CHAPTER 4
CHAPTER 4
One week had passed, and I'm glad that everything went smooth. Medyo ka-close ko na ang iba kong mga kaibigan dahil halos lahat ng mga naging activities namin ay puro groupings.
I met a lot of new friends. And to be honest, we get along too well. But I still miss my friends.
"Yhett! Samahan mo si watashi gumora sa canteen! Nakaramdam na ng gutom ang inyong mother rainbow saka manghu-hunting ako ng otoku." Humahagikhik na ani Dannie.
"OMG, sama ako! Magsa-sight seeing ako kay Dabid!" Masayang saad ni Hermmy.
"Ito talang dalawang 'to palagi na lang lalaki ang inaatupag." Nakaismid na turan naman ni Angie.
"Kesa naman puro chismis." Ngising singit naman ni Hensly.
"Luh, okay nang chismis ang inaatupag kesa naman maging patay gutom." Ngiwing depensa ni Thean.
"Shuta ka, nananahimik ako dito. Oh, ano naman ngayon kung puro ako pagkain? At least hindi nabubuang sa babaeng hindi naman siya pinapansin." Ganti naman ni Rica.
"Tangina mo, Rica! Pakyu! Yabang mo porket may Heaven ka. Hintayin niyo lang kita niyo, magiging marupok sakin 'yon." Ngising pagmamayabang ni Ash. "Hindi niyo gayahin si Yhet na tamang chill lang, oh. Walang crush o lovelife."
"At dinamay pa nga ako." Naiiling na saad ko. "Nag-aya lang 'yung dalawa na pumuntang canteen tas naglaglagan na kayo d'yan."
Malakas naman silang napatawa dahil sa sinabi ko.
Dannie rolled his eyes. "Dami niyong ebas! Tara na nga at gogorabels pa ako mag-sight seeing ng mga otoku!" Nauna siyang lumabas na sinundan naman ni Hermmy.
Sumunod naman ang iba sa kanila. Napailing na lamang ako bago sumunod. Ako ang nasa pinakalikod para kapag gumawa sila ng kahihiyan, madali akong makakaiwas at magpapanggap na hindi sila kilala. Kidding.
"Hoy, aba ang iingay niyo! Nakakahiya kayo! Baka may maistorbo kayong klase." Pagsusuway ko sa kanila dahil sobrang lakas ng tawa nila. Halos sakupin na ng mga boses nila ang corridor.
"Hayaan mo, Yhett. Kasama niyo naman ang inyong mother rainbow! Ang SSLG Vice President ng campus." Tila proud pa na saad ni Dannie.
Napailing na lamang ako.
Hays, kelan ba ako magkakaroon ng normal na mga kaibigan? Halos lahat mga abnormal.
"Harietth Casia Sentilliano!"
Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang buong pangalan ko.
I was about to search for that asshole who shouted my full name but it was too late. Nagulat na lamang ako nang dinamba ako ng isang tao dahilan kaya bumagsak kami sa sahig.
"What the heck!" Bulalas ko. "Charlotte! Tangina naman! Ang bigat mo!" Reklamo ko.
Humagikgik lamang siya. Tinulungan siyang tumayo ni Lexus, ang boyfriend niya na sinagot lang niya noong nakaraan.
Tinulungan naman akong tumayo nila Ark. Pinupukol ko ng masamang tingin si Charlotte habang tinutulungan akong ayusin ni Beatrix at Leinard. Si Beatrix ang nag-aayos sa uniform ko habang si Leinard naman ang nagpupunas sa braso ko.
"Hala ka, Charlotte. Ginalit mo ang nanay natin." Natatawang saad ni Leinard.
"Fuck you, Charlotte!" Madiing sambit ko. I showed her my middle finger ngunit may nagbaba no'n kaagad.
Tinaasan ko ng kilay ang nagbaba ng daliri ko. It was Cole.
"Minsan mo na nga lang makita mga kaibigan mo, minumura mo pa." Natatawang saad niya.
"Isa ka pa! Mga pukinangina niyo talaga!" Iritadong saad ko.
"Teka, parang kulang kayo, ah. Nasaan 'yung gagong Arvy?" Napakunot ang noo ko.
"Ayun, busy makipaglandian." Ngising saad ni Charlotte.
"Classmate pala niya 'yung friend niya." Dagdag naman ni Beatrix.
"Pake ko," tanging sabi ko na lang. "Magsilayas na nga kayo! Naiirita ako sa inyo mga punyeta!"
Napanguso naman si Charlotte. "Nanay talaga. Minsan na nga lang tayo mag family reunion, galit pa."
