Chapter 9

"Badminton Women played by BS IT 2 versus BA Fine Arts 1, winner . . . BA Fine Arts 1! Congratulations!"

     Sinalubong ko sina Kaye na sobrang saya para sa 'kin. Nagyakapan pa kami sa court na parang mga tanga. Natutuwa ako sa kanila kasi all-out yung cheer nila para sa 'kin kanina.

     Last game ko na 'to at hindi na ako maglalaro dahil ito lang naman ang naipanalo ko. At least, may naipanalo.

     "Congratulations, Pauline!"

     "Paburger naman diyan, Pau!"

      Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat. Nung umpisa ng game, hindi nakaligtas sa 'kin ang pasimpleng sermon ni Bethany. Ano bang aasahan ko sa kanya? Kontrabida siya ng buhay ko.

     Tapos di naman sa pagmamayabang pero ang lakas niya 'kong pagalitan, sila naman itong talo. Sinisi pa niya sa kaibigan niya.

     "Nabuwisit ako sa mga lalaki sa bench kanina," wika ni Kaye nang maupo kami sa bench. Magpapahinga muna ako dahil hingal na hingal ako. Ang hirap kaya ng routational, medyo humupa na rin ang sakit ng paa ko.

      "Bakit?" Inabutan ako ni Charlene ng tubig na ipinagpasalamat ko.

      "Nung bumaba yung score mo sa second set, sinabing wag ka na lang daw maglaro at baka mapilayan ka ulit."

      Napangiwi ako. Bakit hindi sila ang sa pwesto ko para may maiambag naman sila sa batch nila? Karamihan talaga sa mga latang walang laman ay sobrang ingay.

      Namataan naming palapit sina Ivan dito sa pwesto namin, kasama niya pa si Megan. Nakita ko kung paano nakatitig si Leigh sa kanya hanggang sa makalapit sa amin. May nabubuong ideya sa isipan ko ngunit hinahayaan ko na lang. Baka kasi mali.

     "Sinong nanalo?" bungad ni Ivan.

     Nadistract kami sa mga sumisigaw sa bench namin dahil ibang year-level na ang naglalaro at mas mainit pa.

     "Si Pauline!" proud pa si Kaye.

      "Lucky charm yata yung raketa mo, Ivan."

     Tumawa siya. "Ganon dapat at hindi ko na ipapahiram sa kanya sa susunod kung matalo pa siya."

     Napailing ako. Nagtawanan naman ang mga kasama namin lalo na si Leigh. Angat na angat ang boses niya. Hindi ko maintindihan 'tong si Ivan, papalit-palit ng mood.

     Pinanood na namin si Kola na naglalaro sa katapat na court.

     "Bago ko makalimutan, Pauline, o." Inabutan niya 'ko ng Fudgee Bar at juice. "Kinuhanan na kita. Baka kasi maubusan ka."

      "Salamat. Paano pala sila Bethany?"

      "Meron na sila. Bumalik na si Bethany sa classroom," sabi ni Megan. "Byernes santo yung mukha. May nangyari ba?"

      "Natalo eh."

      Natahimik kami nang marinig ang sinabi ni Charlene. Alam kong sa pagkakataong ito ay iisa lang ang nasa isipan namin.

       "Huwag muna tayong bumalik sa classroom," suhestyon ni Kaye.

       Sumang-ayon naman kami. Kilala namin si Bethany kapag wala siya sa mood. Kung moody si Ivan, mas lalo na siya. At kahit wala kang ginagawa sa kanya, bigla ka na lang madadamay.

      "Saan tayo ngayon?" tanong ni Kaye nang magkayayaan kaming lumabas ng badminton court.

      "Nood tayo volleyball."

       Bigla kong naalalang may laro pala sina Arianne ngayon kaya pumayag na 'ko.

      "Guys, papicture tayo sa fountain!" wika ni Kaye nang madaanan namin ang fountain sa gitna ng university.

      "Tara," sagot ni Ivan. Doon ko lang napansin na magkatabi na pala kami at sabay na kaming naglalakad.

