CHAPTER 25.2
CHAPTER 25.2
Xenus Clester Villauz
Nang magising kami kinabukasan, halos lahat kami ay hangover at pare-parehong kumikirot ang ulo namin.
"Shit, ang sakit!" Reklamo ni Ash.
"Tangina, ang sakit ng balakang ko. Para akong nalaglag." Saad naman ni Cole.
"Buti nga sa'yo balakang lang, sakin buong katawan." Adobe groaned.
"Lahat kayo lasing mga gago. Puro katarantaduhan ginawa niyo kagabi. Swerte niyo hindi ko na-video-han." Ngising saad ko.
"Ba't ba tayo nandito sa labas natulog?" Sapo-sapo ang ulo na tanong ni Arvy.
"Sakit, sakit, sakit ng ulo ko!" Daing pa ni Ark.
"Damn, hindi na talaga ako iinom ulit." Parang namomoblema at tulalang usal ni Lexus.
"Sisihin niyo si Leinard kung bakit natulog tayong lahat ngayob sa labas. Gago 'yan, iniwan daw yung susi ng bahay nila sa loob." Once again, I felt the same frustration I felt last night.
"Gago, Siri ng Siri kagabi, eh hindi naman hightec 'yang pinto niyo, ulol!" Dagdag ko pa. "Sabi ba naman, 'Siri, open the door!'" Ginaya ko 'yung boses niya kagabi.
Our friends bursted out laughing, while Leinard looks clueless. Mukhang pilit niyang inaalala 'yung kagaguhan niya kagabi.
"Ha? Ginawa ko 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Saka, anong naiwan sa loob? Eh, yung susi ng motor ko ang iniwan ko. Nasa bulsa ko 'yung susi ng bahay kagabi."
Malakas akong napamura nang dahil sa sinabi niya. Kahit kumikirot at may hangover pa kami, kaagad namin siyang sinugod at pabirong pinagsusuntok. Tawa lang din kami ng tawa dahil sa katangahan namin.
***
It was already 5 pm when I decided to stroll around. I was planning to invite Yhetty pero alam ko nang hindi 'yun papayag lalo na't mag-gagabi na rin.
Simpleng hoodie at khaki cargo shorts na lang ang isinuot ko. Mabuti na nga lang at hindi na rin gaanong kumikirot ang ulo ko.
Pumunta ako sa food court at um-order ng takoyaki at mga tusok-tusok. Wala kasi sila mama ngayon sa bahay, paniguradong nasa opisina pa sila ni Papa. Si Xellia naman, kapatid ko, ay nasa Lola namin. Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa probinsya, sa Ilocos Sur.
Nang makuha ko na lahat ng order ko, inilibot ko ang mga mata ko para humanap ng mauupuan. Maraming tao ngayon kaya halos lahat ng lamesa ay okupado.
When i spotted a vacant table, I immediately went to it. Ibinaba ko ang mga bitbit ko at naupo saka sinimulan ang pagkain.
I was eating silently when someone interrupted me.
"Uh, t-this is a bit embarrassing b-but...c-can I share a table with y-you? Puno na kasi ang lahat ng table." A female voice spoke.
I raised my head and was greeted by a gorgeous face.
I stared at her for a moment. Her almond eyes are captivating and it was like, she's hypnotizing me.
"Excuse me." She snapped in front of me kaya kaagad akong bumalik sa reyalidad. I faked a cough and instantly looked away when I felt her gaze turning sharp.
"Y-Yeah, feel free." I stuttered. "S-Sorry..." I whispered, sincerly.
"Thank you!" She immediately sat down and started eating.
I suddenly felt awkward. Parang hindi ko na kayang lunukin 'yung kinakain ko. Sanay naman na akong may kasabay kumain pero siya...parang kakaiba ang dating. I felt uneasy and awkward all of a sudden.
I fished out my phone inside my pocket and scrolled through my social media.
"Oh, you're from SJI? Ako rin eh, share ko lang. " Halos mapagitla ako nang biglang magsalita ang babaeng kaharap ko.
"Hmm..." I hummed while nodding. I honestly couldn't utter any words. And my heart is thumping like crazy.
Pero nakakapagtaka. Paano niya nalaman na taga SJI ako? I'm not even wearing our school uniform.
"Paano mo nalaman?" Hindi ko na napigilang magtanong.
She pouted her lips. "'Yung I.D. kasi sa likod ng cellphone mo."
Tinignan ko naman 'yung tinutukoy niya. And I saw Yhetty's I.D.
Damn, I forgot to return it.
