CHAPTER 17

CHAPTER 17

Finally, it's alreaady my birthday, April 02. Naging maganda naman ang mga nangyari noong mga nakalipas na buwan.

During Valentine's Day, nagulat ako nang makatanggap ako ng mga regalo mula sa ibang mga lalaki na hindi ko naman kilala, confessing that they liked me for a long time now. It made my heart warm but unfortunately, I had to reject them because I already like someone else. Manhid nga lang ang tanga.

Inulan naman ako ng tukso ng mga kaibigan ko nang ma-witness nila ang pagbigay sa akin ng mga regalo. Kahit sa dami ng natanggap ko na sweets, flowers, at regalo, hindi ko pa rin maiwasang maging bitter.

Paano ba naman, sa harapan pa talaga namin naglandian ang hinayupak na Xenus at ang nililigawan niyang si Samantha.

During the month of March, wala naman kaming gaanong ginawa. Bukod sa tinambakan kami ng mga teachers namin ng mga projects, nai-deploy din kami sa mga government offices para sa Work Immersion namin. Isa sa mga requirements para maka-graduate kami. 10 days ang kailangan naming kumpletuhin para pumasa kami sa subject na 'yun.

Nakaka-miss nga lang ang work place ko. Lalo na ang mga bata na nakasama ko. Sa isang elementary school kasi ako nai-deploy, samantalang sa mga opisina ang iba.

Nakakalungkot nga lang at ilang buwan na lang ay bakasyon na. We will soon become college students.

Pero nakakatuwa dahil dahil magkakasama kaming ga-graduate. Marami ring nagbago sa schedule ng school ngayon. Lalo na ang instramurals. Imbes na by November 'yun magaganap, naging May naman, which is next month.

Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan kaya hindi ako sumasali sa mga competitions like: battle of the bands, pageant, cheer competition, and sports. May mga booths din naman kagaya nang nangyari last year pero nanatili lang ako sa loob ng classroom. I'm not fan of those things.

Matapos kong mag-ayos ng sarili, dinampot ko ang bagpack ko at isinukbit sa kanang balikat at inabot naman ang cellphone ko gamit ang kaliwang kamay. Sumulyap ako sa wrist watch ko.

"Shoot!" Bulalas ko nang makitang alas syete na pala. 30 minutes na lang ay male-late na ako.

Nagmamadali akong bumaba para magtungo muna sa kusina para magpaalam sa mga magulang ko.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa kusina nang maabutan ko sila Mama, Papa, Kuya Josh, at Ate Agatha na nakatayo sa sala at nakaharap aa hagdanan, mukhang hinihintay nila ako.

"A-Anong ginagawa niyo d'yan?" Naguguluhang tanong ko.

"Happy Birthday, bunso!" Sabay sabay nilang bati sa akin.

Nangingilid ang mga luha ko silang tinignan. "T-Thank you po," I said with a smile.

"Make a wish a blow your candles na, bunso." Lumapit sa akim si Kuya at ipinakita ang chocolate cake na hawak niya.

Pinunasan ko naman ang mga butil ng luha na tumulo mula sa mata ko saka pumikit at nag-wish.
I wish for good health and blessings this year.

Matapos kong mag-wish, idinilat ko ang mga mata ko saka hinipan ang kandila.

Nagpalakpakan naman sila Mama.

"Wish ko na sana maging better si Yhetty ngayon sa studies niya! At hindi na with honor lang! Sana with highest na siya ngayong third quarter!" Masiglang saad ni Mama.

Natahimik naman ako nang marinig ko 'yun. Hanggang ngayon ba hindi pa rin sila nakakamove-on sa resulta ng second quarter namin, which is with honor pa rin.

"Tama. Sana mas pagbutihin mo pa, Yhetty. Sana rin mas tumalino ka na." Dagdag pa ni Papa.

Kuya hissed. "Ma, Pa, tama na."

"Bakit? Wala naman kaming masamang ginagawa, Josh." Naguguluhang ani Mama.

"Tita, you're pressuring Yhetty." Sabad naman ni Ate Agatha.

"Hindi namin siya pinepressure, hija. We just want the best for her. Right now, she isn't the best." Sagot naman ni Papa.

