Chapter 43
Xia's POV
ilagay mo na lang dyan ang mga gamit ko, itali mo na rin baka hindi macontrol nina Ruster yung Van" sabi ko
"Ok na!" Sigaw nya sa taas ng Van. Oo "Eze nga pala nagaayos na kami ng gamit ngayon para sa Pagbalik namin sa S.A
"Aalis na ba tayo?" Biglang sulpot ni Leo na naka pantalon,polo, rubbershoes at shades. Habang ako naman ay nakapalda,boots,long sleeve na blue at sunglases.
"Game! Sinong katabi ko?!!" Tanong ko nagtaasan naman lahat ng kamay maliban kay Raven at Leo. Malamang leo ang magdri-drive e,
"Si Jay--" naputol ang sasabihin ko ng sumabat si Leo
"Si Raven na lang." Pagkasabi nyang yun ay pumunta na sya sa Driver's seat sumimangot na lang ako at umupo sa tabi ni raven na nasa tabi ni leo
Someone's POV
"Sir nalaman po namin na pabalik na sila sa S.A academy" sabi Grage
"Ahh Ganon ba? Ihanda mo ang gamit ko at dahil sasama ako sa kanila" sabi ko. Tumango naman si Grage
Tumayo ako at tumingin sa salamin dito sa building.
"Baka nakakalimutan mo na may BF ka pa? Anong nangyari sayo? Por que nalaman mo lang ang totoo iiwanan mo na agad ako?" Sabi ko habang nakatingin sa Baba
"Magpakasaya ka muna my Princess dahil magiging akin ka rin sa huli. Dahil ang akin ay akin lamang" sabi ko at ngumisi
"Ingatan mo ang sarili mo Trisha mamahalin pa kita" sabi ko
"Sir ayos na po lahat ng gamit nyo" sabi ng Grage
"Ihanda nyo ang sasakyan at ang Fake Info's ko. Paalis na tayo" sabi ko
Maghintay ka lang princess, babalik ako..
Xia's POV
"Ipasok mo na lang kasi!" Sigaw ko kay Raven habang nasa likod naman si Leo at natutulog lang
"Hindi nga kasi magkakasya!" Sigaw nya
"Abno! Magkakasya yan! Ipasok mo na!" Sigaw ko. Ayaw nya kasing ipasok yung sasakyan sa may puno hindi daw kasya e, kasya naman. Sayang ang oras!
Bigla kaming natigilan ng may narinig kaming hagikgik. Napalingon kami sa likod at nakita namin si Summer,Amber,Roselia,Ivy at Trevor na humahagikgik sa likod
"Oy! Ano yan?!! May nabubuo!!" Sigaw ni Summer at tumawa ng malakas kaya nagising ang iba namin kasama
"Ikaw kuya ah! Grabe ka! High school pa lang tayo! Walang ganyanan!" Sigaw ni Roselia at tumawa
"H-Hoy! A-Ano bang pinagsasabi n-nyo?!" Namumulang sabi ni Raven
"Bakit? Totoo naman ah! Pakingan nyo toh!" Sabi ni Roselia at may nilabas na recorder
"Ipasok mo na lang kasi!" Boses ko sa Recorder
"Hindi nga kasi magkakasya!" Sigaw naman ni Raven galing sa may tape recorder
"Abno! Magkakasya yan! Ipasok mo na!"
"Kitams? Deny pa more!!" Sigaw ni Amber
"Oy! Tigilan nyo nga yan! Pinapasok lamang namin yung Van sa puno at ito namang abno na ito sabi daw nya hindi kasya kaya ayun!" Pagpapaliwanag ko nag 'ahh' na lang sila at umupo na lang
***
Nandito na kami sa dorm gabi na nung makabalik kami. Syempre, Alam na ni HM na nakabalik na kami. Tulog pa rin ang mga estyudante ngayon kaya malaya kaming nakalakad sa hallway.
Its 5:54 am, 6:00 am ko sila ginigising at 7:00 ang pasukan. 5:00 ako nagising para makapagluto kaya ito gising na gising na ako. Habang yung iba nasa dorm nila
Pagkatapos kong magluto. Agad akong naligo at nagayos. Pumunta naman ako sa room ni Christine
"Hoy Christine! Gising na! Pagnalate ka bahala ka!" Sigaw ko agad naman syang napatayo sa pagkakahiga at niyakap ako
"Waaa Bumalik ka! Huhu! I miss you!" Sabi nya habang nakayakap sa akin at tumatalon
"Oo na lang. Pwede bang pagising doon sa dalawa? Aalis muna kasi ako e, may aasikasuhin lang" sabi ko sa kanya. Tumango naman agad sya at dali daling lumabas.
Umiling na lang ako at pumunta kay HM. Actually doon dapat muna ako kanina pero antok na antok na talaga ako kaya pinatulog muna ako nina HM sa Dorm. Sabi daw kasi nya may paguusapan daw kami. Ewan ko? Pero kinikilabutan ako ah!
