Chapter 14

Foundation day.

    Marami na ulit pumasok na outsiders mula sa iba't ibang university ng bayan namin dahilan para makasalubong ako ng mga taong hindi naman pamilyar sa 'kin.

    "Pauline!" sigaw ni Kaye nang makalapit siya sa 'kin.

    Gusto kong matawa dahil mukha siyang stressed sa itsura niya.

    "Bakit?" tanong ko. "Para kang hinabol ng aso sa itsura mo." Inayos ko ang buhok niyang tumatabing na sa mukha niya.

    "Bakit kasi hindi ka nag-o-online? Kanina ka pa hinahanap ni Miss Charina kasi nandiyan na yung make-up artist niyo."

   Napangiwi ako. Bakit parang habit na ni Miss Charina na si Kaye palagi ang utusan para hanapin ako?

   "'Yon lang ba?"

   Tumango siya. "Sakto lang kasi papunta na 'ko talaga sa Red Cross ngayon."

   Napatango ako sa kanya at nagpasalamat. Nang talikuran niya ako ay nagmadali na rin akong maglakad habang kawit-kawit sa braso ang dress na nirentahan ko sa shop. Pumatak ng five hundred pesos, ang mahal nga. Isang gamitan lang naman.

   Wala bang naka-receive sa mga 'yon na mali-late ako? isip-isip ko.

   Nagchat ako sa kanila kanina kasi kinailangan ko pang daanan 'to. O, sana man lang ininform ng mga magagaling kong kaibigan. Kaso maski sila ay hindi ko na nahagilap kaninang umaga.

  Pagdating ko sa classroom ay crowded na sa dami ng tao. Nakita ko ang set-up na parang napapanood ko sa vlogs ng mga artista sa set nila ang vanity mirror na puno ng mga make-up at mga ginagamit sa buhok.

   Nakita ko yung mga kasama kong contenders rin na pormadong-pormado na. Mukhang ako na lang talaga.

   "Miss, nandito na po si Pauline," wika ni Leigh.

   Ibinaba ko na ang gamit ko sa tabi ng upuan ni Ivan. Hindi ko alam kung kailan pa kami nagsimulang magkatabi pero kada pumapasok ako, diyan ko na natatagpuan ang mga gamit niya.

   "Pauline, pwesto ka na rito."

   Sinunod ko naman si Miss Charina at umupo na sa harapan ng vanity mirror. Hindi ko alam kung anong minamadali ng mga ito kung ang aga pa naman.

   7:15 a.m. at naimporma kaming 8:00 a.m. ang umpisa ng program. Pero siguro dahil marami kaming contestants ay pinaagahan ni Miss Charina ang paghahanda. Paniguradong gastos niya ang lahat ng ito kaya mas lalo akong humanga sa kanya.

   'Yon nga lang, I know better. Baka nga 9:30 a.m. pa magsimula ang program or worse, maging 11:00 a.m. Kung saan hula na lahat ng make-up namin.

   "Ang gaganda't guwapo ng mga estudyante mo, Charina," komento ng nagbublower ng buhok ko.

   Nasa likuran ko lang si Miss Charina kaya kitang-kita ko ang malaking ngiti niya sa labi.

   "Alam mo 'yan, Mare. I always get the best students pero mas okay kung makuha nila ang pinaka the best experiences in life."

   Napangiti na lang ako. Miss Charina and her wisdom.

   Habang inaayusan ako ay naririnig kong nag-uutos si Miss Charina sa mga kaklase ko patungkol sa booth dahil may contest din para doon. Narinig ko rin ang boses ni Sir Francis habang nakapikit ako, mukhang ch-in-echeck niya kami. Meron ding bumibili ng mga pagkain namin para raw hindi magutom ang lahat.

   Nilalagyan ako ng eye shadow nang marinig ko naman ang boses ni Miss Ariza.

    "Wow, Cha! Ibang klase ka talaga, Amiga. Pinabonggahan mo talaga ng ganito mga bata?"

   Tumawa si Miss Charina. "Oo naman, 'no. They gave us the best performance, so, tama lang na they also got the confidence to propose themselves on stage."

   "Girl, pwede ka ng dumilat," sabi ng make-up artista sa 'kin kaya ginawa ko. Ngunit bago pa man malunod sa imahe ng babaeng nakikita ko sa salamin ay tumagos ang tingin ko sa lalaking seryosong nakatitig sa akin sa likuran at taimtim akong pinapanood.

   Si Ivan.

   Kinumuyom ko ang kamao ko dahil nararamdaman kong ilang segundo lang ay maaari akong lumuha rito at alam kong hindi naman pwede 'yon o mawawala ang make-up ko.

   Ivan, sinasabi ko sayo! Words of affirmation ang love language ko! Hindi uubra ang frustrations mo sa 'kin.

