Chapter 13

Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa isip ni Ivan pero simula nung samahan niya 'ko papunta sa canteen ay hindi na niya ako nilubayan.

Tulad ngayon, hinabol pa niya 'ko. Pupunta lang naman akong grandstand para magpapirma. Maya-maya, nandito na rin si Miss Charina dahil sabi niya, kailangan niya 'kong ma-check. Lalo na't bukas na ang foundation day. Siyempre, kahit absent si Miss Charina, binirahan ko na lang ang pagpapractice. Todo support naman ang mga kaklase at kaibigan ko sa 'kin. Maliban kina Bethany.

Tanong pa ba 'yon? E puro inggit at galit na lang yata nanininuot sa katawan no'n.

"San punta mo?"

"Mag-a-attendance."

"Tara, samahan na kita."

Napailing na lang ako. "Lagi mo na lang akong sinasamahan. E tapos na kayo kanina pa, 'di ba?"

Sila kasi yung nag-imporma sa 'kin na ako na lang daw ang hindi pa pumipirma. Nag-practice pa kasi ako kanina. Pinractice ko pa yung pang warm up na kanta ko kanina kaya nagahol ako sa oras. Buti at pwede pa ngayong lunch.

Hindi niya ako pinansin kaya tumigil ako sa paglalakad. Napatigil din siya at lumingon sa 'kin. "Ano?"

"Lutang ka ba o hindi mo lang ako narinig? Sasama-sama ka pa e kanina pa kayo tapos pumirma," sabi ko sa kanya. Bakit ba hindi na lang niya ako hayaang iwasan siya nang matiwasay at hindi na mapunta pa 'tong nararamdaman ko sa kung saan? Ang kulit.

"May dadaanan din naman ako sa grandstand. Inutusan ako ni Megan."

Natigilan ako doon at parang nag-buffer ang utak ko sa narinig.

Boom, may assuming dito! asar ng utak ko kaya halos mapasabunot ako ng buhok.

Tumikhim ako at taas noong hinarap siya. "Ah, ganun ba? Okay." Nilampasan ko na siya at halos takbuhin na ang patungong grandstand.

Narinig ko siyang tumawa. Pinilit ko siyang ignorahin. Subukan niya 'kong asarin, tatamaan siya ng kamao ko.

"May tanong ako," seryoso niyang wika kaya kinabahan ako.

Tanong? Anong klase? At bakit siya magtatanong?

Alam na ba niya? Ganoon ba talaga kahalata? O nadadama kaya niya?

Sa sobrang obvious ba naman ng tingin mo sa kanya at pag-iwas mo, hindi pa niya mahahalata? kontra ng isip ko kaya mas lalo akong kinabahan. Huwag naman sana ngayon.

"Ano?"

Malapit na kami sa grandstand nang bigla silang magpatugtog na umalingawngaw sa buong campus.

Candy, she's sweet like candy in my veins
Baby, I'm dying for another taste
And every night my mind is running around her
Thunder's getting louder and louder

"Pano kung palaka pala tayo pero mas happy lang ako?"

Weird akong napatingin sa kanya nang makaakyat na kami ng grandstand. Mabuti na lang at kakaunti lang ang estudyante ngayon, siguro dahil lunch na. Pero ang lakas ng volume ng sound system nila.

Baby, you're like lightning in a bottle
I can't let you go now that I got it
And all I need is to be struck
By your electric love

Baby, your electric love

"Anong klaseng tanong 'yan? Joke ba 'yan?" natatawang wika ko habang kinakapa ang ballpen sa aking bulsa. Shit, mukhang nakalimutan ko pa yatang magdala.

Napatampal ako ng noo.

"Bakit, Pauline?" tanong niya.

Tiningala ko siya. Bakit ba ang tangkad ng lalaking 'to at ang walang kwenta kung mag joke?

"Wala akong dalang ballpen . . ."

Natawa naman siya at umiling. "Tapos ayaw mo pang samahan kita?"

Napailing ako. "Ano ba? May ballpen ka ba or wala?"