Hineram ko kasi 'yung I.D. niya noong nagpunta kami sa canteen. Hightec ang school namin, biro mo naging instant credit card ang mga I.D. namin. Kailangan lang naming magpa-cash in bago makabili sa canteen.
"Is that your girlfriend?" Pang-iintriga niya.
Yhetty? My girlfriend?
Natawa ako. "No, she's just my bestfriend."
"Oh?" Mukhang hindi siya naniniwala.
"Yeah..."
"She's pretty, huh. Natatakpan nga lang dahil sa salamin niya." She commented.
I stared at Yhetty's picture and silently agreed. Maganda naman si Yhetty kaso hindi nga lang palaayos.
Nagkibit-balikat naman ako "Kahit ilang beses mo pa 'yun na purihin, she won't agree. She'll just say na pogi siya. 'Yun ang gusto niyang compliment. " I chuckled.
"Pogi? Poganda pwede pa." She giggled.
Saglit pa kaming nagkwentuhan hanggang sa may tumawag sa kanya.
"Excuse, I'll just answer this." She smiled and I just nodded.
"Hello, mom." Unang bungad niya. "Yeah, yeah, I'm comimg home na po. No need to call kuya...okie, bye! Love yah!" And she ended the call.
"It was nice talking with you but I gotta go now. You know...curfew. " Pabiro siyang kumindat habang dinadampot ang gamit niya.
"Likewise." I simply reply.
Akmang aalis na siya nang bigla siyang huminto at nagtanong. "By the way, what's your name? I'm Samantha Bria Agoncillo." She extended her hand that I gladly accepted.
"Xenus...Xenus Clester Villaluz." Pagpapakilala ko.
"Nice meeting you. I gotta get going now. Bye, Xenus! Hope to see you again soon!" She uttering while running away and waving her hand.
***
When monday came, I was excited to go to school. I missed teasing Yhetty since I didn't had the opportunity to tease her last weekends.
"Yo!" Bati ni Adobe sa akin nang makita niya ako sa corridor.
"P're!" I raised my hand to give h a high five.
"Kamusta buhay buhay, bossing?" Ngising aniya.
"Ayos lang, bossing!" Tumatawang sagot ko naman.
"Saan pala si Yhetty?" Tanong ko nang hindi ko mahagilap ang maski anino niya.
Nagkibit-balikat naman siya sabay sabing, "Ewan, baka late."
I glanced at my wrist watch. Five minutes na lang ay magsisimula na ang klase.
"Secretary tapos late. Kakaiba talaga." Naiiling na sambit ko at dumiretso sa upuan katabi ng kay Yhetty.
"Hoy, anong late? Sinong late? Ako? Huh! Asa, ulul!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Yhetty sa tabi ko.
"Tangina naman nito, bigla-biglang sumusulpot!" Reklamo ko sabay umirap.
Bago pa siya tuluyang makaupo, muli niya akong nilingon at pinukol ng masamang tingin kaya napalunok ako.
"Iniirapan mo ba akong gago ka?" Masungit na tanong niya.
"Hindi, ah." Tumatawang saad ko. Nakatanggap ako ng sapok mula sa kanya pero tinawanan ko na lamang siya.
"Pakyu! Bago mo ako sungitan, aralin mo muna yung irap ng masungit, hindi irap ng parang bakla." Aniya na mas lalo kong ikinatawa.
Alas sinco na ng hapon nang matapos ang klase namin. Kasabay kong naglalakad palabas si Yhetty.
"Yhetty, didiretso ka ba ngayon aa shop niyo?" Tanong ko.
"Oo," tipid niyang sagot.
"Hatid na kita." I offered.
Kunot noo niya akong nilingon. "Gaga, walang helmet baka mahuli ka." Ngusong aniya.
Ngumisi ako sabay sabing, "Prepared ako, boi. May extra helmet akong dala."
"E'di ikaw na ang prepared." Ngiwing saad ni Yhetty na ikinatawa ko.
Tamang tawanan at asaran lamang ang ginagawa namin ni Yhetty kahit nasa byahe kami. Hindi ko ikakaila na kahit sa ganitong simpleng interaction lang ay napupuno na ng tuwa ang puso ko. At dahil ito kay Harietth. I'm lucky motherfucker to have her as a friend.
Matapos kong ihatid si Yhetty sa shop nila, dumiretso ulit ako sa food court dahil nakaramdam ako ng gutom but honestly, I'm hoping na makita ko ulit si Samantha.
