Chapter 4
"Happy birthday, Jay," malumanay ang boses kong bati sa kanya nang pumatak ang twelve o'clock. Talagang hinintay naming dalawa ang oras na ito.
Natawa siya sa kabilang linya. How I miss that laugh. Sa ilang linggo na hindi namin matawagan ang isa't isa, feeling ko ngayon ko lang naramdaman ang totoong pagod ko nang makausap ko siya. Jay is my tahanan.
"Happy ka ba talaga, bakit parang malungkot ka naman?"
Bumuntonghininga ako. Hindi ko na rin kasi maitago yung lungkot na nararamdaman ko. Hindi lang siya ang rason kundi pati na rin ang homesickness ko. Namimiss ko na ang tilaok ng mga manok sa umaga, ang kamalig na tinatambayan ko at ang diary na matagal ko nang hindi sinusulatan.
"Masaya . . . Sobrang busy nga lang," sabi ko. "Hindi na ako halos nakakatigil dito sa dorm para magmuni-muni. Full schedule kasi ako."
Sabi nila sa college raw, hindi naman full schedule talaga. Pero heto at kahit linggo, kailangang bumalik. Sa susunod na araw na kasi ang intramurals.
"Ikaw? Kamusta ka naman diyan?" tanong ko sa kanya kasi parang tahimik na siya.
Ngumiti siya nang matipid. "Ayos lang. Busy rin at natutuleg na dahil sa ingay ng welding sa school."
Natawa naman ako. Talagang may paraan siya para sumaya ako. Akala ko sa oras na pumunta siya ng Manila ay mawawalan na rin ako ng amor dahil hindi naman talaga ako sanay sa long distance.
Kung makaarte kala mo may relasyon. Wala nga kayong label, kontra ng lohika ko.
"Ano? May nakilala ka na ba diyan?"
"Ikaw? May pumoporma na ba sayo?" Ibinalik niya sa akin ang tanong.
Umiling ako kahit na pumasok bigla sa isipan ko si Ivan at ang pabango niyang nalanghap ko kaninang umaga. Hanggang ngayon, pakiramdam ko, nasa harapan ko pa rin siya.
Bumuntonghininga ako. "Kapag may nakilala ka diyan, sabihan mo ako, ha?"
Alam kong dapat sa mga oras na 'to, matakot na ako sa mga babaeng makikilala niya kahit wala namang kasiguraduhan para sa aming dalawa. Words of affirmation nga, 'di ba? At wala pa siyang sinisiguro sa akin kaya iyon ang nararamdaman ko.
Pero tingin ko rin, para sa mga katulad ko ay parang mas nakakatakot kapag may binitiwan silang salita tapos hindi naman tutuparin.
"Wala pa sa isip ko 'yan, Pau. Gusto ko munang mag-aral."
Ilang topic pa ang napag-usapan namin tungkol sa mga pinagkakaabalahan namin pati na rin ang mga nakilala naming kaibigan sa eskwelahan bago kami nagpaalam sa isa't isa. Nang patulog na ako, doon ko lang naisip na ito pala ang unang beses naming magsi-celebrate ng birthday niya na magkalayo.
Hinga . . . buga.
Masakit pala.
***
"Pau, ano? Bukas na yung laro natin. Wala ka pa rin bang raketa?" bungad sa akin ni Bethany nang makapasok ako sa classroom. May pinaasikaso kasi sa akin si Sir Joel.
"Wala. Hindi ko alam kung kanino hihiram," sagot ko.
Dahil bukas na ang intramurals, aligaga na ang mga athletes at ilang estudyante para laro nila. Kanina nga pagpasok ko, nalaman kong yung cheering squad na nagpa-practice sa field, e maaga pa raw nagsimula. Last practice na kasi ngayon tapos pahinga na nila.
"Paano 'yan, Pau? Hindi mo ba magagawan ng paraan 'yan?"
Nilampasan ko siya at lumapit sa mga kaibigan kong natutulog sa arm chair nila. "Lunch tayo," sabi ko at umupo sa tabi ni Arianne.
"Nagpabili kami kina Leigh," sagot ni Vera.
Umasim ang mukha ko. Hindi sila nagsabi sa 'kin. "Samahan niyo naman ako sa canteen."
