman akong tumabi sakin.

"Kamusta, Miss Secretary?" Ngising tanong ni Cole.

"Eh, kung sapatusin kita?" Masungit kong saad dahilan para tumawa ito ng malakas.

Medyo hassle din itong ginagawa ko ngayon kasi kailangan ko lang isa-isahing tanungin ang iba kong mga kaklase dahil halos lahat sila ay hindi ko pa kabisado ang pangalan o kaya'y napag-papalit ko. Mabuti na nga lang at wala ang teacher namin para sa next subject namin.

Kumunot ang noo ko. "Xenus Clester Villaluz." Pagbanggit ko ng pangalan na nabasa ko sa attendance sheet.

Sino na naman itong hunghang na 'to?

Nilingon ko si Cole na kasalukuyang naglalaro sa cellphone niya.

"Cole, kilala mo itong Xenus?" Tanong ko.

"Nope," he replied shortly.

Bumuntong hininga na lamang ako at tumayo dala-dala ang attendance.

Mukhang kailangan kong maging Dora the explorer ngayon, ah.

Tumayo ako sa harap ng teacher's table at pansamantalang sumandal doon saglit habang dino-double check ang attendance.

"Xenus, Xenus, Xenus...sino kaya 'tong hinayupak na 'to?" Tanong ko sa sarili ko.

"Hanap mo ba ako, Miss Sec.?"

Napasigaw ako at halos mapatalon nang may sumulpot na gago sa harapan ko.

"Ay manyakis kang puta ka!" Bulalas ko.

"Aray ha, ang sakit naman no'n, Miss Sec." Nagpanggap pa itong nasasaktan. "Grabe ka sakin." He placed his palm to his chest and acted like he's hurt.

Napairap naman ako. "Letcheng lalaki 'to. Napaka-OA." Mahinang komento ko.

"Joke lang, Sec." Ngising saad niya. "Ako 'yung Xenus. Mukhang hinahanap mo ako, eh. Naririnig ko kasing binabanggit mo ang pangalan ko."

I secretly scanned his physical features. His black hair has a neat low taper fringe cut. He has a pair of shiny black eyes, thin lips, perfect sculptured jawline, and cute fluffy cheeks. In fairness dahil maputi rin ang balat niya at matangkad pa. Hindi rin gaanong malaki o payat ang katawan niya. He has those awesome biceps pero hindi naman sobrang mamasel. Sakto lang.

Tumaas ang kilay ko. "Oh, pake ko?"

"Wow, sungit ah." Komento pa niya.

Hindi ko na lamang siya pinansin. Nilagyan ko ng check mark abg pangalan niya. Naramdaman kong pumwesto siya sa tabi ko at nakikisilip sa attendance.

Mimosa din, eh.

"Ah, 'yang si Jero at Eric...cutting 'yang dalawang 'yan. Nakita ko sila kanina palabas ng school nung galing akong canteen." Tinignan ko siya na tila hindi naniniwala sa sinasabi niya.

Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sabay sabing, "Promises, Miss Sec. Close my heart, lock it, and tapon susi. Liars go to hell."

Nagkibit balikat na lamang ako saka sinulatan ng letter C, which stands for Cutting, ang pangalan nila Jero at Eric.

"'Yang si Adobe, present 'yan. 'Yun siya oh, 'yung katabi ni Rica." Saad pa ng katabi ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Halatang hindi mo kilala ang lahat 'no?" Sarkastikong ani ko.

Natawa naman siya. "Small things."

Inirapan ko siya. I scanned the name he mentioned, which is Adobe, but I can't find it.

Is this motherfucker playing with me?

"Pinagloloko mo ba ako?" Pinukol ko siya ng isang masamang tingin. "Wala namang Adobe dito." I hissed.

"Ha? Ba't wala?" Takhang tanong niya.

"Aba, malay ko sa'yo. Tangina nito." Pagmumura ko.

I waited for him as he scanned the attendance sheet.

"Ayon 'yung name niya, oh." May tinuro siya sa papel.

I looked at it and read his name aloud. "Adoxiel Benz Lorex."

Nakasimangot ko siyang tinignan. "Tangina mo, nasaan d'yan ang Adobe, ha?" Napipikon kong tanong.

