CHAPTER 15
CHAPTER 15
"Anak, kamusta ka d'yan?" My mom asked as soon as I answered her call, a video call.
Hinawi ko ang buhok ko na kumalat sa mukha ko. "I'm fine, Ma." Humikab ako.
"Kagigising mo lang ba?" Tanong niya.
Pumipikit-pikit akong tumango. Kinusot ko ang mga mata ko.
"Sorry to disturb your sleep, anak. I just want to check on you." There's a hint of worry in her voice.
"I'll be fine, Mama." Paninigurado ko.
Bumuntong hininga si Mama. "Kung hindi lang talaga namin kailangang pumunta dito kila Lola mo baka kasama ka naming mag-new year ngayon."
Oo nga pala. Mag-isa lang pala ako ngayon sa bahay. Pinauwi kasi ni Lola sila Mama sa Batangas dahil mag pag-uusapan daw sila. Mas pinili ko na lang na hindi sumama dahil ayoko na namang masira ang new year ko gaya nang nangyari sa pasko ko.
"What if bumyahe ka na lang kaya ngayon pa-Manila para makasama mo Kuya mo?" Suggestion ni Mama.
"Mama, ang layo. Saka alam niyo namang mahina ako sa byahe." Ngiwing saad ko.
"Pero mag-isa ka lang d'yan." Nag-aalalang aniya.
"Ma, don't worry. Inimbitahan ako ni Charlotte sa bahay nila. Doon ko na lang daw salubungin ang bagong taon aa bahay nila. Kasama naman po namin ang parents niya."
Tumayo ako at inayos ang higaan habang nakikipag-usap pa rin kay Mama.
Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin. Kaagad ding nagpaalam si Mama kasi tinatawag na sila ni Lola. As soon as the call dropped, I immediately saw the time.
It's already 1 p.m.
"Fuck! I overslept, damn it!" Nagmamadali akong nagtungo sa banyo at mabilis na naligo.
By 4 p.m. ako susunduin ni Charlotte kasama ang kapatid niya. Sasamahan ko daw kasi silang bumili ng ibang rekado na nabili noong nag-grocery sila.
Sa totoo lang, nakakahiya na makikisali ako sa pagsalubong nila sa New Year. Pero dahil mapilit si Charlotte ay wala na rin akong nagawa. Sinama pa talaga niya ang Mama niya para makumbinse ako, nakakahiya namang tumanggi.
Kaya bilang bawi, plinano kong tumulong na lang sa paghahanda mamaya.
I just wore a simple loose white shirt na may kaunting design and paired it with a black jagger pants. I tied my hair in a tight bun and fixed my baby hairs, na naging bangs na.
I packed my outfit that I will use later, sa New Year. Kumuha na lang ako ng isang maxi length denim skirt at sleeveless knitted white shirt. Dinala ko na din ang natanggap kong cute white and pink high cut na sapatos noong nag-exchange gift kami during Year-End party.
My friends also gave me bunch of gifts. Pero ang pinakapaborito ko ay ang ibinigay sa akin ni Xenus na light blue hoodie.
Of course, I'm being bias right now! Duh.
Binigyan ko rin sila ng regalo pero halos lahat ay mga damit. Of course galing 'yung iba sa shop perp binayaran ko naman.
Nagdala rin ako ng ternong pajama, in case na doon ako matutulog. Wala naman akong plano. But knowing Charlotte? Hindi papayag 'yon.
Hindi nagtagal ay dumating na rin sila Charlotte. Dumiretso muna kami sa grocery store para mamili.
Naiwan na ang kapatid ni Charlotte sa sasakyan kaya kaming dalawa lang ng kaibigan ko ang mamimili. Binigyan naman ako ni Kuya Crissian ng listahan ng mga bibilhin dahil alam niyang nakalimutan ni Charlotte ang mga dapat na bilhin.
While shopping, kung ano-ano naman ang dinadampot ni Charlotte kaya madalas ay hinahampas ko ang kamay niya. Puro ba naman junkfoods at chocolates ang kinukuha.
Nang makabalik kami, natawa si Kuya Crissian nang makitang nakasimangot si Charlotte.
"What happened to you, lil' sis?" Natatawang tanong ni Kuya.
"Hinampas ako ni Yhetty, Kuya!" Ngawa ni Charlotte.
