Chapter 11

Sinubukan kong tawagan si Jay pero hindi siya sumasagot. Ilang hours na siyang offline. Hindi ko na rin mabilang kung ilang linggo na ba o kung umabot na ba ng linggo ang hindi namin pag-uusap. Mukhang pinanindigan na niya ang pagiging busy. Tapos ako, eto, ganoon din hanggang sa sumulpot si Ivan sa buhay ko.

     Bakit ba hindi na lang niya pinanindigan ang pagiging snob? Bakit bigla na lang siyang namamansin?

     Bakit hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa mundo ko ng ganoon kabilis?

     Muli akong gumulong sa kama dala ang kumot dahil kanina pa ako hindi makatulog sa pag-iisip ng ngiti ni Ivan matapos kong mag-perform.

     Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

     Pero isa lang ang sigurado ko, nagbago na ang tingin ko sa kanya.

***

Maaga akong pumasok . . . o late. Buwisit kasi sila Vera, hindi nila ako ginising. Pero wala rin namang maayos na schedule kaya ayos na rin.

     Nasa student's shed pa lang ako pero kabang-kaba na ako. Hindi ko alam kung anong tamang reaksyon 'pag magkaharap na kami mamaya.

     Nang makarating sa building namin ay para akong papunta sa dungeon. Tanging ngiti lang ang naisusukli sa mga bumabati hanggang sa makarating ako sa dead end ko.

     Para ka namang bibitayin sa sinasabi mo, bulong ng isang bahagi ng utak ko.

     Nakita kong naglalaro si Ivan ng bola sa loob ng classroom. Wala pang masiyadong tao sa loob. Nang magtama ang paningin namin ay patay malisya akong pumasok sa loob na iniignora ang presensya niya.

     Kumunot ang noo ko nang matagpuan sa tabi ng upuan ang pamilyar na bag.

     "Good morning, Pauline!" bati ni Leslie.

     "Bakit parang puyat ka? An'yare sayo kagabi?" usisa ni Charlene.

     "Walang good sa morning kung ako lang naman ang isasalang ni Miss sa contest, 'no," sabi ko sa kanila at umupo na.

     Nakakaramdam na naman ako ng antok. Nitong mga nakaraang araw, parang hindi na ako nakakatulog. Laging kulang. 'Di tulad nung wala pang pasukan, ang ganitong oras ay tulog pa 'ko.

     Kagabi nga, inaccept ako ni Miss Charina sa Facebook para lang kulitin. Kung wala sigurong contest, hindi na na niya mapapansin yung friend request ko na nalipasan na ng taon.

     "Kaya mo 'yan. Support naman kami sayo," sabi ng kaklase kong si Jesh.

     "Kaya nga. Ikaw manok namin."

     Napangiwi ako. Manok? Ano yung sasalihan ko? Sabong?

     Sumandal muna ako sa pader at kinuha ang phone sa bulsa para makinig ng naka-shuffle na music bago pumikit.

     Pero siyempre, hindi ako makatulog kaya nang dumilat ako ay halos mapatalon ako nang makita si Ivan na katabi ko na at parehas sa akin ay nakasandal na rin siya sa pader.

     So, kanya ang bag.

     Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba? Kailan ba 'ko tatantanan nito?

    Paalala ko lang na ayoko ng plot twist sa buhay ko. Isa pa, words of affirmation ang love language ko, hindi frustration! Nakaka-frustrate na ang lalaking 'to!

     Pumasok si Quiroz kasama sina Elijah. "Ivan, practice raw."

      "Wala pa sina Michael."

     Tumaas ang kilay ko. "Anong meron? Tapos na laro niyo ah?"

     Kailangang makisali kasi dakila pa rin naman akong tea lover kahit ayoko ng actual tea. Jasmine tea nga lang kilala ko, eh. Iinom pa 'ko?

     "Kasali 'yan sa Vocal Solo with Back Up," sagot ni Elijah.

     Sinilip ko sa gilid ko si Ivan at mukha siyang problemado. Walang kangiti-ngiti sa mukha niya. E 'di nadama rin niya ang pressure.

     Napangisi ako at tinapik ang balikat niya. "Ayos lang 'yan." Ganyang style sila mang-support kahit ayaw mo. Triny ko lang sa kanya.

     Dumilat siya kaya nagtama ang mga paningin namin. Binawi ko ang kamay ko at umiwas ng tingin sa kanya.