   Pero shit! Bakit ka ba ganyan makatingin? Ano bang ginagawa ko sayo? Bakit gusto kong umiyak sa simpleng pagtitig mo?

  Natabunan lang siya nang sumalida si Miss Charina at pumalakpak pa habang pinaliliguan nila ako ng papuri ni Miss Ariza pati na rin ng make-up artist ko.

   Napangiti na lang ako. "Thank you po."

   "Magbihis ka na, Pauline para makapag-register ka na rin sa auditorium," sabi niya na agad ko namang sinunod.

    Habang nagpapalit sa comfort room ay muling bumabalik sa isipan ko ang ginawang pagtitig ni Ivan kanina sa classroom.

    Nakakatangina kasi unang beses kong damang-dama na ang ganda ko sa paningin niya kahit na . . . alam mo 'yon? Hindi mo mabasa yung nasa mga mata niya.

   Pigang-piga na ang puso ko. Hulog na hulog na 'ko sayo.

   Hindi na 'ko makakawala . . . hindi na.

    Natigilan lang ako nang marinig ko ang mga pamilyar na boses nina Leigh, Kaye, Leslie at Charlene na nag-uusap dito sa banyo. Masiyadong cliché pero nakinig pa rin ako.

   "Talaga crush mo si Ivan? Kailan pa?" si Kaye 'yon.

    "Simula nung hinatiran niya 'ko ng pagkain sa volleyball court."

    Natigilan ako. Aaminin ko, maganda si Leigh. Mabait pa at klase ng kaibigan na ipagtatanggol ka sa lahat. Matapang.

    Anong connect nun sa pagkakagusto niya kay Ivan? tanong ng napakakulit kong utak.

    Pwede siyang potential jowa para kay Ivan.

    Napaka ano mo, Pauline. Pinapangunahan mo yung tao, pinagalitan ko ang sarili ko.

    Napangiti ako nang mapait. Ano nga bang pakialam ko, 'di ba? Alangan naman pagbawalan ko lahat ng tao na kausapin siya.

   Jusko, ang OA! Hindi naman ako ganito kay Jay dati eh.

    "Dahil lang sa hinatiran ka? E mabait naman talaga in nature si Ivan, 'di ba?" sabi ni Charlene.

     Anong mabait sa lalaking 'yon? Napaka snob nga.

     Gusto mo naman, epal ng utak ko.

     Bakit nga ulit ito ang klaseng pag-iisip na meron ako? Pero may point.

    "Hindi ko naman ina-assume na may gusto siya sa akin pero alam niyo 'yon? Doon ko lang unang naramdaman na napalapit ako kay Ivan at dahil pa sa kabaitan niya," halata sa boses ni Leigh ang puno ng pag-asa.

     Ayoko na ng mga naririnig at naiisip ko kaya binuksan ko na ang cubicle ko dahil tapos na rin naman akong magbihis. Nakita kong nag-aayos pala sila ng sarili.

     "Kanina ka pa diyan, Pauline?" tanong ni Kaye na tinanguan ko.

     "Hirap suotin ng damit 'pag nasa banyo ka," pagdadahilan ko saka bumaling kay Leigh. "Ikaw, ha. Ano yung narinig ko? Akala ko ba pamilya tayo sa classroom?"

     "Ampon lang ako," sabi niya sabay tawa.

     Natawa ako. "Sige na, balik na 'ko sa classroom."

     "Good luck, Pauline!" sabi nila na pinasalamatan ko.

    Alam kong hindi naman ako nakikipagkumpitensya at wala sa bokabolaryo ko ang bagay na 'yon pero bakit parang dama ko ang insecurities sa katawan ko ngayon?

   Pag pasok ko ng classroom ay bumungad sa 'kin si Ivan na bumabangka na naman ng baduy niyang jokes sa mga barkada niya. Sa ilang buwan naming pagsasama ni Ivan sa iisang classroom, natuklasan kong nasa loob ang kulo ng lalaking 'to. Kunwaring suplado pero sobrang daldal at napakaraming kalokohang nalalaman. Pili yata talaga ang mga kinakaibigan niya at pinaglalabasan ng ganoong ugali.

    Napalingon sila sa akin nang makalapit ako sa upuan ko at inilagay ang mga damit sa bag. Hinanap ko ang perfume ko at nakitang ubos na iyon. Hindi pa dumadating yung in-order ko sa TikTok kaya naman napabuga ako ng hangin.

   Bumaling ako sa nalanghap kong amoy. Pamilyar na amoy at nakitang nagsi-spray si Ivan ng perfume sa katawan niya.

   "Ivan, pahingi ng perfume." Inilahad ko ang kamay para ilagay na lang niya yung bottle pero imbes na ganoon ang ginawa ay nagulat ako ng siya mismo ang lumapit para i-spray sa katawan ko ang perfume niya.