Humalukipkip ako. "Aba, hindi 'to family reunion. Kulang tayo ng isa. Hagilapin niyo muna 'yung isang malandi bago mag-reunion."
Dumako ang tingin ko kay Lexus at nahuli ko itong nakatingin ka Charlotte habang nakangiti.
"Lexus..." pagtawag ko sa pangalan niya. Kaagad naman siyang tumingin sakin. I gave him a cold stare and walked closer to him. I looked at him from head to toe.
Napatiim bagang ako. I balled my fist and stared at him for a while. Itinaas ko ang kamay ko. I heard my friends gasped. I can see on my peripheral view Charlotte's eyes widened.
Ngumisi ako. Inamba ko ang palad ko at mahinang pinatama ito sa balikat ni Lexus.
I gave him a small pat and said, "Welcome to our group where all the members are crazy. It's nice to meet you. Tawagin mo na lang akong Yhett. Lapitan mo lang ako kapag may kailangan ka. Don't be shy. And also, I have a filthy mouth kaya madalas akong magmura. Ikaw na ang mag-adjust at intindihin mo na lang ako." I offered him a gentle smile and soften my expression.
Mukhang nagulat naman ito sa inakto ko. Tipid lamang siyang ngumiti at tumango. "T-Thank you." I secretly smiled.
I'm happy that Charlotte found someone who will love her.
"You're one of us now, but if you hurt my friend in anyway... " I gave him a cold stare and smile. "Hell will break its loose."
"Ito talagang si Yhett, mahilig manakot. Tara na nga, baka tuluyan na talagang matakot si Lexus sayo." Natatawang singit ni Cole bago ako hinila papalayo.
"Peste naman, Cole! Hindi pa ako nakakabili ng meryenda, eh!" Reklamo ko.
Tumaas ang kilay nang iabot niya sa akin ang isang medium size na C2 at isang sandwich.
"Oh, sayo na 'to. Baka magwala ka na naman sa sobrang gutom. Amazona ka pa naman." Pang-aasar niya. Sa sobrang inis ko, binato ko sa kanya ang wallet ko. Medyo mabigat pa naman 'yon dahil puro barya ang laman.
"Aray!" Daing niya.
"Deserb," saad ko bago naunang naglakad.
Naupo ako sa upuan ko at tahimik na kumain. Hindi nagtagal ay dumating din sila Dannie na nakasimangot.
"Yhett! Why naman iniwan mo si watashi? Na-Hagardo Versoza tuloy ang Mother Rainbow niyo kaka-hunting sa'yong muret ka!" Nakangusong saad niya.
"Sorry, Dannie. Nakasalubong ko kasi sila Charlotte kaya hindi na ako nakahabol sa inyo." Paghihingi ko ng paumanhin.
Naupo naman sila sa proper seat nila. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang adviser namin, si Ma'am Jonna.
"Good morning, class. Today, magno-nominate kayo ng new classroom officers. Kayo ang bahala kung sino ang pipiliin niyong mapagkakatiwalaan niyo at sa tingin niyong kaya nilang gampanan ang role ng isang officer."
Napaismid ako saka sumandal sa upuan ko. "Kahit sino namang maging officer natin, okay lang sakin. As long as hindi ako." Saad ko.
"The position for President is now open." Ngiting anunsyo ni Ma'am.
"Yhett, ikaw ng ino-nominate kong President, ah." Malawak na ngiting saad ni Hermmy.
Nanlalaking mga mata ko siyang tinignan. "'Te, buang ka ba? Kakasabi ko lang na ayoko, eh! Subukan mo lang talaga, Hermmy. Sinasabi ko sa'yo."
Ngumisi si Hermmy. "Talagang susubukan ko." Itinaas nito ang kamay nito, huli na bago ko pa siya mapigilan dahil nagsalita na ito. "I nominate Harietth Casia Sentilliano, Ma'am."
Napahampas na lamang ako sa noo nang dahil sa narinig ko. Sa kabilang banda naman, ninominate din ni Dannie si Angie as a President.
Bilang pagbawi, ni-nominate ko din si Hermmy.
"I nominate Hermmy Margo Rosales, Ma'am." Ngising saad ko.
Gantihan lang.
***
Dannie's Dictionary
Watashi - Ako / Me
Gumora - Pumunta
Mother rainbow - Ako / Me
Otoku - Lalaki
Gogorabels - Pupunta
Sight seeing - Hahanap
Hagardo Versoza - Haggard
Muret - Babae
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top