CHAPTER 14

CHAPTER 14

Naging masaya ang year-end party namin. Napuno ng sigawan, tawanan, sayawan, at kantahan ang buong classroom.

Kakatapos lamang naming kumain at maglinis. Nakauwi na rin ang iba naming kaklase dahil mag gagabi na rin. Pasado alas singco na rin kasi nang matapos na ang year-end party namin.

Naiwan pa rin kaming magkakaibigan sa loob ng classroom kasama si Ma'am Jonna.

Nagkakantahan pa ang mga kaibigan ko kasama si Ma'am Jonna samantalang ako ay tamang nood na lang sa kanila habang tumatawa sa kalokohan ng mga kasama namin.

Nandito rin sila Charlotte sa classroom namin. Maaga kasing natapos ang sa kanila kaya dito naman sila nakigulo sa amin.

Patuloy lamang sila sa pagkanta hanggang sa ibang lyrics na ang binabanggit nila.

"Kung si Charlotte mag-aasawa, ang pipiliin niya." Kanta ng iba.

"Ang pipiliin ko," kinanta rin ni Charlotte. "Si Lexus Garcia."

Pinaulanan naman namin siya ng tukso kaya tawa lang sila ng tawa.
"Garcia siya, Garcia din ako. Ikakasal kami. Ikakasal kami at gagawa ng aming baby." Pagkanta pa ng gaga.

Sumunod naman si Thean na katabi ni Charlotte.

"Kung si Thean, mag-aasawa, ang pipiliin niya." Pagkanta namin.

"Ang pipiliin ko, ay anak ng karpintero. Pokpok ako, customer siya. Maglandian kami. Maglandian kami, hanggang hating gabi." Tumawa si Thean. "Hoy, joke lang 'yon!"

Pinagpatuloy namin ang pagkanta.

"Kung si Ashton, mag-aasawa. Ang pipiliin niya."

Mayabang namang kinanta ni Ashton ang entry niya. "Ang pipiliin ko, ay si crushiecakes. Crush niya ako, crush ko rin siya. Nag-crushback-an kami. Nag-crushback-an kami pero olats pa rin."

Natawa kami dahil na-gets namin ang sinabi niya. Kawawang Ash, nabasted.

"Kung si Hermmy, mag-aasawa. Ang pipiliin niya." Kanta namin.

"Ang pipiliin ko, si Dabid ng kabilang section." Nagsigawan kami at umakto pa siyang kinikilig. "HUMSS 4 ako, HUMSS 5 siya, pareho kaming HUMSS. Pareho kaming HUMMS. Gaya ni Ashton, olats pa rin." Mas lalong lumakas ang tawanan namin.

"Kung si Arvy, mag-aasawa. Ang pipiliin niya." Mas lumakas ang pagkanta namin.

"Ang pipiliin ko, ang bebe ko ngayon." Ngising saad niya. "Bebe ko siya, bebe niya ako. May bebe time kami. May bebe time kami, hanggang hating-gabi."

Pati adviser namin ay tumatawa na lamg din sa kalokohan nila. Nagpatuloy na gano'n ang kinanta namin hanggang sa ako na ang sumunod.

"Kung si Harrietth, mag-aasawa. Ang pipiliin niya."

Napangisi ako. "Ang pipiliin ko ay AFAM galing ibang bansa."

Saglit kaming huminto sa pagkanta dahil pati ako natawa sa sinabi ko.

Where did I get that?

"AFAM talaga?" komento ni Ma'am.

"Kusang lumabas, Ma'am." Sagot ko naman.

"Ay, bet ko 'yang AFAM." Pagsali ni Dannie.

"Ulit, ulit." Saad ni Ash.

"Kung si Harrietth, mag-aasawa. Ang pipiliin niya." pagkanta ulit nila.

"Ang pipiliin ko, ay AFAM galing ibang bansa." Pigil tawang pagkanta ko. "Sugar daddy siya, baby niya ako. Yayaman ako. Yayaman ako, dahil sakin na ang kwarta niya."

Nauwi kami sa malakas na tawanan at hindi na nasundan ang nakakalokong kanta.

Alas sinco trenta na nang muli naming napagdesisyunan na kumain ulit. Bago kami umuwi, pilit akong pinapakanta ni Ma'am dahil halos lahat sila kumanta na samantalang ako tamang upo lang sa isang gilid.

"Ma'am, hindi pp talaga ako magaling kumakanta." Halos maiyak na saad ko.

Marunong akong kumanta pero hindi ako gano'n kagaling.

Niyakap ni Ma'am Jonna ang braso ko at pilit pinapahawak sakim ang mic. "Dali na, Yhetty. Minsan lang naman. Go na, Miss Secretary."

Mas lalo akong nahiya nang chineer din ako ng mga kaibigan ko.

Halos mamula na ako sa sobrang hiya. Wala na akong nagawa kundi ang i-enter sa laptop ang gusto kong kantahin.

Malakas na napasigaw ang mga kasama ko nang marinig nila ang pamilyar na tugtog.

"I come home in the morning light. My mother says when you gonna live your life right. Oh mother dear we're not the fortunate ones. And girls they want to have fun, oh girls just want to have fun." I sang with full of confidence.

My friends roared as they cheer me up.

"The phone rings in the middle of the night. My father yells what you gonna do with your life. Oh daddy dear you know you're still number one. But girls they want to have fun, oh girls just want to have." Halos sabayan na nila ako sa pagkanta.

They were swaying their hips as they sing with me.