  Umikot din siya para pati ang likuran ko ay malagyan. Hindi na lang ako nakapagsalita.

   "Salamat," sabi ko sa kaniya nang lingunin ko siya ngunit nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Leigh na nakatingin sa aming dalawa.

    Sumenyas si Leigh na tumahimik ako kaya mapanudyo akong ngumiti sa kaniya.

    Hindi ko naman talaga sasabihin at wala akong balak na sabihin.

***

Pagdating namin sa auditorium ay maraming estudyanteng sumasalubong sa 'min at napapangiti sa gawi ko. Kasama ko sina Arianne, Vera at Cassia dahil kung hindi, ililibing ko sila nang buhay. Lagi na lang silang wala.

     Nang pumunta kami sa backstage ay napakaingay na mapagkakamalan mong sasabak sila sa gyera. Pinag-isa kami nina Miss Charina ng pwesto para hindi na raw nila kami hahagilapin sa kung saan. Mamayang hapon pa yung contest nina Ivan kaya nasa audiences lang sila.

   "Uy, sino yung mag-o-operate ng music ko?" tanong ko sa mga kaibigan ko.

   "Ako, kaya wag kang pipiyok kung ayaw mong ipaulit ko sayo yung kanta," biro ni Cassia na inirapan ko.

   "Hindi ipapaulit sakin 'yon. Disqualified na agad 'yon. Sira ka."

    Tumawa lang sina Arianne at Vera.

   Napatingin na lang kami kay Miss Charina na biglang lumapit sa amin at daig pa ang aircon sa lakas ng pagpapaypay niya sa sarili niya.

   Natawa kami sa upuan namin. "Tense na tense ka, Miss? Kalma lang."

   "Huwag kayong kakabahan mamaya, ha?" sabi niya. "Always remember that it's not about winning. It's about experiencing and learning."

   Napangiti ako pero 'di ko maiwasang mapaisip, "Miss, kapag ba kabado ka napapawords of wisdom ka palagi?"

   Muntik na niya 'kong hampasin ng pamaypay kaya nagtawanan kami. "Loka! Ayusin mo, ha! Para may J.CO tayong lahat."

   "O, Pauline, tandaan mo sinabi ni Miss bago ka naman ipa-ambush," biro ni Cassia na nagpatawa sa amin.

   "Mga baliw."

   Hindi na rin naman nagtagal ng tawagin ang pangalan ko sa stage. Sinamahan ako ni Cassia na dadaan sa shortcut palabas ng stage at maiconnect ang cellphone ko sa sound system.

   Nang makalabas sa backstage ay narinig ko ang tilian ng mga first year mula sa deparment nila at paghampas ng maingay na galon at bass drum na narinig ko sa volleyball court.

  Pumalinlang sa tainga naming lahat ang instrumental ng kakantahin ko na mas nagpadagdag sa tilian ng lahat.

  Ngunit isang tao lang ang hinananap ng mga mata ko bago ako nagsimulang kumanta.

   "Sa hindi inaasahang . . . Pagtatagpo ng mga mundo . . . May minsan lang na nagdugtong
. . . Damang-dama na ang ugong nito. . ."

   Hindi naman siya mahirap hagilapin kasi heto siya sa harapan ko at sunod-sunod ang pagpindot ng shutter. Kaya mas lalo kong dinama ang kanta sa pag-asang ako ang magiging best subject niya.

   "Ba't 'di pa patulan ang pagsuyong nagkulang . . . Tayo'y umaasang . . . Hilaga't kanluran . . . Ikaw ang hantungan . . . At bilang kanlungan mo . . . Ako ang sasagip sa'ýo . . ."

   Sabi ko sa sarili ko, kaya kong maghintay. After all, first love never dies. Pero habang isinasatinig ang kantang ito ay walang ibang pumapasok sa isip ko nang paulit-ulit kundi siya lang . . . ang taong hindi ko inaasahang makikilala ko sa mga panahong 'to.

   Snob siya, suplado, masungit, ang baduy mag-joke—lahat na! Kaya hindi ko maintindihan . . . bakit siya?

   Na pagkatapos lahat ng paghihirap ko sa paghihintay at paghiling na sana ay makapiling ko na ang taong inakala kong dapat kong makasama ay siya pa ang binigay siya akin; kung kailan ayoko muna sa salitang 'pagmamahal'.

     "Ba't 'di pa sabihin . . . Ang hindi mo maamin . . . Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin . . . Huwag mong ikatakot . . . Ang bulong ng damdamin mo . . . Naririto ako't nakikinig sa'ýo . . ."

     Pero hindi na ako makaangal, ang galing lang ng pag-ibig. 'Yong taong hindi kailanman sumagi sa isipan ko noon ay siya pa ang binuhusan ko ngayon ng pagmamahal.

     Kota ka na, Kupido.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top