"Ay, wala pala." Tumawa siya. "Nickname niya pala 'yun. Sorry, Miss Sec."

Sa sobrang pikon ko hinampas ko siya ng folder kung saan nakaipit ang mga attendance sheets na hawak ko.

"Punyeta ka talaga! Lumayas ka sa harapan ko baka tadyakan kita d'yan." Iritadong saad ko.

"Ows? Kaya mo?" Mapanghamon niyang tanong saka pumwesto sa harapan ko.

Mariin kong hinawakan ang folder at nagngitngit ang mga ngipin ko sa inis.

"Punyeta ka." Halos manginig na ako sa inis.

Pinipigilan ko lang na manakit dahil unang-una, hindi ko ka-close hunghang na 'to. Pangalawa, ayoko gumawa ng eksena. At pangatlo, ayokong ma-guidance dahil sa physical bullying.

Tawa lamang ng tawa ang hunghang na Xenus sa harapan ko. Ramdam ko din na unti-unting napipigtas ang hibla ng pasensya na meron ako.

Hindi ko namalayang nakuha niya sakin ang folder na naglalaman ng attendance sheets dahil okupado ang utak ko kaka-torture sa kanya sa isipan ko.

"Oh, okay na pala, Sec. Kumpleto na ang attendance." Pag-iimporma niya. "And it was all thanks to me dahil tinulungan kita." Mayabang na saad niya.

"Aroganteng hunghang." Inis na sambit ko.

"Kumalma ka, Sec. Sige ka, tataas ang highblood pressure mo." Pang-aasar pa niyo.

Mahigpit akong humawak sa skirt ko para pigilan ang sarili na saktan ang lalaking nasa harapan ko.

"Lumayas ka sa harapan ko." Mabagal ngunit madiin kong bigkas.

"Okay, Sec."

Medyo kumalma naman ako dahil pumayag agad ito. Tumalikod siya't akmang maglalakad na paalis nang muli itong lumingon saka ngumisi.

"Nga pala, Sec...tinulungan kita, 'di ba? Kaya from now on, BFF na tayo, ah? Swerte mo dahil may gwapo kang bestfriend." Ngising saad niya.

Desisyon ka?!

Sinubukan kong pigilan ang inis ko pero huli na. Sumabog ang inis ko at mabilis na kumalat sa sistema ko.

"Punyeta ka talagang aroganteng hunghang ka!" Sigaw ko.

Huli ko nang napagtanto ang ginawa ko. Binigyan konsiya ng isang malakas na tadyak sa pwetan dahilan kaya bumagsak ito. Subsob ang mukha.

Nakagawa ito ng malaking eksena dahil halos lahat ng kaklase naming may sariling mundo kanina ay napatingin sa amin. Shocked and surprised are written to their faces.

Nanlaki ang mata ko at malakas na napasinghap. I covered my mouth with both of my palms.

"Hala," usal ko.

Hindi ko sinasadya!

"Aray ko, ang nguso ko." Daing nung hunghang.

"Lagot ka, Yhett!" Pang-gu-guiltrip ng mga kaibigan ko.

Nanlalaki pa rin ang mga matang pinanood ko si Xenus na tumayo at umupo sa upuan niya. Linapitan naman siya ni Adobe, 'yung lalaking itinuro niya kanina sakin, saka siya malakas na tinawanan.

Namumula ang ilong at noo niya, namamaga rin ang pisngi niya, at nagdudugo ang nguso. Hawak din niya ang likod niya na parang may iniinda

Bigla naman akong na-guilty. Mukhang malakas talag

Hala ka, Yhett! Nakasakit ka na naman.

Mariin akong napapikit at hinilot ang noo ko. Alam kong masakit ang ginawa ko dahil halos ibigay ko na ang pwersa ko kanina no'ng sinipa ko siya tapos may heels pa 'yung sapatos ko.

Hindi ko lang naman kasalanan 'yun, ah! Pinipikon niya ako, eh! Pero...kasalanan ko din kasi hindi ko kinontrol galit ko.

"Bwisit talaga!" Usal ko.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko siya o hindi. Ginulo ko ang buhok ko saka bumuga ng hininga.

"Hayst, bahala na!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top