CHAPTER 20

CHAPTER 20

"Angie, next week na ba ang pictorial natin?" I asked.

Tumango naman siya. "Ay oo pala. Wait, ask ko 'yung treasurer natin kung kumpleto na ang bayad para sa pictorial."  She stood up. "Ah, Yhetty, favor nga. Pwede paki-announce ngayon 'yung about sa pictorial?"

I simply gave her a nod before she went out to find our treasurer.

I sighed as I stood up and walked directly to the center of our classroom. Humalukipkip ako at pinagmasdan ang maingay at magulo naming classroom.

Vacant namin ngayon. Actually, halos araw-araw na kaming vacant dahil naghahabol na din ang mga teachers ng grades namin. Kami namang mga estudyante ay naghahabol ng mga ipapasang lackings.

Mabuti na lang at natapos ko na lahat, except sa defense. Three days from now magaganap ang oral defense namin so we need to be ready.

Mabuti na lang at hindi ako minalas sa mga kagrupo ko. Madali naman silang turuan at pakiusapan. Pero kung hindi, talagang hindi ko maiiwasan na maging dragon.

I waited patiently for our classmates to be quiet pero mukhang hindi makaramdam ang mga gago. Even Xenus the jerk is also noisy as fuck.

Umupo ako sa teacher's table at idinekwatro ang paa. I took a deep breath and spoke calmly. "Guys, settle down."

Mukhang hindi nila ako narinig dahil patuloy silang nagkakagulo.

"Guys," medyo malakas na pagtawag ko. Tumigil ang iba at tumingin sa akin pero halos lahat ay may sari-sarili pa ring mundo.

Have more patience, Yhetty.

"Guys, may announcement ako!" Nilakasan ko na ang boses ko at marahan kong hinampas ang lamesa para marinig din ng iba pero wala pa rin.

Kita ko ang pagkalabit ng iba naming kaklase sa mga nag iingay pero mukhang wala silang pakielam.

Stay calm, Yhetty. Stay calm.

"Goddammit! I said shut the fuck up and listen to my goddamn announcement!" Galit na sigaw ko sabay dampot ng eraser na nakapatong sa lamesa at malakas na ibinato sa kung saan.

Halos mapangiwi ako nang tumama ito sa pisngi ni Xenus kaya napuno ng powder ng chalk ang pisngi niya.

And just as expected, they went silent.

That's good enough.

I faked a cough and composed myself. "Fimally, silence." I muttered sarcastically. "As I was saying, I have an important announcement." I gave them a sharp glare nang makita kong nagbubulungan sila.

"But before that...Steve, kindly stand and share us your thoughts. Say it aloud." Mariin kong bigkas.

Inirapan ako nito pero hindi siya tumayo. "Yhetty, tigilan mo nga 'yang pag-asta mo na parang ikaw ang president o adviser ng classroom. Ipapaalala ko sa'yo, secretary ka lang. Ikaw 'yung umaastang presidente samantalang 'yung duties mo inaasa mo lang kay Ash." Aniya.

I raised him a brow. Akmang magsasalita si Ash pero sinenyasan ko lang siya.

"Oh? Is that so?"

"Bakit? Totoo naman, ah. Isa sa mali ng mga kaklase natin ay ang pagboto sa mga babae bilang officers. Dapat talaga lalaki ang naging officers natin dahil mas maga-guide nila tayo. Ang mga babae, wala 'yan. Hindi nila kayang mag-rule. They are just women." Aroganteng aniya.

"So you're suggesting that they should've vote you for being the president instead of Angie?" I snorted. "Oh, please. I don't even like this position but too bad...oh well, I'm the secretary now."

Bumaba ako sa pagkakaupo ko sa lamesa at lumapit sa pwesto niya. "Let's be honest here, Steve. Matagal ko nang alam na  may galit ka sa akin, of course sino ba naman ang hindi magagalit sakin?"

"Oo, galit ako kasi bida-bida ka." He spatted. Our classmates gasped.

In the corner of my eyes, I saw Xenus stood up and ready to attack him but I signalled him not to.

