Prologue

Ang weird pero hindi ko gets yung concept ng love language. Nagrereklamo lang ako pero siyempre, natutuwa. Lalo na't masarap magmahal kapag sinusure thing ka ng taong mahal mo. 'Yon bang may salita kang pinanghahawakan? Gano'n. Words of affirmation kasi yung akin. Nakakatawa man pero ilang beses kong tinry yung link na may test about sa love language na pinopost ng mga Facebook friends ko.

Kaya sa tuwing cinocompliment ako ni Jay, tuwang-tuwa ako. Kinikilig pa. Magka-college na ako pero parang high school pa rin. First love ko kasi siya. At siya yung nagpatunay na First Love Never Dies kasi pitong taon na simula nung nagkagusto ako sa kaniya at ngayon, nandito pa rin.

Paano nabigyan ng justice yung taon? Mula kasi pagtapak namin ng high school, hindi na kami nagkahiwalay pa. Inseparable, sabi nga nila. Magkaklase kasi kami mula grade 7 hanggang grade 12 at kahit nagkaboyfriend man ako tapos siya, nagkagirlfriend. Hindi pa rin mamatay-matay yung feelings ko sa kaniya kahit kakaunti lang. Pero siyempre, sa tuwing may mga jowa kami, isinasantabi ko ang nararamdaman kong 'yon. Never naman kasi niya ako tiningnan as a girl na worth it i-risk. Hindi yata ako jowable.

"Late ka," bungad ko sa kanya nang dumating siya sa bahay. Ngayong araw na kasi ang usapan naming mag-a-apply sa napili naming university and yes, hanggang ngayong college, dadalhin namin ang pagiging inseparable namin.

Tumawa si Jay. Sa loob-loob ko, kinikilig na naman ako. Lumulubog kasi yung mata niya tapos lumilitaw pa yung maliit niyang dimples. Haaay, kailan ba ako magsasawang i-admire siya?

"Sorry na, Pauie." Kinurot niya ang pisngi ko na nagpamula ng pisngi ko.

"Hindi pa ba tayo aalis?"

"Aalis? Saan tayo pupunta?"

Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba usapan natin, ngayong araw tayo mag-a-apply sa university?"

Ngayon palang, naiimagine ko na kahit magkaiba yung course choice namin ay hindi pa rin magmimintis yung bonding namin na kaming dalawa lang. Nag-e-aim kami pareho ng circle of friends ngayong taon. 'Yong iba kasi sa high school friends namin, umalis dito sa Del Fuego.

"Pauline . . ."

"What? Ano na? Mauubusan tayo ng slot niyan, Jay," reklamo ko. Nakatulala na kasi siya sa akin, seryoso pa ang mukha.

"May kailangan akong sabihin sayo."

"Ano nga?" Natigilan pa ako sa pag-iisip na baka parehas na kami ng piliin na course. Fine Arts. May 'pagka artistic rin kasi si Jay pero mas trip niya raw ang Electronic Engineering. Nagbago siguro ang isip niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa maliit na kamalig na nasa bakuran namin. Dito kami madalas tumambay kapag nandito siya sa amin.

Nang makaupo kami sa loob ay bumuntonghininga siya. Ano bang problema niya?

Hindi kaya . . . OMG! Huwag niyang sabihing ngayon na siya aamin sa akin? Parang hindi ko pa kayang marinig!

"Pauie, alam kong plano na natin high school palang na hindi tayo magkakahiwalay hangga't makatapos," panimula niya na tinanguan ko naman.

"Uhuh."

Tumingin siya sa mga mata ko. "And that we will reach our goals together and go with our plans."

Tumango-tango ako. "Uhum."

"Sinabi rin natin sa isa't isa na kahit magkaroon man tayo ng sari-sariling circle of friends ay hindi pa rin natin kakalimutan na we have each other."

Napangiti ako nang malawak. "Yes, yes! Naaalala ko naman lahat ng 'yan, Jay. Pero anong point mo?"

