CHAPTER 22

CHAPTER 22

When I woke up, hirap akong buksan ang mga mata ko dahil namumugto ang mga ito.

Damn, my head hurts.

Kinapa ko ang gilid ko para hanapin ang salamin ko. Nang mahanap ko ito, nakapikit ko itong sinuot at dahan-dahang bumangon.

"Morning, Yhetty!" I heard Charlotte greeted me with a cheerful voice.

Nag-inat ako saka siya binati pabalik. "Morning too."

"Magmuni-muni ka muna d'yan, sis. I'll just wake up the others. Pinapatawag na tayo ni Mommy para mag-umagahan." Charlotte said.

I just gave her a nod. I yawned as I tied my hair into a tight bun. Tinupi ko rin ang kumot at inayos ang unan na ginamit ko. Ginising ko rin ang dalawang katabi ko na natulog, sila Hermmy at Beatrix.

Both of them just groaned so I just let them be. Nagtungo ako sa banyo at naghilamos. Matapos komg gawin ang mga dapat kong gawin, umakyat ako at nagtungo sa kusina ng bahay nila Charlotte and saw her mom, Tita Carolina, preparing the foods.

"Tulungan na po kita, Tita." I volunteered.

Tita gave me the plates she's holding and smiled. "Thank you, hija."

I was busy arranging the table when Tita spoke.

"It seems that you're good again, huh. You look better than yesterday."

I gave her a smile. "Kaya nga po, eh. It was all thanks to them. Without them maybe I'm still devastated and...depressed."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ngunit kalauna'y gumanti din ako sa yakap.

"I'm glad that you're okay now. Whatever happens, hija...always remember that you're not alone. Palagi kaming nandito para sa'yo."

"Thank you po, Tita." I uttered. "Nga po pala, Tita, nasaan po pala si Tito?" Napansin ko kasi kagabi pa siyang wala.

"Ah, may inasikaso siya sa Batanes kaya lumuwas siya kahapon ng umaga pero uuwi na rin 'yon bukas." Aniya na ikinatango ko na lamang.

Hindi nagtagal ay unti-unti ring nagsidatingan ang mga bagong gising naming kaibigan. Masaya at puno ng kwentuhan ang naging umagahan namin.

Natigil lamang kaming lahat sa pag-uusap nang may marinig kaming sumisigaw at kumakatok na nanggagaling sa pintuan.

"Ako na ang titingin, kumain na lang kayo d'yan." Pagbobolontaryo ni Kuya Crissian.

Nang makaalis si Kuya, bumalik sa pagkain ang iba, samantalang ako ay natulala na lamang sa pagkain ko.

The voice that we heard is quite familiar. Parang boses ni Papa. Umusbong ang kaba sa dibdib ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Xenus na katabi ko. It looks like he noticed that I got anxious.

"Ye—" A loud shout cut me off.

"Please, j-just let me see my d-daughter, Crissian! Iuuwi ko lang ang anak ko!"

Kaagad akong napatayo nang marinig ko ang nagmamakaawang boses ni Papa.

"Yhetty, kumalma ka muna, hija." Bakas ang pag-alala sa mukha ni Tita Carolina.

Patuloy kong naririnig ang pagmamakaawa ni Papa. I bit my lower lip to suppress my tears.

Si Papa...nagmamakaawa.

I honestly don't know what to do nor to react.

To be honest, wala pa akong balak na harapin ang mga magulang ko ngayon kasi hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yon. I plan to stay at Charlotte's house for the mean time but I didn't expecr tjat they'll come here.

"Please, Crissian. Gusto ko lang makita ang anak ko!" Mariin akong napapikit nang muli kong marinig si Papa.

Papa, ang laki ng tampo ko sa inyo...pero hindi ko kayang tiisin.

I gathered all my courage and composed myself. Before I leave, I saw my friends and Tita's eyes. They are all concerned for me, I can see that. It's evident in their eyes.