"Oo, bida-bida ako." Sagot ko. "Pero atleast may ipagbibida. Eh, ikaw? Anong kaya mong ipagbida? Wala. Kasi ang alam mo lang ay ang manglait ng kapwa tao mo."

He threw me a dagger look. "Ako pa talaga, ah? Eh, ikaw nga itong nanlalait sa iba!" Depensa niya.

Nagkibit balikat naman ako at kalmado siyang sinagot. "Correction, I'm just saying the truth. Malaki kasi ang pinagkaiba ng nanlalait at honest. Ikaw, nilalait mo sila kasi 'yon ang opinyon mo. Ako, nagsasabi ng totoo dahil 'yon ang nakikita ko. Gaya ngayon, kapag sinabi kong isa kang putanginang tarantado ka na wala ka nang ibang ginawa kundi ang manlait at i-judge ang ibang tao, lintik ka...that's fact."

I rolled my eyes at him. "And by the way, don't ever belittle us, women. May I remind you that, you make rain but we make it shower. You're the men, but we, women, got the power."

Napataas ang kilay ko nang tumayo ito at ambang susugod sa akin but to bad for him. I got men by my side. Kaagad na humarang si Xenus at Ash sa harapan ko samantalang nasa likod naman ni Steve si Cole na hawak ang kwelyo niya.

I smirked. "Galit ka na n'yan? You're just simply showing how pathetic you are."

"P're, tumigil ka na." Seryosong saad ni Cole.

"Masyado nang nabilog ng babaeng 'yan ang ulo niyo." Galit na saad ni Steve.

"Manahimik ka na, brad. Hanggat kaya ko pang magtimpi." Naiinis na saad ni Ash.

"Masyado niyong pinoprotektahan ang babaeng 'yan? Bakit? Nagalaw niyo na ba yan?"

Gago 'to, ah.

Gusto ko siyang sugurin pero naunahan na ako ni Xenus. Malakas niyang sinapak ang gago sa mukha kaya natumba kaagad ito.

"Gago ka, ah! Bastos 'yang bunganga mo! 'Wag mo kaming  igaya sayong ulol ka! Kami, marunong kaming rumespeto ng babae pero ikaw hindi!" Galit na saad ni Xenus.

The room was in chaos. Nagsasapakan ang dalawang lalaki habang pilit namang inaawat ng iba hanggang sa may dumating sa teacher. Kaya ang ending, napagalitan kami.

Na-guidance din si Steve dahil marami ang witness sa nangyari kanina.

"Sorry, guys. Dahil sakin nagkagulo." Paghingi ko ng tawad. "Hindi ko na naman napigilan ang bunganga ko na pumatol sa bobong 'yon."

Kasalukuyan kaming nasa clinic ngayon at ginagamot ang mga sugat nila Ash, Cole, at Xenus.

"Wala 'yon, Yhetty. Mali din naman kasi siya." Saad ni Ash.

"Maling-mali talaga. Gagong 'yun. Bastos." Kunot noong saad ni Xenus.

Hindi na lamang ako sumagot.

"Grabe, sayang 'di ako nakajombag." Nanghihinayang na saad ni Danie.

"Dapat kasi nilakasan niyo!" Gatong pa ni Hermmy.

Jusko talaga itong dalawang 'to, oo.

***

"OMG! Research defended!" Malakas na sigaw ng mga kasama ko matapos ang oral defense namin.

Malaawak ang ngiti kong nakatingin sa kanila na masayang nagsisigawan.

"Worth it ang lahat ng pagod natin." I muttered to myself.

"Talagang worth it! Research defended, eh. Ikaw ba naman ang leader namin, syempre galing mo!" Nagulat ako nang sumulpot si Xenus at inakbayan ako.

Natawa naman ako at umiling. "Hindi naman porket ako ang leader eh sa akin na lahat mapupunta ang papuri. Syempre nag-effort kayo na members ko. Without you guys,  hindi natin magagawa ito. Ginuide ko lang kayo, nagkusa din kayo na tumulong. Hindi lang ito dahil sa akin, dahil sa atin ito. Grupo tayo 'di ba?" I beamed at him.

"Oo na, leader!" Natawa siya at ginulo ang buhok ko. "Tara na sa classroom."