Napairap naman ako. "Kung ano-ano kasi ang dinadampot mo. Wala naman sa listahan ang junkfoods at chocolates." I said.
While driving, patuloy na inaasar ni Kuya Crissian ang kapatid niya. Hindi naman magawang gumanti ni Charlotte dahil nagda-drive si Kuya.
Napakunot ang noo ko nang mapansing ibang direksyon ang pinupuntahan namin.
"May pupuntahan pa ba tayo?" Hindi ko na mapigilang magtanong.
Ngisi naman akong nilingon ni Charlotte mula sa passenger seat.
"Susunduin natin si Beatrix."
"Ha?" Naguguluhang tanong ko.
"Kasama kasi natin siyang mag-new year!" She exclaimed happily. "Actually, lahat ng kaibigan natin."
Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng tuwa.
Lahat? So it means, kasama si Xenus? Oh my...
Pakiramdam ko lumundag ang puso ko sa tuwa nang marinig ko ang sinabi ni Charlotte.
But I wonder..."Mabuti pinayagan sila?"
Masayang tumango si Charlotte. "Syempre! Pinaalam ko sila, eh. Saka kinunsaba ko mga magulang ko!" Tila proud na aniya. "Mabuti na nga lang kakilala nila Mommy 'yung mga magulang ng iba."
"Well, that's good." Tumatangong saad ko.
"By the way, Yhetty. 'Wag kang mahihiya sa bahay, ah? Feel at home." Mula rearview mirror ay ngumiti si Kuya Crissian.
I gave him a warm smile and asnwered, "Opo, Kuya. Thank you."
Nang makarating kami kila Beatrix, naabutan namin siyang nakatayo malapit sa gate nila habang palinga-linga.
Binuksan ko ang pintuan na nasa tabi ko saka siya malakas na tinawag.
"Beatrix!" I shouted her name, feeling excited.
Her eyes widened and ran towards us. Pagkapasok niya sa sasakyan, kaagad na nagtilian sila Charlotte at Beatrix dahilan kaya mapangiwi si Kuya Crissian sa ingay. I just smiled.
"Oh my gosh, na-miss ko kayo!" Tili ni Beatrix saka ako niyakap.
"Na-miss ka din namin." Sagot ko.
Bumitaw siya sa yakap saka sumulyap sa kanyang cellphone. "By the way, mamayang 7 p.m. pa daw pupunta ang iba." She informed us.
"Oh! Let's have pajama party!" Na-e-excite na saad ni Charlotte.
"Great idea!" I agreed, feeling excited as well.
I'm sure this is gonna be fun!
***
Pasado alas dyis na nang matapos maluto lahat ng handa. Marami-rami din 'yon lalo na't marami kaming bisita nila Charlotte.
Kitang-kita ang tuwa sa mga mata ng magulang ni Charlotte dahil napuno ng ingay ang bahay nila.
Tanging ako, si Beatrix, Angie, Thean, Rica, at Yzza lamang ang tumulong kay Tita Carolina sa pagluluto. The rest, mga pabigat sa kusina kaya hindi na namin pinatulong pa.
"Grabe, napagod ako. Pero enjoy naman." Saad ni Thean habang naghuhugas ng pinggan.
"Pasensya na kayo, girls. Wala kasi 'yung iba naming katulong ngayon." Malumanay na saad ni Tita Carolina.
"Na'ku, Tita. Wala po 'yun. Masaya naman po kami." Angie replied.
"Small things, Tita." Beatrix also replied with a wink.
"Si Rica din for sure nag-enjoy. Taga-tikim ba naman ng putahe pagkatapos maluto." Ngising komento ni Yzza.
Sumimangot naman si Rica. "Taste test kasi muna bago ihanda. Baka mamaya kulang sa timpa." Depensa niya.
Naiiling na lamang ako at dumiretso aa pwesto ni Tita Carolina saka walang pasabi na niyakap siya.
"Thank you po, Tita. Thank you for letting us celebrate the New Year here at your house. And pasensya na po kung magulo kami." I sincerely uttered.
"Ay jusmiyo ka, ano ka ba! Kaibigan kayo ng anak ko kaya parang anak na rin ang turing ko sa inyo. Wala ito. Masaya nga ako kasi nagiging maingay na din ang bahay. Masaya din ako na naging kaibigan kayo ni Charlotte." She caressed my hair.
