Chapter 7
Bumibiling-biling ako sa kama at paulit-ulit na sumigaw sa unan ko. Kanina pa kasi pumapasok sa isipan ko yung pag-alalay nina Kaye at Ivan sa akin papuntang clinic. At hanggang ngayon, hindi ako maka-get over sa pagiging seryoso niya kahit palagi naman siyang ganoon.
Natigilan lang ako nang tumunog ang messenger ko kaya nang kuhanin ay halos makalimutan kong may sprain pala ako dahil sa taong tumatawag. Mabilis kong sinagot 'yon.
"Pauline, hi," ngiting-ngiti siya sa camera.
"Hi, Jay." Sumandal ako sa headboard ng kama. Wala pa sina Arianne dahil bumili sila ng pagkain namin.
"O, bakit parang 'di ka masayang tumawag ako? May problema ka ba?"
Napahinga ako nang maluwag. Miss na miss ko na talaga siya. "Masaya ako. Namiss nga kita eh."
Ngumiti siya. "Ako rin naman. Namimiss ka. Pero hindi mo sinagot yung tanong ko, may problema ba?"
Umiling ako. "Na-sprain lang."
Halos mabitiwan niya ang telepono dahil bigla siyang napabangon sa kama. Natawa ako dahil do'n.
"Anong na-sprain lang? Na-sprain ka? Ano nangyari?"
"'Di ko ba nabanggit sayo last time na maglalaro ako ng badminton ngayong intramurals?"
Napatakip siya ng bibig at natawa. "Kailan ka pa naging sporty, Pauline? Ayaw mo ngang nag-e-exercise, 'di ba? Ang maglaro pa kaya?"
Nagkibit ako ng balikat. "Masaya naman. Pero iyon nga lang, eto, na-sprain ako."
"Ilang weeks daw 'yan?"
"Two weeks."
Napangiwi siya. "Mag-ingat ka sa susunod."
Napangiti na lang ako sa bilin niya. Mabuti pa ito, sweet na, maalalahanin pa. Bakit kaya yung isa hindi?
Natahimik kami saglit nang magsalita ulit si Jay. "Pauline . . ."
"Hmm?" Ang sarap lang na ganito kami, kahit ilang buwan na kaming hindi masiyadong nag-uusap kapag dumadating yung oras na nagkakausap kami, para pa ring walang nagbago.
Pero iba pa rin kapag nasa harapan ko siya at kami ang magkasama.
"Pasensya ka na, ha? Wala ako diyan para saluhin ka."
Natawa naman ako kahit pa ang seryoso ng boses niya. "Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Nabigyang lunas naman. At alam kong hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ka para i-rescue ako."
"Pauline, ayos ka lang ba?"
"Sagutin mo 'ko, ayos ka lang ba?"
Napapikit ako nang maalalang muli ang boses ni Ivan kanina.
"Thank you, Pauie. Palagi na lang ikaw ang umiintindi sa 'kin." Inangat pa niya ang kamay niya na parang kinukurot ang pisngi ko. Natawa ako.
"Makakabawi rin ako sayo," dagdag niya.
"Ikaw ba? Kamusta ka diyan? Nahirapan ka bang mag-adjust?"
Inunan niya ang braso niya at umiling. "Sakto lang. Maayos namang makisama ang mga tao rito."
Parang hinaplos no'n ang puso ko. Sa ilang taon kong pagkakakilala kay Jay, alam ko namang kahit saan siya pumunta ay may mga tao pa rin siyang madaling makasalamuha kasi mabait siya.
"I'm happy for you," madamdaming sagot ko. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Ang hindi niya pagmamadali sa mga bagay-bagay at pagkakaroon niya ng isang salita.
"Thank you, Pauline. Ikaw lang talaga ang nakaka-appreciate sa 'kin."
Napangiti ako nang maramdaman kong tumulo ang isang butil ng luha ko.
"And I'm sorry . . . kasi baka mawalan na ako ng oras sayo. Super busy namin sa school ngayon."
Naiintindihan ko ang parteng 'yon. Wala naman kaming commitment sa isa't isa maliban sa pagiging bestfriend. Ako lang talaga 'tong mahilig mag-assume sa lahat.
"Ganoon din kami."
"I hope . . . Wala na lang pala."
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
Umiling siya at ngumiti. "Wala. Pero sana . . . hindi ka na mawala sakin."
Ngumiti ako. Hinding-hindi, Jay. Hinding-hindi.
***
Maaga akong pumasok kinabukasan. At as usual, maingay ang buong campus. Idagdag pa ang sound system na nasa grandstand namin at nag-iingay.
Pero ang talagang gumulat sa 'kin ay ang entry sa Love Notes, Love Lines ngayong umaga.
"Love Notes, Love Lines. Dito lang sa Don Almario Del Fuego State University. Hello, Ivan Javier ng BA Fine Arts, kamusta?"
Nasa gitna ako ng hallway at maraming estudyante ang nadadaanan kong naghihintay rin at nagbubulong-bulungan sa entry ngayong umaga.
Karamihan kasi sa kanila, kilala si Ivan. At ang Ivan na 'yon ay palapit na sa akin ngayon . . . para lampasan.
"Pauline, akala ko ba aabsent ka?"
Napatigil ako sa pag-ika-ikang lumakad at nilingon siya. Nakatitig pala siya sa 'kin.
Himalang pinansin niya ako ngayong umaga. Ano na naman bang masamang hangin ang sumapi sa kanya?
"Sabi nila, masakit daw ang pagmamahal, lalo na ang magmahal. Pero sa tuwing iniisip kong ikaw naman ang potential na mamahalin ko, nagbabago ang isip ko. Hindi naman kasi nakokontrol ang puso dahil wala iyong pakiramdam," wika ng emcee sa grandstand.
"Okay na 'ko."
Umiling siya at nadisturbo pa ng iilan na nakakita sa kanya at alam na siya ang tinutukoy sa letter.
"Pwede mo ba akong maging subject sa art mo? Kasi I'm willing to be your muse. Love, Admirer."
"Tigas ng ulo mo," sabi niya sa 'kin na nginitian ko lang.
Ano bang pakialam mo, Ivan? Sa pagkakaalala ko, hindi tayo close para alalahanin ako ng ganito at para pagsabihan.
Natatakot ka na bang mailipat sa kanya ang nararamdaman mo, Pauline? panunudyo ng isang bahagi ng utak ko.
"Una na 'ko," tanging sabi ko at tinalikuran na siya.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at halos takbuhin na ang distansya papunta sa classroom namin.
Bakit siya ganito? Bakit niya kailangang maalala ang mga maliliit na bagay na 'yon?
At bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Hindi ako yung nagsulat ng letter, ha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top