CHAPTER 25.1

CHAPTER 25.1

Xenus Clester Villaluz

"Una na akong pumasok, bro." Paalam ko kay Zeros, barkada ko.

Tinanguan naman niya ako at sinenyasan gamit ang kamay niya. "Sige, kakausapin ko muna si Ate Rishanne. Nakalimutan ko kasing magpaalam baka umiyak na naman. Mahirap na at buntis 'yun." Aniya.

Hindi na ako nag-atubili pang sumagot. Inayos ko ang nakasukbit na bag sa balikat ko at naglakad papasok ng school.

It was crowded, as expected. Nakakalat ang mga estudyante, probably looking for their rooms. I just shrugged it off and start finding my new room.

Putek, bakit kasi nahiwalay pa ako sa mga barkada ko. Damn it.

After a couple minutes of searching, I finally found my new room-here I will be spending my whole school year without my friends.

Pumasok ako at naghanap ng magandang pagpwestuhan. I don't wanna sit in front, so I'd rather sit behind. I had no choice but to sat on a chair near the window.

Idinukdok ko ang ulo ko sa lamesa at bahagyang pumikit. I don't wanna talk with someone right now, I'm too tired. Puyat rin ako dahil magdamag kaming naglaro ni Zeros kagabi.

Naalimpungatan ako nang may narinig akong nagsalita. I raised my head and saw a young woman, probably a bit older than us, entered wearing a Teacher's uniform.

I stood up and fixed my messy hair. Nagbatian lang kami ng magandang umaga at inayos ang magiging upuan namin bago ang introduce yourself.

I was getting bored while roaming my eyes around the room when someone caught my attention.

I stared at her. I can clearly see her mouth muttering to something, maybe she's practicing on how to introduce herself.

Sumandal ako sa upuan ko at pinanood ko siya kung paano mag-practice ng mag-practice.

Minsan pa ay sinasabunutan niya ang sarili niya o kaya'y pinapagalitan ang sarili niya dahilan kaya hindi ko maiwasang mapatawa ng mahina.

Habang pinapanood ko siya, sinubukan kong kabisaduhin ang mukha niya. Mahaba at diresto ang kulay itim niyang buhok, medyo maputi sa akin, malaman ang katawan, at mukhang masungit. Her deep black eyes are screaming with fierceness and boldness. She has a small pointed nose, fluffy checks, and heart shaped lips. Halata rin na hindi siya pala-suot ng make-up dahil maski liptint ay wala siya.

When it's her turn, I saw her hand slightly shaking. I smirked as I watch her introduce herself.

"Hi! My name is Harietth Casia Sentilliano, but you can call me Yhett or Yhetty. I'm 17 years old and a Aries. Uh...ano pa ba?"

Ah, so her name is Harrietth, huh. Yhetty...sounds cute. Honestly, she looks cute but the she talks? I'll say nah. Mas bagay pang sabihin na maangas siya.

"Ah, yeah, I almost forgot! By the way, hindi mahaba ang pasensya ko, I'm only kind to those people who will show kindness to me, I respect who those respect me and those who deserve my respect, I have filthy mouth, and lastly, si anger ang operator ng emotions ko madalas kaya 'wag niyo akong sinasagad kung ayaw niyong masampulan."

Mas napalawak ang ngisi ko dahil sa sinabi niya. Fierce, huh. Let's see.

"Uhm, may nakalimutan pa ba ako? Ay, oo pala, ang motto ko. So, yeah, my motto is "Me no study, me no care. Me go marry a billionaire."

The class literally burst out laughing their ass off, especially me. Nakakatuwa din pala ang babae'ng 'to.

"Eme lang guyses, hindi talaga 'yon ang motto ko. I'm not mean, I'm just brutally honest. Always remember that."

Matapos niyang magpakilala, pinanood ko siyang umupo sa upuan niya.

"Brutally honest, huh." Mahinang saad ko. Mukhang narinig 'yon ng katabi ko dahil nilingon niya ako.

"You know her?" Tanong nito.

Umiling ako. "Nope." Maikling saad ko habang patuloy pa rin na nakatitig kay Harrietth.

Saglit niya akong tinitigan bago muling nagsalita. "Gusto mo ipakilala kita sa kanya?"

