CHAPTER 1
CHAPTER 1
Life of a student wasn't that easy. Puro na lamang assignments, quizes, exams, and projects ang humahati sa oras namin.
Minsan sabog kasi madalas walang tulog.
Yup, it's not easy. At all.
'Yung tipong gabi-gabi kang nagpupuyat para i-cram lahat ng mga activities na deadline kinabukasan.
Well, to be honest, matagal naman nang nasabi 'yung mga kailangang ipasa kaso katamaran strikes again.
Hindi naman kasi maiiwasan 'yon.
Gaya nga ng sabi ng mga kaibigan ko, 'Due tomorrow, do tomorrow'.
Especially kapag groupings ang project and worse, leader ka pa. Mas gugustuhin ko na lang humimlay kesa kausapin ang mga members kong pabigat.
Lord, Jesus Christ kailan po ba darating si San Pedro? Handa na po akong makita ang liwanag.
I would be lying if I said na hindi sumagi sa isipan ko na gusto ko silang saktan. 'Yung tipong bibigyan mo sila ng isang mahigpit na yakap sa leeg para huminto na sila paghinga, kaso sa kamalas-malasan nga naman...kasali ang mga kaibigan ko sa mga pisting pabigat na 'yan.
We'll, fortunately, I won't be experiencing those things for a month.
Finally, recognition day na rin namin bukas!
And speaking of recognition, I'm glad na nakapasok pa rin ako sa honor list. Too bad, hindi ko makakasama sa recognition mga kaibigan ko bukas.
Mga tanga-tanga ba naman, pinaglaruan lang ang buong first and second sem.
"Kung hindi ba naman kasi kayo mga ungas, kung ginawa niyo sana ang best niyo e'di sana pare-pareho tayong may award." Nakasimangot kong saad. I glared at them through the screen of my phone.
"Sorry naman po, tamad lang." Beatrix smiled cutely.
"Okay na 'yan, boi! Atleast may isang academic achiever dito sa circle natin 'di ba?" Nakangising saad ni Arvy.
"Oks lang 'yan! Bawi next school year!" Saad naman ni Ark.
"Sus, hindi na ako maniniwala sa mga pinagsasabi niyong babawi kayo. Mga ugok." Nakaismid kong ani.
"Agoi, highblood na naman ang nanay namin," pabirong sabi ni Charlotte.
I looked at her with disgust. "Nanay amp. Ulul, pakyu!" I uttered, slightly annoyed, making them all laughed.
"Wala na, wala na. Hindi na good girl ang academic achiever natin. Nagmumura na, eh." Tumatawang sambit naman ni Leinard.
Napairap ako. "Ulul, dati na akong nagmumura! Hindi ako kagaya ng ibang babae na prim and proper, duh."
Malakas silang napatawa dahilan kaya muli akong napairap.
"Tomboy ka, eh!" Arvy commented.
"Tangina mo! Pogi ako pero hindi ako tomboy!" Nakangiwi kong sagot.
Nagpatuloy lamang ang pag-aasaran at tawanan namim hanggang sa sumapit ang alas dose ng madaling araw. I felt a little sleepy kaya nauna na akong magpaalam.
"Matutulog na ako, guyses. Maaga pa bukas, eh. Pumunta kayo bukas para kayo magiging photographers ko, ah. Good mornight and see you tomorrow, I mean later, mga abnormal! Byers!" Huling saad ko bago binaba ang tawag.
Kinabukasan, alas syete pa lamang ay nasa Civic Center na kami kung saan gaganapin ang recognition.
Kasalukuyan kong kasama si Papa, napagdesisyunan kasi nila ni Mama na siya daw ang magsasabi sakin ng medalyang matatanggap ko at si Mama naman ang kukuha ng litraro for memories.
Hindi nagtagal, nag-umpisa na ang program. Nag-martsa kami papasok sa loob ng Civic hanggang sa makarating kami sa binigay na pwesto namin.
Panay ang lingon ko sa kaliwa't kanan kakahanap sa mga kaibigan ko pero hindi ko sila nakita. Then I remembered, madalas palang filipino time ang mga 'yon.
Ano pa nga bang ie-expect ko?
While waiting for the ceremony to start, I fished my phone inside my sling bag and openend my messenger.
Napairap na lamang ako nang makita kong halos naka-offline pa ang mga abnormal. I typed a text and immediately send it to our group chat.
Me:
Aba mga anteh, anong oras na oh.
Malapit nang magsimu pop a ang program pero wala pa rin kayo.
I bet nga nakahilata pa kayong mga abnormal.
Kumunot ang noo ko nang makita kong na-sent lang ang mga chats ko. Wala sa sariling napairap ako.
Sabi na, eh. Mga plakda pa ang mga abnormal.
Ibinalik ko ang cellphone ko sa sling bag at humalukipkip sabay sandal sa monoblock chair.
Matapos ang opening prayer and other things na ginagawa bago magsimula ang isang event, kaagad na nag-proceed sa awarding.
Paniguradong matatagalan kami nito dahil hindi lamang kaming grade 11 ang ma-aawardan, pati na rin ang grade 7, 8, at 9.
Ilang beses na akong humihikab dahil naiinip na rin ako. Napakatagal pa naman ng awarding dahil maraming estudyante ang mabibigayan ng karangalan.
Pinilit kong libangin ang sarili ko. Muli kong inilibot ang mga mata ko sa buong Civic, lowkey judging the decorations.
