Chapter 5

Daig pa ng malaking university sa Manila ang intramurals ng eskwelahan namin. Dahil open na ito for outsiders, marami ang pumuntang taga-ibang bayan para manood. Samantalang sa classroom namin, aligaga na silang lahat sa pag-aasikaso ng mga sarili dahil sa gaganaping parade.

"Bakit parang mga twinning yata kayo?" natatawang sambit ni Fitz, kaklase namin.

Actually, napag-usapan na namin ang outfit na 'to. Pero pagdating sa style ng buhok, magkakaiba. Hindi ako sanay mag-style ng sarili kaya thankfully, nandiyan ang mga kaibigan ko.

Pumasok sila Reign ng classroom at sinabing, "I-attendance niyo na lang si Ivan."

Nakuha no'n ang attention ko. Bukod sa malakas ang boses niya, parang kusa na lang hinatak ng pangalang sinambit niya ang atensyon ko.

Sa isang linggo, parang kahit wala namang progress sa pagiging magkaklase namin ay kaunting kibot lang, sinasakop na nito ang pandinig ko.

"Bakit hindi raw papasok?"

"May sakit," sagot niya sa 'kin.

Naalala ko bigla na naulanan nga pala kami kahapon. Baka dahil doon. Hindi ako nagkasakit dahil pagkauwi ko ay naligo ako saka naghaplas ng efficacent oil.

Kukuhanin ko na sana sa teacher's table ang banner na pina-sublimation ng dean nang may naalala ako.

"Shit!" Hinanap ng mga mata ko si Megan at nang matagpuan ay agad ko siyang nilapitan. "Meg, wala bang nabanggit sayo si Ivan tungkol sa raketa?"

Nahalata ko naman agad ang worry sa mga mata niya. Kung minamalas ka nga naman. Sobrang busy pa naman namin ngayong araw dahil volunteer pa ako sa Red Cross tapos iisipin ko pa yung laro ko mamaya. Wala akong halos practice. Baka ako ang may kailanganin sa Red Cross kapag nagkataon.

"Wala, e. Wala ka bang nahiraman?"

Umiling ako habang kagat ang kuko sa daliri. "Try ko na lang maghanap mamaya."

Wala kasi kaming hawak na program kaya hindi ko alam ang flow. Basta, ininform kami na magra-run ng limang araw ang tournament at ang last day ay ang championship. Pagkatapos no'n ay maghahanap na sila ng players na isasabak sa intercampus.

In short, five days akong maglalaro.

"May problema ba, Meg?" singit ni Sally na lumapit sa 'min.

"Si Pauline, walang raketa. Absent si Ivan," sagot ni Megan.

Napatingin sa gawi ko ang mga kaklase namin at nahalata ko rin sa kanila ang stress na nararamdaman ko. One-for-all, all-for-one, eh?

"Pano 'yan? Bakit daw ba absent si Ivan?" tanong ni Kaye.

"May sakit," sagot ni Reign.

Hindi ko naman pwedeng sisihin si Ivan dahil absent siya. Kasalanan ko rin naman dahil wala akong mahiraman. Ang sarap na lang magpahila sa malaking truck. Nakakainis ang sitwasyon na 'to!

Tinalikuran ko na sila at lumapit na sa teacher's table para kuhanin ang banner pati na rin ang clipboard na naglalaman ng attendance.

"Huwag na kayong mag-alala, hanapan ko na lang paraan," sabi ko sa kanila at ibinigay ang clipboard kay Kaye. "Attendance na kayo."

"Wala ka talagang mahihiraman na iba?" tanong nila sa akin kaya umiling ako.

"Pano 'yan?"

"Bahala na. Hahanap na lang ako ng paraan."

Alanganin silang ngumiti sa akin at tinapik ang balikat ko. "Kaya mo 'yan."

Natawa na lang ako. Ang main purpose lang naman ng intramurals ay para ma-enjoy ng mga estudyante kaya hindi ko naman siguro masiyadong kailangan na mag-alala.

Sige, ipilit mo pang 'yon nga ang dahilan, panira ng utak ko.