Muli siyang bumuga ng hangin at halos hindi na makatingin sa mga mata ko. Mabilis na ang kalabog ng puso ko. 'Yong tipong tinadyakan ng kabayo sa sobrang sakit at nakakahigit ng hininga.

"Pauie, I'm sorry . . ."

Natigilan ako. Nalito. Sorry . . . I'm sorry, to be exact. Pero sorry? Sorry saan? 'Di ba dapat 'I love you' 'yon? Bakit naman sorry?

"Huh?"

Hinawakan niya ang kamay ko kaya bumaba ang tingin ko rito.

"Aalis na kami ng Del Fuego."

This time, hindi lang basta kabayo. Para na akong dinaganan ng Elepante. Basag, yupi, nabaon sa lupa - tanggal utak; splurk, lahat na!

"P-Pero paano yung plano natin? Paano yung parehas tayo ng schedule sa lunch? 'Yong graduation rites? Bakit?"

Para na akong maiiyak. Biglang gusto ko na lang din umalis sa lugar ko. Lumayo sa kanya at hindi na siya makita pa. Natatakot kasi akong panoorin siya sa sandaling tumalikod siya.

Natatakot akong panoorin siyang umalis.

"It just happens."

"Ipaliwanag mo naman . . ."

Bumuntonghininga si Jay. "My parents wanted to move in Manila and start a new life there."

Umawang na ang labi ko. At hindi na naging sapat ang salitang 'gulat' sa lahat ng ito. Ramdam ko ang pagpiga ng puso ko sa lahat ng naririnig ko. Bakit kailangang ngayon pa?

"Jay, sabi ko naman sayo, kung ano man 'yang problema mo, sabihin mo sa akin. Makikinig naman ako, 'di ba?"

Umiwas siya ng tingin. "Marami ka nang nagawa para sa akin, Pauline. At ayoko namang habang buhay ay umaasa ako sayo."

Sumakit ang puso ko sa narinig ko. Para na rin niyang sinabing benefactor lang ang tingin niya sa akin at obligasyon ko naman siya.

"Akala ko ba magkaibigan tayo?" nabasag ang boses ko. Nakalimutan ko ang lahat - ang plano, ang graduation kahit wala pa, ang friendship na kailangang buuin, pati na rin ang marinig ang salitang mag-a-affirm sa akin at sa kanya.

"Magkaibigan tayo pero ayaw na rin kitang madamay sa gulo ng buhay ko. Ayokong hanggang dito na lang ako."

"Ang weird mo, Jay. Wala ka namang kailangang patunayan kasi malaki na yung napatunayan mo sa akin. At sa sarili-"

"Hindi 'yon enough, Pauline. Nakukulangan ako. Gusto ko pa. Marami pa akong gusto at tingin ko, hindi ko magagawa 'yon hangga't nandito ako. Marami-rami akong memorya sa lugar na ito na sobrang masakit."

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at pinakititigan siya. "Kasama ba ako sa memoryang nakakasakit sayo?"

Lumamlam ang mga mata niya. "Hindi, Pau. Para sa akin, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pero hindi pa . . . hindi pa ito ang tamang panahon."

Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil alam ko. Kilala ko si Jay. Kung may isang bagay man na hanga ako sa kanya ay iyon ang pagiging determinado niya. Hindi niya titigilan ang bagay na iyon hanggang sa makuha niya.

"Okay," sagot ko.

Lumiwanag ang mga mata niya. "Okay? Anong ibig mong sabihin?"

"Chase your dreams, Jay. Tingin ko, hinding-hindi na magbabago ang katotohanang kahit anong gawin mo ay nandito pa rin ako sa likuran mo, so, chase your dreams. I'll support you all throughout your journey."

Natigilan ako nang hilahin niya ako para sa isang mahigpit na yakap.

"Thank you . . . Thank you so much, Pauline."

Hindi na ako sumagot at niyakap na lang siya nang mahigpit.

Ang sakit, Jay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top