Chapter 3

Alam ko sa sarili kong namimiss ko na talaga si Jay. Kung hindi lang talaga dahil may pasok ay baka wala na akong ginawa kundi magmukmok sa kuwarto ko para iyakan siya. Hindi na rin kasi kami nakakapag-usap nang maayos nitong nakaraang araw dahil subsob na rin ako sa activities namin sa intramurals.

Hindi lang kasi "friends" ang na-gain ko sa eskwelahang ito, pati na rin responsibilities. Vice President kasi ako ng classroom namin.

Natanaw ko sa pinto ng classroom namin ang pagdating ni Gaea matapos ko siyang pakisuyuan na bumili ng siomai sa canteen. Naalala ko kasing comfort food naming dalawa 'yon ni Jay, na kapag may gusto kaming pag-usapan at pag-nilayan, kumakain kami ng siomai. Pero walang bitbit si Gaea, parang katotohanan lang na wala rito si Jay sa tabi ko.

"Pauie, walang siomai sa canteen," aniya at ibinalik sa akin ang pera ko.

Dagdagan pa ng maulan na panahon ay mas lalong masarap magmukmok. Kung bakit kasi hindi ko pinigilan si Jay. Hindi naman na uso ang martyr sa Generation Z. Argh, nakakaumay! Kapag ganitong panahon, baka nasa kamalig lang kaming dalawa; kumakain ng siomai at umiinom ng kape. At pinag-uusapan kung bakit sphere ang shape ng mundo.

Dahil usapang lovelife na naman sina Arianne at hindi ko maisingit ang sarili ko, naisipan kong kuhanin na lang kay Rianne ang listahan ng may kulang pa para maniningil na lang ako.

"Saan ka?" tanong ni Vera nang tumayo ako.

"Maniningil."

Hindi ko na sila hinintay sumagot at nilapitan si Rianne. "'Yong listahan ng hindi pa nagbabayad or may kulang, pahiram."

Ibinigay niya sa akin na agad ko namang kinuha. Napansin kong may kulang pa ako para sa costume kaya binayaran ko muna at saka ako nagsimulang lumibot ng classroom. Madali lang naman silang kausap kasi 'pag di sila nagbayad, sisikmurahan ko sila. Wala pa naman ako sa mood. Pero siyempre, joke lang!

"Santillan, Rover," tawag ko sa pangalan ng kaklase naming may kulang pa.

"Nasa labas," sagot ng isang kaklase ko.

Pinuntahan ko na sa labas si Rover at natagpuan ko siyang nakaupo sa isa sa mga upuan namin sa labas. Kinuha ko ang earphones na nakakabit sa tainga niya para makuha ang atensyon niya at naging madali lang naman dahil unti-unti pang umangat ang ulo niya para tingnan ako. Nasa Kdrama yarn?

"Pauline," bati niya sa akin.

Ipinakita ko na sa kanya ang kamay ko. "Bayad."

"Bayad saan?"

Dahil tinatamad akong mag-explain ay binigay ko na sa kanya ang listahan. "Check mo pangalan mo diyan pati yung total ng babayaran." Madali naman siyang sumunod.

"Ano 'yan?" halos mapatalon ako nang biglang sumulpot si Ivan sa gilid ko at sobrang lapit niya sa akin. Nalalanghap ko na ang amoy ng perfume niya. Hindi matapang, sakto lang. Mga tipo ng perfume na ginagamit ko rin kasi mas kumakapit sa akin kaysa sa mga amoy matamis.

"Listahan ng mga may utang. Nandiyan ka rin, sisingilin din kita."

Napatingin siya sa akin kaya nagtaas ako ng kilay. "Check mo pa."

"Pahiram, pre."

Ibinigay naman sa kanya ni Rover ang listahan at hinayaan ko siya. "Buong two hundred pera ko. One hundred na lang naman yung akin diyan," sabi ni Rover.

"May panukli si Rianne," sagot ko para walang lusot.

Tinalikuran ko na sila para kumuha ng panukli nang maramdaman kong sumunod sa akin si Ivan. Sabay kaming pumasok sa classroom at sa sandaling iyon ay bumalik ang ingay ng klase sa pandinig ko.

"Oh." Ibinalik sa akin ni Ivan ang listahan at naglakad kami palapit kay Rianne. "One thousand pera ko. May panukli ka?" tanong niya sa kaibigan.

"Magkano pa ba babayaran mo?" tanong ko.

"Halos lahat 'yan."

Nagkibit-balikat ako at ibinigay kay Rianne ang bayad ni Rover. "May sukli na one hundred si Santillan."

Pagkabigay sa akin ay agad kong tumalikod. Narinig ko pa ang boses ni Ivan na sinakop ang buong pandinig ko. Nakaramdam ako ng pangingilabot. Hindi naman nangyayari iyon noon.

Nahatak na ba niya ang atensyon ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top