"Ma, Pa, pwede ba? Hayaan niyo na munang i-enjoy ni Yhetty ang kabataan niya? Don't pressure her too much. And stop wishing for more best because she's already the bestest she can ever be." I was relieved because of Kuya's word.

Finally, pakiramdam ko din ay mayroon akong kakampi. Ilang saglit kaming pinalibutan ng katahimikan nang tumikhim si Ate Agatha.

"Happy Birthday, Yhetty. Pasensya na at aalis kami ng Kuya mo ngayon," Mahinhing saad ni Ate Agatha. "Ito nga pala ang regalo namin para sa'yo." May iniabot siya sa akin na paper bag.

"Salamat, Ate!" Masayang saad ko. Ipinatong ko muna ito sa sofa. Bubuksan ko na lang mamayang pag-uwi ko.

"Happy Birthday, anak." Niyakap ako ni Mama.

"Happy Birthday, Harrieth." Ginulo naman ni Papa ang buhok ko.

"Salamat po."

"Dalaga ka na, anak. 18 years old ka na. Pasensya ka na at hindi ka nakapag-debut ngayon. Hindi kasi namin maasikaso ni Papa mo kahit simpleng selebrasyon dahil uuwi din kami sa probinsya natin ngayon." Malungkot na sabi ni Mama.

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil birthday ko ngayon pero wala sila. Napabuntong hininga na lamang ako at pilit na ngumiti.

"Ayos lang po, Mama." Tanging sagot ko na lamang.

"Ito nga pala ang regalo namin sayo, 'nak." Mayroong iniabot si Papa na paper bag. Wala pa akong balak buksan ito kaya ipinatong ko muna ito sa sofa katabi ng regalo nila Kuya.

Sunod namang iniabot sakin ni Mama ang isang puting sobre. "Use this money, anak. Go, treat your friends."

Sinilip ko ang laman ng sobre at nanlaki ang mga mata ko nang umabot ito sa sampung libo.

"P-Pero..." hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko nang itulak ako ni Mama papalabas ng bahay.

"Tama na ang puro pero! Pumasok ka na, male-late ka na, oh!" Aniya.

Saka ko lang napansin na 7:15  na pala nang dumapo ang tingin ko sa wrist watch ko. Kumaripas ako ng takbo papunta sa paradahan ng mga tricycle saka nagpahatid sa school.

***

Mabuti na lamang at hindi ako na-late dahil nakakahiya naman kapag mismong ang secretary ang na-late. But speaking of secretary, hindi nga pala ako ang nag-che-check ng attendance.

Naging trabaho na ni Ash ang pag-che-check ng attendance dahil sa dami din ng ginagawa ko. Madalas kong samahan si Angie at Hermmy kapag may inuutos si Ma'am kaya hindi ko na magawa ang obligasyon ko. Madalas ko ring tulungan ang treasurer namin na maningil ng scholl fees dahil mga tarantadong kuripot ang mga kaklase namin.

Kung hindi ko pa tatakutin, hindi rin magbabayad.

Kagaya na lamang ngayon, sapilitan kong sinisingil ang mga kaklase ko para sa bayad nila ng t-shirt na gagamitin namin sa intrams. Actually dapat last week pa ito nasingil kaso mga kuripot at pala-rason ang mga kaklase ko kaya kakaunti pa lang ang nasingil.

Masyado naman kasing mahiyain ang treasurer namin kaya no choice, kundi tumulong na lang ako. Sa lahat ng officer, ako ang pinakakinakatakutan nila, especially boys kasi amazona daw ako kung magalit.

Mga gago talaga.

"Tangina, magbabayad kayo o sasapakin ko mga mukha niyo?" Napipikon na saad ko sa mga lalaking nakaupo sa likod.

Nakapamaywang ako sa harapan nila at salubong ang dalawang kilay ko silang tinitignan.

Napakamot naman sa ulo si Alexander. "Wala kaming pera ngayon, Yhetty. Naubos." Ngiwing saad niya.

"Sige, ako muna ang magbabayad ng fees ninyo pero kapag magbabayad kayo ng utang niyo sa akin dapat five times na." Ngising aniko.

