CHAPTER 19

CHAPTER 19

"Yhetty, thank you sa lahat ng ginawa mo ngayon. I won't forget all the kindness that you showed me. I will be forever grateful." Selenn held both of my hands.

I chuckled. "Ano ka ba, it's nothing. Really." I answered.

"I just realized that you're quite famous." Aniya na nagpalito sa akin.

"What do you mean?"

"I just realized that you were kind of famous in our department." She smiled.

Malakas akong napatawa. "Me? Famous? As if." I snorted.

"Sikat ka nga," tumatawang saad niya. "You're famous for being the prettiest masungit na nerd sa department natin. Naririnig ko lang din sa mga kaibigan ko."

"Nerd talaga? Sabagay." Nagkibit balikat ako. "Pero duh, I ain't pretty. I'm pogi." I joked.

Natawa naman siya. "Ikaw bahala. But anyway, thank you again, ah. I need to go home na rin 'cos my parents are already looking for me. They're kind of...strict, you know."

"Ingat ka."

Selenn hugged me before parting ways. Dumiretso na ako sa school at wala sa sariling naglakad-lakad.

Ni hindi ko namalayang nagtugo na pala ako sa pinakadulong building ng campus.

Sa pagkakaalam ko ay building ito ng junior high. Umikot ako sa likod at naupo ako sa isang matigas concrete.

Pagkapwesto ko pa lamang ay sunod-sunod nang inakupado ng mga sari-saring problema, sakit, at mga iisipin ang utak ko hanggang sa hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong napaiyak.

It's hard. Pagod na pagod na ako. Gusto ko namang magpahinga. I'm too exhausted with everything.

My family who always have high expectations from me.

Ang sakit. Nakakadrain. Nakakapagod. Ayoko na.

Ni minsan hindi nila tinanong kung kaya ko pa ba. Puro na lang grades ko ang sinasadya nila.

Ma...Pa...I'm tired.

I'm sorry pero hindi ko na kayang mapantayan ang expectations niya.

Palagi na lang na mas magaling ang iba sa akin. When will I ever be enough? Gusto ko lang tanggapin nila kung ano ako ngayon. Hindi na ako 'yung gaya ng dati...na perpekto.

Life isn't perfect.

Madalas napapaisip na lang ako na "What if hindi na lang ako pinanganak? Mararanasan ko ba lahat 'to?"

But nah, this life is amazing kahit na unti-unti akong pinapatay ng pressure at expecatations nila sa akin.

Despite all of these, I still found my haven. My friends. They have a special place in my heart.

Without them...baka matagal na akong sumuko. Baka matagal na akong nawala sa mundo.

***

A/N: the scenario below happened after the prologue.

When Xenus and Samantha left, muling tumahimik ang paligid ko. And once again, I felt like crying. Pakiramdam ko nag-iisa ako.

Yes, I have friends. A lot, actually, but still, I can't tell them. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanila. Natatakot ako na nahihiya. I can't even understand myself.

Maybe mas better na i-keep ko na lang itong nararamdaman ko. I'll move on eventually. At isa pa...ayokong may masirang relasyon. Xenus and Samantha looked happy now. And they're a perfect pair, I can't afford to ruin what they have.

Ilang minuto pa akong nagmuni-muni bago inayos ang sarili. I stood up and grabbed my things then suddenly, someone grabbed my arm.

"Yhetty, nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap, akala ko sumunod ka sa amin kanina."

Tinaasan ko siya ng kilay. "And why would I, aber? Malay ko ba kung magde-date kayo, Xenus. Never in my life wished that I would witness a cringey date. At mas lalong ayoko maging third wheel!" I snorted.

Buti naisipan akong balikan nito.

Napakamot naman siya ng kanyang ulo. "'Di kami nag-date, tanga! Tinulungan ko lang siya kasi 'yung kaibigan niya biglang hinimatay." He explained.

Humalukipkip ako at mataray siyang tinignan. "Oh, eh, anong pake ko?"

Gaya ng inaasahan ko, tumawa lang ang gago. "Asus, tampo ka lang kasi 'di natin natapos pag-da-drama mo."

"Tigil-tigilan mo nga ako, Xenus." Sinimangutan ko siya. "Doon ka na nga kay Samantha, lintik ka!"

"Selos ka lang, eh." Kinurot niya ang ilong ko.

Talagang nagseselos ako! Pakyu!