Tumaas ang kilay ko nang dahil aa sinabi niya. "You know her?" I asked.

He answered me with a chuckle. "She became my classmate last year, though we rarely hang out since she's close with Charlotte, my third cousin.".

"Ah," Naptango ako. "Your offer is great but I can manage."

Interesting. Maybe this school year won't be that bad after all.

Harrieth Casia Sentilliano, be ready. Dahil once na kausapin mo ako, I'll be your bestfriend already.

***

Today, we'll be voting for our classroom officers. It's been a week since the class had begun. Isang linggo na ang lumipas pero hindi ko pa rin siya nagagawang kausapin.

I tried pero madalas ay hindi siya namamansin. Or maybe she didn't hear me since she's always with her phone o kaya naman ay madalas kausap niya si Cole o ang iba naming mga kaklase.

"I nominate Harrietth Casia Sentilliano, ma'am!" Ngising saad ng katabi ni Harrietth.

I saw Harrietth's expression instantly changed. Sumama ang timpla ng mukha niya.

Ilang saglit lang ay siya nama ang nagtaas ng kamay. "I nominate Hermmy Margo Rosales, Ma'am."

Mukhang gumanti siya sa pag-no-nominate sa kanya.

I voted for her as the president but too bad, Angie won. She's our new president. I kept on voting for her but the Vice President role was also taken by Hermmy. At the end, Harrietth became our secrtary.

The newly elected officers lined up in front and said a couple of words of appreciation for voting them and pledge to the their very best to help our class but what caught my attention was Harrietth's speech.

"First of all, call me rude but I don't want to be an officer so I don't actually appreciate the count of votes that I got. I don't even understand why you voted for me. But...yeah, it happened. Wala na akong magagawa pa." She sighed.

Again, the class roared with laughter. Even our adviser laughed. Mukha siyang masungit but the way she talks, she sounds like she's being funny.

"Second, I won't promise anything but I'll do everything to help y'all, I guess? That's what officers do, right?" Mukhang hindi pa siya sigurado.

Imbes na mainis o ma-dissappoint, mas lalo kaming natawa dahil sa sinabi niya.

Damn, she's really something, huh. She keeps on surprising us.

***

It was our break time, and I was busy playing Mobile Legends when I heard Harrietth muttering behind me.

"Fuck, Damn it, shit, Motherfucker! The common english language doesn't fucking have enough goddamn shitty curse words! Putangina, punyeta, putek, letche, kingina, gago!" Napangiwi ako nang marinig ko ang sinabi niya.

"Bwisit kasi! Pisting yawang secretary duties!" Huling saad niya bagi nagtungo sa tabi ni Cole.

Damn, daig pa ako ng babae'ng 'yung kung magmura. Kakaiba talaga.

Siguro kung iba ang makakarinig no'n, she will left them dumbfounded but not me. She's really is something.

Siguro sa ibang lalaki, na-turn off na sila kung sakali man na narinig nila ang pinagsasabi ni Harrietth kanina. Hindi naman kasi magandang pakinggan na mas magaling pang magmura ang mga babae kesa samin na mga lalaki but I guess, hindi lahat ng babae ay prim and proper.

Instead of being turn off, I became more eager to talk with her. Ang angas niya!

"Bro, tara canteen." Aya sakin ni Adobe, my new friend.

Tumango naman ako't ngumisi saka umakbay sa kanya. "Libre mo ba?"

Naiiling naman niyang tinulak ang mukha ko palayo. "Oo na, tangina mo."

"Yown! Kaya mahal na mahal kita, baby, eh." Pangloloko ko.

"Ano ba, baby. Kinikilig ako." Umakto siya na parang nahihiyang babae, isinukbit niya ang imaginary hair niya sa likod ng kanyang tenga.

Malakas akong napatawa sa kalokohan namin. I also gave him a kiss in the air.

We're just pretending but not to the point that I'll kiss him. We don't swing that way.

While we are on our way to the canteen, Adobe keeps on flirting at me so I flirted back. People kept on glancing at us weirdly. But we just shrugged it off. This is the way we hang out, kumbaga bebe time namin. Just kidding.

