Chapter 15

Tulala lang ako sa kawalan habang iniisip ang performance ko kaninang umaga. Hindi kasi siya yung tipo ng performance na energetic tulad ng iba. Pero masasabi kong iyong akin ay tagos sa puso at kaluluwa.

Humagalpak ako ng tawa. Uy, rhyme 'yon ah! Sana pala naisulat ko bago mawala sa utak ko.

"Hoy, nababaliw ka na diyan? Tawa ka nang tawa," sabi ni Arianne kaya napatigil ako at tumingin sa kanila.

"Ano?"

Kumunot ang noo ni Cassia. "Anong ano? Lutang ka na naman."

Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko. Kumakain kami ng pancit canton habang nagmo-movie marathon ng The Beauty Inside na KDRAMA sa laptop ni Vera.

Na sana hindi ko na lang ginawa dahil sa notification na lumitaw ngayon sa messenger ko.

Jay Ariego: Pauline, kumakanta ka na pala ulit?

He replied on my story. Napalunok naman ako dahil sa kabang nararamdaman. Hindi na siya yung kabang laging mayroon ako dati sa tuwing nasa tabi ko siya.

Ibig sabihin ba no'n . . . tapos na talaga?

Jay Ariego: Congrats! Alam kong passion mo talaga yan simula high school tayo.

Paano ko makakalimutan kung ikaw ang dahilan dati kung bakit nagustuhan ko ang pagkanta?

Shit lang! Nakakaiyak naman 'to!

Pauline Floresca: Thank you, Jay.

Jay Ariego: Kamusta ka na? Mukhang masaya ka na ah.

Dapat ba akong maging masaya sa biglaan mong pagpaparamdam? isip-isip ko.

Pauline Floresca: Masaya naman. Stressed lang sa bayarin.

Jay Ariego: I see.

Jay Ariego: Ang dami ng nagbago sa atin, ano?

Halos mabitiwan ko ang telepono ko. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nina Vera pero hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila.

Ano ba dapat ang tamang sagot sa tamang tanong na 'to?

Kasi may punto. Marami na ang nagbago sa pagitan naming dalawa.

Pauline Floresca: Kaya nga eh.

Jay Ariego: Pauline?

Pauline Floresca: Hmm?

Jay Ariego: Busy ka ba?

Pauline Floresca: Hindi naman. Bakit?

Jay Ariego: May gusto kasi akong sabihin sayo.

Pauline Floresca: Ano yun?

you missed a call from Jay Ariego.

Pauline Floresca: Uy, bakit?

you missed a call from Jay Ariego.

Pauline Floresca: Bakit ka tumatawag?

you missed a call from Jay Ariego.

Pauline Floresca: May problema ba?

Jay Ariego: Naalala mo yung usapan natin nung highschool? Sabi mo kapag handa na ako, tawagan kita at yun na ang senyales para sa atin. Iyon nga lang, alam kong hindi mo na ako hinihintay ngayon kasi sa nakikita ko, busy ka na ngayon sa buhay mo. Matagal ko nang gustong gawin ang tawagan ka para malaman mo na handa na ako pero tingin ko, hindi na talaga maibibigay sa atin ang panahong yon.

Tumulo ang luha sa pisngi ko.

Gusto kong humingi ng tawad kasi hindi ko na siya nagawang hintayin nang matagal. O, kung nahintay ko man siya ay hindi ko na kinaya. Dahil simula nung pinasok ko ang taong ito ay siya ring pagtigil ko sa paghihintay sa kaniya.

Hindi ko akalain na may pag-asa pala talaga dahil akala ko wala na . . .

Jay is my first love and I know that somewhere in my heart, I still do. After all, he proved to me that first love never dies and that he is Jay whom I cannot unlove but I know that it stops there. I can never see him again as a man that I am willing to take risk of.

Jay Ariego: Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap o kailan ako ulit magiging masaya dahil nasayang ulit ang pagkakataon nating ito nang magkasama pero habambuhay akong magiging masaya para sayo at sa mga achievement mo pang makakamit. Deserve mo lahat ng yon, Pauline. Sana maging masaya ka.

Nadurog ang puso ko. Kasalanan ko na hindi ko napanindigan ang paghihintay. Hindi ko rin talaga inaasahan na ganoon ang magiging epekto ni Ivan sa buhay ko. Na mahuhulog ako sa kanya at hindi na muli pang makakaahon.

Pauline Floresca: I'm sorry, Jay. At salamat dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay nalaman kong nagkaroon pa rin pala ng pag-asa sa ating dalawa. Alam kong alam mo kung gaano kalalim ang nararamdaman ko para sayo noon at tingin ko, hindi naman ako nagkulang na iparamdam sayo iyon. Siguro nga, another wrong timing lang ulit ito para sa ating dalawa. Pero hindi ako nagsisising nagustuhan at minahal kita dahil marami akong natutunan sayo at isa ka sa mga taong naging inspirasyon ko para ipagpatuloy ang buhay. Sana . . . sana makahanap ka ng taong tama para sayo dahil kapag nangyari 'yon—ako ang unang taong magiging masaya para sayo. Lagi mo lang tatandaan na bago ko piniling mag-focus sa buhay ay ikaw ang huling naging what if ko at ngayon na nasagot na. Salamat. Salamat sa lahat. Hinding-hindi kita makakalimutan.

Jay Ariego: Good bye, Pauline.

Pumikit ako nang mariin. At bumulong sa hangin, "Good bye, Jay . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top