Hindi ko namalayan na sa tapat na pala ako ng office ni HM. Agad naman akong kumatok
*tok*tok*tok
"Come in" sabi ni HM. Agad naman akong pumasok
"Aahh HM. Ano nga po ulit ang paguusapan natin?" Tanong ko
"Nasaan si Gia? Akala ko kasama nyo sya?? Please, nasaan sya? Sabi daw ni Leo na umuna na daw sya sa inyo" sabi ni HM. Bigla naman akong nanigas sa kinakatayuan ko
Luh?? Ano nang sasabihin ko? Waaa! Isip Xia! Isip!
"Ahh..umm..nag ano po..umm.." sabi ko at nagisip ng palusot
"Ano??" Tanong ni HM at lumapit sa akin
"Ahh nasa dorm ko po nakatambay" palusot ko at nagsmile
"Ahh pwede mo ba siyang papuntahin dito??" Tanong nya. Tumango naman ko
Lumabas ako nang dorm at pumunta sa room ko. Nagpalit naman ako ng anyong Gia. Dumeretso naman ako papunta sa pinto na malarainbow na nakakaduling
*tok*tok*tok
"Pasok!" Sigaw ni HM. Agad naman akong pumasok. Bigla namang may yumakap sa akin
"Gia..Im really sorry..Sorry kung napagbintangan kita dati..Sorry kung naniwala agad ako sa akala ni princess Trisha. Akala lang naman daw yun at tama sila, maraming namamatay sa akala at isa ka sa mga biktima doon" natawa ako sa sinabi ni HM at niyakap rin
"Para naman po akong nililibing na HM at nakikiramay ka..pinapatawad na kita HM..Pero tandaan nyo po na wag maniwala sa mga wala pang kasiguraduhan baka ikapahamak nyo po yan" sabi ko at hinagod ang likod ni HM napabitaw naman si HM at tumango
"HM babalik na po ako sa dorm sa Tabi na lang po ako ni Xia mas gusto ko po kasi doon" sabi ko tumango muli si HM. Agad akong lumabas ng Office at dumaan muna sa cafeteria dahil nagugutom na talaga ako ng may narinig akong bulungan i mean hiyawan siguro?? Pakinig ko e,
"Bumalik nabpala sya??"
"Saan ba sya galing? Buti bumalik na sya"
"Balita ko gurl naggawa sila ng movie with royalties sa Mortal world"
"Tss..tapos isang Jackhead pala ba't hindi kasi nila pinadetect sya sa detectors"
"Gia!!! Waaa!"
"We love you!!"
At marami pang iba. Bigla naman akong hinabol ng ibang estyudante karamihan ay lalaki. tumakbo naman agad akong dorm. Doon na lang ako kakain nakakasura sa labas.
Pagkapasok ko naabutan kong nandoon sina Christine na nagc-cp at as usual si Vandein na nanonood ng bago naming movie sa loptop nya at si Jennifer na nagba-bake nanaman -__-
"Waaa! Si Gia Zim M. Thompson nandito!!" Sigaw ng dalawang adik sa loptop at phone
"Lol. Dito muna ako magi-istay tatabihan ko si Xia matulog" sabi ko at pumunta na sa kwarto. Agad ko yung ni Lock at nagpalit anyong Xia. Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa ref. Para kumuha ng pagkain
"Uy! Xia patawag dun sa ate mo! Kakain na!" Sabi ni Jennifer habang patuloy akong kumukuha ng pagkain
"Sandali lang!" Sabi ko at nilagay sa bulsa ko at sa damit ko yung mga pagkain na dala ko. Dumeretso ako sa room ko. Nilagay ko muna ang mga pagkain sa kama at nagpalit nanaman ng anyo agad akong lumabas sa room
"Oh? Asan po si Ate Xia?" Tanong ni Jennifer
"Ang kakainin na lang daw nyang pagkain ay yung dala nya kanina" sabi ko. Tumango naman sila at kumain na
Hayst! Ang hirap namang magkadalawang anyo!! Paano na lang kaya pag nasama ko yung Trish?? Edi wala na?? Patay na ako??!! Ohh Noooo!!!!
L/N: sorry guys kung matagal mag UD si Lady A its just may unexpected kasing nangyayari kay Lady A ngayong taon kaya hindi sya makapag UD. Sorry guys ah!
Nga pala guys! Sa Wed. Na ang ash wednesday sa Feb. 15--este 14. At pag nagpacrus si Lady A may isusuko kang isang bagay. Mahirap pero kailangan gawin e, ang isasakripisyo ni Lady A ay ang CP nya waa! Alam kong masama magsabi sa iba ng iyong isusuko pero minsan kasi ayokong umaasa kayo na bukas magu-ud na agad si Lady A kaya inaanounce ko na lang. gusto nga sana ni Lady na dalawang update ang gawin nya ngayon pero hindi makayanan ni Utak ngayon. Kailangan muna kasi rin ni Lady A ngayon ng space sa isang pangyayari na hindi nanaman nya inaasahan at hinahanda ko pa ang sarili ko para sa sunod. Meron namang nasa draft ngayon si Lady A na isa pero nasakalagitnaan pa si Lady A kaya kailangan pa nyang tapusin pag natapos nya ito bukas ibig sabihin congrats kay utak pero kung hindi happy death anniversary utak haha! Sareh na guys kung hindi makakaud si Lady A hanggang 40 days huhu! Sareh!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top