Isa lang naman ang problema ko . . .

"Good morning, guys!" bungad ni Bethany at naglakad papunta sa direksyon ng teacher's table kaya umalis kami doon. Feel na feel naman niyang main character siya ng isang nobela.

Nang tingnan ko ang get-up niya ay hindi naman halatang preparado. Lakas maka-all out ng outfit eh. Yung apelyido ng jowa niya sa suot niyang jersey ay parang nananampal ng katotohanang wala ako no'n.

"'Yong mga naka-assign para magluto ngayon, pwede niyo na bang simulan? Open na ang kitchen area ng Food Tech," utos niya.

Napangiwi ako. "Mamaya na 'yan, Bethany. May parade pa tayo."

"Mas maganda sana ngayon para hindi na tayo maagawan pa ng pwesto ng iba."

"Kung isi-set up mo ngayon, baka pagbalik natin, ginagamit na ng iba."

Talaga bang ganito kaaga mo ako kailangan subukin, Lord? bulong ko sa utak ko. Gusto ko muna sanang mag-enjoy.

"Everyone, proceed sa grandstand," wika ng kaibigan niyang si Kola. Nagkatinginan pa kami ni Bethany bago ko siya pasimpleng inirapan at tinalikuran na.

Hangga't kayang magpigil, magpigil ka, Pauline.

Hinila na siya ng mga kaibigan niya kaya kinuha ko na rin ang sumbrero at bag ko bago sumunod sa mga kaibigan ko.

Binalot ang hallway ng iba't ibang excitement ng mga estudyante. Mula rito ay dinig na dinig namin ang tilian at sigawan dahil sa exhibition ng mga cheering squad. Pero hindi nito naalis ang init ng ulo ko.

Pagdating sa grandstand ay kumunot ang noo ko sa isang pamilyar na imahe at para makumpirmang hindi iyon hallucination ay nilapitan ko. Hindi pa ako nababaliw. Talagang nandito si Ivan.

Kausap niya sina Bethany at Kola, naalala ko tuloy yung chismis na may gusto raw si Kola kay Ivan. Pero itong isa naman, hindi ko maintindihan kung manhid o wala siyang pakialam. Sa attitude niya, pwedeng both.

"Akala ko aabsent ka?" tanong ko sa kanya. "Okay ka na?"

Bigla kong naalala yung natulog siya sa classroom nung nakaraan at sinabi niyang nahihilo siya. Baka lumala dahil nagpaulan siya kahapon.

Pero hindi siya sumagot, hindi yata ako napansin kasi inaasikaso nila yung banner. Nagkibit-balikat ako at pumunta sa likuran at doon piniling pumwesto.

Sa mga ganitong oras, nilibre na ako ni Jay ng ice cream sa canteen dahil parehas kaming madaling yakapin ng init kapag ganito ang panahon.

Si Jay . . . Si Jay na naman. Nasa Manila si Jay ngayon pero heto ako, naghihintay kung kailan magsisimula ang parade na ito tapos sumasideline ang pag-iisip ko sa kanya.

Nang magsimula ang program, ramdam ko pa rin ang pagkalutang. Si Jay pa rin ang iniisip ko at kung paano ang naging situwasyon ko kung siya ang kasama ko ngayon.

Binuksan ko ang messenger ko at bumungad sa akin ang tambak na group chats. Walang chat si Jay. Siguro busy, may pasok pa rin naman kami eh.

Nikha Panes: Saan kayo nakapila?

Pauline Floresca: Sa grandstand. First lane.


Hindi nagtagal ay nakita ko na si Nikha na nagmamadaling tumakbo papunta sa linya namin. Sa pagkakaalala ko, malayo rin ang bahay nito sa university kaya madalas siyang late. Ayaw kasing mag-renta ng boarding house kaya walang choice kundi mag-commute araw-araw.

"Late ka na naman," bungad ko.

"Nagsimula na ba?"

Umiling ako. "Buti nakaabot ka pa."

"Oo nga eh. May mga nakita akong pulis sa labas."