Not bad...but still, I don't like it.
Abala ako sa pag-oobserba ng paligid nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na pigura ng mga tao sa entrance.
Pilit kong pinasingkit ang mga mata ko para kilalanin ang mga taong 'yon. Kahit malabo ang mga mata ko, nakilala ko pa rin sila. Kaagad akong napangiti nang makita ko ang mga kaibigan ko.
Mabuti na lang at medyo nakikita ko pa rin sila kahit malabo ang mga mata ko. Nakalimutan ko kasing kunin ang mga salamin ko kanina dahil minamadali na ako ni Papa.
Mas excited pa siya kesa sakin.
Mas lumawak ang ngiti ko nang magtama ang mga mata namin ni Arvy. Nakita kong kinausap niya ang mga kaibigan namin at itinuro ang direksyon ko.
Puno ng enerhiya naman akong kinawayan ni Charlotte habang tumatalon. Simpleng ngiti at pagkaway naman ang ginawa nila Beatrix at Leinard. Pagtango lang naman ibinigay sakin ni Ark.
Balak sanang tumakbo ni Charlotte sa pwesto ko pero kaagad ding hinila ni Beatrix ang hood ng kanyang jacket dahilan para mapahinto siya. Napanguso naman si Charlotte at tumango na lang nang pagsabihan siya ng mga kasama niya.
Sinenyasan ko silang maupo sa itaas na bahagi, malapit sa pwesto ko, para mas madali ko silang makita.
Lumipas ang ilang minuto hanggang sa muli na naman akong makaramdam ng inip. Ibinaling ko ang tingin ko sa pwesto ng mga kaibigan ko. Nakaramdam ako ng inggit nang makita kong masaya silang nag-aasaran.
Sana all.
Inilabas ko na lamang ang cellphone ko at nilibang ang sarili sa panonood.
Minsa'y napapangiwi ako dahil ang gaslaw ng katabi kong babae. Ang likot-likot niya, para bang hindi siya mapakali sa upuan niya. Panay din ang pakikipagkwentuhan nito sa katabi, kaharap, at sa likod niya. Kada galaw niya, palagi akong natatamaan. Minsan nasisiko niya ang tagiliran ko o kaya natatapakan niya ang paa ko. Tuwing tumitingin naman siya, nginingitian ko na lang.
Nakakatamad magsayang ng laway kapag nagreklamo pa ako kaya hinayaan ko na lang.
Halos dalawang oras din akong nanonood at dalawang oras din akong natatamaan ng katabi kong babae nang marinig ko ang sinabi ng host na grade 11 naman na daw ang aakyat sa stage.
I immediately hid my phone and slightly fixed myself. Nakaramdam naman ako ng kaunting hiya dahil halos lahat ng kabatch ko na mga babae puro nakamake-up. Pati 'yung mga kaklase ko na awardees din, nakamake-up.
Samantalang ako, bare face na aakyat sa stage but who cares. Mas komportable akong walang make-up.
Ilang saglit lang ay tinawag na rin kami para pumila malapit sa stage kasama ang parent namin na magsusuot samun ng medalya. Sinubukan kong hagilapin ang mga kaibigan ko pero hindi ko sila mahanap. Si mama lang ang nakita ko sa harapan ng stage na nakangiti habang hawak ang cellphone na gagamitin pang-picture.
"Ang galing mo talaga, Yhet. Proud kami sa'yo ni mama mo." Nakangiting saad ni Papa.
Napangiti naman ako. "Thank you po, Papa."
Masaya ako na mayroon akong matatanggap pero parang kulang. Parang hindi pa rin sapat. Kaya I need to do my very best to gain more awards.
"Harietth Casia Sentilliano, with honor." Saad ng host kaya agad kaming umakyat sa stage ni papa.
Nakipagkamay kami sa principal at isinabit sa akin ni Papa ang medalyang pinaghirapan ko.
Pagkaharap namin sa stage, nakita ko sa kumpulan ng mga tao ang mga kaibigan ko kaya malawak akong napangiti.
"Syet! Bestfriend namin 'yan!" Rinig kong sigaw ni Arvy.
"Nanay namin 'yan!" Sigaw naman ni Leinard.
"Go, go, go, Yhetty!" Gatong pa ni Beatrix.
"Hoy, tabi, barkada namin 'yan! Siya pinakamatalino sa circle namin!" tila proud pa na sigaw ni Ark.
Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi nila pero nakaramdam din ako ng hiya dahil nagtatawanan na ang ibang tao na nakakarinig.
"Tangina, ang sarap mo Yhet! Ang galing mo besty! Hahanapan na kita ng afam kingina ka!" Halos manlaki ang mga mata ko nang dahil sa sigaw ni Charlotte.
Punyeta ka talaga, Charlotte! Nakakahiya ka!
"Hindi ko kilala 'yan," bulong ko dahilan kaya mahinang natawa si Papa.
Pagkababa namin ng stage ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Kaagad kong nilapitan ang mga tarantado kong kaibigan saka tig-iisang pinaghahampas sa balikat.
Nang matapos ang recognition, nagpicture taking muna kami nila mama at papa. Nakisali din ang mga walanghiya kong kaibigan na feeling mga anak ko.
"Nakakahiya kayo mga tangina kayo." Naiiritang saad ko.
"Okay lang 'yan. Ikaw naman ang napahiya, hindi kami." Nakangising saad ni Charlotte.
Bwisit talaga 'tong babaeng 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top