Chapter 31
Chapter 31- Her what?
Xianne's POV
Agad akong pumunta sa room ni Jaycee ng SUPER FAST
"Hey! Jaycee! Wake up!" Sabi ko kay Jaymie at tinapik-tapik pa sya
"Bukas pa daw tayo papasok, Break muna tayo" inaantok na sabi nya
"Ouch! Break agad? Hindi pa nga tayo..Break na? Buti na lang meron akong Jowa incase" sabi ko at nagpout
"Tss...Sana magkameron ka!" Sigaw nya at nagtalukbong ng kumot
"Che! Ewan ko sayo! Sungit-Sungit" sabi ko at lumabas na ng kwarto. Makapunta nga munang Teien...
(Teien means Garden)
Nagteleport naman ako sa puno sa Teien. Tutulog na sana ako ng may nakita akong tatlong lalaking naguusap kaya ng invisible na muna ako
"Sa tingin mo nakatingin kaya sya sa atin" napatingin ako sa Mukha nila
O__O
Leo, Raven at Ruster??!!!! GINAGAWA NYUEEE???
"I miss her so much!" Sabi ni Raven habang nakatingin sa langit
"Kelan kaya sya magpaparamdam?" Tanong ni Leo at nakapikit habang nakatingala
"A-Anong magpaparamdam? Edi Multo na sya pag nagpakita?" Sabi ni Ruster
"Tol! Aminin mo nga sa amin..Bading ka ba? Bwaahahah!" Tanong ni Raven at tumawa ng kay lakas
"Ayaw ni Gia sa Bading! Hahah!" Sabi ni Leo. Natigilan ako ng marinig ko ang dati kong pangalan..GIA
-__- Ako pala pinaguusapan nila. Ang bait naman nila para alalahin pa ang dating ako
Iniba ko ang anyo ko, Ginawa ko yung anyo ko bilang Gia. Bakit may problema kayo?
Tinanggal ko na ang pagkakaInvisible ko at nakatingin lang ako sa kanila...Ng nakaupo sa puno
Napatingin sa akin si Ruster at parang iiyak na wala sa oras. Parang gusto nya akong batuhin ng Wind spear pero parang natatakot sya sa reaction ko
"Sheeett" Singhal nya at napagulong sa tabi ni Leo, Nakahiga kasi sila
"Hoy ano ba?! Akala mo naman nakakita ng multo...Bading!! May gusto ka saken noh?" Sigaw ni Leo at nilayo si Ruster sa tabi nya
"M-May multo!" Sigaw ni Ruster at itinuro ako
"Ulul sinong niloko mo?!!" Asar nya at binatukan ni Leo si Ruster at tumingin sa direksyon ko, Nanlaki ang mata nya at napatakbo silang lahat sa likod ng puno
"Waaaa! Gia wag!!!" Sigaw ni Raven nakataas ang kamay
"Hoy! Mga Bading!!" Sigaw ko
"G-Gia? Nagbalik ka!!" Sigaw ni Raven at niyakap ako nagteleport naman ako sa likod nya
"Don't hug me" sabi ko at umupo sa may malaking bato
"Gia...A-Are you a-a ghost?" Tanong ni Ruster, Ba't ba ako naging isang First love ng isang bading =__=
"No. Magiging normal na tao ang punishment ko sa sunod na buhay, Sa next week na birthday ko ay Magiging normal na tao na ako...Lunes na ngayon at sa linggo pa ang birthday ko..Magkaka-amnesia ako kapag naging normal na tao na ako, Pati si Jayce--I mean Jaymie..Nagiging normal na tao na rin sya. Pasabi na lang yan sa mga nakakakaalala pa sa akin...Salamat, Salamat at minahal nyo ako...Dadating ang kambal ko ngayon, Si Xianne Zein Thompson...Kaibiganin nyo...But you have an enemy...I think her name is Karen? Nagiging Fame sya dahil kina-kaibigan nyo sya..She wants to be fame kaya dikit sya ng dikit. Sorry kung masisira yung pagkakaibigan nyo dahil kay Karen..Bye" sabi ko at nagteleport na...
Raven's POV
"A-Ano daw? Sip-sip daw si Karen?" Sabi ni Ruster
"Hindi ko maintindihan ang gulo" Kamot batok kong sabi
"Mukhang tama nga si Gia, Napapansin ko nga sunod sya ng sunod sa atin at ayaw ni Amber sa kanya. pagaalis na si Karen sobrang saya ni Amber pero nung umalis si Gia nalungkot sya at umiyak...ayaw nyang maniwala, Siguro nabasa nya ang isip ni Karen kaya iba ang trato nya dito. Maganda ang trato nya kay Gia at Panget naman ang pagtrato nya kay Karen. Kahit tinatarayan nyan si Gia...Mabait sya sa kanya, Napapansin ko iyon. Pinagsisihan nya yung kay HM" Sabi ni Leo
"Pero yung Xianne daw? Yung sabi ni Gia...Magkamukha kaya sila?" Tanong ni Ruster nabatukan ko naman sya
"Malamang! Kaya nga Magkambal! Tanga tanga netohhh" sabi ko at inirapan sya. Hindi ako bading FYI
"May magkambal kayang hindi magkamukha" hindi ko na sya pinansin at tinitigan ang malaking batong inuupuan ni Gia kanina
"Pero bakit Thompson ang apelyido nya? Diba Mendoza si Gia?" Tanong ulit ni Ruster
"Malalaman natin yan pagnahanap na natin sya. Pwede natin sa kanya itanong, Tapos makikita naman natin sya bukas sa Levelling" sabi ko at ngumiti tumango naman sila
Xianne's POV
Pagkatapos kong kausapin yung tatlong abno na iyon nagpalit na ulit ako ng anyo at dumeretso na ako sa Kwarto ko...Hayyyy!!
