Chapter 2

Patuloy pa rin naman ang communication namin ni Jay. Palitan lang ng short updates. Pero napapansin kong hindi na kami halos magkaabot 'pag nag-oonline at nawawalan na rin ako ng ganang replyan siya. Pero patuloy pa rin ang pagsusungit sa akin ni Ivan sa tuwing nagkakasalubong kami. Hanggang end of the school year na yata ang dead air namin.

      Although, wala namang rason para magpansinan. Pero hindi ko lang ma-take minsan, na ina-out of place ako ng lalaking 'yon. Hindi naman siya guwapo. Hello? 5"9 ang height, masiyadong matangkad. Mapula ang labi, nag-lip gloss yarn? Mahilig magsuot ng bracelet at relos, dinaig pa babae sa kaartehan. Malago ang kilay, naku, 'yon talaga ang napipikon ako. Samahan pa ng mata niyang parang inaantok palagi tapos jet black pa ang color ng mata. Masiyadong suplado.

      Tapos, idagdag mo pa 'tong babaeng palapit sa direksyon ko. Drawing ang kulay at nakakaumay ang pagmumukha. "Pauline, nagpractice na kami. Kailan ka magpapractice?"

     "Siguro kapag may raketa na 'ko," bored kong sabi. Madalas akong umayaw pumasok sa classroom naming ito. Wala namang history na baka may dating multo rito pero lakas kasing makabad vibes ni Bethany and Friends.

     "Wala ka pa? Parehas tayo, wala pa," sagot ni Bethany na para bang may pakialam ako sa opinyon niya.

     "Talaga?"

     "Oo, hahanap pa nga ako ng mabibilhan. Or hihiraman, wala kasi akong pera. Buti na lang pinahiram ako ni Kola."

      Parehas kami sa parteng manghihiram na lang dahil wala rin akong pera. Isa pa, hindi naman ako sporty. Academics, pwede pa. How I hate exercises. At pinaalala niya pa sa akin yung kaibigan niyang madamot.

     "Okay."

     "Paano 'yan? Wala ka pa. Tayong dalawa pa naman sa doubles."

     Unfortunately, siya ang pinasama sa akin sa doubles. Hindi ko nga alam kung anong klaseng ihip ng hangin ang nahigop nito at pumayag.

     "Hanap na lang ako ng paraan," tipid kong sagot.

     Last straw na siguro niya 'yon at narealize na hindi ko naman siya sasagutin nang matino. Umalis eh. Buti na lang at baka hindi ko siya matantya.

     Binalingan ko si Cassia. "Pa-canteen tayo."

     Sumunod naman siya sa akin kaya papunta na kaming canteen ngayon. Si Arianne at si Vera, nasa volleyball court, may practice. Kasali kasi sila sa sports na 'yon.

     "Pauline, hanap ka ni Miss Ariza." Napatigil kami sa likuan papuntang canteen nang makasalubong namin sina Ivan at sinabi niya 'yon. Yes, namansin siya. Civil naman kami pero first impression is a first impression. Suplado pa rin siya.

      "Bakit daw?"

     Wag lang muna akong paandaran ng lalaking 'to kasi wala talaga ako sa mood at baka masampolan siya sa akin.

     "Check mo na lang groupchat."

     Mabilis kong ginawa ang sinabi niya. Nakita ko pa ang chathead ni Jay na maraming messages at puro pangangamusta. Mamaya ko na lang siya rereplyan at dumeretso sa groupchat ng block namin. Sabi ni Miss Ariza ay may private message raw siya sa akin kaya agad kong tiningnan 'yon.

     "Una na muna kami," sabi ni Cassia at dumeretso na sa canteen.

Ariza Arguelles: Pauline, please inform your classmates about our meeting later in the afternoon regarding sa menu ng mga atheletes sa intramurals. Pakisabi na rin kay Bethany na mag-prepare na ng menu para ma-budgetan natin mamayang hapon. Hindi niya kasi sinasagot ang pm ko. Thanks.

Pauline Floresca: Noted, Miss Ariza.

