CHAPTER 3
CHAPTER 3
Finally, school days are back. To some people, ayaw nila ang pasukan but for me, I love school days! I get to see and have chikas with my friends. And also, may baon na ako ulit!
Right now, I'm feeling a lot of emotions. Mixed emotions. I'm excited and nervous at the same time. Ganito naman siguro ang feeling tuwing pasukan.
Napakagat ako ng aking ibabang labi bago pumasok sa gate ng school. Palinga-linga pa ako habang naglalakad papunta sa building namin, hoping na may makita akong kakilala ko para may kasama akong maglakad. I looked lonely right now, to be honest.
Lahat ng mga estudyanteng naglalakad ay may mga kasama, while me, naglalakad ako mag-isa. I didn't bother to chat my friends that I'm already here at school dahil paniguradong male-late na naman ang mga 'yon. Knowing them.
"Shocks," bulong ko nang hinihingal akong makarating ako sa third floor. "Dati second floor lang kami tapos ngayon third na. Aba, nag-improve." Ngiwing dagdag ko pa.
Dinukot ko sa bulsa ng aking skirt ang dala kong panyo saka pinunasan ang mga pawis na namumuo sa noo ko.
"Harietth!"
Napalingon ako sa kanan ko kung saan nagmula ang pamilyar na boses. Malaki akong napangiti nang makita ko si Cole, ang dati kong kaklase noong Grade 11 na naging kaklase ko ulit.
"Cole!" Patakbo akong lumapit sa kanya saka umangkla sa braso niya.
"Kamusta? Swerte ko ah, classmate tayo ulit!" Itinaas niya ang kamay niya kaya nakipag-apir ako sa kanya.
"Oo nga, eh! Buti na lang kasama kita. Malas nahiwalay ako kila Charlotte." Nakangusong saad ko.
Cole and I are friends pero mas close nga lang kami ng mga barkada ko. We often interact naman sa loob ng classroom noon pero hanggang doon lang 'yon dahil madalas ko rin kasing kasama sila Beatrix.
"Ano pala ang room number natin?" Tanong ko habang hinahanap namin ang bago naming classroom.
"Room 302. Ikaw talaga napaka-ulyanin mo." Asar niya kaya napatawa ako.
"Hindi naman ako magiging si Harietth kung hindi ako ulyanin." Ngising saad ko saka siya kinindatan. Napailing na lamang siya.
Hindi nagtagal ay nahanap na namin ang new room namin. Medyo marami na rin ang estudyante kaya medyo nahihiya akong pumasok. Mabuti na lang kasama ko si Cole kaya sabay kaming pumasok. Pumwesto kami sa bandang likod, pinatabi ko rin siya sakin because I'm still not yet comfortable with my other classmates.
'Yung iba sa mga kaklase ko ngayon ay kakilala ko pero halos lahat ay hindi na. Lalo na sa boys. I only knew two boys which is Cole and Zane, who became my classmate when we we're in grade 10. Sa girls naman ay sila Rica at Yzza lang na naging kaklase ko din noong grade 10.
Tahimik lamang si Cole sa tabi ko, he's just playing with his phone kaya nahiya naman akong kausapin siya. I fished out my phone inside my pocket and composed a message for my friends.
Me:
Mga ateng I kennat.
Kahiya dito sa classroom.
Wala akong kakilala 😭
Sunduin niyo na ako fleece lang 😭
I waited for their chats pero wala pa rin. So I just distracted myself by scrollimg through my facebook feed.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang bago naming teacher kaya agad kaming tumayo para bumati.
"Good morning, class!" Masiglang bati nito sa amin. Bumati rin kami pabalik bago niya kami pinaupo. "It's my first time na maging adviser so please bear with me, okay? By the way, my name is Jonna Wayne Altez."
Gaya nga karaniwang ginagawa tuwing first day of school, syempre, introduce yourself. As usual. Pero bago namin 'yon ginawa, inayos muna ni Ma'am ang seating arragement namin.
Alphabetically arranged. It's a good thing na hindi pinagsama ni Ma'am ang boys ang girls. But it's a bad thing dahil nagkahiwalay kami ni Cole. Hindi ko pa naman ka-close 'yung katabi ko. Nasa left side ang lahat ng boys at kaming girls naman ay nasa right side.
Nagulantang ang kalamnan ko nang marinig ko ang sinabi ni Ma'am na girls ang mauunang magpapakilala.
Teka naman, Ma'am! Hindi ako prepared!
Base sa attendance sheet na ipinasa ni Ma'am sa group chat namin noong nakaraan, 42 students kaming HUMSS 4.
20 and girls and 22 naman ang boys. Mabuti na nga lang at hindi letter 'A' nagsisimula ang surname ko. And as far as I can remember, Ika-labing lima ako sa listahan ng girls kaya may kaunting time pa ako para maghanda.
Nang magsimula nang magpakilala ang katabi ko, parang biglang nablanko ang utak ko dahil sa kaba. Lahat ng prinactice ko ay biglang naglaho.
"Good morning, everyone. My name is Hermmy Margo Rosales, 17 years old. My motto is "Treasure the past, embrace the present, and prepare for the future." Pagpapakilala nito.
Nagpalakpakan naman ang iba naming kaklase. Namangha din ako sa motto niya. Samantalang 'yung akin nakalimutan ko na.
Napalunok ako bago tumayo. Pinagpapawisan ako ng malamig at ramdam ko din ang pagpapawis ng palad ko.
Shit! Hindi ko alam ang sasabihin ko!
Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi nang maramdaman ko ang titig ng lahat.
Shuta, bahala na!
Humugot ako ng isang malalim na paghinga. I flashed them a huge grin and soften my expression.
"Hi! My name is Harietth Casia Sentilliano, but you can call me Yhett or Yhetty. I'm 17 years old and a Aries. Uh...ano pa ba?" Napaisip ako. "Ah, yeah, I almost forgot! By the way, hindi mahaba ang pasensya ko, I'm only kind to those people who will show kindness to me, I respect who those respect me and those who deserve my respect, I have filthy mouth, and lastly, si anger ang operator ng emotions ko madalas kaya 'wag niyo akong sinasagad kung ayaw niyong masampulan." Nakangiting saad ko.
"Uhm, may nakalimutan pa ba ako? Ay, oo pala, ang motto ko. So, yeah, my motto is "Me no study, me no care. Me go marry a billionaire." Natawa naman ang lahat dahil sa sinabi ko.
"Eme lang guyses, hindi talaga 'yon ang motto ko. I'm not mean, I'm just brutally honest. Always remember that." I said with a smirk bago umupo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top