Chapter 28
Chapter 28- Goodbye
Gia/Trisha's POV
"Unseal" bulong ko. Nandito ako ngayon sa gubat..Kung saan kami nina Leo pumasok dati
Pumasok na ako rito nasanay na ako kaya hindi na ako masyadong nahihilo hohoho!!
Pagbaba ko nakita ko agad ang gate ng Sparkler Academy
Time check: 6:00 pm
Pumasok agad ako doon at nagteleport sa isang malaking puno sa gilid non ang bintana ni HM kaya maaaring makita nya ako
Nakita ko sa periphal Vision (Sorry sa Spelling ^__^V) ko na napatingin dito si HM. Agad syang tumayo at nagmadaling bumaba papunta dito, Nagteleport ako sa baba ng puno doon sa may Bench
Nakita ko naman syang tatakbong papunta dito kaya tumayo na ako
"M-Mahal na prinsesa!" Sigaw nya at nagbow bilang paggalang. napatingin sa akin ang iba at nagsi-bow
"May gusto lang akong sabihin sa inyo..." mahinahong saad ko
Kailangan ko itong gawin. Bawal mainlove ang kuya ko sa akin kaya kailangan ko itong gawin. Pasensya na..
"A-Ano po iyon?" Naguguluhang tanong nya at halatang kinakabahan
"Papuntahin mo na dito ang Royalties bukas. Siguraduhin mong pupunta si Jaymie at Gia" sabi ko na ikinagulat nya
This is just the only way. Kailangang may mawala, Kailangang may magsakripisyo. That's life. Alam na ito ni Jaymie pumayag naman sya na may pagaanlinlangan syempre
"B-bakit po? Anong meron po kay Jaymie at Gia?" Tanong nya at kinabahan pa lalo. namamawis ma rin ang kamay nya base on my observation
Pinaliwanag ko sa kanya ang mga gawa-gawa kong pangyayari at kahit labag man sa kalooban kong may Mawala.. Kailangan ko itong gawin
Sorry...
***
Kinabukasan
Gia and Leo's Stepmom's House
8:00 AM
Haaay! Agad akong tumayo at dumeretso sa Banyo. Yehey! Wala na ako!! Agad akong naligo at bumaba na
Pero habang naglalakad ako pababa napapaisip ako sa mga consequences sa desisyon ko. I was so Selfish. Nakakatuwa pero may paghihinayang rin naman akong nararamdaman sa mangyayari
"Morning!" Masayang saad ko sa kanila kaya nagulat sila ngayon lang kasi ako bumati sa kanila ng masigla at masaya. Syempre dapat masaya ako at sila bago may mangyari
"Morning? Ganda ng mood mo ah?!" Sabi ni Trevor at parang nawirduhan sa akin
"Hehe..Wala! Wag nyo ng isipin" Sabi ko at ngumisi sa kanila ng nakakaloko. For once, Be yourself Gia!
Bumaba naman si Leo ng nakangiti at namumula pa ang mukha. Blooming pa ang gago, wala namang jowa
"Good morning!!" Masayang sigaw nya na ikinagulat namin
"Ano ba ngayon? Happy day ng mga cold?" Tanong ni Ivy At nilapag ang mga utensils sa lamesa
"Hindi ako na-inform" sabi ni Amber at pinaningkitan kami ng mata
"Hahaha! Wala masaya lang ako at hindi na ako torpe! Naka graduate na ako sa torpe academy!!" Sabi ni Leo at tumawa. AWKWARD
Kumain naman agad kami ng bumukas naman ang pinto ni Taba
"Good Morning Guys!" Masayang bati nya at nagfinger heart pa. Yucks mukhang manok na nagmo-motor tas nakafinger heart imaginin nyo na lang, wag kayong KJ
"Ano bang meron ngayon at ang saya nyong tatlo?" Tanong ni Ruster sa amin
"Hehe...Uuwi na daw kasi Tayo sa Sparkler Academy at nakita daw doon kagabi si Trisha!" Sabi ni Raven at tuwang tuwa na itinaas ang kanyang tinidor
"E, ikaw Gia? Bakit ang saya mo?" Tanong ni Eze at lumingon sa akin
"Ahhh kasi nung mga 8:00 pm nakausap ko si Trisha" sabi ko at ngumiti sa kanila
"Eh? Hindi mo kami tinawag?" Tanong ni Roselia habang tiningnan ako ng may pagdududa
"Kasi tulog na kayo" sabi ko at kumain na pagkatapos kong kumain ay dumeretso na agad kami sa Van. Umupo naman ako sa tabi ulit ni Leo
"Taba! Saan ka sasakay?" Masayang tanong ko kay taba
"Sa tabi mo na lang" nakangiting sabi nya. Yeah nakakapanibago diba?? Whooo
"Leo. Saan tayo dederetso? Sa Gubat na agad?" Tanong ni Amber
"Oo naman, Yes" sabi ni Leo at ini-start ang Van. Naging Cold muna ang Expression ko dahil ayoko munang ngumiti ngayon at pag masaya ako ay nababasa ni Leo ang isip ko
Okay, Sasabihin ko sa inyo ang plano ko... Hehhe
Pagpumunta na kaming lahat sa HM's Office tapos sasabihin yun ni HM yung sinabi ko sa kanya kagabi.