Tahimik lamang akong kumakain habang nag-i-scroll sa facebook nang biglang may tumapik sa likuran ko. Nabulunan ako sa gulat at halos murahin ang tumapik sa akin. Mabuti na lamang at kaagad kong napigilan ang sarili ko dahil bigla akong natulala sa kagandahan ng babaeng kaharap ko.
"Hi! It's good to see you again, Xenus. Do you still remember me?"
"Oo naman! Samantha, right?" I offered a smile.
Naupo siya sa harapan ko at nag-umpisa kaming magkwentuhan.
Hindi lamang 'yun ang araw na nagkita kami. Halos palagi kaming nagkakasalubong sa loob ng school kapag hindi ko kasama sila Yhetty.
Too bad, I want to introduce my best friend to the girl that caught my heart.
Naging mabilis ang paglipas ng araw. Ni hindi ko namalayang November na pala.
"P're, tara horror house!" Pag-aaya ni Ash sa amin. Kami nila Ash at Cole lang ang magkakasama ngayon sa canteen dahil tinamad bumaba ang mga babae para bumili kaya kami na lang ang inutusan.
"Sige, sige!" I agreed.
"Isasama pa ba natin 'yung iba?" Tanong ni Cole.
"Oo naman! Tignan natin kung sino pinakamatatakutin!" Tumatawang saad ni Ash.
Nang makabalik kami sa room, kaagad naming tinanong ang iba. Mabilis naman silang pumayag maliban sa isa.
"Ayoko." Mariing saad ni Yhetty.
"Dali na, Yhetty!" Pagpipilit sa kanya ni Thean.
"Sumama ka na, Yhetty!" Pati si Hermmy.
Yhetty looked at them with a bored expression. "Ayoko." pagtanggi niya saka inayos ang kanyang salamin.
"Pangit mo namang ka-bonding, bff!" Pang-aasar ko.
"Ikaw pangit, ulul!" Napangiwi ako dahil sa ganti niya.
"Dali na kasi, sumama ka na! Minsan lang naman, oh! Promise, ako bahala sa'yo!" Pagpupumilit ko.
"Tangina niyo para kayong jowang nagsusuyuan!" Komento ni Dannie.
Pareho kaming ngumiwi ni Yhetty sabay sabing, "Yuck! Issue niyo!" Malakas naman silang napatawa.
Inakbayan ko si Yhetty at muling pinilit. "Dali na kasi!" I poked her cheeks a couple of times.
Ilang beses ko pa siyang inistorbo at pinilit hanggang sa mapapayag ko siya.
"Oo na, lintik ka talaga, Xenus!" Naiiritang saad niya.
Pare-pareho kaming nagdiwang dahil sa pagpayag ni Yhetty.
Buong akala ko ay pare-pareho kaming magiging masaya after the horror house but it was the opposite. Yhetty got mad at me for leaving her. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil naiwan ko siya sa loob. I told her na ako ang bahala sa kanya pero sa huli, iniwan ko pa rin siya.
Hindi ko namalayan na nabitawan ko pala ang kamay niya kanina sa pagkataranta at gulat nang may biglang sumulpot sa amin kanina.
"Oh, mukha kang problemado ngayon." Saad ni Samantha nang ibaba niya ang Sting at Siopao sa harapan ko.
DIto kami ngayon tumambay sa 7/11 dahil alas otso na ng gabi at sarado na ang food court.
I sighed. "Galit sakin si Yhetty." Problemadong saad ko.
"Yhetty? Your best friend?" Pagkukumpirma niya.
"Yeah." I answered shortly.
"That's impossible." Samantha uttered.
"It's possible, Samantha. Palagi ngang naiirita 'yun sakin kaya imposibleng hindi magagalit 'yon." Mahinang saad ko.
"Ano ba kasing ginawa mo?" She asked so I told her everything.
In the end, nakatanggap lang naman ako ng isang sapok mula sa kanya. Malakas akong napadaing.
"Bobo ka pala, eh! Kung ako ang nasa lugar ni Yhetty baka talagang magagalit din ako sa'yo...pero panandalian lang. Base kasi sa mga kinuwento mo sa akin tungkol kay Yhetty, mukhang hindi naman siya 'yung tipo ng tao na magtatanim talaga ng galit. Siguro nagtatampo lang 'yun sa'yo. Suyuin mo na lang." Suggestion niya saka ginulo ang buhok ko at malawak na ngumiti.
And there is it again. I can feel my heartbeat racing.
Napasimangot ako. "Ayoko! Issue na naman! Palagi na nga kaming napagkakamalan na mag-jowa."
Napairap siya. "Tanga, hindi lang naman kasi mag-jowa ang kailangang suyuin! Suyuin mo siya as a friend, duh!"