"That's all they really want. Some fun. When the working day is done. Oh girls, they want to have fun. Oh girls just want to have fun. Girls, girls just wanna have fun..."

When I got comfortable, hindi ko namalayang sumasabay na rin akong sumasayaw sa kanila.

"They just wanna, they just wanna. They just wanna, they just wanna. Oh girls, girls just wanna have fun."

As the song ended, sabay-sabay kaming nagpalakpakan.

And that officially ended our year-end party.

***

Christmas Eve is an hour away kaya nagmamadali ang mga tao sa bahay na mag-ayos.

And here I am, nasa loob ng kwarto, still talking with my friends through video call and greeting each other 'Merry Christmas'.

"Merry Christmas, guys." Saad ko.

"Merry Christmas! Na-miss ko na kayo." Nakangusong saad ni Hermmy.

Abala akong nakikipagkwentuhan sa kanila nang biglang pumasok ang mga pinsan kong bulinggit.

"Ate Yhett!" Sigaw ng dalawa sabay takbo sa pwesto ko.

Napangiti naman ako. "Kylie, Chlo, na-miss ko kayong mga chanak!" Mahigpit ko silang niyakap kaya napahagikgik sila.

"Hala, ang cute ng mga batang 'yan." Angie grinned.

"Tapos tinawag lang ni Harrietth na chanak." Natatawang komento ni Lexus.

"Chanak naman kasi talaga 'tong dalawang 'to. Mukha lang anghel pero mga maliligalig, gaya nila Dannie at Hermmy." Ngising saad ko.

I chukled when Dannie and Hermmy groaned.

"Ate, tawag ka na po ni Lola." Sabi ni Kylie.

"Opo, kain na daw!" Dugtong ni Chlo.

Napasilip ako sa orasan at nakita kong 11:45 p.m. na pala. Kaagad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko. Pinauna ko nang pinalabas ang mga pinsan ko dahil mag-aayos pa ako ng itsura.

Noong isang araw pa dumating ang iba naming kamag-anak. Nakakapanibago nga at wala sila gaanong komento nang makita nila ako. Pero for sure, one of these days, magsasalita ang mga 'yan.

At hindi nga ako nagkamali. As soon as 12:00 struck, nag-umpisa na kaming kumain. While eating, patuloy silang nag-uusap ng kung ano-ano. Hanggang sa ako naman ang pinagtuuanan nila ng atensyon.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo, Yhetty?" Tanong ni Lola.

"Okay naman po." Maikling aagot ko.

"May awards ka ba?" Diretsomg tanong ni Tita Lei.

"Ah, opo. With honors po." I nodded, hesitantly.

"Ay, yun lang?" Tila dismayadong saad ni Tita Jane.

Bwisit.

"Mas matalino pala sayo 'yung pinsan mong si Jeorge." Pagmamalaki ni Tita Reyna, ang mama ni Jeorge.

Matalino nga, gago naman.

"Ay, oo nga. With highest honor 'yun, 'di ba?" Sabad naman ni Lolo.

"Yeah, nakatanggap din siya ng scholarship kaya ngayon nasa America siya para mag-aral." Pagmamalaki pa ni Tito Jerome, ang asawa ni Tita Reyna.

Oh, eh, anong pake ko?

"Kaya din ni Yhetty yan." Sabi ni Mama. "May tiwala ako sa anak ko."

"My Yhetty is smart pero mas matalino nga lang si Josh. Palaging with highest 'yan noon nung highschool siya." Saad ni Papa.

Nakakapanliit kayo.

"Oo nga, hija. Why can't you be like your brother? Matalino at magaling."

Bobo. Hindi naman lahat ng kaya ni kuya ay kaya ko rin. Hindi magkakapareho ang lahat ng tao.

We have differences!

"Bakit hindi mo gayahin ang mga pinsan mo? Halos lahat sila 95 ang lowest grade."

Tangina. Matatalino nga pinsan ko pero maiitim naman ang budhi. Bwisit.

"Ilan ba lowest mo, Yhetty?"

Natigilan ako. "E-Eighty-nine po." Nagdadalawang-isip ma sagot ko.

They gasped.

"Ang baba naman!" Puna ni Tita Lei.

Sumingit si Mama. "Anak, you can do better. Galingan mo naman."

"Mom, Dad," pagtawag ko sa kanila. "Please, stop pressuring me."

They don't hear me. They can't understand me.

Si Papa ang sumagot. "We're not pressure you, anak. Stop thinkimg that—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Tapos na po akong kumain." Tumayo ako at nagpaalam bago umalis.

Nagtungo ako sa kwarto ko at muli na namang napaiyak.

They need to stop. They don't hear me when I say that they should stop pressuring me. They don't understand my side.

And here I am again, slowly losing myself. No one ever listens. I can't handle this toxic household anymore.

But still, I won't let them what goes down inside my room. Before I could burst out, I would just go to my room, lock the doors, and start questioning myself, my worth, again and again.

Everyone thinks that I'm perfect. But I'm not.

They keep on pressuring me about my academics and now seeing them dissapointed at me because I failed, plus hearing painful words coming from them are hurting me and slowly killing me.

They don't know what I've been through. Hindi nila alam kung ilang beses akong nagtiis na hindi kumain para lang matapos lahat ng projects ko. Hindi nila alam kung gaano ako ka-drain at kung paano ko i-pressure ang sarili ko. And lastly, they don't know how many times I suffered just to make them proud.

Shit, what a great Christmas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top