When we got back in our classroom, I saw Harrietth leaning on the teacher's table. She looked so focused on the attendance sheets.

I walked to her direction and leaned beside her. I guess she didn't notice me right away since she's too focused on the attendance sheet. I saw her forehead creased.

"Xenus, Xenus, Xenus...sino kaya 'tong hinayupak na 'to?" Tanong niya sa sarili niya.

"Hanap mo ba ako, Miss Sec.?" Napasigaw siya sa biglang pagsalita ko.

"Ay manyakis kang puta ka!" She exclaimed.

"Aray ha, ang sakit naman no'n, Miss Sec." Nagpanggap akong nasasaktan. "Grabe ka sakin." I placed my palm to my chest and acted like I'm hurt.

Inirapan niya ako. "Letcheng lalaki 'to. Napaka-OA." Mahinang komento niya pero sapat na para marinig ko.

"Joke lang, Sec. Ako 'yung Xenus. Mukhang hinahanap mo ako, eh. Naririnig ko kasing binabanggit mo ang pangalan ko." Napangisi ako.

Tumaas ang kilay niya. "Oh, pake ko?"

"Wow, sungit ah." Komento ko.

Grabe, ang masungit nga talaga siya pero nakakatuwa ang expression niya kapag nagsusungit siya at naiirita.

Hindi niya ako pinansin. Sumilip ako sa attendance sheet, I saw her put a check mark side my name.

Nagsalita ako nang may nakita akong dalawang pamilyar na pangalan na wala pang check mark.

"Ah, 'yang si Jero at Eric...cutting 'yang dalawang 'yan. Nakita ko sila kanina palabas ng school nung galing akong canteen." Tinignan niya ako na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.

Trust issues yarn?

Itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Promises, Miss Sec. Close my heart, lock it, and tapon susi. Liars go to hell."

Nagkibit balikat siya saka minarkahan ang pangalan nila Jero at Eric.

"'Yang si Adobe, present 'yan. 'Yun siya oh, 'yung katabi ni Rica." Saad ko pa.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Halatang hindi mo kilala ang lahat 'no?" Sarkastikong sagot niya.

I chuckled. "Small things."

Mas napangisi ako nang irapan niya ako.

"Pinagloloko mo ba ako?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Wala namang Adobe dito."

"Ha? Ba't wala?" Takhang tanong ko. Imposibleng wala.

"Aba, malay ko sa'yo. Tangina nito." Napangiwi ako sa sinabi niya. Kaagad kong hinanap ang pangalan niya.

Mukhang napikon ko siya ng tuluyan dahil sa pang-aasar ko dahil sinipa niya ako sa likuran dahilan kaya bumagsak ako sa sahig.

"Putangina, ang sakit." Daing ko.

Shuta men, heaven ang sipa. Literal na makikita ko agad si San Pedro kapag sa sa ulo ako nasipa. Mukhang nabali pa 'ata ang tadyang ko.

Napangiwi ako sa sakit.

"Bro, anong ginagawa mo dyan?" Nagawa pa akong tawanan ni Adobe kesa tulungan. Sinamaan siya ng tingin.

"Gago, tulungan mo nga ako kesa tumawa ka lang d'yan!" I hissed.

Tinulungan niya akong bumalik sa upuan ko. Panay ang pang-aasar niya sakin pero sinasamaan ko lang siya ng tingin.

Hindi nagtagal ay lumapit si Harrietth sa pwesto namin at humingi sakin ng tawad. She looks like a guilty little kitten. I was about to forgive her when suddenly our next teacher came.

After our next class, hindi ko nakita si Harrietth. Inaya ko muna si Adobe na pumunta sa C.R.

Pagbalik namin, nagulat ako ng sumulpot si Harrietth sa harapan ko. She offered me a cold patch as a peace offering.

Tinanggap ko naman at 'yun. I wanted to tease her again so I did. I also told her that I'll accept her apology when she became my best friend but shockingly, she just agreed and told me that I'm her self-proclaimed bestfriend which I just laughed it off.

When Sir Michael came, I immediately sat beside Harrieth since no one was sitting beside her. Tumabi kasi si Hermmy kay Dannie at 'yung katabi niya namang isa ay lumipat din.