"I'll be fine," I uttered because I felt like they want to stop me.

Yeah, I'll be fine...I guess? For some reason, I wanna cry but I don't know why. Siguro dahil muli kong naalala 'yung nangyari or maybe I'm too scared to face my parents now. I feel anxious.

Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad ako sa sala, papalapit sa pwesto nila Kuya Crissian. Nagtago muna ako sa isang estante at inobserbahan ang pangyayari. From here, in my place, I can vividly see how my father was trying to force his way, but Kuya is trying his best to stop him. 

Looking at my desperate state of my father, I want to cry so bad. He's all messed up. HAlatang pagod na pagod na ang itsura niya. Magulo ang  buhok, namumula at namumugto ang mga mata, and his clothes, 'yun ang mga damit na suot niya mula kahapon.

"Maawa ka, Crissian! Gusto ko lang makita ang a-anak ko...ang p-prinsesa ko. N-Nagsisisi a-ako. N-Nagkamali ako. N-Nasaktan ko ang prinsesa namin."

I bit my lower lip to stop myself from crying again.

Papa...

"Tito, tama na muna. Let Yhetty rest." Bumuntong hininga si Kuya Crissian.

"Hindi! Hindi pwede! I-I need to see my d-daughter! B-Baka kung a-anong manyari sa Harietth ko...hindi pwede!"

I can't take it anymore. Ang sakit sa puso na makitang umiiyak at nahihirapan si Papa dahil sakin. Kahit na nasaktan nila ako, hindi ko kayang makita silang nasasaktan din dahil sa akin.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko. "Papa..." I muttered.

My father's gaze shifted to me. His tired and swollen eyes widened when he saw me.

"H-Harietth...my princess."

As I heard him uttered my name, I instantly ran to his place. Sinalubong ako ni Papa ng isang mahigpit na yakap. As soon as I felt my father's warm embrace, tears started coming out from my eyes.

Pakiramdam ko sobrang tagal kong hindi nakita si Papa because as soon as I hugged him, I felt home. I felt safe. I felt loved. I felt all my worries was washed away because of my father. The warmth...felt genuine.

***

After when my father calmed down, nagpaalam at nagpasalamat muna ako kila Tita Carolina bago umalis.

While we were on our way home, I remained silent. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin or kung ano ang dapat gawin.

I glanced at my father while he was driving the car. I don't know what he is thinking right now but I hope they won't yell at me anymore. But I doubt that will happen.

Nagtaka ako nang itinigil ni Papa ang sasakyan. Inilibot ko ang paningin sa paligid at dahan-dahang napanganga nang makita ko ang pamilyar na lugar. This place is where we always had picnics since me and my brother are still young.

A park where most families hang out to spend their days with their own families. Unconsciously, a tear fell from my eyes, but I immediately wiped it off.

How I miss those days...

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan at bumungad sa akin si Papa. Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya.

Nakalahad ang kamay niya na tila gusto niya akong alalayan pababa na parang isang prinsesa, Gaya ng palagi niyang ginagawa.

"Uh..." Hindi ko nagawang magsalita pero tinanggap ko na lamang ang kamay ni Papa.

Honestly, hindi naman ako galit sa mga magulang ko. Hindi ko magawang magalit sa kanila. Siguro tampo, pwede pa...pero ang galit? Malabo.

Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa makaupo kami sa isang bench.

Tulala lamang akong nakatitig sa dalawang batang naglalaro. Tipid akong napangiti nang maalala ko si Kuya. 

How I miss those days.

Mula sa pwesto namin, I saw a man approaching the two. It looks like he's their father. 

"Naaalala ko, ganyan din kayo ng Kuya mo noon." Papa spoke. "Sobrang kulit niyo. Masaya at mabilis kayong makuntento kahit na sa maliit na bagay."

Hindi ako sumagot.

