Chapter 8

This Chapter is dedicated to @SharonSalazar08!! ¡ Gracias por el seguimiento también! ¿lo siento si IM no es tan bueno hablando España palabras? ¿Creo que sí? Gracias de nuevo!

Chapter 8- Makeover

Habang Mapayapa akong kumain ay biglang may umepal sa Mapayapang kainan ko

"Ahhh Ate...Pumunta daw po kayo sa HM's Office" Sabi nya at nagmadaling umalis

Tsk! Hindi naman ako nangangagat...Umalis na??

Kinain ko naman ng mabilis ang pagkain ko...Yung mas mabilis pa kumain kina Luppy at Natsu XD!!

Tumayo naman agad ako at nagmadaling pumunta sa Office

Pagdating ko sa isang Rainbow na pinto na nakakaduling na balak ata akong i-hypnotised ay kumatok na ako rito

*Tok*Tok*Tok

"Pasok" sabi ni HM kaya pumasok agad ako

"Bakit nyo po ako pinatawag?" Tanong ko rito...Kasama nya rin ang Mga Prince and Princess

"Ano po iyon?" Mabilis na tanong ko..Gutom pa kasi ako...Kulang pa kaya yun sa akin!!! Hindi ko pa nga natikman ng maayos sa pagmamadali eii!!

WAIT!! PARANG ALAM KO NA!

"Lilipat ka na ng s--" pinutol ko naman ang sasabihin nya

Alam ko na kung ano ito -_- yehehehehhe

"Nay (Ne)"maikling sabi ko

(Nay/Ne - Yes) = Korea

"Alam mo naman ang--" pinutol ko nanaman ang sasabihin nya

"Opo. Lagi nyo pong pinapadala sa mga misyon ang mga Royal Sections" mabilis na sagot ko well...Everyone knows that

"At kailangan mo rin ng--" pinutol ko ulit ang sasabihin nya

"Ayaw ko ng Makeovers" Cold na sagot ko at halatang bored na bored na. Lahat kasi ng pupunta dapat sa Royalties Section ay nakaayos..Walang Sagabal na salamin..Mahahabang damit at Braces..Isang BIG NO yun sa kanila

Yung mga Prince and Princess nagpipigil ng tawa sa pagpuputol ko ng bawat salita ni HM...Maliban kay Prince Leo and Prince Raven. What do you expect?? Tatawa ang dalawang manhid na yan?? NEVER!!!

Nakilala ko nga pala yung mga prince dahil nagising ako nung gabi at nagkilalahan kami

"Arghh! Patapusin mo naman ako" nakangusong sabi nya Tsh parang bata

"Basta po...Ayaw ko ng Makeover" Sabi ko at Lalabas na sana ng nagsalita si Princess Jaymie

"Magpapaganda ka O Magma-makeover ka?" Sabi ni Jaymie na nakangisi pero sumimangot naman agad ito sa sagot ko

"Yung O" tipid kong sagot at lumabas na. Akala mo ha!

Naglalakad na ako papuntang Magiteria ng may sumigaw sa isip ko

'Bumalik ka rito Gia!!!!'

Ouch! Ang sakit! Sino ka ba ha???!!! Ikaw nanaman ba yan?!! Konsensya?!!!

'Basta bumalik ka rito!!'

Aaarghh! Bumalik ulit ako sa HM's office bago sumabog ang eardrums ko

"Aish!" Sigaw ko ng makapasok ako sa RDSNBAAH (Rainbow Door na sobrang nakakaduling na balak ata akong ihypnotize

"Ha? Sasabi mo?" Tanong ni Summer na nakataas ang kilay

"Nagsalita kasi Konsensya ko kani-kanina lang" paliwanag ko

"Pake ko" sabay nilang sabi maliban kay HM,Leo at Raven

Sinamaan ko ng tingin yung tatlo at nagpose ng Im watching you haha Trip ko lang

Yung itatapat mo sa mata mo at itatapat mo sa kanila. You know nanaman yun divah?!?!

Lumabas na muli ako ng may sumigaw nanaman sa isip ko

'Ano ba?! Bumalik ka rito!!'

Tsk! Magdusa ka dyan..At anong rito?? Nandito ka lang naman sa tabi ko ah??

'Basta. Babalik ka O Pupunta ka rito?'

Wala akong sinabi at Dinedma na lang yung nagsasalita kong isip or Whatsoever

'Hoy! Balik!!'

....

'Sabi ng bumalik ka e!'

.......

'Gusto mo sigurong mamatay na si Leo no?'

Tsk! Edi patayin mo! Kaya na nun ang sarili nya....Besides...San ka nakakita ng Konsensyang pumapatay

'Bahala ka papatayin ko na sya'

....

'May oras ka pang natitira'

....