Drown me, you make my heart beat like the rain
Surround me, hold me deep beneath your waves
And every night my mind is running around her
Thunder's getting louder and louder

Bumaba siya sa 'kin na ikinunot ng noo ko. Anong drama nito?

Kumalabog na naman ang puso ko. Tinanggap ko nang wala na 'kong magagawa tungkol sa bagay na 'to.

Baby, you're like lightning in a bottle
I can't let you go now that I got it
And all I need is to be struck
By your electric love
Baby, your electric love
Electric love (ah-ah)

"Kiss muna."

Sinapak ko na. "Baliw! Akin na kasi!"

Humalakhak siya. Inirapan ko naman. Alam kong nang-aasar lang pero nakakabwisit. Nakakatuwa 'yon?

Ibinigay rin naman niya pero talagang hindi napalampas ang pagdidikit ng mga palad namin. Napalunok ako.

May magagawa pa kaya ako sa nararamdaman ko para sa kanya? Kasi tingin ko, wala na.

Hulog na hulog na.

Rushing through me
I feel your energy rushing through me
I feel your energy rushing through me

Nang matapos akong pumirma sa attendance ay bumalik din naman kami kaagad. Nang naalala ko ang tungkol sa inuutos sa kanya ni Megan.

"Akala ko ba may dadaanan ka sa grandstand?"

Ngumiti lang siya. "Nakuha na kanina."

Natulos ako sa kinatatayuan ko.

Baby, you're like lightning in a bottle
I can't let you go now that I got it
And all I need is to be struck
By your electric love
Baby, your electric love (ah-ah)
Baby, your electric

   Ewan ko sayo, Ivan

***

"Miss Charina, ito na po yung speaker." Pumasok ang isang schoolmate namin sa classroom at inilapag ang speaker nila na may mic na siyang hiniram ni Miss Charina.

Kanina pa nga niya ako iniintriga tungkol sa practice ko. Kabang-kaba yata si Miss. Kaya in-assure ko siyang hindi ko naman pinababayaan. Parang hindi ko rin kayang i-disappoint si Miss.

Kinuha ko ang phone ko at muling pinakinggan ang Tadhana by Up Dharma Down na siyang kakantahin ko sa Literary Contest ng Foundation Day. Mabuti na lang talaga at tapos na ang mga school works namin bago naganap itong foundation day namin. Wala akong masyadong poproblemahin.

"Pauline, may minus one ka na bang nadownload?"

Tumayo na 'ko dala ang cellphone ko palapit kay Miss Charina. "Yes, Miss. Meron na po."

"I-try nating i-connect sa speaker yung phone mo."

Binigay ko sa kanila ang phone ko nang magtanong ang isa sa kanila, ang lalaking nagmamaniubra ng cellphone ko.

"Anong sinalihan mo?"

"Vocal Solo."

"Okay na ba lalamunan mo, Pauline?"

Napalingon ako sa lalaking sumingit at nakitang nakatayo na pala sa gilid ko si Ivan. Anong lalamunan pinagsasabi nito?

Hindi naman masakit lalamunan ko ah?

"Okay na 'to, Miss Cha." Binigay nila sa akin ang mikropono kaya sinubukan kong i-test bago tumango. Okay na nga.

Mabuti na lang talaga at hindi na nila 'ko hinayaang makapagbitiw ng mga salitang hindi naman nila makukuha. Nababaliw na kasi talaga si Ivan.

Hindi na naman nakainom ng gamot niya.

"Thank you, boys. Balik kayo rito mamaya para malibre ko kayo," sabi ni Miss Charina.

Tumawa lang yung isa sa kanila at nagpasalamat bago nagpaalam. Kumaway na rin ako.

"Unfair naman, Miss Cha. Pano kaming mga naglaro at napagod?" napangiwi ako sa sinabi ni Bethany.

Hindi naman makapal ang mukha niya, ano? At anong pinaglalaban niya? Siya ba ang nagpahiram ng speaker?