Tapos alam ko namang magagalit ang Royalties sa amin ni Jaymie kaya alam kong masasaktan kami at gagawa ako ng abo gamit ang kapangyarihan ko
Kunwari namatay na kami ni Jaymie pero dumeretso lang pala kami sa Mortal world. Gagawa muna ako doon ng sariling bahay gamit ang kapangyarihan ko, Babalik ako dito sa Fumetsu world after 5 months..Kailangan e, refresh na natin
Hindi ko namalayan na nandito na kami sa Gubat
"Hoy Taba! Raven Taba Gising!" Sigaw ko kaya nagising si Raven
"Kulang pa ako sa tulog e," Sabi nya at nagpout. Diba good mood sya? Di nakipagaway eh
"Ang sakit nga ng balikat ko sa kakahiga mo rito!" Sabi ko at nagpout rin. Last day nanaman sulitin na nila
"Waaa! Ang cute nyong dalawa!" Sabi ni Summer at pinisil ang pisngi namin
Binuksan naman ni Raven ang pinto at lumabas. Agad naman akong lumabas rin at dumeretso sa Rainbow na puno
"Hayy.. mamimiss ko ang 143..Sayang! Lalaban sana ako sa Debate" sabi ko at nagpout
"Ayus lang yan! Atleast naging masaya tayo dito!" Sabi ni Trevor at ngumiti rin
Pumasok naman agad kami sa puno nahilo lang ako ng kaunti pero nawala rin nung nasa gate na kami
Nagteleport na lang kami sa room ni HM.Hayst! Good bye na S.A. Mamimiss kita
Nagkatinginan kami ni Jaymie at ngumiti sa isa't isa goodluck smile kumbaga
*tok*tok*tok
"Get in" sabi sa loob kaya agad naman kaming pumasok
Ang sama ng tingin ni HM sa amin ni Jaymie lalo na sa akin. Shooting daggers at us Ey? Ramdam kong may nakamasid na daggers sa likod ko at naghihintay ng sunod kong galaw
"Oh? HM? Bakit ganyan kayo makatingin kina Jaymie?" Tanong ni Roselia at natatawa pa
"There are Jackheads" sabi ni HM at tumingin sa amin
"Wait what??" Tanong ni Leo na parang nagulat sa salitang lumabas sa bibig ni HM
"Sabi sa akin ni Trisha Isang Jackhead si Gia, Kasabwat nya si Jaymie" sabi ni HM at nangangaliti na sa galit
"I-is that t-true?" Tanong ni Raven at tumingin sa akin na parang gulat na hulat pa
"Yep, Ang totoo nilang katawan ay hawak namin Saktan mo kami at masasaktan sila" sabi ko at ngumiti ng nakakaloko. Goodbye na Gia! Im so...SO SORRY
"No! Kanina...kanina lang a-ang saya natin...T-Tapos...Hindi! Alam kong ikaw ang tunay!" Sabi ni Leo. Umiwas naman ako ng tingin at nagkunwaring guilty na guilty
"Im not..Im not the re--" naputol ang sasabihin ko ng Naghagis si Amber sa amin ng intimidate bomb. Pero na ilagan namin ito..Full trained kami ni Jaymie kaya hindi kami basta-basta magpapapatay agad dahil may last words pa kami
"We are not the real one" sabi ni Jaymie at biglang nagiba yung boses nya. Last thing i know may hiwa na yung braso nya which is kung nasaan yung Birthmark nya
"No! Kung hindi ikaw ang totoong Gia, Bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko sayo?!" Sabay na sigaw ni Leo,Raven at Ruster na ikinagulat ko...W-What?! Tanginang...
S
I
L
E
N
C
E
"H-Huh?" Tanong ko pagkatapos ng nakakabinging katahimikan. Fuck?!!!
"Your the real Gia and Jaymie Right?" Tanong ni Summer at lumuha na ng tuluyan
"N-No" sabay na sabi namin ni Jaymie at our confidence suddenly faded
"Hindi kayo jackheads! Alam ko ang aura nila!" Sigaw ni Ruster at nsgaakmang yumakap sa amin ng biglang nagkaProtective bubble sa paligid nya
Nakita kong nagtitimpi magbato ng Giant Rock ball si HM at parang lumalapit na yung dagger sa likod ko
"HM, Kung magtitimpi ka. Wag na...Ibato mo na lang, Salamat..Salamat Royalties sa kabaitan nyo sa amin" sabi ko nagbow naman kami ni Jaymie. Nakita kong may Giant Rock ball ng papunta rito kaya naggawa na agad ako ng Skyblue na abo at Black and white na abo bago umalis
Mamimiss ko kayo Royalties...;(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top