Saglit akong natahimik bago muling nagsalita. "Saka ko na siguro iisipin ang panunuyo kay Yhetty. Uunahin ko muna 'yung gusto ko."
"Ha? What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Samantha.
"Sam, I...I like you. Can I court you?"
And before that night end, Samantha gave me the permission to court her.
***
Mag-iisang linggo ko nang nililigawan si Samantha. At mag-iisang linggo ko na ring sinusubukang magpapansin kay Harietth kahit madalas ay itinuturing ako nitong invisible.
Iritado kong ginulo ang buhok ko at malakas na bumuntong hininga.
"Oh, hulaan ko, hindi pa rin kayo okay 'no?" Nilingon ko ang nagsalita. It was Samantha.
Simula nang payagan ako ni Samantha manligaw sa kanya, kinabukasan ay nagpaalam din ako sa mga magulang niya. Mabuti at pumayag sila. SImula rin nang ligawan ko si Sam, palagi ko na siyang sinusundo at hinahatid.
"Hindi pa rin." Malamyang sagot ko.
She smiled. "Don't give up. Kasalanan mo naman 'yan."
Napasimangot ako habang siya ay tumatawa.
"Ha-ha, very funny." I muttered sarcastically.
"Biro lang, Xenus. Pero malay mo...mamaya pansinin ka na niya."
"Sana nga." Sagot ko.
And Samantha was right. Nagkabati na nga kami ni Harietth.
***
"P're! Napakatagal mo naman!" Reklamo ni Ash.
"Oo nga! Ikaw na lang hinihintay!" Pagsali ni Arvy.
"Pa-VIP amputek." Nakasimangot na saad ni Ark.
"Bahala kayo d'yan." Lexus shrugged his shoulder.
"Mga reklamador! Kayo rin naman mababagal mga ugok!" Cole exclaimed.
"Mga ulul! Makapagreklamo kayo, ah! Wala kayong karapatan magreklamo, pero si Ash meron dahil siya driver natin." I smirked.
Malakas kaming napatawa dahil sa nakabusanggot na itsura ni Ash. Sumakay ako sa dala ni Ash na van bago isinara ang pinto.
"Nauna na ba 'yung mga prinsesa?" Tanong ni Ark, pertaining to the girls.
"Oo, nagpahatid sila kay Kuya Crissian." Sagot ni Lexus habang busy nagtitipa sa kanyang cellphone.
I fished my phone inside my pocket and typed a message for Samantha.
To: Samantha
Hindi kita masusundo ngayon, Sam. Nag-aya kasi mga barkada ko na pumunta sa bahay ni Yhetty. Doon na daw kami mag-ayos.
Matapos kong mag-text, nakisali ako sa usapan ng mga kaibigan ko. A few moments later, I received a message from Sam.
From: Samantha
It's okay! I'm with my friends din dahil magme-makeover daw kami.
"Hoy, Xenus! Mamaya na 'yang cellphone! Nandito na tayo, ugok!"
"Oo na, tangina nito. Atat amp." Ako na ang nagbukas ng pinto tutal ako lang din naman ang malapit sa pintuan.
"Ang tagal niyo!" Nagulat ako nang bumungad si Hermmy sa harapan ko.
"Walangya! Pasulpot-sulpot ka naman!" Gulat na saad ko.
Hermmy giggled as response.
"Tao po! Yhetty? Yuhoo! Here na ang mother queen rainbow mo! Hurry up and open this freakin' gate! Nagiging haggard na ako!" Sigaw ni Dannie.
Ilang saglit lang ay lumabas si Yhetty na nakasimangot. Simpleng t-shirt at pajama ang suot niya habang nakatali ang buhok.
"Ang aga niyo talaga mambulabog!" Reklamo niya habang pinagbubuksan kami ng gate.
"Ang laki pala ng bahay niyo, Yhetty!" Komento ni Hensley.
"Mas malaki butas ng ilong ni Xenus." Sagot niya sabay ngisi.
"Wow, nananahimik ako tapos idadamay bigla." Nakasimangot kong komento.
"Yhetty, nagluto ka?" Rica asked.
"Puro pagkain nasa isip mo." Yzza snorted.
"Hindi, shunga. Naamoy ko lang kasi!" Depensa ni Rica.
"Ay oo nga," Thean agreed then sniffed.
"Amoy brownies!" Angie exclaimed.
Kaagad kaming tumakbo papuntang kusina nang maamoy namin ang bagong lutong brownies. Mabilis kaming nag-unahan sa pagkuha ng brownies.
"Mga walang hiya." Naiiling na saad ni Yhetty.
