Chapter 1

Dahil hindi naman pwedeng tumigil ang mundo ko nang ganoon lang kaya pinili kong magpatuloy. Ginawa ko ang plano ko at ginawa rin ni Jay ang mga plano niya kahit magkaibang eskwelahan na ang pinapasukan namin. Tumatawag-tawag pa rin kasi siya sa akin kahit nasa Manila na siya kaya alam ko ang mga bawat galaw niya.

"O, ano 'to? Trip na naman ba ako ng universe?" tanong ko sa mga kaibigan ko nang makapasok kami ng gymnasium.

Ang sakit sa mata ng mga magkasintahang nagkalat. Parang nananadya, e September palang naman. Sa February pa ang Valentines pero eto sila, napakasakit sa mata!

Tumawa si Cassia. "Tumigil ka, Pauline. Hindi ampalaya ang kinain natin kanina."

Nag-snort lang ako. Bumukod pala ako sa bahay at humanap ng dormitory na malapit sa school namin. Malayo kasi ang university na napili ko sa barrio ng Del Fuego kaya eto, nakilala ko ang mga friends ko slash classmates at kasamang magpaka-bitter sa mga magkasintahang ito — mali. Ako lang pala.

"Bakit ba kasi nauso ang love?"

"Ang random mo, teh," wika ni Arianne. "Siyempre, kung walang love, ano puro war na lang?"

"Pwede! Alam niyo bang puro basic self defense na ang pinapanood ko sa Facebook? 'Yon bang mga short clips ni Tao Tsuchiya, ang astig na babae," naiiling na wika ko.

"Tao Tsuchiya? Sino na naman ba 'yang kinaadikan mo?" takang tanong ni Cassia. "At saka, ayoko sa dugo, 'no. Ang weird no'n kapag lumalabas tayo ng bahay, e, puro danak ng dugo."

Naiisip ko palang, napapangiwi na 'ko. Ang weird nga.

"Artista sa Japan. Sikat ngayon sa series na Alice In Borderland pero matagal nang sikat 'yon," sagot ni Vera na inappear-an ko naman. Parehas kasi kaming adik sa mga Kdrama and Jdrama.

"Sorry, ASMR lang pinapanood ko," sabi ni Arianne.

"Same," segunda ni Cassia.

Nagkayayaan kaming tumambay rito sa gymnasium kasi ang boring sa classroom. Malapit na kasi ang intramurals kaya eto, nanonood na lang kami.

"Ayoko talaga ng public display of affection," biglang sabi ni Vera. "Kapag magkasama kami ni T, nilalayuan ko talaga siya."

"Same. Para kaming allergic ni Sef sa isa't isa kapag nasa public."

Inirapan ko naman si Cassia na halatang pinaririnig sa akin ang sinasabi niya.

"Kami naman ni Kin, sakto lang. Para lang naman kaming magbarkada, e."

Umingos na ako nang bumanat pa si Arianne. Nakuha nun ang atensyon nila na para bang hindi alam na existed ang katulad ko sa quadrong ito at ako lang ang walang partner . . . or at least, wala pa.

"Ikaw, Pau, trip niyo ba ng partner mo yung PDA?"

Blangko akong tumitig kay Vera. "Pasensya, ha? Pasensya kasi nag-e-exist yung tropa niyong walang ka-partner. Sana pala hindi niyo na ako naging kaibigan kasi wala naman akong ambag sa mundo."

Malakas silang nagtawanan dahil sa sinabi kong 'yon. Normal na lang sa amin ang ganoong biruan kaya ganoon na lang nila i-hurt ang feelings ko. Minsan, gusto kong sabihin na meron din ako, na-traffic lang. Pero ang totoo, 'di ko na talaga sure, baka naagaw na sa syudad 'yon.

"Sinabi sayong maghanap ka na, e. Para naman kahit papaano maranasan mong sumali sa usapan namin, 'di ba?" Nag-wiggle ang kilay ni Cassia.

"Hindi naman kasi nakakain ang boyfriend."

"Nakakain kaya, depende sa kung paanong paraan mo gusto," sagot ni Vera kaya muli kaming naghalakhakan. Wala talagang dull moments kapag kasama ko ang tatlong 'to.

"Nandito lang pala kayo. Walang tao sa classroom," bungad ni Quiroz kasama ang barkada nila at umupo sa tabi namin dito sa bench. Isa ito sa mga naikwento ko kay Jay nung minsan kaming nag-video call, na hindi lang circle of friends na random ang naging kaibigan ko kundi buong block namin.

"Hindi, Qui. Wala kami rito, frame lang namin 'to," sagot ko.

Inilingan lang ako ni Quiroz nang marinig ko ang boses ni Ivan, kaklase rin namin.

"Nakagat ko dila ko, sino nambabackstab sa akin dito?"

Para namang kabackstab-backstab ka, wika ko sa utak ko.

"Pau, diba may laro ka rin sa intramurals? 'Di ka pa nagpapractice?" tanong ni Meg kaya napapikit ako ng mata. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon?

"Wala akong raketa, e," sagot ko nang saktong nahagip ng mata ko sina Kola na naglalaro sa court. "Kola, pahiram raketa! Isang game lang!"

Pero ampuchang ama, tiningnan lang ako tas inignore na. Ganda ka?

"Aray ko naman, Pauline. 'Di na nga kajowa-jowa, 'di pa makakapaglaro," sabi ni Arianne kaya sinamaan ko ng tingin si Kola.

"May araw din sa akin 'yan." Napabaling ako kina Quiroz para sana magtanong kung may raketa sila nang mahagip ko ang tingin sa akin ni Ivan.

Actually, matagal ko nang napapansin yung mga ganung tingin pero hindi naman kami close at wala akong balak na makipaglapit sa kanya, so, deadma. Suplado kasi. Hindi ko makakalimutan kung paano ako nagiging friendly para lang maging kaibigan siya pero ilag. Kawalan ba siya? Hindi. So, bahala siya diyan.

"Tinitingin-tingin mo?" pagsusuplado niya.

Sa loob-loob ko, gusto ko na siyang chopchopin at ibitin patiwarik. Siya unang tumingin! Dukutin ko mata nito, e!

"Kasi may mata ko. Bakit bawal?"

Nakarinig ako ng pag-ingos sa mga barkada namin bago sumeryoso ang mukha niya at tumingin na lang sa harapan. Binulungan pa siya ng mga kaibigan niya sabay tatawa pero inignora na niya.

Ewan ko ba rito kay Ivan. Siya na lang talaga sa mga kaklase ko ang hindi ko kaclose. Hindi ko maintindihan ang drama niya. Nonetheless, hindi naman siya kawalan, so ayos na rin.

"Ivan, practice raw volleyball!" may tumawag sa kanya kaya pinanood namin ang pag-alis niya sa bench at pagsunod doon sa tumawag.

Bumuga ako ng hangin. Hindi ako nakahinga doon ah?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top