Chapter 12
Sinimulan ko siyang iwasan. Pero hindi naging madali dahil nasa iisang classroom lang kami at iisang circle of friends lang ang iniikutan namin. Pero shet lang, bakit ba ako pinapahirapan ng mundo?
Simpleng tingin lang 'yon! Nakaw pa!
Simpleng gestures pero mukhang na-Goyo pa!
Hindi ako swerte, okay? Dahil walang swerte sa malas na dinadanas ko ngayon. Mas tinuturing ko siyang curse kaysa gift. Nagkakaroon tuloy ako ng displacement at gusto ko na lang ibuhos lahat ng inis ko sa lalaking nilayasan ako sa lugar na 'to.
Pero hindi ako tanga. Alam kong kasalanan ko. Nagkagusto rin naman ako sa iba, nagkaboyfriend kahit nung nandiyan siya.
Kaso bakit nung ito na parang dinaig ko pa ang damsel in distress sa sobrang stress na nararamdaman ko?
Isang linggo ko siyang iniwasan pero hindi ko na yata magagawa ngayon.
"Pau, nood tayo ng volleyball," anyaya sakin ni Arianne.
May exhibition ngayon na nagaganap sa volleyball court kaya hangga't busy ang lahat sa preparation ng upcoming Foundation Day ay dito muna nila pinagtuonan ng pansin.
"May practice pa 'ko—"
"Wala si Miss Charina ngayon," putol ni Vera.
Tama siya. Ilang days nang wala si Miss Charina dahil may inaasikaso siya sa Eldridge. Ang alam ko, nandoon din sina Rianne sa volleyball court kasi narinig kong pinag-usapan 'yon nila Ivan.
"Pero—"
"Dali na!" Inirapan ako ni Cassia. "Minsan ka na nga lang namin makasama, umiiwas ka pa. Magagalit na kami sayo."
"Layo ka nang layo, e," segunda ni Vera.
Napangiwi ako. Ba't ang dadrama nila?
Wala naman akong nagawa kundi ang sundin sila. Wala rin naman akong kasama sa classroom dahil ang mga kaklase namin ay wala rito.
"Ngayon na raw ba pipili ng mga isasama sa inter campus meet?" tanong ko sa kanila.
Umiling si Cassia, siya ang may pinakamaraming alam tungkol sa nangyayari sa campus namin. Marami kasi siyang kilala at marami ring nagsasabi sa kanya.
"Hindi. Ang alam ko nakapili na sila ng potential players. Pero yung ibang sports, magpapa-try out pa raw."
Tumango kami sa sinabi niya. Sana lahat maraming kakilala.
Ikatlong building lang naman ang volleyball court kaya nakarating kami kaagad. Hindi maiiwasan na maraming estudyante dahil may mga taga outsiders pa. Bukod doon ay isa ito sa mga kaabang-abang na laro sunod sa basketball.
Nang makapasok kami sa court ay halos mabingi ako dahil may mga dala pa ang ibang department ng kani-kanilang props. May bass drum pa 'kong narinig na pinapalo, saan nanggaling 'yon?
"Nandoon sila Ivan oh!" Turo ni Arianne kina Ivan na nasa ibaba ng bench nakaupo.
Wala naman akong nagawa nang tumakbo na sila papunta sa kanila. Namataan ko pa sa pwesto namin si Bethany na naglalaro ng volleyball. Mukhang department pa namin ang naglalaro ngayon.
Nang makalapit kami sa kanila ay parang gusto ko nang tumakbo dahil nagtagpo ang mga paningin namin.
Pero anong magagawa ko? Nandito na kami.
Ang masama pa, binigyan nga nila 'ko ng upuan pero yung espasyo pa sa tabi ni Ivan. Alam kong walang alam ang mga kaibigan ko tungkol sa mga patagong titigan na nangyayari sa pagitan namin pero nauurat ako. Para silang nananadya.
Guilty ka lang sa nararamdaman mo, nandamay ka pa, isip-isip ko.
Wala na 'kong nagawa at umupo sa tabi ni Ivan.
"Sinong nangunguna?" tanong ni Vera habang nanonood kami. Napapangiwi ako pag nakakapalo nga si Bethany pero tumatama naman sa net.
"BS HM," sagot ni Ivan.
Napapatakip na lang ako ng tainga sa sigawan ng mga nasa loob. Samantalang, urat na urat naman ang mga nasa likuran namin. First year din sila.