      "Anong sabi?" tanong ni Cassia.

      "Magpapatawag meeting para sa budget ng pagkain sa intramurals," sabi ko at hinintay na umandar ang pila. Marami kasing estudyante ngayon lalo na't buong araw namin ay vacant period. Uwing-uwi na nga 'ko, e.

      "Bayarin na naman? Pumasok na lang yata ako para magbayad ah," reklamo niya.

      Natawa ako nang kami na ang nasa counter. Um-order lang ako ng biscuit at C2. Ganoon din si Cassia.

      "Oo, bayaran mo na yung class fund mo, oy," natatawang wika ko.

      Napailing na lang siya at iniba ang topic. Naisip kong tatanungin ko na lang mamaya si Rianne patungkol sa mga nagbayad at hindi pa nagbayad. Nagkaroon na kasi kami ng usapan tungkol doon.

      Gumilid kami nang dumaan ang mga ngarag na student council officer na pawang mga nagmamadali. Binati namin sila ni Cassia ng matigilan ang isa sa kanila.

      "Good morning din. 'Yong attendance sheet niyo nga pala? Kukuhanin na sana namin ngayon para maibigay na namin itong pang hapon."

      Shit! mura ko sa isip ko. Hindi pa pala ako pumipirma sa morning attendance.

      Saved by the bell nang magsalita si Cassia. "Daanan niyo na lang mamaya, Ate Iya. Hindi pa kami tapos pumirma eh."

     Sumingkit ang mata ni Ate Iya at pabirong nagdabog. "Inuuna pa kasi iyong ibang bagay, Cassia e."

      Ngumisi lang ako. Akala namin hindi kami makakalusot nang sabihin niyang padadaanan na lang daw ang attendance sheet sa isang student council. At pagkatalikod na pagkatalikod niya ay nag unahan na kami ni Cassia tumakbo papuntang classroom.

     "Dahan-dahan!" sigaw ni Ate Iya.

     Nang makarating sa classroom ay bumungad na sa amin ang mga kaklase namin kasama na doon si Bethany. "Hinahanap ka raw ni Miss Ariza."

     "Nasagot na niya yung chat," narinig kong sabi ng kung sino.

     "Teka, hiningal ako do'n, Pau!" reklamo ni Cassia at humawak pa sa dibdib niya. Parehas kasi kaming hingal na hingal na daig pa ang nag-marathon.

     "Saan kayo nag-fun run?" tanong ni Ivan.

      Hindi ko siya pinansin at sinabihan silang pumirma na sa attendance sheet. Kaunti palang kasi ang pumipirma at sinabi ko ring kukuhanin na iyon ng student council para palitan.

     Nag-unahan naman sila sa paglapit at halos i-massacre ang kawawang papel kaya inagaw ko na. "Huwag kayong excited! Baka mapunit!"

     Mabuti naman at nakinig dahil isa-isa na silang pumirma hanggang sa ako na lang ang natira—dalawa pa pala kami.

     Inabot ko na kay Ivan ang ballpen nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay naming dalawa dahilan para magkatitigan kami sa mga mata. Dahil di ko kinaya ay bumaba na ang tingin ko sa papel.

     "Dalian mo na, para ako naman."

      Walang imik siyang tiningnan ang attendance bago pumirma sa papel dahilan para magkaroon ako ng ilang segundo upang pakatitigan siya. Para akong sinasakal kahit pa hindi naman kami tumitingin sa isa't isa ngayon. Hirap akong huminga sa presensya pa lang niya at hindi ko alam kung bakit.

     Nang umangat ang tingin niya sa akin ay namula ang pisngi ko. Akala ko ibababa niya sa lamesa ang ballpen ngunit ibinigay niya iyon sa akin kaya sa pangalawang pagkakataon ay naglapat ang mga palad namin.

     Mabilis na rin siyang tumalikod at umalis na nagbuga sa akin ng hangin.

     Juicecolored! Para akong sumabak sa gyera!

     Hinanap ko na rin ang pangalan ko at mabilis na pumirma.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top