"Sa buong buhay ko, wala akong ibang hinangad kundi ang tanggapin ng lahat kung ano ako." Ani Papa. "All my life, I tried to be the best hanggang sa hindi ko na kinakaya pero pinipilit ko pa rin dahil gusto kong tanggapin ako ng lahat."

My father wiped his tears. With this sight, seeing my father cry, makes my heart ached.

"Simula bata ako, sobrang laki ng expectations sakin ng Lolo't Lola mo. Maniwala ka man o hindi pero mas mayaman ako noon kumpara sa mayroon tayo ngayon. I can easily get what I want and in exchange, I will be on top...but I failed."

Tahimik ko lamang na pinapakinggan si Papa.

"But then, I met your mother. She was my savior. Minulat niya ako na hindi ko kailangang maging una sa lahat ng bagay." My father stared at me. "I wanted to talk to my parents about how I feel pero hindi ko magawa dahil mas naging duwag ako so I ran away from home. Naghanap ako ng trabaho at matitirhan habang nag-aaral ako. Mahirap pero kinaya ko dahil sinuportahan ako ng Mama mo sa lahat ng bagay. Nang pareho kaming nakapagtapos ng Mama mo, ipinakilala niya ako sa mga magulabg niya bilang nobyo niya."

"Akala ko tatanggapin nila ako kung anong mayroon ako pero mukhang mali ang iniisip ko. They didn't want me for your mother. Nalaman ko din na may nagkakagusto sa Mama mo na isang mayamang lalaki and your grandparents prefer him over me since I'm nothing but a piece of shit. Walang maipagmamalaki."

"Papa..." I uttered while crying.

"Pero hindi ako sumuko syempre, mahal ko ang mama mo, eh. I did my best para magkaroon ng bagay na pwede kong ipagmalaki. I build our business with my own money but then, I got your mother pregnant with your Kuya. Your Lola despised me at that time dahil binuntis ko kaagad si Harley. Walang araw na hindi nila pinapakita kung gaano nila ako kadisgusto."

Papa...I didn't know that you suffered like this.

"Hanggang sa isinilang ang Kuya mo. Your brother is bright, so they adored him and slowly, they started to accept me and I felt happy. Nang maikasal kami ni Harley, sunod-sunod namang naisilang ang mga pinsan niyo pero ang pinakapaborito nila ay ang kapatid mo pa rin."

"When you came, our princess, we we're happy. I was overjoyed. I told myself that I want you to be perfect so that you will be accepted, praised, and be their favorite...just like your brother. Sabi ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para hindi ka matulad sa akin na mababa ang tingin."

Nag-iwas ako ng tingin at tahimik na umiyak.

"I kept that in my mind not noticing that you're suffering too, just like how I suffered. Nangako ako sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ako gagaya sa mga magulang ko pero napagtanto ko na gano'n na rin ang ginagawa ko sayo. I became desperate na maging perpekto ka para tanggapin ka rin nila pero hindi ko man lang napansin na nahihirapan ka na. I-I'm sorry, anak."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi saka mahigpit na niyakap si Papa.

"I-I'm sorry, princess. Hindi ako naging mabuting ama sayo. Nasaktan kita. Pati ang Mama mo, napilitang sabayan ako sa pang-pe-pressure sayo dahil sa akin."

"Pa, I'm sorry..." I cried like a lost child. "I'm sorry for not being a perfect daughter. I'm sorry for disappointing you."

My father shook his head. "N-No, you're didn't disappoint me, Harietth." He cupped my face. " In fact, you are the best thing that had happened to us. And a masterpiece doesn't have to be perfect. That's what your mother told me years ago."

Muli ko siyang niyakap ng mahigpit at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. I felt the same warmth that I always feel whenever I'm being caged in my father's arms.

"You know, Harietth, the moment you let out those things what burdens you, I was amazed. Nagawa mo ang mga bagay na hindi ko nagawa. I'm so proud of you, princess. Mahal na mahal kita, anak ko." My father kissed my forehead.

"I love you too, Papa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top