"Tama ka na, Bethany. Pasikat ka lang, bangko ka naman," banat ni Ivan na nagpatawa sa mga kaklase ko.

Napailing na lang ako. Alam kong biro lang ni Ivan 'yon pero may laman yung sinasabi niya. Wala kasing ibang nasa katawan nitong si Bethany kundi insecurities at yabang. Tapos isisisi niya sa iba ang kakulangan niya.

"Pauline, patugtugin mo na yung minus one mo." Bumaling siya sa mga kaklase ko. "And don't worry kasi 'pag nanalo si Pauline, ililibre ko kayo ng J.CO."

Totoo si Miss Charina sa mga salita niya kaya naman bigla akong na-pressure. Nang bumaling siya sa akin ay saka lang ako natauhan.

"Walang gano'n, Miss Cha," sabi ko.

Ngumiti siya. "Kaya mo 'yan."

Bigla kong naalala yung kantang gusto kong kantahin bilang warm up. Kahit hindi ko sigurado kung pang warm up ba ang ganoong kanta, basta sa 'kin, parang ang gaan lang kahit may mataas na nota.

"Miss, may kakantahin muna po ako bago yung Tadhana."

"Ano?"

Hinahanap ko naman sa playlist ang minus one ng kantang Saving All My Love For You ni Whitney Houston. Kagabi ko lang narinig 'yan nung nag-search ako ng mga music. Nitong nakaraang araw, simula nung sinabak ako rito ni Miss Charina ay bumalik ang kagustuhan kong makinig ng musika.

At nung narinig ko ang kantang iyon ay walang ibang pumasok sa isipan ko kundi ang taong nagpapatibok na ngayon ng puso ko pero hindi niya alam — si Ivan.

Nang tumugtog ang instrumental ay natawa si Miss Charina. "Huwag mong sabihing pang warm up mo ang kantang 'yan, Pauline?"

Ngumiti lang ako at humigpit ang hawak sa mikropono.

"A few stolen moments is all that we shared . . . You've got your family and they need you there . . . Though I've tried to resist being last on your list . . . But no other man's gonna do . . . So I'm saving all my love for you . . ."

Umingay ang classroom namin dahil sa umusbong na palakpakan. Nakita ko pang may hinampas silang galon sa mga arm chair nila kaya napailing na lang ako. Wala kanina 'yan kaya saan galing ang galon na 'yan?

"It's not very easy living all alone . . . My friends try and tell me find a man of my own . . . But each time I try, I just break down and cry . . . Cause I'd rather be home feeling blue . . . So I'm saving all my love for you . . ."

Pumikit na lang ako nang mamataan ang mga estudyanteng tumigil sa classroom namin para silipin akong kumanta. Ayokong lamunin ako ng hiya dahil bukod sa matagal na 'kong hindi kumakanta ay sa mga kaklase ko palang ako nasanay ulit.

At nang muli akong dumilat ay nagtama na ang mga paningin namin ng lalaking gusto kong gawan ng isang buong playlist na kung saan naglalathala ng nararamdaman ko para sa kanya.

Sa klase ng lalaking katulad ni Ivan, alam kong hindi siya tatablan ng mga salita ko kasi ako lang naman ang Words of Affirmation sa aming dalawa. Yung kanya? Hindi ko alam. Bahala siya.

Kaya ito ang isa sa paraang iyon, ang alayan siya ng kanta.

Gusto kong malaman niya na iba siya. Hindi ito yung klase ng pagkakagusto na naramdaman ko kahit kanino; sa ex ko man o kay Jay.

Hindi ko alam na yung spark na nararamdaman ko ay kayang sumabog nang ganito.

"Gonna get that old feeling when you walk through that door . . . Cause tonight is the night for feeling alright, we'll be making love the whole night through . . . So, I'm saving all my love . . ."

Kaba, gulat, saya at pagkagusto — ano pa bang kaya niyang gawin sa 'kin?

"Yes, I'm saving all my love for you . . ." bulong ko sa ere.

Maramdaman mo na kaya ang nararamdaman ko, Ivan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top