"Pinabilhan ka na namin," si Cassia naman. "Softdrinks saka biscuit lang naman bibilhin mo ro'n."
Alam na alam talaga nila ang gusto ko. Trademark ko na rin kasi sa classroom namin 'yon. Na kapag nakakasalubong nila ako sa canteen, ang unang iisipin nila, e softdrinks saka biscuit ang binili ko.
Sumandal naman ako sa upuan at ipinikit ang mga mata. Nagpuyat ako dahil kay Jay kagabi kaya kailangan ko ang pahinga. Pakiramdam ko kanina, anytime, tutumba ako sa semento. Simula kasi nung nagpa-Manila si Jay at sa gabi lang kami nagkakaroon ng oras para makapag-usap, nasira na ang body clock ko.
"Ikaw, Pauline, may raketa ka na?"
Dumilat ako at tiningnan sa gilid sina Megan kasama ang barkada nila na nakatingin din sa akin.
Umiling ako. "Negative."
"Bukas na laro niyo, ah?" singit ni Casper.
Alam ko naman 'yon. Kaya kahit papaano, nakakaramdam ako ng kaba. Sinabi na sa amin nila Miss Ariza na ayos lang kung hindi kami mananalo basta maramdaman namin yung feeling sa bawat laro. Pero siyempre, ayaw rin namin silang ma-disappoint. Pero anong magagawa ko kung wala talaga akong mahiraman?
Nag-post naman ako sa Facebook. Shared post, to be exact. Pero hindi yata nila siniseryoso kasi akala nila memes lang 'yon.
Ayoko ring magsayang ng pera kung saglit ko lang gagamitin.
"May raketa yata si Ivan, e," wika ni Quiroz. "'Di ba, pre? Meron ka?"
Uminom si Ivan ng tubig at nakatingin lang kami sa kanya. "Meron."
"Baliw ka talaga. Hindi ka nagsasabing meron ka," sabi ni Rianne.
"Bakit? May laro siya?"
Napailing na lang ako sa sinagot niya. Minsan, gusto ko na lang maniwala na parte ng personalidad niya ang pagiging lutang. Pwedeng iyon din ang branding niya.
"Meron," sagot ko. "Pahiram naman ako."
Alam kong hindi kami ganoon kalapit sa isa't isa pero ayos na 'yon kaysa wala akong mapala sa laro at masisi pa ako ni Bethany. Hampasin ko pa siya ng raketa.
"Dalhin ko na lang."
Naniniwala talaga akong sa kabila ng kademonyohan ay may kabaitan. At ito ang parteng 'yon ng pagkatao ni Ivan.
"Salamat."
Dumating sina Leigh na dala ang mga pinabili namin. Doon na rin nagsibangon ang mga kaibigan ko at kumuha ng mga baunan nila.
Dahil wala na naman sa wisyo ang utak ko, hindi ko napigilan ang sariling tingnan si Ivan. Naisip ko na ayos naman pala siya maging kaklase. Hindi kaibigan kasi hindi ko pa nararanasan. Pero basta 'yon, unang beses itong natuwa ako sa existence niya.
Buong maghapon ay wala namang ganap dahil bukod sa wala akong raketa, antok na antok pa talaga ako. Dumilat lang ako nang mag-uuwian na at nagmamadali sila Ivan. May pupuntahan daw kasi silang birthday.
"Ivan, bukas ha? Yung raketa mo," paalala ko sa kanya nang makasabay namin silang naglalakad palabas ng campus.
"Oo na."
Gusto kong isipin na baka napipilitan lang siya dahil sa mga kaibigan niya. Pero kailangan ko talaga kaya bahala na siya sa kung anong iisipin niya.
Wala na masiyadong tao sa campus nung mga oras na 'yon kaya hindi ako nadistract na makita yung ganda ng sunset na tumatama sa rooftop ng katapat ng building namin.
Nang makarating sa gate ay humiwalay na sila sa amin at sumama sa mga kaibigan nilang taga-kabilang department. Masiyado kasing malaki ang circle of friends nila.
"Bye!" paalam niya sa amin habang kumakaway.
Simpleng pagpapaalam ngunit ginulat pa rin ako. Hindi kasi kami close at kaunti lang ang interactions kaya malaking bagay na rin na ina-acknowledge niya ang presence ko.
Napangiti ako at kumaway rin. "Bye!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top