Tumango na lamang ako. Tumakbo siya sa iba namimg kagrupo na nagkakagulo at nakisali. Nakangiti ko na lamang silang pinagmasdan.

Nang makarating kami sa classroom, nagulat ako nang may iniabot sila sa aking box.

They surprised me with a cake.

"T-Teka, p-para saan ito?" I was cut off guard because of their surprise.

"I-open mo, Yhetty! Regalo namin sayo 'yan." Yzza said.

"Pero si Xenus nga lang ang nag-sponsor n'yan." Zane laughed.

Nakangiti ko namamg binuksan ang kahon ng cake. Muntik pa akong mapaiyak nang makita ko ang nakasulat doon.

Thank you for everything, Harietth. Best leader!

My heart melted because of this.

"You guys...hindi na sana kayo nag-abala." Mahinang saad ko.

"Ano ka ba, deserve mo 'yan!" Queen comforted me.

"Oh, group hug na!" Dover said.

Gaya nga ng sabi niya, nag-group hug kami. Best group project, so far.

***

"Thean, pahiram ng lipstick!"

"Hermmy, curler mo nga."

"Rica, paayos nga ng buhok ko."

"Hensley, paabot nga ng brush."

"Yzza, pasuyo nga ng blush on ko sa pouch."

Tahimik ko lamang na pinapanood ang mga kaibigan kong busy sa pag-aayos ng kanilang sarili. Today is our pictorial kaya nagkakandaugaga sila na mag-ayos samantalang ako chill lang.

Wala rin naman akong alam sa pag-me-make up at wala rin akong balak na maglagay kaya bare face akomg magpapa-picture mamaya.

"Hoy mga muret! Si Yhetty! Sino mag-aayos sa kanya?" Tila nagpapanic na saad ni Dannie.

"Ano ka ba, Dan. Kahit 'wag na." I uttered boredly.

"Ay hindi pwedeng hindi!" Biglang sumulpot si Hermmy sa harapan ko dala-dala ang mga make-up kit niya.

"Tama! Mag group picture pa tayo mamaya!" Saad ni Thean.

"Tawagin ko mamaya sila Charlotte para kasama natin sila sa picture." Ani Angie.

Napabuntong hininga na lamang ako at wala nang nagawa pa.

Nang matapos kaming mag-ayos, bumaba kami at nagtungo sa Gymnasium kung saan nagaganap ang pictorial. Gaya nang inaasahan ko, inulan na naman ako ng asar ng mga gago naming barkadang mga lalaki.

"Oh em gee! Yhetty, babae ka na ulit!" Excited na saad ni Beatrix.

"'Te, ikaw na talaga ang girl crush ko! Labidabs na kita!" Tili ni Charlotte at inilapit niya ang kanyang mukha sa pisngi ko, ambang hahalikan ako sa pisngi.

Tinulak ko ang mukha niya palayo at nandidiri siyang tinignan. "Tangina, tumigil ka nga, Charlotte. Kadiri ka. Saka wala akong balak na maging kabit." Inirapan ko siya.

Hinanap ko si Lexus at itinuro si Charlotte na nakayakap sa akin. "Lexus, kunin mo na nga 'tong girlfriend mong tuko!" Reklamo kona ikinatawa niya.

Isa-isa kaming tinawag para kuhanan ng litrato. Una ay nakasuot kami ng uniporme at toga. Sa pangalawang kuha ay nagpalit kami ng casual attire. Simpleng yellow off-shoulder dress lamang ang ginamit komg casual dahil tinamad na akong maghanap kanina. After the pictorial, nag-request sila Dannie sa photographer na mag group pictute kami. Hindi nawala ang kalokohan habang nagpi-picture kami.

"Kuya, last na po. Papicture kaming dalawa!" Request ni Xenus saka ako hinila.

"Teka lang naman, naneto." Reklamo ko.

Wala na akong magawa kundi ang ngumiti at mag-pose. Nang matapos ang pictorial ay kumain muna kami sa isang fast food restaurant.

***

Alas sais na ng gabi nang makauwi ako. Bumungad sa akin sila Mama at Papa na nakaupo sa sofa at may hawak na papel.