And besides, I want to annoy her even more. I even told her to choose me as her group member for our research paper. At first, she doesn't want to. Well, I'm fine with that pero gusto ko lang siyang asarin and unexpectedly she took me in her group.

Naging mabilis ang paglipas ng araw. Walang araw din na hindi kami magkasama ni Yhetty tuwing may pasok. Every weekends naman ay kachat ko siya at palaging pinipikon.

Bilib din ako sa pasensya niya. Kahit pikon na pikon na siya sa akin hindi pa rin niya ako kina-cut off. She would just slap my arm, curse me nonstop, or throw her shoes at me. Naging hobby ko na rin ang asarin siya ng asarin. Pakiramdam ko hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya napipikon.

And as days passed by, naging interesado ako sa isang kaklase namin. It was Reina.

At first, we would just ask each other regarding the previous lessons we had then eventually, we just found ourselves talking comfortably.

Actually, I had a crush on her but I don't want to date her for now. Naging magkaibigan kami at hindi nagtagal ay napunta kami sa talking stage.

"You and Harrietth looks so close, huh." Narinig kong saad ni Reina na kasalukuyang katabi ko.

Palipat-lipat ako ng upuan kada subject namin. Kanina lang ay tumabi ako kay Adobe at ngayon naman kay Reina. After this subject, balak ko namang tumabi kay Yhetty para asarin siya.

"Yeah, we're bestfriends." Ngiting sagot ko.

"Bestfriends?" Tumango ako. "Or secret lovers?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano? Saan mo naman nakuha 'yan? Harrietth and I are just friends. She's just a friend, okay?" Pagkaklaro ko.

Napatingin ako sa kamay niya nang pagdaupin niya ang kamay namin. She looked at me straight to my eyes. "Xenus, you know that I like you, right? And...you like me too. So why won't we try this? Kung magpapaalam ka na liligawan mo ako, papayag naman ako." She murmured.

Saglit akong natahimik. I heard her sighed as she locked our fingers together.

"Sa totoo lang, nagseselos ako kay Harrietth. Sobra kayong close to the poing na para na kayong mag-jowa." Malungkot na aniya. "Xenus, your assurance isn't enough, to be honest."

Ang hirap naman ng ganito. Palagi niya na lang itong sinasabi. Assuming that Harrietth and I are a couple when in fact we're not!

People nowadays. Mga mai-issue.

Isa rin ito sa rason kung bakit hindi ko pa gustong ligawan si Reina. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya pero minamadali niya ako.

It's my turn to sigh. "Reina, napag-usapan na natin, 'to. I've already told you to give me some time." Pakikiusap ko pa.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko at dahan-dahang tumango. "O-Okay..." she tried to sound optimistic as much as possibke but dissappointment and sadness are evidenf in her voice.

When our break time came, linapitan ko si Harrietth. Reina was with her friends kaya hinayaan ko muna siya.

Inaya ko siyang pumunta sa canteen at niloloko na magpapalibre pero ako pa rin ang nanglibre.

Palaging ganito ang routine naming dalawa. Minsan kasama namin sila Dannie pero ngayon nauna silang bumili kaya nauna rin silang nakabalik.

When we got back to our room, Harrietth went to Ash's place and asked for the attendance sheets.

"Ash, 'yung attendance pala?"

"Tapos na, boi." Ash raised both of his thumbs.

"Sorry, ah. Naiistorbo tuloy kita." Nakangusong pagpapaumanhin ni Yhetty.

Binuksan ko ang water bottle ko habang nakikinig sa usapan nila. Dumaan si Adobe sa harapan ko habang umiinom kaya nakipag-fistbump na lang ako sa kanya at tumango.

"Ako din! Assistant mo din ako!" Pagsabat ko sa usapan nila.

"Hunghang ka talaga." Ani Harrietth.

"Dali na, Harietth! Assistant mo din dapat ako!" pamimilit ko.

Malaki ang naging ngiti ko nang mapapayag ko siyam "Yown! 'Wag kang mag-alala dahil tutulungan kita, Harietth. Lalo na't ulyanin ka pa naman."

"What did you just said?" Nanlilisik ang mga mata niyang saad sa akin.