Bumitaw ako sa yakap. We tidy the kitchen first bago kami inutusan ni Tita na mag-ayos na dahil ilang oras na lang ay mag-a-alas dose na.
Saktong paglabas namin ng kusina, kaagad akong hinila ni Dannie at Hermmy sa kwarto ni Charlotte. Nagtataka ko naman silang tinignan.
"H-Hoy, t-teka. Anong g-gagawin natin?"
Medyo kinakabahan naman ako dahil pakiramdam ko alam ko na ang gagawin nila sa akin.
"Make over time!" Magkasabay na sagot ng dalawa.
Nanlaki ang mga mata ko at nagsimula nang magpumiglas. I tried shouting every name of our boy friends but they we're just laughing their fucking ass off.
Nakangiti namang sumunod sa amin ang ibang girls kaya wala na akong nagawa.
Oh, God. Please help me.
***
Matapos akong maayusan, nakasimangot akong nakatingin sa full body length mirror.
I stared at myself, still feeling annoyed about my outfit. Hindi ako komportable sa totoo lang pero pinagbigyan ko na lang ang mga kaibigan ko. New year naman, eh.
"Damn it!" I exclaimed.
Nahinto naman sa pag-aayos ang mga kasama ko at napatingin sa akin.
Tinaasan ko sila ng kilay when they burst out laughing.
"Ang ganda mo, Yhetty." Pang-uuto nila.
Umirap na lamang ako at muling ibinalik ang tingin sa salamin.
I look pretty but hell I don't like this!
Nakasuot lang naman ako ng isang 3 inches above the knee black skirt na galing pa kay Charlotte. Pinahiraman din ako ni Hermmy ng white long sleeve na polo para pang top ko. Rica also let me borrowed her red longsleeve na ipinatong ko sa dalawang balikat ko at itinali.
Sinuot ko na lang din ng dala kong sapatos at nilugay ang buhok ko. I didn't bother putting any make up on. Lipstick, mascara, at foundation lang ang inilagay sa akin ni Hermmy para naman daw hindi ako magmukhang maputla.
I sighed. Kaya ayoko magkaroon ng mga event, eh.
Too much for celebrating New Year.
***
"3...2...1! Happy New Year!"
Napuno ng sigawan ang backyard nila Charlotte nang sumapit ang alas dose. Nagpalitan kami ng batian at asaran nang mga oras na 'yon.
"Hensley, talon!"
"Hermmy, tumalon ka na din!"
"Hoy, magbago na kayo!"
"Sana maging matino na kayo ngayong taon."
"Aray ko, tangina sabi ko talon hindi tapakan ang paa ko!"
I smiled as I stare at my friends while holding a glass of orange juice with my right hand.
I look at the bright night sky. Napuno ito ng mga makukulay na fireworks.
I closed my eyes as I wish for a better year.
Happy new year. Sana ganito pa rin. Sana walang magbago.
"Happy New Year, bff!"
Napadilat ako nang wala sa oras nang may marinig akong pamilyar na boses na papalapit sa pwesto ko.
"Happy new year," I greeted back with a soft smile.
Xenus offered me a barbeque and I happily accepted it.
"Thank you," Maikling saad ko.
Tumango lang siya. "Nga pala, ano pala ang new year's resolution mo?" Tanong niya.
"Curious yarn? Secret nga. " Pang-aasar ko.
Sumimangot naman siya. "Epal mo naman. Sabihin mo na! Pasecret-secret ka pa, sus. Peymus yan? Peymus?" Ganti niya.
Natawa naman ako saka siya hinampas sa braso. "Tangina mo!"
"Sabihin mo na kasi, ano nga?" Pagpupumilit niya.
Napaisip naman ako. Ano nga ba ang new year's resolution ko? Actually wala. Pero hindi tumatanggap si Xenus ng sagot na wala.
I sighed. "New years resolution ko ay hindi na magiging masungit at highblood."
Malawak siyang napangiti. "Sus, aasahan ko 'yan, ah!" Aniya saka tumakbo sa pwesto ng iba at Mukhang pinagsabi pa niya sa iba naming kaibigan ang sinabi ko.
Napailing naman ako ng wala sa oras.
It was actually a joke pero malay natin, magawa ko. Hindi naman masamang mag-try.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top