CHAPTER 23
CHAPTER 23
"Come on, Yhetty! Tell us what happened!" Pagpupumilit sa akin ni Charlotte.
"Yhetty, dali na! It's been a week na rin after all the ruckus and we were so worried about you tapos hindi mo man lang sinasabi sa amin kung ano ba talaga ang nangyari!" Beatrix pouted her lips.
I chukled. "I told you guys, it ended well. I'm fine so you don't need to worry about me."
Both Charlotte and Beatrix stomped like a five years old toddler while pouting.
Arvy, on the other hand, smack their heads lightly making the two groaned. "'Wag niyo ngang pinipilit si Yhetty, mga tanga. Privacy ba, privacy!" Iritadong aniya.
"Masakit, Arvy! Putangina mo ka!" Malutong na mura ni Charlotte sabay umangkla sa braso ni Lexus.
"Oo na, bwisit! Ang sakit-sakit, eh!" Reklamo naman ni Beatrix saka nagpalambing kay Leinard.
Naiiling na lamang kaming dalawa ni Ark.
Magkakasama kami ngayon dahil papunta kami sa shop para tumingin ng susuotin nila Beatrix at Charlotte para sa graduation. Hindi namin kasama ang iba dahil may sari-sarili silang pinagkakaabalahan.
Two weeks from now is our graduation. Gaya ng pasukan, I felt mixed emotions again.
Saya, kaba, at lungkot.
Masaya ako na sabay-sabay kaming makakapagtapos. I'm happy that despite all the stress that we experienced, makaka-graduate na rin kami.
I'm nervous dahil hindi ko alam kung anong hinaharap ang naghihintay sa akin.
And lastly, sadness. Nakakalungkot na isipin na iiwan na namin ang paaralan na nagbigay ng maraming masasaya at malulungkot na mga memorya. And who knows,baka magkahiwa-hiwalay kami ng University na papasukan.
Nang makarating kami sa shop, my forehead creased when I saw my parents and our relatives. Napalunok ako dahil sa kaba. Parang pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari ngayong araw.
"Guys, can you do me a favor?" I asked them, feeling tensed.
"Huh? Sure. Ano 'yun?" Charlotte asked.
"You see...my other relatives are here. They're quite strict and...mapanlait. Well, I'm worse than them but I don't want you to face such useless creatures." Nakaismid na saad ko.
Sabay-sabay naman silang tumango. It's a good thing na hindi na sila nagpumilit pa. They told me that they'll just wait for me at the food court.
Bago pa ako pumasok sa shop, humugot muna ako ng isang malalim na hininga saka binuksan ang pintuan. My relatives' gaze, including my parents and brother, turned to me.
I didn't fake a smile like I would always do. I just looked at them with blank expression as I walked towards my parents' direction. I gave them a small and quick peck of kiss in their cheeks.
I faced my aunts. "Let's be frank. No more fake hi's nor hellos. Let me ask you this, what are all doing here?" Humalukipkip ako at matapang silang tinignan. "And don't you dare cause any scenes here or else I'll be the one who will drag you outside."
"Aba, mayabang ka na ngayon, ah!" Saad ni Tita Lei.
"Atleast may maipagmamayabang." Kibit-balikat kong saad habang nakangisi.
In my peripheral view, I saw my parents smiling proudly. Even my brother.
"Harietth, umayos ka nga! Galangin mo ang Tita Lei mo." Sita ni Lola.
"Wala ka talagang respetong bata ka. Anong pinagmamalaki mo? 'Yang kukurampot mong awards." Mapanlait na saad ni Tita Jane.
"Mawalang galang na pero 'yang tinutukoy mong kukurampot na awards ay ni hindi mo nga nakuha noong nag-aaral pa tayo, Jane." Pagsingit ni Mama. "Ano ngayon kung mas matalino ang anak mo kay Yhetty? At least our Yhetty is our precious princess. She's already the best."
My brother snorted. "Si Yiro? Matalino? Ni hindi nga kaya no'n magsulat ng 500 words essay noong high school kami. MAdalas din siyang kumokopya sa akin."
Ilang beses akong napairap nang magsimula nang magpalitan ng salita sa pagitan ng pamilya ko at sa mga tita ko.
"For goddamn fucking sake!" I interrupted them. Mukhang nagulat naman sila sa pagmumuar ko dahil pare-pareho silang napahinto. I faced my Lola and Titas. "Stop this fucking madness and leave my fucking family alone! Tama na 'yung hirap na pinaranas niyo sa amin! If you can't accept me nor my father then fuck off! We don't need you in our life!"
***
"That's what happened." I told my friends as I ended the story. I told them everything simula nung iuwi ako ni Papa hanggang sa nangyari sa shop namin.
Nandito kami sa bahay ni Charlotte ngayon, sa basement nila kung saan kami madalas na tumambay. Two days from now ay gaganapin na ang graduation day namin so we decided to hang out at Charlotte's place. Mabuti na lang at pinayagan ako kaya kumpleto kami ngayon.
"Ganyan dapat! Barahin mo sila gaya ng ginagawa mo sa amin!" Ngising saad ni Xenus.
"Inidoro ka ba para barahin kita?" Pang-aasar ko na ikinasimangot niya.
"After that, anong nangyari? Umalis ba sila?" Thean asked so I gave her a slight nod.
"By the way, Yhetty. You said that your father ran away...nakilala mo na ba ang grandparents mo sa side niya?" Hermmy asked.