Kaagad silang napatayo nang makita nila ako.

"Yhetty, ano 'tong mga 'to?" Bungad ni Papa at ipinakita ang papel na hawak niya.

Kinabahan ako at napalunok nang makitang test papers ko 'yon na mayroong mababang marka.

"P-Pa...a-ano..." hindi ko magawang makapagsalita.

"Kaya ba hindi ka makapag with highest kasi mabababa lahat ng scores mo?" Ani Mama.

Napailing naman ako. "H-Hindi po..."

"Ide-deny mo pa, eh kitang-kita na, Harietth!" Sigaw ni Papa dahilan kaya napapikit ako. "Sa tingin mo 'yang 20 out of 50 ay makakakamit ng with highest?! Wala naman kaming ibang hiniling sayo 'di ba? Ang gusto lang namim ay maging una ka! Binigay namin sayo ang lahat pero hindi mo man lang kami magawang suklian!"

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Kagat labi akong umiling.

"Anak, intindihin mo naman kami ni Papa mo. Gusto lang namin na maging una ka...kahit 'yun lang maibigay mo sa amin. Bakit hindi mo gayahin kuya mo? Palagi siyang nasa una noon." Sabad ni Mama.

"M-Ma..." I can't find the right word to utter. I feel speechless.

Ang sakit. They expect too much from me. Anong magagawa ko kung hanggang dito lang ang kaya ko? I tried but still failed.

"With honor?! Hindi mo man lang ginalingan?! Kung with high baka kaya ko pang palagpasin pero honor lang?! Yhetty naman! 'Wag ka nang patanga-tanga!" Dagdag pa  i Papa.

"S-Sorry po...b-babawi a-ako, Papa." Humahagulgol na saad ko.

"Babawi?! Paano? Hindi ka na makakabawi, Yhetty!" Napagitla ako sa lakas ng boses ni Papa.

"S-Sorry, Papa. P-Pagod na p-po kasi ako." Saad ko.

"Pagod? Saan? Eh, nag-aaral ka lang naman! Paano naman kami na nagtatrabaho para makapag-aral ka?!" Pilit na pinapakalma ni Mama si Papa pero alam ko na mas nananaig pa rin ang galit nito.

Napayuko ako nang ibato niya sa akin ang mga papel na hawak niya.

"'Yan! Sayo na 'yang mga basura mong score!" By father spatted.

Ang sakit. Sobrang sakit.

They don't know the pressure I felt when I'm at school. They don't see my struggles and having mental breakdowns while overthinking. I can't even defend myself from the hurtful words that I receive from them.

I'm just a daughter in a strict family. Who only exist to make them proud. My parents are always dissappointed while I cry inside my room.

"I-I tried po..." I muttered.

"You didn't tried enough." Mom said.

It's draining.

"M-Ma...P-Pa...I-I'm sorry for dissappointing y-you..." I uttered. "God knows h-how I tried my best to m-make you all p-proud. God knows how m-much I suffer e-everyday just to a-achieve all y-your expectatios. A-And only G-God knows w-what I'm f-feeling right now. Ma, P-Pa...p-pagod na po ako. It's d-draining. G-Ginawa ko naman po ang b-best ko p-pero ganon pa rin."

I took a deep sighed and wiped my tears.

"I just realized t-that...tangina, nakakadrain 'yang expectations niyo! You wanted a perfect d-daughter but I failed! I'm not p-perfect. B-Bakit hindi niyo na lang tanggapin kung a-ano ako ngayon? Pagod na po ako. Pagod na pagod na ako. Minsan iniisip ko na lang na mamatay kasi pagod na akong abutin 'yang mga lintik niyong expectations! Pero h-hindi ko magawang magpakamatay kasi iniisip ko kayo! H-Hindi ko kayo kayang iwan kasi mahal na mahal ko kayo! Kayo ang pinili ko. And here I am, suffering because I choose to live with my parents." I cried even louder.

"I-In order to live with you, I n-need to suffer like this. S-Sana pinili ko na lang na mamatay."

After saying those words, I ran away. Ran away from home...no, from hell. Finally, I ran away from hell. And I don't want to come back anymore.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top