    Sa puso ko diyan na daig pa ang kabayo kung manipa, masakit na. Kaya kung pwede, tigilan mo muna 'ko. Utang na loob!

     "Punta tayong canteen," aya ni Megan saka humarap sa 'min. "Sama kayong dalawa?"

     Hindi ko na hinintay pang magsalita si Ivan at tumayo na. Narinig ko rin naman ang pagsunod niya.

     Habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen, ayaw akong lubayan ng isip ko kung saan na ang mga magagaling kong kaibigan. Nasa room ang mga bag nila pero sila ang wala. Saan na naman ba sila nagsususuot?

     "Tambay tayo mamaya sa student's shed," suhestyon ni Ivan nang makarating kami sa canteen. Mabuti na lang at wala masyadong tao kaya hindi na namin kailangang makipagsiksikan.

    Siomai ang binili ko pati na rin softdrinks. Kailangan magising-gising ng utak ko.

    "Ilan tayo sa arrozcaldo?" tanong ni Megan.

    "Lahat tayo," sabi ni Reign.

    Bumaling sila kay Ivan kaya napatingin na rin ako.

    "Ikaw bumili," utos nila na nagpatawa sa 'kin. Mukha kasing tanga yung expression ni Ivan eh.

     "Ano ako yayo mo?"

    Natawa kaming lahat. Hindi siya cute. Mukha siyang nakakaasar pero nang kinuha niya pa rin ang pera kay Megan ay napangiti na lang ako. Minsan talaga, ang hirap niyang intindihin.

     Nang makabili siya ay nag-aya na silang umalis ng canteen. Nakasunod lang naman ako sa kanila nang ibinigay niya sa 'kin ang arrozcaldo pero sinabi kong sa student's shed na lang. Hindi naman siya sumagot kaya kinuha kong "oo" na lang ang gestures na 'yon bilang pagpayag.

     Agad silang nag-unahan sa pag-upo nang makarating kami sa student's shed. Napangiwi nga lang ako nang makitang ang natirang upuan ay nasa tabi niya.

     "Tumabi ka na kay Ivan, Pauline," sabi ni Reign na ginawa ko. Para namang may choice?

     Sus, gusto mo rin naman, panira ng utak ko.

     Tagal ko nang tanong sa sarili ko kung bakit hindi pwede ang brain transplant, e. Nakakabanas na ang ganitong klase ng utak.

     Kung papalitan ako, baka hindi na siya ang magustuhan mo.

     Mas mabuti pa nga sigurong palitan na lang.

    Tahimik lang kaming kumakain nang marinig kong magsalita si Quiroz.

     "Ivan, anong kakantahin ni Iris sa performance niyo?"

     Napatingin din ako sa kanya dahil sa kuryosidad. Makapal naman na ang mukha ni Ivan pero gusto nilang panindigan para sa kanya. Natatawa tuloy ako. Feeling ko nanghihila lang 'to ng audience. Kilala kasi siya.

     "Oo ng Up Dharma Down."

     Nagulat ako sa song choice. Seriously, anong meron sa Up Dharma Down ngayon?

     "Lakas maka-coincidence. Si Pauline, Tadhana tapos sa inyo, Oo. Ayos rin, isang tinadhana at isang hindi."

     Napatitig na lang ako sa harapan pero iniisip ko na kung anong pumapasok sa isip ngayon ni Ivan.

     Pero higit sa lahat, bakit ang lakas maka-Jay and Pauline ng Oo ng Up Dharma Down?

     Pero joke lang. Hindi na talaga ako natutuwa sa set-up na 'to.

     Naramdaman kong may nakatitig sa likuran ko kaya nang lingunin ko 'yon ay nahuli ko ang tingin niya. Siya ang unang umiwas.

     Hindi naman ako assumera pero ramdam ko yung pagbabago sa atmosphere ng pagkatao niya sa tuwing nagkakatitigan kaming dalawa. Na para bang ang paraan ng pagtitig ang komunikasyon namin sa isa't isa. At meron kaming sariling mundo sa pagtitig na iyon.

     Magulo? Sobra.

     Nakaka-frustrate? Oo.

     In love ka na, sabi ng utak ko.

     Dama ko 'yon. Pero hindi pwede. At ayokong mangyari 'yon.

     Bumuga ako ng hangin at paulit-ulit na umiling.

     Kailangan ko na siyang iwasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top