Nang matapos kumain, nagtungo kami sa sala nila Yhetty. Napuno ng malakas na tawanan at asaran ang apat na sulok ng bahay nila Yhetty. And just like usual, pikon na naman si Yhetty.
"Ano p're? May improvements ba?" Cole asked while we are playing.
Hinila kasi nila Dannie at Hermmy si Yhetty papasok sa kwarto niya para ayusan. Sumunod naman 'yung ibang mga babae at naiwan kaming mga lalaki. Pagka-akyat nila, kaagad kaming nagpalit para diretso na lang mamaya. Madali lang naman kasi kami mag-ayos.
"Improvement? Saan?" Tanong ko habang nakatutok pa rin ang mata sa cellphone.
"Sa inyo ni Yhetty." Natatawang saad niya.
"Putangina." Napamura ako nang mamatay ang hero ko sa ML. I looked at Cole while crooking. "What the fuck, bro? Me and Yhetty are just friends. Nothing more, nothing less." I answered with finality.
Natawa si Cole. "Chill, I'm just kidding!" Aniya kaya pabiro kong sinuntok ang braso niya.
"Ulul!" Pagmumura ko.
Tumatawa namang tumayo si Cole at nagpaalam na iinom daw ng tubig.
I just ignored him. Itinutok ko na lamang ang atensyon ko sa nilalaro ko. Ilang saglit lang ay narinig ko ang boses ni Cole.
"Guys, ito na si Harrietth, oh!" Cole announced.
Kaagad akong napalingon sa pwesto niya. I was cut off guard when I saw Yhetty. She looks stunning. Wala siyang suot na salamin ngayon at combination of pink and white ang suot niya.
Damn, nagmukhang babae ang best friend ko!
"Ay pak, oh! Barbie sabi ko na!" Natatawang saad ko.
Binalingan ako ni Yhetty at pinukol ng masamang tingin pero tinawanan ko lamang siya. Lumapit kami sa pwesto niya at akmang guguluhin nang marinig namin ang pasigaw na boses ni Hermmy.
"Subukan niyo lang guluhin ang creation namin, mapapatay ko kayong lahat!" Napangiwi ako sa tinis ng boses niya.
Honestly, they all look stunning and gorgeous.
Muli akong napalingon sa pwesto ni Yhetty at napalunok. Pakiramdam ko ay biglang nanuyot ang lalamunan ko.
Maybe because I'm shocked? This is my first time seeing her this...gorgeous.
"Fuck." I cursed under my breath when a pair of eyes met mine making my heart raced...just like how it raced when I first saw Samantha. Wait...no. This one's different. Malakas, malumanay, at kakaiba. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
I felt my ears heat up. "Damn, what the heck happened to me?"
***
"Hello! Earth to Xenus" Isang boses ang nagpagising sa akin. Si Hermmy pala na nasa harapan ko. "Nagkukumpulan na 'yung iba para sa palaro pero ikaw nandito ka pa. Ano pang ginagawa mo dito?"
"Ah, oo. Mamaya na lang siguro," sagot ko at tinungo ang isang upuan at naupo habang pinapanood ang mga kaklase naming naglalakad-lakad at nag-uusap.
Nag-umpisa nang magsimula ang mga laro para sa year end party namin. Naging maingay at masaya ang lahat habang naglalaro. Minsa'y napapatawa kami ng malakas dahil sa mga epic fails ng mga naglalaro.
"Hoy, sino ang susunod na mag-host ng laro?" tanong ni Yhetty habang tumatawa.
"Ako na!" Sagot ni Hermmy, excitement is evident in her voice
Nagsimula na silang mag-set up para sa bagong laro, at ako naman ay naglakad palapit sa isang gilid kung saan hindi gaanong matao. Nang makita kong nakatayo si Yhetty sa tabi habang tinitingnan ang mga kaibigan namin na abala sa paglalaro, lumapit ako sa kanya.
"Pagod na ba ang disney princess na yarn?" Pang-aasar ko habang may malawak an ngiti.
"Gago ka ba?" Tila naiinis niyang saad pero nakaukit pa rin ang ngiti sa kanyang labi.
"Ganda mo ngayon. Kung ganyan ka sana lagi mag-ayos." Naiiling na sabi ko.
"Eh, kung sapukin kita?" Ipinakita niya sa akin ang nakakuyom niyang kamao.
"Chill, biro lang!" I laughed.
"Siraulo." Bulong niya.
"Tara, makilaro tayo." I offered my hand. "Let's G?" I asked.
I smiled when she accepted my hand. "Let's G!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top