Ngumisi ako."Sabi ko ang pangit mo. Abnormal ka pa."

"Tigil-tigilan mo ako, Xenus! Kanina pa ako napipikon sa'yo." Sinapok niya naman ako pero tinawanan ko lang siya at mas lalong inasar.

She cursed me to nonstop and we ended up in circles inside the classroom.

"Sige, Yhetty! Habol!" Pang-aasar ko pa.

***

When saturday came, nagulat ako nang biglang mag-aya si Reina na pumunta sa Plaza.

"Reina, pasensya na kung natagalan. Wala kasi akong mapag-parking-an." Bungad ko nang makita ko siya.

"It's fine." She smiled and tapped the grass beside her, signalling me to sit with her.

Naupo naman ako sa tabi niya. Nakatuwid ang mga binti ko habang nasa likuran ang dalawa kong braso bilang suporta sa katawan ko.

"Bakit mo nga pala--" she cut me off.

"--Let's stop this."

Nalito ako sa sinabi niya. "W-What?"

She sighed. "Xenus, let's stop this. Itong mayroon tayo. Let's end our talking stage. I'm sorry but I can't take it anymore. This is not all just because of me, being impatient to put a label on our relationship. It was all because of Harietth."

Kaagad na nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan ng kaibigan ko.

"Anong meron kay Harietth?" Seryosong tanong ko.

"I'm jealous of her, Xenus. Kahit ilang beses mo akong bigyan ng assurance, hindi ko pa rin maiwasang magselos sa kanya. Ako ang ine-entertain mo pero parang mas lumalabas na kayo." Mapait siyang napangiti.

"Reina, magkaibigan lang kami ni Yhetty. She's just a friend, okay?" I tried to explain to her.

She shook her head. "Magkaibigan nga kayo pero iba ang nakikita ko...namin."

I feel so frustrated right now. Napahilamos ako ng mukha ko.

Tangina, ang iissue talaga ng mga tao ngayon.

"I'm sorry, Xenus pero buo na ang desisyon ko. Let's just be friends." Aniya.

Napabuga na lamang ako ng hininga bago tumango. "Okay, if that's what you want."

I guess I got dumped, huh?

I stared at Reina's face but someone caught my attention. It was Harietth.

She's with her friends. Mukhang nag-aasaran pa sila. I unconsciously smiled when I saw how irritated she was while Charlotte are laughing.

"Xenus, pwede mo ba akong samahan? May bibilhin lang ako." Tanong ni Reina.

Bumalik ako sa katinuan at mabilis na sumagot. "Sure." Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon ko. Inalalayan ko rin siyang tumayo at saglit na inayos ang sarili niya.

I spend all day with Reina. We just bought all the things she needs, then we ate at a fastfood restaurant then played at the arcade. Ako na rin ang naghatid sa kanya sa bahay nila.

Nang makauwi ako, dumiretso ako ng higa sa kama ko at hindi ko namalayang nakaidlip pala ako.

Gabi na nang magising ako. I grabbed my phone inside my pocket and turned it on.

Bumungad sa akin ang wallpaper ko. Picture namin itong magbabarkada. Nakasuot kami ng uniporme at nasa loob ng classroom. This was taken few days ago.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na napasama ako sa friendship circle nila.

I stared at my phone. It was a 0.5 photo. Nakaupo kaming lahat, pwera sa may hawak ng phone. Sa unang row ay magkakatabi sila Dannie, Hermmy, Thean, at Angie. Sa pangalawang row naman ay sila Rica, Yzza, Hensley, at Cole. Sa pangatlong row naman ay nakaupo sila Charlotte, Lexus, Leinard, at Beatrix, while Ark and Arvy are both standing. Meanwhile, me and Harietth are at the back row.

Dannie and Hermmy are smiling widely while making a heart shape using their hands. Nakangisi naman si Cole habang ang naka-peace sign ang dalawa niyang kamay pero nakatago ito sa ulo nila Angie at Thean na nakangiti, tila walang malay sa ginawa ni Cole. Nagmukha tuloy silang may sungay.

Nakapeace sign naman sila Rica, Yzza, at Hensley habang malawak ang ngiti. Para talagang triplets ang tatlong 'to. Hindi naghihiwalay, eh.