'£€ťïəįłœ'

Bigla namang may lumitaw na dalawang Jackhead sa tapat ko na parang nagtataka kung bakit nandito

Tumingin sila sa akin at ngumisi

Tumakbo sila sa akin at pinaghahampas at suntok ako

Ako?...Wala lang...Hindi naman masakit, e. Mukhang nanghihina sila....Para lang akong Pinaghahampas ng Malambot na unan

Naglalakad lang ako na parang walang pake yung ibang estyudante nakatingin lang sa amin ng gulat

Aba! Isipin nyo or Imaginin nyo na may nakita kang babae sa hallway na naglalakad tapos pinagsusuntok pero walang pake? And No Reaction?

"Titigil kayo o Itong kamao ko ang magpapatigil sa inyo?" Cold kong tanong at humarap sa kanila

"Tsk! Hindi mo kami matatakot bata!" Sabi nya..

"þəłė¥øřťo" bulong ko at hinawakan silang dalawa. Nagteleport naman kami sa Field

"Dito tayo maglaban" sabi ko at naghanda na sa kanilang pagsugod

Naglabas sila ng darkball at ang gagawin ko ay walang kapangyarihan...Physical ang gagawin ko sa kanila...

Tapon lang sila ng Tapon at ako ay ilag lang ng ilag

Nung makarating ako ng sobrang bilis sa likod ng isang jackhead ay hinawakan ko sya sa ulo..Kinuha ko rin yung isa at hinawakan sa ulo...At pinaguntog sila na parang baso na icheneers

Na knock-out na sila kaya nagteleporting spell ulit ako papunta kay HM

*Tok*Tok*Tok

"Pasok" sagot ni HM

Binuksan ko yung doorknob at hinagis ang dalawang Jackhead

"Kyaaaaaa!" Sigaw ng mga prinsesa

"Waaaaa!" Sigaw ng mga prince maliban kay Leo at Raven

"Tsk...Cry Babies" sabi ko at sumandal sa pinto

"Paano mo napatay sila ng walang dugo?" Tanong ni Summer at sinusuri ang bangkay nung mga Jackheads

"Physical lang ang ginawa ko" cold kong sabi

"Hindi ba sila malakas?" Tanong ni Trevor

"Bakit ano ba sila?" Tanong ko

"Wala...Isang ordinaryong Jackhead lang" sabi ni Leo na ang talim ng titig sa akin

Nabaliw ata? Tss..What do i expect?? Normal sya?? I mean...Ordinary Immortal sya?? Dream on, Gia!

"Now!!" Sigaw ni HM na ikinakutob ko ng may mali. Aalis sana ako paalis sa kamatayang handa ng labanan ako ng biglang...

At nag labas sila ng Kapangyarihan...Napapikit ako

........

Pagkamulat ko nakita ko na lang na nakakulong ako sa isang Cage na samasama ang kapangyarihan nila kaya...Rainbow ito...

"Pwede ba? Nakakasawa na ang Kulay na rainbow kaya...Paltan nyo ng kulay ito" sabi ko at umupo

"Tsh" sabi ni Jaymie at ginawang itim ang Cage. Ayos pa ang itim sa rainbow tsh.

Bigla namang lumitaw ang mga Gamit pangbabae dito...May salamin,Makeup,dressingroom at iba pa...

Nakita kong nagteleport lahat ng Prinsesa dito at ang mga prince ay lumabas nagka-kurtina na ring nakaharang sa cage kaya hindi mo makikita ang Labas

May humawak sa Magkabila kong braso at Pinosesan gamit ang Mga Vines...

Hindi ako makapalag at makapagsalita...Sheet! Hindi ako makapagsalita at makagalaw pero humihinga...=_= Lol

Inupo nila ako at sinimulan naman ni Summer ayusin ang Buhok ko...Si Roselia ay Kumukuha ng aking damit...Si Jaymie naman ay Tutulungan si Ivy magmake-up sa akin

Waaaa! Gusto Ko ng Sumigaw!!

~Fast Forward~

Natapos na akong magbihis at lumabas ng Dressingroom...

Namangha naman sila

"Waaaa! Ang ganda mo!" Sabi ni Ivy. So panget ako dati ganun?? Eii kung patayin ko kaya kayo ng isa isa??

Nakakagalaw na ako pero hindi makapagsalita...kontrolado nga lang nila ang galaw ko... na ikinakainis ko

Lumabas na kami ng Cage at unti-unti na itong nawala

Nakakagalaw na ako...So nakakapagsalita na ako? Umupo lang ako sa Couch...

"Hindi ka lalabas?" Tanong ni Summer

"Ayoko" tipid na sagot ko

"Okay. Ang bango at ang lakas pa naman ng simoy ng Hangin..." sabi ni Ivy at umalis

Tumayo ako at nagcast ng spell..Bawal dito gumamit ng Magic..Pag kailangan lang...Pwede naman rin daw ang spell kaya ayun!

"þəłė¥øřťo" and in just a snap nasa room ko na ako

Ayoko pumuntang labas nakakahiya ang itsura ko...

Goodnight!!! ZZZzzzzz!!!!

After Gia's Makeover ↑↑↑↑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top