Parehas na kaming humarap sa stage nang sabihing magsisimula na raw ang parade.

"Part ka ng Red Cross, 'di ba?" naalala ko lang bigla nung siningil ko sila para sa membership fee.

"Hindi. DRRMC ako."

"Harap daw sa likod mo," sabi ko nang sinenyasan kami ng katabi naming linya na sa amin magsisimula ang lane.

"May duty kayo mamaya?" tanong ko pa habang pinapanood namin ang ibang department and year-level na dumadaan sa harapan namin.

"Hindi ko alam eh."

Nang kami na ang naglakad ay naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Napahawak ako sa sumbrero ko at napapikit sa sakit niyon. Para kang sinasabunutan at nanininuot pa yung sakit.

Sa pagkakaalala ko ay wala akong sugat kaya hanggang paglabas ay tiniis ko 'yon. Juicecolored, hindi pa nagsisimula ang program.

Hindi naman sobrang layo ng pagitan ng linya namin sa gate ng university. Nabanggit din ng emcee na sa foundation day raw ay mas malayo ang lalakarin namin.

"Grabe, sobrang layo ng nilakad natin," sarkastikong wika ng mga nasa likuran namin.

Kapag nagkakaroon ng pagkakataon ay sumisilip din kami sa camera man para magpa-picture. 'Yong university publication namin ang in-charge rito eh kaya nandoon sina Gaea.

Nang magsimula na kaming maglakad pabalik ng campus ay nakakrus na ang braso ko. Mas lumala na kasi ang pagkirot ng ulo ko. Nahihiya naman akong magsabi sa professor ko kasi hindi ako sanay na nakahilata lang sa clinic.

"Pau, okay ka lang?" tanong ni Ella, kaklase ko.

Napapa-hiss na kasi ako dahil ang sakit na talaga. Daig pa nito ang sakit ng ngipin. Nagha-hallucinate na akong namamaga ang bumbumnan ko.

Bumigat ang paghinga ko at humawak sa balikat niya para magpaalalay.

"Ayos lang. . ."

Marami pang sinabi ang emcee namin hanggang sa administrator na ng university namin ang naririnig kong nagsasalita. Bumabalik ang sakit ng ulo ko kaya napipiga ko ang balikat ni Ella.

"Sobrang sakit ba? Gusto mo ng tubig?"

Wala sa sariling tumango ako. Nakarinig pa ako na sinasabi niyang mauna na ako sa classroom para makapagpahinga pero tinatanggi ko yung idea. Ayoko namang ako ang unang kakailanganin ang Red Cross ngayong umaga.

"Sa init siguro 'yan." Binuksan niya ang tubig para sa akin at uminom ako ro'n.

Buong program ay lutang ako. Nawala lang ang kirot ng ulo ko nang masindihan na ang torch tanda na simula na ang intramurals.

"Sige lang, Pau. Pahinga ka lang pagdating sa room natin."

Pinakita ko sa kanya ang faint smile ko at nagpasalamat. Bumalik din naman kami sa classroom pagkatapos no'n at ang ingay naman ni Bethany ang nagpapasakit ng ulo ko.

"Players, punta na kayo ng gymnasium para sa orientation."

Bumuga ako ng hangin nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Dahil natatabunan ang mga mata ko ng sumbrero ay hindi ko makita kung sino 'yon.

"Pau." Tinapik niya ang sumbrero ko.

"Hmm?" Ayokong mag-angat ng tingin at baka makita niya ang luha sa pisngi ko. Naiyak na kasi ako sa kirot ng ulo ko, e.

"Volunteer ka ng Red Cross? Pinapatawag na kayo."

Halos mapapadyak ako sa harapan niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. 'Yong feeling na volunteer ka ng Red Cross pero parang ikaw pa ang may kailangan ng aid ng Red Cross.

"'Ge. Sunod ako."

Bumuntonghininga ako nang marinig ko ang paglayo ng mga yapak niya. Akala ko pa naman, magpapahiram na ng raketa.

Saglit pa ako nagpahinga bago tuluyang tumayo at kumuha ng damit para magbihis.

Badtrip.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top