Nakangiti naman si Ash, siya ang may hawak ng cellphone na ginamit namin para magpicture. Naka-thumbs up habang nakangiti naman sila Ark at Arvy.

The couple are doing their own thing. Charlotte and Lexus are pinching each other's cheeks as they smile widely at the camera. Nakangising nakaabay naman si Leinard kay Beatrix na nakangusong nakatingin sa camera.

Huling dumapo ang tingin ko sa pwesto namin ni Yhetty. Nasa likuran niya ako and I was grinning ear to ear as I pinched her cheeks. Pilit naman ang ngiti niya habang nakatingin sa camera. But after that photo was taken, she pulled my hair as she slapped my arm.

Bigla kong naaala si Yhetty na nakita ko kanina sa Plaza.

I immediately went to my messenger and searched her account.

Nagdadalawang isip pa ako kung tatawagan ko siya o hindi. Why would I call her anyway?

Wala rin naman ako sa mood na mang-asar ngayon. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ipinatong ko ang likod ng kamay ko sa mga mata kong nakapikit. I also placed my phone to my chest.

Hindi pa man nakakalipas ang isang minuto ng maramdaman kog nag-ba-vibrate ang cellphone ko.

Itinaas ko ang cellphone ko na nakapatong sa katawan ko. Nanlaki ko ang mga mata ko nang makita kong nag-riring ito.

It was calling Harrietth's account! Fuck!

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko habang pilit na pinipindot ang end call pero hindi tumatama doon ang daliri ko. But what shocked me the most is that she answered the call.

I acted cool and calm, like I'm not tense and panicking awhile ago.

Dahil wala akong ibang maisip na pag-uusapan, I opened up to her about what Reina. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na ka-talking stage si Reina.

Hindi naman nagtagal ang pag-uusap naming dalawa. When the call ended, I received a chat from Leinard. Nag-aaya mag-inom sa bahay nila ang gago.

I smirked and got up. Mabilis akong nagpalit ng isang hoodie at short. Dinampot ko ang susi ng motor ko bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Mama sa sala na nanonood. Lumapit ako sa kanya at humalik sa tuktok ng kanyang ulo.

"Ma, alis muna ako. Baka makitulog na ako sa bahay ng kaibigan ko." Paalam ko.

"Ingat ka, anak. Pinapayagan lang kitanf lumabas-labas basta 'wag ka muna mambubuntis, ah." Paalala niya.

Napangiwi naman ako bago umalis.

Mama talaga, oo.

Nang makarating ako sa bahay nila Leinard, naabutan ko silang nakaupo at nakapalibot sa isang lamesa na may bote ng mga alak at pulutan.

"Oh, nandito na si Xenus!" Cole announced.

Kumpleto kaming lahat na lalaki. Cole, Leinard, Lexus, Arvy, Ark, Ash, and even Adobe are here.

Nakipag-fistbump muna ako sa kanila bago naupo sa tabi ni Adobe.

"Yown, let's get wasted!" Masayang saad ni Lexus at itinaasa ang bote ng alak.

"Tama, tama! Tutal wala sila Mama ngayon!" Nagtaas din ng bote si Leinard.

Inumpisahan na namin ang pag-inom. Sa kalagitnaan ng malakas na kwentuhan at tawanan, Leinard announced something.

"Kami na ni Beatrix mga par!" He smirked, feeling proud.

Napasinghap kami kapagkuwan ay binati rin siya.

"Dahil d'yan, more tagay!" Adobe shouted.

Hindi na namin namalayan kung ilang oras na ang lumipas at ilang bote na ng alak ang nainom namin.

Mataas ang alcohol tolerance ko pero nararamdaman ko rin na may tama na ako. Lasing na lahat ng kasama ko at ako na lang ang medyo nasa tamang isip pa.

Papasok na kami sa loob dahil tapos na ang inuman session namin. Magkaakbay sila Arvy, Ark, at Leinard. Arvy looked so wasted.

"Pre, ang pogi ko!" Lasing na saad ni Arvy.

"Bigat!" Reklamo ni Ark nang mapunta sa kanya ang katawan ni Arvy. Todo alalay naman siya kahit malapit na siyang bumagsak.

