Chapter 10
Last day of Intramurals. Plus, championship. Marami pa ring tao sa university at patuloy pa rin ang ingay ng mga estudyante dahil sa mga pangalang binabanggit sa Love Notes, Love Lines. Habang ako . . .
"Gusto ko na matulog," wika ko habang pabalik kami ni Cassia sa classroom. Hindi naman siya sumagot.
Natalo ako.
Pero ayos na rin kahit disappointed. Magagaling naman kasi ang badminton players na nakalaban ko. Ang mahalaga naman, ginawa ko ang best ko.
Nasa hallway kami pabalik ng Fine Arts building nang makasalubong namin sina Ivan. Siya ang bumabangka sa kanila dahil nakatitig sa kanya ang mga kaibigan niya. Bigla ko nga lang narinig ang announcement sa grandstand kaya nawala sa utak ko 'yon at napalitan ito ng pagkadismaya.
Sino kaya ang malas? Ako ba o talagang mabigat 'tong raketa ni Ivan?
Natigilan lang ako nang makitang nasa harapan ko na sina Ivan.
"Ayos ka lang?" tanong ni Rianne.
"Kanina pa malungkot 'yan."
Bumaling si Ivan kay Cassia. "Bakit? Anong nangyari?"
"Natalo eh," ako na ang sumagot.
Sabi ng tournament manager namin kanina, posibleng third place yung makuha namin kung maipapanalo ni Kola yung huling laro. Talo na kasi sina Bethany.
Tinapik nila ang balikat ko. "Ayos lang 'yan. Ang mahalaga naman, nagawa mo best mo."
Tumango na lang ako at nang akma na silang aalis ay napatanong kami ni Cassia. "San kayo pupunta?"
"Sa publication office."
Nakalimutan kong may duty nga pala sila.
"Tapos, ihahatid namin si Reign sa Sepak Takraw, may duty siya eh."
Tumango na lang ako. "Sige, una na kami sa room. Pagod na 'ko eh."
Tatalikuran na sana namin sila nang magsalita si Ivan. "Pauline, sa upuan ko na lang pakilagay yung raketa."
Akala ko naman kung ano na. Tinanguan ko na siya at pinutol ang titigan naming nagiging malalim na naman. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot na ako sa tuwing nagsasalubong ang tingin namin sa isa't isa.
"Pauline!" Tumatakbo palapit sa amin si Kaye kaya nagkatinginan kami ni Cassia bago lumapit sa kanila.
"Problema mo?"
"Hanap ka ni Miss Charina."
Miss Charina ang chairperson ng first year at hindi siya yung tipo ng madalas na magpatawag ng estudyante dahil napaka busy niyang tao.
"Bakit daw?"
Sumabay na kami sa kanyang maglakad.
"Isasali ka raw niya sa Vocal Solo ng Literary Contest."
Umawang ang labi ko at pawang nabingi ako sa sinabi niya. Sino raw ang isasalang? Ako?
"Bakit ako?" hindi ko na napigilang sabihin.
"Hindi namin alam. Nandoon nga si Bethany, nagpupumilit na siya na lang kasi puro na lang daw ikaw."
Napangiwi ako. Kailan yung naging puro "ako" kung ngayon lang naman ako pinatawag?
"Sana siya yung sinabak ni Miss," wika ni Cassia na sinang-ayunan ko.
"Totoo," sabi ko. "Sino ba kasing Poncio Pilato ang nag-rekomenda ng boses ko?"
Nawala ang tawa ni Kaye at unti-unting nagtaas ng kamay. Naningkit ang mata ko.
Aambahan ko na sana siya nang magsalita siya. "Sorry na. Nagandahan lang naman ako sa boses mo nung narinig kitang kumanta sa banyo. Kaya nang maghanap si Miss, ikaw agad tinuro ko."
Baliw yata 'to. "Sa banyo lang umuubra boses ko!"
Nang makarating kami sa building namin ay tahip tahip na ang kaba ko. Sinamaan ko ng tingin si Kaye na siyang dahilan kung bakit nandito ako sa situwasyong 'to.
"Miss, huwag na si Pauline. Lagi na lang niyang pinapatalo yung batch natin," dinig kong sabi ni Bethany.
Desperada, eh?
"E sino pala gusto mong isali, Bethany?" nabosesan ko si Hannah.
"Ako."
Natigilan lang si Bethany nang makapasok kami ng classroom. Natagpuan namin si Miss Charina na nakakrus ang braso habang nakasandal sa kinauupuan niya.
"Good morning, Miss Cha," bati ko at hinanap ang upuan ni Ivan. Nagulat nga lang ako nang makita ko ang bag niya sa upuan na katabi ng akin.