Dapat pala hindi ko na lang yun ginawa, Dapat nag telepathy na lang ako sa kanila noh? Lalo lang gumulo yung pangyayari ng buhay ko
Makapagpractice nga sa Levelling, Nagteleport naman ako sa likod ng School
"When You Find Your Path Is Blocked, All You Have To Do Is Knocked"pagkasabi ko nun nagkapinto ang pader...Hmmm
Pumasok na ako, Ang luwag dito malamig rin sa loob
Naggawa ako ng Ice Sword at naggawa ng 500+ Dummies
Pinag hahati ko yung mga katawan nila hanggang sa isa na lang ang matira
Lumapit ito sa akin hahatiin ko sana ang katawan pero...Naputol yung Sword ko!!
Nilabas ko naman yung sword na ginagamit ko noong Gia pa lang ako
Pinugutan ko naman sya ng ulo at pinagsasasaksak sa tiyan
Pawis na pawis na ako, Lalabanan ko muna si Sofia
"The Guardian of all...Queen of the guardians, Guardian Sofia!!" Sigaw ko nakita ko naman si Sofia sa harap ko
"Oh? Kailangan mo?" Tanong nya habang inaayos ang mga kuko nya
"Laban tayu Guardian" sabi ko at nilabas ang dati kong sword sabay puppy eyes
"Sure" sabi nya at nagbato agad sa akin ng Shuriken. Umilag naman agad ako, This is exiting
Naggawa ako ng Snow Season at Snow Breeze. Nakita ko naman syang malapit ng lumuhod sa lamig, Pero naglabas sya ng Lava sword at itinusok sa lupa na may snow kaya naging lava ang iba at yung iba ay magma
No choice, Tumakbo ako ng nakatungtong sa magma at may sword na hawak na handang tumama sa kanya...Hindi yan mamamatay kasi ihe-heal ko naman sya agad
Tinusok ko naman ito sa puso nya, Napadaing naman sya sa sakit...Hineal ko naman agad sya
"Buti naman naisipan mo agad na i-heal agad ako" sabi nya habang namumutla pa
"Tss hindi naman yun malalim! Hmp damuutt mu po! Pwedeng magpahula?" Tanong ko at iniwala ang sword sa kamay ko
"Sure. Magaling ako jan" sabi nya at ngumiti
"Sino ang makakalaban ko bukas sa Ranking?" Tanong ko. Pagkatapos kasi ng Leveling may Ranking lahat ng nakakuha ng 90 pataas
"Nasa Royalties sya" sabi nya
"Sino?" Sabi ko
"Its For Me To Know And Its For You To Find Out" sabi nya at ngumiti
"Bilis na!! Hula lang naman yan eii!!" Pamimilit ko sa kanya
"Nahhh! Malay mo magkatotoo? Edi sinu-swerte ka?? Blehh!!" Sabay dila nya sa akin
"Isa pa!" Sabi ko
"Ano?" Sabi nya
"Anong mangyayari sa Future ko?" Tanong ko. Napapokerface naman sya
"Nanghuhula ako hindi Future teller pero nakikita kong.. There's danger.. May kailangang mawala to stop the war" sabi nya at nawala...WHUT?
Lumabas na ako doon at dumeretso na sa Dorm namin...Pero may nakabangga sa aking babae kaya napahiga ako sa sahig, Tiningnan naman nya ako
"S-Sorry po!" Pagpapaumanhin ko at yumuko
"G-Gia?" Tanong nya. Tiningnan ko naman ang buhok ko. Pink naman Anyong Xianne pa naman ako ah!
"Huh? Kilala mo po si Ate?" Tanong ko na ikinagulat nya
"K-Kapatid mo s-si G-Gia?" Hindi makapaniwalang tanong nya. Tumango na lang ako
"Xianne Zein Thompson po! Kapatid ni Ate Gia Zim Mendoza-Thompson" pagpapakilala ko at ngumiti. Napatulala nama sya
"Babye po!" Sabi ko at kinawayan sya. nagteleport naman agad ako sa dorm
Woooo! Muntik na siguro akong makilala ni Amber, Lalagyan ko na pala bukas ang name ko ng Mendoza..Baka magtaka sila hayzzzz!! Zzzzzzzzz!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top