Napabusanggot naman ang mukha ng mga unggoy at wala nang nagawa kundi ang magbayad.

"Kinginang 'yan, ganyan na pala ngayon ang walang pera. Ang kakapal ng laman ng mga wallet niyo. Kung isampal ko kaya sa inyo 'yan isa-isa?" Komento ko habang kinokolekta ang mga bayad nila.

"Dami pang reklamo't kineme, magbabayad din naman pala." Bulong ko habang papaalis sa pwesto nila.

Nang sumapit ang hapon at natapos na ang klase namin, inaya ko munang gumala sa isang mall malapit sa school ang mga kaibigan ko.

Nagulat nga rin ako nang bigyan nila ako ng mga regalo pero tinanggap ko na lang 'yon at nagpasalamat. The class even sang a birthday song for me.

"Mukhang mapaparami kain ko nito ngayon, ah. Libre, eh. " Ngising saad ni Xenus habang naglalakad kami papasok sa Mall.

As usual, kami na namang dalawa ang nahuhuli. Nakakapagtaka nga lang kung bakit palaging nahuhiling naglalakad si Xenus kapag magkakasama kami. Mahahaba ang mga biyas niya at mabilis din maglakad. But then, I remembered, ako lang pala ang mabagal sa amin. Maybe sinasabayan niya lang ako.

"Palagi ka namang maraming kinakain, gago." Sabi ko.

"Oh, e'di wow. Paki ko?" Tanging sabi niya na lang.

"Paki ko rin?" Ganti ko. "Nga pala, si Samantha? Nasaan na siya?" Tanong ko.

I also invited her. Nakakahiya naman na hindi siya imbitahan dahil madalas na rin namin siyang nakakasama simula nang ipakilala siya aa amin ni Xenus.

But I still don't like her. I mean, she's kind and all but I just don't like it when she's hanging out with us. Pakiramdam ko masyado siyang feeling close at overreacting or maybe is it just me? But still, I'm trying my best naman na pakisamahan siya lalo na't nililigawan siya ng bestfriend ko.

Napapansin ko rin na simula nang pormal siyang ipakilala sa amin, madalang na lang sumama aa amin si Xenus pero madalas namin silang nakikita sa loob at labas ng campus. Palagi pang nakayapos si Samantha sa braso ni Xenus.

Sabagay, may something na sa kanila, eh. Kaya normal lang na may privacy sila. Pero hindi naman ganyan sila Charlotte at Beatrix na may jowa. Ay, ewan. Bahala na.

"Ah, papunta na daw siya. Kasabay niyang pupunta ang mga kaibigan niya dito pero hihiwalay din siya mamaya. Mag-cha-chat na lang daw siya sa akin kung susunduin ko siya sa entrance." Sagot ni Xenus.

Napaismid ako. Susunduin pa kung may paa naman siya na maglakad papasok ng mall.

Tumango ako sa kanya. "Buti nakasama ka samin ngayon. Palagi kasi kayong busy ni Samantha." I tried to sound normal para hindi niya mahalata ang bitterness sa boses ko.

"Actually dapat may date kami ni Samantha ngayon kaso nag-aya ka, eh kaya sumama na lang kami." He uttered while chuckling.

Sikreto naman akong napairap. "E'di sana, hindi na lang kayo sumama. It should be your date ngayon. Nakakaistorbo pa 'ata ako, sorry." I tried to sound worried as much as possible. But I intend to be sarcastic.

He patted my head. Syempre, birthday ng bff ko, eh. I wouldn't miss it for the world." He winked at me. "

Pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya dahil ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.

"S-Siraulo." I uttered while pouting, trying to suppress my smile.

Simpleng kainan, kwentuhan, kulitan at paglalaro lang sa arcade ang ginawa namin. It was fun. Masaya ako na kahit simple lang ang naging selebrasyon ng kaarawan ko, nag-uumapaw naman ang saya ang naibigay nito sa akin.

But everytime na dadapo ang tingin ko kila Samantha at Xenus, hindi ko maiwasang mairita at mapasimangot.

Tangina, lakas ng loob maglandian sa harapan ko. Respeto, oh! Birthday ko! Mga yawa!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top