CHAPTER 10

CHAPTER 10

"Oh my gosh, Yhetty! You like your bestfriend?!" Eksaheradang tanong ni Beatrix.

Namula naman ako at nag-iwas ng tingin. I won't confirm it but I won't also deny it. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Beatrix gulat na gulat. Akala mo siya hindi shinota barkada natin." Ismid na komento ni Charlotte.

Pabiro siyang inirapan ni Beatrix. "Shut up," masungit na turan niya. "At least hindi na-love at first sight sa pinaghiraman ng jacket tas niligawan lang ng tatlong araw, sinagot na agad."

"Eh, ikaw nga five days lang!" ganti ni Charlotte.

"Gaga, correction, one week." Ngising saad ni Beatrix.

Bumuntong hininga ako. "Na'ko nag-away pa kayo. Halos pareho lang naman kayong dalawa. Si Charlotte tatlong araw tapos ikaw Beatrix isang linggo. What's the difference? Parehong atat kayo magka-jowa kaya sinagot niyo agad mga bebe niyo." I muttered.

"Sus, bitter alert." Natatawang pang-aasar ni Beatrix.

"Palibhasa, may ka-talking stage crushiecakes niya kaya na-one-sided love tuloy ang peg." Nakangusong ani Charlotte.

I frowned and showed them my middle finger. "Tangina niyong dalawa."

***

It's already six in the evening when I got home. Sinundo si Charlotte ni Kuya Crissian, ang nakakatandang kapatid niya. Isinabay na rin kaming dalawa ni Beatrix na ihatid ni Kuya dahil mag-gagabi na rin.

When I got home, wala pa rin sila mama. Paniguradong nasa shop pa sila. Sabagay, madalas madaling araw na silang nakakauwi dahil may iba pa silang inaasikaso.

Since maaga pa naman, I cleaned the house. Hindi naman general cleaning. Tamang walis at lampaso lang.

After cleaning, I took a shower and started cooking for my dinner. My parents often eat outside kaya ako lang ang mag-isang kumakain dito sa bahay. Most of the time, I would always order fastfoods but since nakapag-grocery naman si mama kahapon, may mga maluluto ako.

I was busy cutting the meat when my phone suddenly rang. It was a video call. I immediately fished my phone inside my pocket, hoping to see either my parents' name but to my shock, it wasn't them.

Nagtataka ako dahil sa bigla nitong pagtawag kaya taas kilay ko itong sinagot.

"What the heck is your problem at napatawag ka ngayon?" Kaagad kong bungad.

"Grabeng bungad naman 'yan. Napakasungit talaga." komento niya.

"Tigil-tigilan mo ako, Xenus Clester Villaluz. Hindi ka tatawag ng walang dahilan." I rolled my eyes.

Saglit siyang tumahimik bago mulimg nagsalita. "Wala na. Wala na akong ka-talking stage. Ghinost ako, boi. " Natawa siya.

"Ikaw lang 'yung taong nakilala ko na nawalan ng ka-talking stage pero masaya." Komento ko.

Weird. But I felt happy nang marinig ko 'yun. I tried to suppress my smirk. I don't want him to see my reaction so I slightly move away from the camera at nagkunwaring mayroong ginagawa.

"Syempre. Saka crush ko lang naman siya. Marami pa akong ibang crush." Mayabang na saad niya.

"Para kang babaero." Saad ko.

"Hoy, 'di ako babaero gaga. Crush lang naman tanga. Saka kung alam ko namang seryosohan ang papasukin kong relasyon, magseseryoso ako. I don't want to hurt someone."

I unconsciously smiled. "Aba, dapat lang. Or else, I would be the one who will bury you alive." Pagbabanta ko.

"Nga pala, bakit ka nga pala ghinost ni Reina?" Tanong ko.

"Nagseselos 'ata sayo, boi." Sagot niya.

"Huh? Selos? What the heck?"

"Ewan. Sabi niya kasi madalas daw tayong magkasama at magkausap. She also claimed that we have a relationship." Aniya.