I nodded at her with a smile. "Yep!" I answered.
"Hoy, ichika mo din samin! Aba, aba!" Charlotte exclaimed.
I laughed and started telling all the details.
When dad and I talked and sorted everything out, we went back inside our car and began to drive back to our house. Me and Papa are having a great and comfortable talk when I suddenly remembered something.
"Papa, you told me that you ran away from home, right?" I asked.
My father nodded. "Yes."
"Then...how about your parents po? My...grandparents? W-Where are they?" I'm really curious kung nasaan ang mga Lolo't Lola ko sa side ni Papa.
My father went silent for a while. "Do...Do you want to meet them?"
I actually don't know.
Do I want to meet them? Maybe...
With that thought, I nodded.
My father sighed and turned the steering wheel.
After few moments, kumunot ang noo ko nang makarating kami sa sementeryo.
"P-Pa...d-don't tell me..." Hindi ko na nagawang magsalita, I gasped.
"Yes...they're already gone." Mahinang saad ni Papa.
My father opened the door for me. Magkahawak ang kamay naming dalawa na naglakad papasok sa sementeryo hanggang sa huminto kaming dalawa sa dalawang lapida na magkatabi. Marumi na ang mga ito pero nababasa pa rin kung kailan sila namatay at ang mga pangalan nila.
Tahimik kong binasa ang mga pangalang nakaukit dito.
Harlton Sentilliano. Hiralley Chua-Sentilliano.
"Har...ley." Mahinang pagbanggit ko. Then I realized, my father's name came from their combined name.
"Wow..." I muttered.
"Alam mo ba, sa kanila nanggaling ang pangalan mo." Napalingon ako kay Papa nang magsalita siya.
"The day when you we're born, I was surprised when they found me. Noong araw na 'yon ay kinausap rin nila ako. They told me that they already found me a long time ago but they didn't bother to take me back when they observed that I'm happy with your mother."
Bumalik ang tingin ko sa lapida.
"Ipinakilala kita sa kanila matapos ang pag-uusap namin. Me and your mother can't decide a name for you that time. Then my parents suggested a name. Harietth Casia, a name with a wonderful meaning. Casia means cinnamon and Harietth means home ruler, because they we're planning to give all their wealth to you. You will be the home ruler of Sentilliano when you turned 20." Nagulat ako sa sinabi ni Papa
"P-Po?"
"Wala namang kaso sa akin kung ikaw ang magiging successor ng Sentilliano." My father smiled. "Besides, I want the best for my princess." He kissed my forehead.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Papa.
Me? A successor? At 20 years old?
"P-Pa, paano kung 'd-di ko kayanin? I-I'm scared. I-I already failed multiple times." Unti-unting tumulo ang luha ko ngunit kaagad 'yong pinunasan ni Papa.
"Don't worry, anak. Papa's here. This time, hindi ka na nag-iisa. Nandito na si Papa. Tutulungan ka ni Papa." My father said softly.
Tama, Harietth. Hindi ka na nag-iisa. Be strong. Masasayang ang pinaghirapan ng grandparents mo.
Humakbang ako papalapit sa puntod ng Lolo't Lola ko at sabay na hinaplos ang kanilang lapida.
"Nakakalungkot po na wala na kayo pero maraming salamat sa lahat." Bulong ko.
Lumingon ako kay Papa at nagtanong. "Papa, ano po palang ikinamatay nila?"
"Car accident." Sagot ni Papa.
After telling all the details of my story to my friends, they began to tease me. As always.
"OMG! Tabi mga talunan! Kaibigan namin ang heredera ng mga Sentilliano!" Tila baliw na saad ni Charlotte.
"Tangina, pa-milktea ka naman!" Arvy shouted.
"Syet, successor!" Giit pa ni Ark.
"Hoy, bruha heiress ka na pala!" Beatrix exclaimed.
"Hindi na lang siya business owner, heiress pa!" Tumatawang saad ni Hermmy.
"Oh pak! Yaman yarn? Libre ka naman d'yan!" Panloloko pa ni Dannie.
"Nako, magsitahimik nga kayo." Naiiling kong suway sa kanila.
"Eh, paano 'yan, Yhetty. Tagapagmana ka na, paano ang pag-aaral mo?" Tanong ni Yzza.
"Tangiks, mag-aaral pa rin naman siya." Si Rica na ang suamgot.
"Tutulungan naman daw siya ng Papa niya 'di ba?" Hensley spoke.
"Sentilliano Group of Companies? Parang medyo pamilyar. I'll ask my parents about that company later baka alam nila." Lexus muttered.
"Tangina pre, ano ka ba? Sentialliano Group of Companies! Sikat pa rin 'yan hanggang ngayon! Standing tall and high!" Saad ni Ashley na ikinagulat ko.
"Huh? Sino ang nag-aasikaso no'n? Imposible namang ako, eh hindi pa ako 20." Nagtatakang tanong ko.
"Si Yhetty hindi mo alam kung sadyang slow o tanga lang." Panlalait ni Xenus kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh, kung sapakin kita?" Pananakot ko.
"Sabi ko nga tatahimik na, eh."
"Isang tao lang ang pwedeng umasikaso sa company niyo, Yhetty." Saad ni Cole.
I gasped nang maisip ko kung sinong tao ang tinutukoy niya. Iisa lamang ang palaging wala sa bahay upang mag-asikaso ng mga bagay-bagay sa Manila.
"Si Kuya Josiah..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top