"'Tol, tangina! Nashan ang banyo? Shushuka ako!" Gumegewan-gewang na tumayo si Lexus na nakahawak sa kanyang bibig.

Si Adobe naman ay tulog na habang yakap yakap niya ang dalawang bote ng alak. Pilit naman siyang ginigising ni Ash na lasing na rin.

"Nyemas ka, pre! Bangon! Mahina ka pala, eh!" Panggigising ng lasing na Ash kay Adobe. Sinisipa-sipa pa niya ang hita ni Adobe.

"Weak ka, tangina mo! Pakyu!" Tumawa pa ng malakas si Ash.

Yumuko siya at hinawakan ang dalawang paa ni Adobe. And the next thing that I knew, hila-hila na ni Ash ang tulog na si Adobe.

Napailing na lamang ako pero kaagad na nagsisi sa ginawa ko dahil bigla akong nahilo. Nilapitan ko naman si Cole na tulog na rin dahil sa kalasingan.

Tumayo ako at medyo gumewang pero nagawa ko pa ring balansehin ang katawan ko. Dahan-dahan akong lumapit kay Cole habang sapo-sapo ang aking ulo.

Tangina, ayoko na ulit maglasing.

"Pre...pre, bangon." Kinalabit ko siya.

Malakas akong napamura sa gulat nang tumayo siya't malakas na sumigaw. "Shot pa! Alululululu!"

Nang marinig 'yon ng mga kasama namin lumapit sila sa pwesto namin at umakyat sa lamesa. Mabuti na lang at kahoy ang lamesa at matibay kun'di pare-pareho silang malalalaglag. Maski si Adobe na tulog kanina ay biglang nagising at gumagapang na lumapit sa pwesto namin at nakiisa sa kaguluhan nila habang nakapatong sa lamesa.

"Ahu! Ahu! Ipaglaban ang Wesht Pilepen Si!" Lasing na sigaw ni Ash.

"Ilaban! Ahu!" Sagot naman nung iba.

Humagalpak ako ng tawa nang makita ko ang pag giling ng matitigas nilang katawan. Mas umulan ang tawanan nang malaglag si Cole at Adobe sa lamesa.

"Alulululu!" Sigaw pa ng mga gago.

"Hoy, tama na 'yan! Matulog na tayo!" Pagpigil ko sa kanila.

Mabuti na lang at sumunod sila.

Sari-sarili silang naglakad patungong pintuan at naiwan si Cole na tuluyan na talagang nakatulog. Wala na akong nagawa kun'di ang alalayan siya kahit na gumegewang na rin ang lakad ko.

Naaaburido akong napakamot sa ulo nang makita kong pare-pareho silang nakatayo sa harap ng pintuan na parang may hinihintay.

"Ano pang ginagawa niyo d'yan? Magsipasok na kayo." Saad ko.

"Shush, pre." Pagpapatahimik sa akin ni Arvy. "Haytek bahay nila Linard! Binubukshan ni Shiri 'yung pintuan nila. Ashtig!"

"Shiri, open the door!" Malakas na usal ni Leinard habang nakataas ang dalawang kamay.

"Pre, lowbat 'ata shi Shiri niyo." Komento ni Lexus.

"Pakyu, Shiri! Bukshan mo ang pinto!" Galit na saad ni Leinard. "Naiwan ko ang shushi sha loob kaya uchang na yoob buksan mo!"  Halos bulol-bulol na dagdag niya.

Parang pinagsakluban ang mukha ko nang marinig ko 'yun. Out of frustration, nasabunutan ko ang sarili kong buhok. I didn't even noticed na nabitawan ko pala si Cole kaya bumagsak siya sa sahig.

Fucking shit, hindi na ulit pwedeng mangyari ito! Hinding hindi na ako papayag na kasama silang mag-inuman!

Kaya ang ending, sa labas kaming lahat natulog. Diretso sa damo ang mga gago na nahiga. Samantalang si Ash naman ay sa lamesa.

Gumawa na rin ako ng paraan para magkaroon ng mahihigaan. Kinuha ko ang tatlong upuan na may sandalan saka pinagkonekta at nahiga.

This is the worst yet awesome inuman session that I've experienced. Sana hindi na maulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top