Pinaghahampas ko ang kamay niya habang nagpupumiglas. "Kingina, Xenus! Ang shakit! Ano...ba!"

Mabuti na lang at bumitaw din siya. Ramdam ko ang pagkirot ng ilong ko dahil sa pagkurot niya. Paniguradong namumula rin ito.

I glared at him and kicked his hip but unfortunately, nakaiwas ang gago.

"'Wag ka ngang naninipa, nakaskirt ka pa, eh. Baka masilipan ka." Aniya.

Umirap ako at dinampot ang bag ko bago nagmartsa paalis.

"Bahala ka sa buhay mo, letse! Maghanap ka na ng bago mong kaibigan!" Naiinis na sigaw ko habang naglalakad palayo. I raised my middle finger in the air and added, "Fuck you! Go to hell, you fucking dimwit!"

"Hoy, teka, hintayin mo ako!" Rinig kong sigaw niya pero patuloy lamang ako sa paglakad.

Bahala ka sa buhay mo. May pasabi-sabi pa na makikinig siya tapos isang tawag lang ni Samantha, lintik na gago bigla akong iniwan!

Halos mabuwal ako nang bigla akong dambahin ng hunghang. Mabuti na lamang at kaagad kong nabalanse ang katawan ko.

"Punyeta, Xenus!" Nanggigigil kong saad.

"Ito naman, oh. Highblood agad." Nakangusong usal niya.

"Sinong hindi maha-highblood sayo?" Kunot noong saad ko. "Nakakainis ka talaga!" Mas binilisan ko ang paglalakad pero pilit pa rin siyang nakakahabol.
Ang laki ba naman ng biyas niya.

He glanced at me and cocked his head. "Huy, inis ka na talaga n'yan?" Kinakalabit niya ako.

Iwinaksi ko ang kamay niya at galit siyang tinignan. I couldn't contain my emotions anymore.

Putangina, naiinis ako! Naiinis ako sa maraming bagay. Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako kasi nagseselos ako! Naiinis ako dahil alam komg wala akong karapatan na magselos pero nararamdaman ko pa rin ang lintik na emosyon na 'to. Naiinis ako kasi nasasaktan ako! Naiinis ako dahil kahit anong gawin ko, alam ko sa sarili ko na hindi ako kayang mahalin ni Xenus gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

"Lintik na 'yan! Xenus, pwede ba? Utang na loob! Tigilan mo muna ako! Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sayo. Naiinis ako sa mga nangyayari. Naiinis ako sa lahat!" I burst out. Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. "Kaya please...utang na loob, manahimik ka muna." I said, almost begging.

Tangina, pagod na ako.

"Harietth..." pagtawag niya sa pangalan ko. Akma niya akong hahawakan pero umiwas ako. Alam ko sa sarili ko na kapag nahawakan niya ako, lalambot na naman ako. Gusto ko munang mapag-isa.

"Please, pabayaan mo muna ako. K-Kung gusto mong m-makipagkulitan, humanap ka muna ng iba." Halos pumiyok na saad ko. "P-Pagod ako ngayon..."

I'm mentally and physically tired as fuck.

Xenus grabbed and embraced me. I felt his warm body. And in an instant, I cried in his arms again.

"Sorry, Yhetty. Makikinig naman talaga sana ako sa rants mo kanina k-kaso tinawag ako ni Samantha, eh—" I cut him off.

"—Okay lang, a-ano ba." Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko na nagkalat sa pisngi ko. "S-Si Samantha 'yun, eh. Nililigawan mo. I'm just your friend...I-I can rant with somebody n-naman."

He cupped my face. "Yhetty, best friend kita. And Samantha...she's a friend too. Pero mas importante ka. It's just that, I panicked." He sighed.

Naguluhan ako sa sinabi niya. "A-anong friend mo lang siya? Nililigawan mo siya 'di ba? Ulul ka!" I slapped his chest.

"Kanina...tumigil na ako sa panliligaw sa kanya." Aniya.

"What? Why?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.

"Naliwanagan na ako." Ngiting saad niya.

My heart suddenly raced. I looked away and bit my lower lip.

"Nababaliw ka na talaga." Tanging komento ko na lang.

Ginulo niya ang buhok ko sabay sabing, "And don't ever compare yourself to someone else. Mas importante ka dahil special best friend kita."

Yeah, right. Friend. Tanginang salita 'yan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top