"Ibangko niyo na 'yang si number six!" sigaw ng isa.
Napangiwi ako nang makitang si Bethany ang tinutukoy. Siya lang ang number six sa first year. Mukhang ibang year-level 'tong kalaban nila.
"Hala, ang tanga!"
"Tatlong palo na 'yon, 'di na pwede!"
Napapapikit na lang ako ng mata sa dismaya kapag nangunguna yung kabila. Hindi naman ako masyadong maalam sa rules ng laro pero dahil sa sensyas ng referee, nalalaman ko rin.
"Wala kang practice?" tanong ni Ivan sa 'kin.
Umiling ako. "Absent si Miss Charina."
Bumalik kami sa panonood. Naisip kong mas ayos na ang ganitong set-up namin. Kahit walang nagsasalita, walang asaran—ramdam pa rin namin ang presensya ng isa't isa.
Tumataas naman ang altapresyon ko kapag binabangko ng team namin yung magagaling na players.
"Anong drama ni Kola?" iritadong tanong ko. Hanggang dito ba naman, talagang isisingit niya ang pagiging pabida?
Paano ba naman pinalabas nila yung isang magaling na player tas pinapasok yung isa naming kaklase pero wala pang five minutes, pinalabas ulit.
"Baliw yata si Vorate," komento ni Arianne.
Akala nila ang ganda ng laro nila dahil nandiyan sila ni Bethany. Pero sila pa itong nagpapatalo. Gumagamit ba ng utak 'tong mga 'to?
"Linya, Asuncion! Linya!" utos ni Bethany.
Pero nang mapansin niyang sa kanya papunta ang bola ay 'di siya nakabwelo dahilan para tumama sa net ang bola pagpalo niya. Napamura na lang kaming nanonood.
"Manonood pa ba kayo?" Tumayo na 'ko. Bukod sa nagugutom na 'ko, nauurat na lang ako sa pagmumukha nila Bethany sa court.
"Babalik ka na sa room?"
Umiling ako. "Punta muna 'kong canteen."
"Okay, hintayin ka namin," wika ni Vera.
"Wala kayong pabibili?"
Umiling sila kaya umalis na ako kaagad. Hindi ko na kaya ang tibok ng puso ko. Bukod sa maingay rito sa court, yung tambol pa ng puso ko habang katabi si Ivan ay hindi na maganda. Sumisikip lang ang dibdib ko.
Nang makalabas sa court ay napahawak ako sa puso ko, hindi naman maliit ang court pero bakit parang ang sikip-sikip?
Umiling na lang ako. Now, what?
Hindi na yata ako lulubayan ng problema. Kanina ang puso ko, ngayon naman ang ulan. Mabuti sana kung ambon lang pero ang lalaki at ang kapal ng ulan.
Ayoko naman pumasok muna at baka hindi na sa clinic ang bagsak ko. Baka sa hospital na.
OA much? isip-isip ko. Napailing na lang ako.
Bumuga na lang ako ng hangin at sumulong sa ulan. Maraming estudyante ang napapatingin sa 'kin nang matigilan ako sa bagay na pumatong sa ulo ko.
Bumilis ang takbo ng puso ko.
Napalunok ako.
"Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ko sa kanya.
"Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan, bakit ka sumulong e alam mong malakas ang ulan?!"
Napailing na lang ako. "Baliw ka! Hindi ko naman alam!"
"Mas ka dahil ang tigas ng ulo mo!"
Buti na lang at connected din sa building na iyon ang student's shed kaya nakasilong kami kaagad.
"Ang dami mong dama, nabasa rin naman ako. May patakip-takip ka pa sa ulo kong leche ka!" naiirita na 'ko.
Natigilan lang ako nang makitang nakangiti siya sa 'kin. 'Yong klase ng ngiti na walang halong pang-aasar, hindi rin pilit. Kaya tumaas ang kilay ko.
"Nginingiti-ngiti mo?" naalala ko ang lagi niyang banat sa 'min.
Umiling siya at nauna nang maglakad sa 'kin. Kita mo 'to, sasabay-sabay tapos bigla akong iiwanan. Sumunod naman ako.
Lumingon siya sa 'kin. "San punta mo?"
Buti at naisipan pa niyang magtanong.
"Sa canteen."
"Tara." Hinintay niya 'ko kaya mariin kong naikuyom ang kamao sa pagpipigil ng kilig at ngiti.
Wala na talaga akong kawala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top