Hindi ako nagpahalata kaya inilapag ko ang raketa at humarap na kay Miss Charina.
Competitive type si Miss Charina. Laging laman ng beauty contest at lagi ring nananalo sa mga sinasalihan niya. Kilala ko siya dahil bukod sa maliit lang naman ang Del Fuego ay naging student teacher namin siya nung high school. Kaya nga nang malaman kong dito rin siya nagtuturo, sobrang saya ko. Hindi lang kami nagkikita.
"Good morning Pauline. Kamusta?"
"Sakto lang, Miss." Umupo na 'ko sa upuan ko. "Pinatawag niyo raw po ako?"
"Oo. Gusto kitang isalang sa line-up ng Vocal Solo. Iyon na lang ang wala tayong contestant," hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Talagang determinado na si Miss Charina.
Napakamot ako ng batok. "Hindi naman ako kumakanta, Miss."
Tumaas ang kilay niya. "Nagkakalimutan na yata tayong naging judge ako ng sinalihan mong contest nung high school ka at kumanta ka doon. Kaya anong hindi kumakanta?"
Umawang ang labi ko at narinig ko ang asar ng mga kaklase kong hindi ko na raw malulusutan si Miss Charina. At mukhang tama nga sila.
"Pero matagal na po akong 'di kumakanta, Miss," katwiran ko.
Sumali lang naman ako sa contest na ganoon dati dahil katulad dito may duet 'yon. At si Jay ang ka-duet ko dati!
Pero ngayon? Huwag na lang.
"Sample naman diyan, Pauline!" sigaw ng kaklase ko na sinundan naman ng iba.
Ngiting tagumpay naman si Miss Charina habang nakakrus lang ang braso ni Bethany sa isang tabi. Halatang hindi gusto ang nangyayari.
"Sample raw. Dalian mo na. Diyan ka na sa harapan," utos ni Miss Charina na nawalan ako ng nagawa. Siyempre, sinunod ko siya.
Malakas silang nagpalakpakan kahit wala pa naman. Mga siraulo talaga.
"Anong kakantahin ko, Miss?"
"Kahit ano basta OPM."
OPM pa nga. Ang tagal ko nang hindi nakikinig ng musika eh.
Pero naalala ko si Jay . . . ang mga mata at ngiti niya. Kaya kahit hindi malaman ang gagawin ay pumikit ako at inisip siya nang mapalitan ng ibang imahe ang nasa isip ko.
Ang unang pagtatagpo ng mga mata . . . ang unang litratong kuha namjn ng magkasama.
Bakit si Ivan ang nakikita ko?
Pero dahil doon ay may naisip na akong kantahin.
"Sa hindi inaasahang . . . pagtatagpo ng mga mundo . . . may minsan lang na nagdugtong damang-dama na ang ugong nito . . ."
Dumilat ako at nakitang pumasok si Ivan kasama sina Megan sa classroom. Napatigil pa nga sila sa tawanan nang makita ang ginagawa ko sa loob. Gusto ko siyang tawanan dahil napahawak pa siya ng kamay sa labi niya at mukhang nagpipigil ng tawa.
"Ba't 'di papatulan ang pagsuyong nagkulang? Tayong umaasang hilaga't kanluran . . . ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo . . . ako ang sasagip sayo . . ."
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil hindi ko na maintindihan. Bakit siya ang nakikita ko? Bakit naaalala ko yung mga panahong inii-snob niya ako? Bakit imbes na si Jay ang isipin ko, siya ang parang sirang plakang gumagambala sa utak ko?
Bakit ikaw, Ivan?
Anong meron sayo?
"Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin? 'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo . . . Naririto ako't nakikinig sayo . . . oh . . . oh . . . oh . . ."
Sumasakit na ang puso ko. Nalilito na ako. Naalala ko yung mga panahong kapag kaming dalawa lang ay lumalakas ang pintig ng puso ko na hindi ko magawang kontrolin. Naalala ko yung mga panahong kapag hindi naman kami magkasamang dalawa ay parang wala akong pakialam.
Ano ba iyong mga iniiwasan ko? Ano ba iyong mga ipinangako ko sa sarili ko?
Si Jay, bakit hindi na siya pumapasok sa isip ko?
Bakit wala na 'kong maramdaman?
Nang dumilat ako ay muling nagtama ang mga paningin namin at para nitong pinana ang puso ko.
Dinig ko ang palakpakan ng mga kaklase ko at mga papuri ni Miss Charina pero isa lang ang umangat sa lahat . . . ang nakakabinging tibok ng puso ko.
Ngumiti siya sa akin at nag-thumbs up na parang may approval.
Napangiti na rin ako.
Gusto ko na ba siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top