      Mabilis kaming pumwesto sa fountain at kaming dalawa ni Ivan ang magkatabi. Pinagigitnaan nila ako ni Kaye. Kumalabog ang puso ko.

      "Kaninong cellphone?" tanong nila ng mapagtantong wala palang nagpipicture pa sa amin.

     Natawa ako bigla sa itsura namin. Bumaling sila sa akin at inilahad ang palad.

     Ano pa nga ba? Ibinigay ko na ang phone ko.

     "Excuse me, pwede pong magpapicture?" In-approach ni Leigh ang babaeng dumaan sa harapan namin.

     "Sure." Kinuha nito ang phone at itinapat sa amin. "Compress kayo."

     Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya nang maramdaman kong mas lalo pa kaming nagdikit ni Ivan ay halos malagutan na 'ko ng hininga sa mga oras na 'yon.

      "Four shots, Ate," sabi ni Kaye bago bumaling sa 'min. "Isang fears, isang smile, isang nakatingin lahat at nakapoint kay Pauline, at isang nakataas kamay, oki?"

      Got it.

      Nagbilang yung babae bago sinimulang kuhanin ang fears shot namin. Nang naka-smile naman ay nilagay ko sa gilid ang mga kamay ko na may hawak na pagkain nang maramdaman kong dumikit ang balat ni Ivan sa 'kin. Kaya nang third shot ay nakapikit na ako at inilipat lahat ng pagkain sa isang kamay at inilagay sa pisngi ang isa kong kamay. Lastly ay ang nakataas ang kamay na parang pinopromote namin ang fountain ng DFSU.

    Nang matapos ay agad akong lumapit sa babaeng kumuha ng retrato namin para magpasalamat at tingnan na rin yung pictures.

     "Ang cute nito!" Turo nila sa nakatingin silang lahat sa akin. Daig ko pa ang nag-birthday shoot sa mala-squad theme nito.

     "Upload mo 'to mamaya, Pauline, ha?" sabi ni Kaye na tinanguan ko naman.

     "Picturan niyo muna 'ko," sabi ko at ibinigay kay Charlene ang telepono. Tagal ko nang hindi nagpo-post sa instagram eh.

     Apat na pose lang ang ginawa ko dahil 'yon naman ang lagi kong pinipost.

     Ibinigay niya sa akin ang phone ko nang matapos. "Salamat!"

     Habang tinitingnan ang pictures ay narinig kong nagpaalam sina Kaye na dadaan muna ng canteen. Samantalang, nag-aaya na si Megan na dumeretso na sa volleyball court.

     "Sandali lang, selfie muna 'ko."

     "Sali ako!" ani Ivan na siyang nagpakalabog na naman ng puso ko.

     Pumwesto siya sa gilid ko kaya sinimulan ko nang kumuha ng retrato naming dalawa.

    "Isa pa," sabi niya dahil isang picture lang ang nakuha namin.

    Isa . . . dalawa . . . tatlo . . . apat. Apat na litrato ang nakuha namin bago kami nagpasyang pumunta sa volleyball court.

     Hindi ko na kasi kaya ang panginginig ng kamay ko habang pumipindot ng shutter. Baka mahulog lang.

     Nang makaalis kami ng fountain, hindi na natigil ang bilis ng tibok ng puso ko.

     Kinagabihan, nag-myday ako kaagad ng picture naming lahat sa fountain.

     Nang lumitaw ang chathead ni Ivan.

    

Ivan Javier: Pa-send ng picture natin.

      Sinend ko sa kanya ang picture na magkakasama kaming lahat.

Ivan Javier: Yung iba pa.

      Nanginginig na ang kamay kong sinend ang picture naming dalawa.

Ivan viewed your story.

                Pauline Floresca: Ito ba?

Ivan Javier: Oo, thanks.

     Hineart react ko na lang ang chat niya nang mag-notif naman sa akin ang tinag niyang myday na nagpagulantang ng pagkatao ko.

     Kaming dalawa lang naman ang minyday niya.

     Halos malaglag ko ang telepono sa aking mukha dahil do'n.

     "Ivan, ano ba 'tong ginagawa mo?" bulong ko sa sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top