Napatulala naman ako nang dahil sa narinig ko.

"Kalokohan," maikling tugon ko.

"Kaya nga, eh. Hindi naman tayo talo, 'di ba?" Tanong niya.

Napakagat ako ng labi. I want to say 'no' but choose not too.

"Oo naman," mahinang sagot ko.

Ayokong um-oo dahil baka sa isang iglap magbago ang lahat. To be honest, I'm scared. I'm scared to lose him. I'm scared to lose my best friend who I truly love.

The next day, maaga akong nagising dahil balak kong pumunta ng simbahan. Nang nagtungo ako sa kusina, I saw my parents eating breakfast.

"Oh, gising na pala si Harrietth." Ani Mama nang makita ako.

Nagtungo ako sa pwesto nila saka humalik sa pisngi nila ni Papa while greeting them a good morning. 

"Pupunta ka ba sa simbahan, 'nak?" Tanong sa akin ni Papa. I gave him a single nod. "Sige, kumain ka muna para hindi ka magutom."

Naupo naman ako sa harapan nila upang makisalo kumain.

"Kamusta ang school, Harrietth?" Tanong ni Mama.

Saglit akong huminto sa pagsubo bago sumagot. "It's great, mama. Me and my friends are having a great time."

Tumango naman si Mama. Sunod na nagtanong ay si Papa. "How about your...grades?" 

Binitawan ko ang kutsara't tinidor na hawak ko saka uminom ng tubig bago sumagot. "It's good too. Pero may isang quiz po ako na hindi ko na-perfect. How pity." I uttered calmly.

I noticed how my parents' exchanging glances. I suddenly felt a lump inside my throat, so I unconsciously drank a full glass of water then immediately stood up. 

"I-I'm done." Nautal na sambit ko.

"Ang konti naman ng kinain mo." Puna ni Mama.

"I-I'm full pa po." Rason ko pero sa totoo lang, nawalan na ako ng gana.

"M-Maliligo na po ako." Pagpapaalam ko. Bago pa man ako makatalikod, muli akong tinawag ni Papa kaya dahan-dahan ko siyang nilingon.

"Anak, balita ko malapit na ang exam niyo kaya sana mag-review ka at pagbutihin mo. And please, sana hindi na with honors lang kagaya 'nong dati, ah?" Malumanay na saad ni Papa.

I want to run to my room and cry. I knew it. I fucking knew it. Hindi pa rin enough.

"Oo nga, 'nak. Tignan mo mga pinsan mo, oh. Mga naka-with high at with highest. Alam ko namang kaya mo pero nadi-distract ka lang dahil sa mga kaibigan mo kaya sana kung pwede, 'wag ka gaanong sumasama sa kanila." Dagdag pa ni Mama.

Hindi ko sila sinagot. Bagkus umalis ako sa kusina at dumiretso sa kwarto ko. I dived in my bed and cried.

"Tangina, bakit ba kasi hindi ko magawang maging number 1?" Naiinis na tanong ko sa sarili habang umiiyak.

Ramdam ko ang disappointment nila Mama. I hate it. I hate that I made them disappointed. 

And I felt guilty dahil ang dami nilang sakripisyong ginagawa para sa akin. I saw their sacrifices just to give me a comfortable life and the only thing they asked me to do is to study, and yet, I still failed.

Maybe my younger competitive self is so disappointed right now. I used to aim for the best and handle every responsibilities well. But now, with all these sudden breakdowns, I just settle with low scores. 

I used to be the top student but people do really change. From being the gifted student to being an average one. And what hurts the most is my grades that made my parents once proud, but now, it's all disappointments. 

Pero ang pinaka-ayoko sa lahat ay 'yung pagsasabi nila na distraction ang mga kaibigan ko. Hindi sila distraction. In fact, they we're my inspiration.

It's hard to be a student. Dahil ang una mong kalaban ay ang pressure at disappointment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top